The Drifter [COMPLETED]

By TheCatWhoDoesntMeow

407K 13.1K 867

Walong taon na ang nakalipas nang iwan ni Helena ang buhay na para sa mga kababalaghan. Natapos ang kalayaang... More

Teaser
Chapter 1: Wake up, Helena
Chapter 2: Drift
Chapter 3 : The parcel from the dead
Chapter 4: The thief
Chapter 6 : Prelude of the dark days
Chapter 7 : Drift Partners
Chapter 8: Out of time
Chapter 9 : Out of Luck
Chapter 10 : Ritual of the Fire
Chapter 11 : The beginning of the Sin
Chapter 12 : The body that cannot be Killed
Chapter 13 : Severed Ties
Epilogue
Writer's Page

Chapter 5: The red threads

19.3K 710 45
By TheCatWhoDoesntMeow

POLICE LINE. DO NOT CROSS.

Nakabakod ang kulay dilaw na linya sa pagitan ng madugong senaryo at ng mga usisero na biglang naipon doon. Tirik ang araw. Umuusok sa init ang highway. At panay ang bulungan ng mga taong nag-uusisa sa nilalangaw na bangkay.

Mabilis ang naging kilos ni West nang makitang wala ang katawan ni Amanda sa kabaong na sakay ng karo. Agad nitong hinatak pabalik sa sasakyan si Helena at hinanap ang tungkod ng Siete Virtudes.

"You cannot be seen. As far as everybody knows, you are locked up in a prison," ani West.

Habang nagsasalita ay mabilis nitong ini-adjust ang inupuan niya. Pinahid nito ang bakas ng dugo niya sa dashboard gamit ang laylayan ng suot na t-shirt. Pagkatapos ay iniabot nito ang shoulder bag niya at ang Siete Virtudes.

Bago pa magkaroon ng tao roon dulot ng pag-alingawngaw ng sirena ng paparating na pulis ay may tagabulag na siya.

At ilang minuto nang kampanteng naghihintay si West nang dumating sina Ninong Ben at Sergeant Cenzo. Siya naman ay nanatiling nakatayo malapit sa lalaki at nanonood sa lahat ng nagaganap.

"Ayos ka lang ba, West?" usisa ni Ninong Ben dito.

Tango lang ang sagot ng lalaki. Nakaupo ito sa bungad ng ambulansiya na kasabay na dumating nina Ninong Ben. Nilalapatan ng lunas ang sugat at pasa nito.

"What are we going to do, Ninong?" tanong nito na ang mata ay ibinaling kay Sergeant Cenzo.

Si Sergeant Romano Cenzo ay isang matikas na lalaki na nasa edad apatnapu hanggang apatnapu't lima. Pero mas mukha itong matanda sa edad nito dahil sa mga puting buhok na ayaw pasayaran ng tina. Lagi itong seryoso tulad ngayong kumukuha ito ng testimonya sa mga naroong tao. Wala itong alam sa mga abilidad na mayroon sila.

"Don't worry, West. All signs clearly tell us that the victim shot himself. At sinuri ko ang mga tao kanina. Wala sa kanilang nakakita na hinahabol ninyo ang biktima," anito.

"He shot himself twice, Ninong."

Bumuntong-hininga si Ninong Ben. Pagdating pa lang nito sa lugar na iyon ay agad nitong nakita ang mga pangyayari gamit ang abilidad nito.

"That's not what I'm worried about," anito. "Before he shot himself, he clearly said the words 'Ave Regina'."

"All hail our queen." Kunot-noo si West. "I vaguely heard it, too."

"Yes. And, those shots were fired to make sure he will really die. His eyes were blank when he drove. And his thoughts... too focused."

"Then, is he...being controlled?"

"He was dying, West. I saw signs of cancer like the man who rented the resthouse. I found out a while ago that Ferdie Ramos was dying with lung cancer. And this man, Arnold Torres was dying with colon cancer."

"Body snatching, then."

Papalit-palit ang tingin niya sa dalawang nag-uusap. Wala siyang masundan sa pinag-uusapan ng mga ito.

"Yes. They were very vulnerable. When you already know you are dying and you somehow lost the will to live your remaining days, it will be easy to cast you out of your body and snatch it. Or, make you a henchman."

"Of the queen. Gaya ng huling sinabi ng receptionist," pagdidiin ni West na sumulyap sa gawi niya.

Napasinghap siya. Body snatching. Again. Thinking about it pained her heart slowly. Something seems to make sense inside her head pero hindi niya masiguro.

"How about Amanda's body, Ninong? Did you see how they make it disappear?" usisa pa rin ni West.

Umiling-iling ang tinanong. Madilim ang mukha nito.

"The body was not there to begin with, West. The chase was a diversion. Whoever stole it from us planned things well. Marahil kung pupunta ako sa morge ay malalaman natin kung paano nila ito kinuha."

Matapos ang mga huling kataga ni Ninong Ben ay lumapit si Sergeant Cenzo sa mga ito. Maasim ang mukha nito, tanda ng hindi paborableng takbo ng testimonya ng mga usisero.

"Walang nakakita kung ano talaga ang nangyari. Basta raw nakarinig sila ng putok ng baril. May housing project sa di kalayuan at majority ng mga nakatambay dito ay galing pa roon." Namaywang ito bago, "Maari mo bang sabihin kung paano ka nasangkot sa biktima?"

Napatingin siya kay West. Ano ang sasabihin nito?

"I'm not really involved, Sergeant. I was driving on the way to our resthouse in Tanay when this vehicle overtook mine. I was surprised when the passenger cut my way and pulled a gun on me. Luckily, I stepped on the brake on time as evident on my wounds. I ducked on my seat thinking I was going to get shot but after the gunshot faded out, I checked to see that the man was dead. I don't have any idea on how I would be involved except that I am really unlucky."

Direktang nakatingin si West kay Sergeant Cenzo at walang maririnig na pangingimi sa mga sinabi nito.

Gayunpaman, kunot pa rin ang noo ng Sarhento at matamang nakatingin sa lalaki. Saka kay Ninong Ben naman ito tumingin. Tuwid na sinalubong ni Ninong Ben ang mga mata nito.

"Kung ganun ay hindi mo nakikilala ang biktima?" baling uli nito kay West.

"No. I don't think so."

Kunot pa rin ang noo na tumingin ito sa malayo bago bumuntong-hininga.

"Can I go after this?" tanong ni West. "My grandfather is waiting for me at the resthouse."

"Clearly, this is a case of suicide, Sergeant. This guy happened to be dragged into this," sabad ni Ninong Ben.

Tumango-tango si Sarhento.

Nananatili siyang nakatayo sa tabi ni West nang may mapansin sa bangkay. Maingat ang kilos na lumapit siya roon at sinuri ito.

Sa kanang kamay ng lalaki, sa hintuturo nito, habang hawak pa rin ang gatilyo ng ginamit na baril ay may nakataling pulang sinulid.

A red thread. She vaguely remembered something, no, someone. Someone who loves using a red thread in rituals.

"This thread is me. You see, when I pour my life force on it, it feels like I can control it. I can make things move. I can see where people are hiding. You wanna try, Helena? Shall I tie you with my thread?"

The girl smiled sweetly. Many times, she let her tie a thread in her pinky. That way, the girl will always know where she is and they can always play. They giggled watching frogs dance, dolls walked and doors shut. They made pranks especially on Halloween.

Napahawak siya sa dibdib. Lumingon siya kay West. Nakatingin din ito sa kanya. And if she looked at him more, if their eyes met for a fairly second, he will surely read her mind. Binawi niya ang tingin.

This is something she must discover first. Kailangan niyang malaman kung may basehan ang iniisip niya laban sa taong nasa alaala niya. There is no way she will make the same mistake she did eight years ago. No one will have to die again because of her.

Absorbed in her own thoughts, she felt a sharp pain in her chest and fainted.

At the same time, sa labas ng Quezon City jail kung saan naka-park ang isang itim na sasakyan...

"The plan failed. We didn't get her. I'm sorry," saad ng boses na nasa kabilang linya.

"Then I will proceed with Plan B. We cannot give the enemy the upperhand," sagot naman ng lalaking may suot na sombrero.

"Please be very careful. You only have a few minutes to do it."

"I will, Uncle," anito bago ibinaba ang linya.

Bumuntong-hininga ang lalaki. It has been years mula ng huli niyang gawin ang ganitong bagay; ang lumusot patungo sa isang pampublikong lugar nang hindi napapansin.

"Well. Let's get this over with."

He tossed a coin in the air. The coin normally got thrown upward but slowed dramatically on its way down.

Then he exited the car. Tumuloy siya sa loob ng building.

Madaling pumasok sa loob ng anumang lugar lalo na kung nakatigil ang mga tao. He normally walked his way inside the building to the prisoner's cell. Ang target niya ay nasa presinto ng mga babae. He passed several cells and turned several corners. Maaksyon pa rin ang pagkakatigil ng mga nagtatawanang bantay.

"Oh, keys," aniya. Malapit na siya sa target na kulungan. Kailangan niya ng susi para ilabas si Helena.

Lumapit siya sa warden na nakatayo sa harap ng isang bulletin board. Malaking babae ito at nakanganga habang may chicklet na nakalabas ng kaunti sa tagiliran ng nakangiwing bibig. Kinapkapan niya. Wala ang susi. Dumeritso siya sa table malapit dito at bago nagbukas ng drawers ay nagsuot ng gloves.

"We can't risk fingerprints, can we?" aniya. Binuksan niya ang drawer at kinuha ang susi na naroon. Saka dumiretso sa sadya sa kulungan.

"I'm here for you. You need to escape," aniya sa babaeng nakatingin lang sa kanya.

"You came at the wrong time." Kunot ang noo ng babae. Mariing magkalapat ang mga labi.

"What do you mean? I came just in time to get you. I heard the other you and West didn't get the body."

Lalong dumilim ang mukha ni Helena.

May sumipol mula sa likuran. Bago pa siya nakalingon ay may humampas na sa leeg niya. Tumilapon ang hawak niyang susi. Bumagsak siya sa tagiliran at pikit ang isang mata na sinulyapan ang bagong dating.

"She means me," sabi ng bagong dating na lalaki. Nakataas pa nang bahagya ang kaliwang paa nito na isinipa sa kanya, "She means it was wrong for you to open the gates for me. I surely cannot pass the guards without you. After all, I cannot freeze the time like you. Or West. Di ba, Helena?"

Nilingon nito ang babae sa selda. Helena gritted her teeth.

"So, you came for me," anito.

"Of course. The silver cord and Amanda alone wouldn't do without you. We need you. Badly." Nakakaloko itong ngumiti sa kausap habang dinadampot ang susi na tumilapon malapit dito.

"And how do you plan to take me away? We only have a few minutes before being seen," sabi pa ng babae. Sumulyap ito sa mga nasa paligid. Unti-unti nang nagkakaroon ng paggalaw ang mga nakatigil.

Nakangiti lang ang tinanong habang binubuksan nito ang selda.

"I don't plan to just take you away," anito nang makapasok sa loob. Sa suot na pantalon ay kinuha nito ang isang balaraw.

"I'm here..." patuloy pa nito habang nagtatali ng pulang sinulid sa patalim, "to kill you."

After a few minutes, sa gitna ng nagtatawanang bantay at tila naalimpungatang inmates, umalingawngaw ang isang sigaw mula sa loob ng nakakandadong selda.

Mabilis na naalerto ang lahat.

Somebody got killed.

Helena's dead.#

Continue Reading

You'll Also Like

46.5K 2.3K 66
It's amazing how you can hide so many emotions behind a smile. ~~ Book cover was made by mintexprezz in their Milky Graphics Shop. Thank you!
615 222 55
[COMPLETED] Those who wronged her must fall alongside with this town that is bound to reach it's dawn.
4.5M 131K 45
Kingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]