Big Boys Don't Cry (published...

By aLexisse_rOse

2.7M 51.4K 4.4K

Isang babae lang ang bukod tanging nakapagpaiyak kay Vince. But it was a long time ago. And he promised himse... More

Big Boys Don't Cry
Prologue:
Chapter One: It's Her!
Chapter Two: Fell For You
Chapter Three: The Lucky One
Chapter Four: Deceived
Chapter Five: Replaced
Chapter Six: She's Back
Chapter Seven: Reminds Me Of Her
Chapter Eight: First Love
Chapter Nine: The Past (Part One)
Chapter Eleven: The Past (Part Three)
Chapter Twelve: Innocent Curiousity
Chapter Thirteen: Bad Temper
Chapter Fourteen: Sleepyheads
Chapter Fifteen: Throw Back
Chapter Sixteen: Let Her Go
Chapter Seventeen: First Move
Chapter Eighteen: Last Day
Chapter Nineteen: She Cares
Chapter Twenty: Wake Up Call
Chapter Twenty One: First Date
Chapter Twenty Two: Unusual Date
Chapter Twenty Three: Consequence
Chapter Twenty Four: Beats For Her
Chapter Twenty Five: Maling Akala
Chapter Twenty Six: Wonderful Night
Chapter Twenty Seven: The Decision
Chapter Twenty Eight: Strange Feeling
Chapter Twenty Nine: Then and Now
Chapter Thirty: Impulsive Decision
Chapter Thirty One: Unsure Of Himself
Chapter Thirty Two: The Finale
EPILOGUE

Chapter Ten: The Past (Part Two)

76.8K 1.2K 116
By aLexisse_rOse


Chapter Ten: The Past (Part Two)


Mula sa pagkakasubsob sa hawak na libro, lihim na sinulyapan ni Valjean ang katabing binata. Kanina pa ito nakahiga sa damuhan at parang timang na pinanonood ang mga ulap sa kalangitan. Nangingiti pa loko. Imbes na mag-review para sa exam nila mamaya ay parelax-relax lang ito. Di bale sana kung nakapag-aral na ito kagabi. Pero duda siya na nagtutulog lang ito katulad ng madalas nitong ginagawa sa klase.

Naroon sila ngayon sa ilalim ng puno. Doon siya madalas tumambay sa tuwing nagse-self study siya. Pero paano naman siya makakapag-concentrate kung palagi na lang nasa tabi niya ang lalaking ito? Wala na itong ginawa kundi sundan at bantayan siya. Daig pa niya tuloy ang may sariling bodyguard.

Pagkatapos ng engkwentro niya sa grupo ni Melissa ay palagi nang nakabuntot sa kanya si Vince. Tinupad nito ang pangako na proprotektahan siya. Kahit tutol siya sa ginagawa nito ay naging mapilit pa rin ito. Hanggang sa hinayaan na lang niya ang binata. Naisip niya na magsasawa rin ito. Pero habang tumatagal ay mukhang nag-e-enjoy pa si Vince. Lalo na sa pang-iinis at pang-aasar sa kanya.

"Vayie." Tawag nito na hindi naman niya pinansin.

Ang totoo ay ayaw lang ni Valjean na salubungin ang mga mata ng binata. Nako-concious siya sa tuwing tinitignan siya nito. Dahil magmula nang magtapat ito na may gusto sa kanya ay nagsimula maapektuhan ang kanyang sistema.

"Bakit ako?" Naisipan minsan itanong ni Valjean kay Vince. Hindi pa rin siya makapaniwala na magkakagusto ito sa isang tulad niya.

"Bakit naman hindi ikaw?" Ganting tanong ng binata.

"Ang sama naman ng taste mo!"

"Do you think magkakagusto ako sa'yo kung hindi ka maganda? Choosy yata ako!"

Gusto isipin ni Valjean na baka ginu-goodtime lamang siya ni Vince. Ngunit mukhang seryoso sa kanya ang binata.

"Vayie." Muling tawag ni Vince at pumutol ito ng mahabang damo at pinaglaro sa mga binti niya.

"Vince, ano ba!" Tinapik niya ang kamay nito.

"Vayie, nagtatayuan ang mga balahibo mo, o!" Panunukso pa nito.

Muntikan na niya itong mahampas ng hawak na libro. Naging maagap naman ang binata at natatawa na lumayo sa kanya.

"Hindi ka lang suplada at masungit, sadista ka rin pala!"

Iniinis talaga siya ng lalaking ito!

"Hep!" Pigil ni Vince sa pagtangka niyang pagsugod. "Bakit ba ang ganda mo pa rin kahit nagagalit ka? Lalo lang tuloy akong tinatamaan sayo." Nakangisi na banat pa nito. The jerk is really cute. Iyon ang mas angkop na deskripsyon sa pagiging isip-bata nito. Ngunit kahit pa biro lang ang sinabi ng binata, para kay Valjean ay may hatid na kilig iyon sa puso niya.

"Vayie, hindi ka ba nagugutom? Kumain muna tayo." Sabi ni Vince habang nakasunod sa dalaga.

Tila walang narinig na nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Valjean. Hindi maipinta ang pagmumukha niya. Ganon na lamang ang pagsisintir niya dahil sa nakuhang marka sa pagsusulit. Hindi niya naabot ang kanyang tinatarget na score. Siguradong malalagot siya pag-uwi niya ng bahay.

"Okay lang yan, Vayie." anito at inakbayan siya. "Mataas pa rin naman ang nakuha mong score. Pagbutihan mo na lang sa susunod. Malay mo maka-perfect score ka na."

Mabilis na inaalis niya ang braso nito na nakapatong sa kanya at saka ito sinulyapan ng matalim. "Wala nang susunod. Periodical exam na kaya iyon."

Napakamot ng ulo ang binata. "Finals na ba iyon?"

Hindi malaman ng dalaga kung nagmamaang-maangan lang ito o talagang lutang lang ang isipan nito.

"Okay lang. Nakapasa naman ako." Nakangiti na sabi pa ni Vince.

"Nakapasa ka nga, mababa naman ang nakuha mong score." Balita niya ay ito ang nakakuha ng pinakababang score sa buong klase.

"At least nakapasa pa rin." Pagmamalaki pa nito at kinindatan siya.

"Ewan ko sayo!" Ismid niya at binilisan ang paglalakad.

Mabuti pa si Vince ay kuntento na nakapasa. Balewala rito kahit makakuha pa ito ng mababang marka sa pagsusulit. Palibhasa happy go lucky at anak mayaman.

Nahiling ni Valjean na sana ay katulad siya nito. Walang alalahanin at nag-e-enjoy lang sa pag-aaral. Ngunit hindi niya pwedeng gawin ang ginagawa nito. Hindi siya maaaring magpabaya sa pag-aaral. Malaki ang expectation sa kanya ng mga taong umaasa na makakatapos siya na may honor. Pero sa nakuha niyang score kanina sa pagsusulit, mukhang malabo na mangyari ang inaasam niya.

"Vayie, bilis!"

Nagulat na lang siya nang bigla siyang hawakan ni Vince sa kamay at hinila patakbo sa malapit na waiting shed. Umaambon na pala at unti-unti iyong lumalakas. They almost couldn't make it. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Paano na sila makakauwi nito?

Wala silang kibuan ng binata. Nakatayo silang dalawa sa magkabilang poste ng waiting shed. Tahimik na nakamasid sa maulan na kalangitan. Mukhang walang balak na huminto ang ulan at lalo pang lumakas iyon. Hiling ni Valjean na sana ay may mapadaan na tricycle nang makauwi na siya.

Napatingin siya kay Vince nang basta na lang nito inilapag ang knapsack sa semento. She couldn't describe the smile in his lips. Para kasi may gagawin ito na kalokohan. At sa magkamangha niya nang bigla na lang itong sumugod sa ulanan at parang bata na naligo.

"Vayie, tara!" Pagyayaya ng binata.

Mabilis siyang umiling at saka umatras nang humakbang ito patungo sa kanya.

"Vince!" Saway ni Valjean nang mahulaan ang tumatakbo sa isipan nito. Ngunit wala siyang nagawa nang basta na lang siyang hilahin ng binata sa ulanan. Noong una, gusto niyang magalit. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na nag-e-enjoy kasama ito.

Hindi na halos niya maalala kung kailan siya huling nakaligo at nakapaglaro sa ulan. Nang mga sandaling iyon ay nakalimutan niya ang kanyang mga alalahanin. Para siyang bumalik sa pagkabata. At gusto niyang magpasalamat kay Vince. Dahil dito ay naranasan niya na muling mag-enjoy.

Pag-uwi ni Valjean ay naghihintay sa pinto ang kanyang Lola Minerva. Hindi pa siya nakakahakbang papasok ng bahay ay sinalubong na agad siya nito ng sermon. Hindi dahil nagpakabasa siya sa ulan. Kundi dahil nakarating na rito ang tungkol sa nakuha niyang marka sa pagsusulit. Naunahan siya ng matabil niyang pinsan na nagkataon naman na schoolmate niya.

Dapat ay masanay na siya. Simula pagkabata ay masungit at istrikto na ang lola niya sa kanya. Lalo na nang mapilitan ang sariling ina na iwanan siya sa pangangalaga nito para magtrabaho sa malayong lugar. Wala na siyang ginawa kundi sundin ang lahat ng kagustuhan ng abuela. Ngunit tila balewala naman rito ang mga ginagawa niya. Ang pinagtataka lang ng dalaga kung bakit iba ang pagtrato nito sa kanya kaysa sa pinsan niyang lalaki, na di hamak na pasaway at walang hilig sa pag-aaral.

Pero siya na rin ang sumagot sa kanyang katanungan. Nadamay lang siya sa galit nito sa kay Mama. Hanggang ngayon kasi ay hindi nito matanggap ang maagang pag-aasawa ng nag-iisa nitong anak na babae. Iyon din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon apelyido pa rin ng kanyang ina ang ginagamit niya. Ayaw kasing pumayag ni Lola Minerva na magpakasal ang kanyang mga magulang.

"Konting tiis na lang anak at malapit ka na naming kunin ng Papa mo." Iyon ang madalas na sabihin sa kanya ng ina sa tuwing tatawagan siya nito sa cellphone. Kahit na kung minsan ay gusto na niyang magtampo sa mga ito, umaasa pa rin siya na isang araw ay makakapiling niyang muli ang mga magulang.

"Nanliligaw ba sayo ang Vince na iyon?" Tanong sa kanya ng pinsan si Bryan habang abala siya sa paghuhugas ng pinggan.

"Hindi no!" Sagot niya. "Bakit naman siya manliligaw sa isang tulad ko?"

"Siguraduhin mo lang, Valjean. Kundi malalagot ka kay Lola Minerva," banta nito bago siya tuluyang nilubayan.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at saka ito sinundan ng tingin. Hindi lingid sa kanya ang alitan nina Vince at Bryan. Minsan na rin kasing nagkasakitan ang mga ito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit niya iniiwasan noon si Vince.

"Cyrhel!" Halos um-echo ang boses ni Vince sa buong kabahayan. Nawawala ang kanyang wallet at walang ibang kukuha nyon kundi ang ten year old little sister niya.

Lahat ng maaring pagtaguan ng kapatid ay tinignan niya. Ultimo ilalim ng mesa at mga sofa ay sinilip din niya. Nasaan na kaya ang makulit na bulilit na iyon?

Palabas na siya ng living room nang maaktuhan niya na lumalabas ang kapatid mula sa likuran ng mga kurtina.

"Cyrhel!" Sigaw niya.

Napatalon ito sa gulat at nang makita siya ay bigla na lamang ito nagtatakbo palayo. Napilitan siyang habulin ang kapatid. Malapit na sana niya itong maabutan ngunit agad itong nakapagtago sa likuran ng kanilang ina.

"Mama, si Cyrhel kinuha ang wallet ko!" Sumbong ni Vince. Kung wala nga lang doon ang ina ay kanina pa nakatikim ng pektus sa kanya ang kapatid. Lagi na lang siyang nagpatriripan na kulitin nito.

"Cyrhel, ibalik mo ang wallet ng kuya mo," utos ni Mama. Sumunod naman ang kapatid at mabilis na inihagis iyon sa harapan niya. Ngunit nang tignan niya ang laman nyon ay wala na roon ang picture na matagal na niyang iniingatan.

"Mama, look. Siya ang syota ni Kuya Vince."

Bago pa mapigilan ni Vince si Cyrhel ay naipakita na nito sa kanilang ina ang hawak na picture.

"Ang bata naman yata ng girlfriend mo, Vince?" Kunot-noo na tanong ng kanyang ina habang nakatitig sa picture. "Kasing-edad lang yata siya ng kapatid mo."

Nahihiya na hinablot niya rito ang nasabing picture. "Bata pa kasi siya rito sa picture. Pero magkasing-edad kaming dalawa."

Nangingiti na tinitignan siya ng kanyang ina. "Kaklase mo ba siya? Huy... binata na ang baby ko."

"Ma!" Hindi na nakaiwas si Vince nang bigla siyang yakapin nito at halikan sa pisngi. Iyon ang madalas nitong gawin sa tuwing maglalambing sa kanya. Kahit malaki na siya ay bine-baby pa rin siya nito. Wala naman siyang magawa kundi magpaubaya.

Muli siyang napatitig sa hawak na litrato at hindi niya napigilan mapangiti. Iyon ang kaisa-isang larawan ni Valjean na mayroon siya. Kuha iyon sa birthday party ng kanyang kabarkada. Noon pa man ay may crush na siya rito. Ten years old pa lang siya noong una niya ito makita. Nabighani ang musmos niyang puso sa ka-cute-an nito.

Nang tumuntong sila ng high school ay saka lamang niya tuluyan nagpagtuuan ng pansin si Valjean. At habang nagdadalaga ay lalo itong gumaganda sa paningin niya. Kung ilang beses sinubukan ni Vince na pormahan ito. Ngunit madalas ay nauunahan siya ng mga kaibigan. Mabuti na lang at walang pinansin si Valjean kahit isa sa mga ito. Likas na suplada ang dalaga. Palibhasa nakatutok masyado sa pag-aaral. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya magawang makalapit dito. Aloof kasi ito sa mga lalaking katulad niya.

Ngunit ngayon ay nagkaroon siya ng pagkakataon na mapalapit kay Valjean. Ganon na lamang tuwa niya at nagpa-blow out siya sa barkada nang hindi alam ng mga ito ang dahilan. Sapat na sa kanya na pinapansin at kinakausap na siya nito. Alam niya na sa bandang huli ay makukuha niya ang loob nang mailap na dalaga.

Hindi mahagilap ni Vince si Valjean. Kanina pa siya nagpapaikot-ikot sa buong campus ngunit hindi niya ito makita. Ang sabi sa kanya ng kaklase nito ay pumasok naman daw ang dalaga. Nagpatuloy siya sa paghahanap hanggang sa matagpuan niya ito sa ilalim ng isang puno malapit sa chapel.

"Vayie!" Tawag niya at nagmamadaling na lumapit sa kinaroroonan nito. "Kanina pa kita hinahanap. Sabay na tayong kumain ng lunch."

Tumingala sa kanya si Valjean. "Hindi ka na sana nag-abalang hanapin ako," aniya sa matamlay na tinig.

Nagsalubong ang mga kilay ni Vince. "May sakit ka ba?" Tangkang hihipuin niya ang noo ni Valjean subalit mabilis itong nakaiwas.

"May problema ba?" Muli niyang tanong.

Hindi kumibo ang dalaga. Nanatili lang itong nakatingin sa malayo at bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

Hindi na lang siya nagtanong ulit at walang kibo na umupo sa tabi nito. There's something wrong with her. Sigurado si Vince sa bagay na iyon. Naninibago tuloy siya. Hindi siya sanay na makita itong malungkot. Although, hindi palangiti si Valjean. Alam naman niya kung kailan ito nasa mood, masungit at busy sa pagre-review.

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Valjean nang bigla siyang tumayo at hinila ito sa kamay.

"Magka-cutting classes tayo." Nakangiti na sagot niya.

"What?!"

"Huwag mong sabihin na aakyatin natin ang pader na iyan?"

Lumingon si Vince sa dalaga at ngumisi. "Don't worry, tutulungan naman kita."

Mabilis na umatras si Valjean. "Ayokong umakyat d'yan. At saka huwag mo nga akong isali sa kalokohan mo."

"Ano ka ba? Minsan sa buhay ng estudyante ay nagka-cutting classes. Isa iyon sa mga high lights ng high school life."

Mukhang nakumbinsi naman ni Vince ang dalaga nang hindi na ito kumibo habang nakatingala sa mataas na pader. Doon sila madalas umaakyat ng mga barkada sa tuwing may tatakasan sila na klase.

"Shall we?" Inilahad ni Vince ang kamay sa dalaga.

Iniabot ni Valjean ang kamay sa kanya. "Kapag ako nahulog, malalagot ka talaga sa akin, Iñigo!"

Isang malapad na ngiti ang isinukli niya rito.

"Vince!" Naroon ang takot ni Valjean nang tuluyan itong makasampa sa pader. Ang higpit nang hawak nito sa kamay niya na tila anumang oras ay mawawala siya.

"Relax. Hindi kita hahayaan na mahulog," sabi niya habang hawak sa kabilang kamay ang pares ng sapatos ng dalaga. Doon lamang siya binitiwan nito. Nauna siyang tumalon sa kabilang panig ng pader. Bago niya alalayan si Valejean ay isinuot na muna niya sa mga paa ang sapatos nito.

"Ready?" Tanong niya habang nakatingala rito. Tumango ang dalaga at inalalayan niya ito sa mga baywang. At dahil hindi napaghandaan ang bigat nito ay sumubsob ito sa kanya. Natagpuan na lang nila ang mga sarili na magkayakap.

They both frozed. At nakatitig sa bawat isa.

"Hoy! Saan kayo pupunta?"

Sabay silang lumingon sa malaking mama na patungo sa direksyon nila.

"Patay! Si Manong guard!"

"Anong gagawin natin, Vince?"

"Eh di, tumakbo."

"Huh?"

At bago pa makahuma si Valjean ay hila-hila na siya palayo ng binata.

Continue Reading

You'll Also Like

42.4K 791 34
"I think you should go." "Can't handle the truth princess?" "No, I can't handle your lies." "The clock doesn't lie darlin, you've said it yourself." ...
38.2K 447 17
It's rare if u see smut. There's no brady hepner one shots on here I'm not very comfortable making them for the actor, sorry!! also in nsfw chapters...
2.8M 62.1K 81
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...
78.5K 2.3K 17
In which two doctors fall for each other (Grey's anatomy) (Derek Shepherd x OC) (S. 1 - 11) BEST RANKINGS AMELIA SHEPHERD 1# (10.02.23) MARK SLOA...