K-High (Korosu High) Under Re...

By JuneauXVII

7.6M 260K 36.3K

A school where killing is the only way for students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Da... More

DISCLAIMER
I: Korosu High
II: Sergeant at Arms
III: Campus
IV: Hell's Scythe
V: Run
VI: Elites of K-High
VII: Love is a Sin
VIII: Secret Meeting
IX: Secrets and Safe Zones
X: Coincidences
XI: Territory Manager
XII: Angels in Hell
XIII: Rulebreakers
XIV: Purgatory
XV: President's Cat
XVI: Good Samaritan
XVII: Monsters
XVIII: A Pack of Chocolate
XIX: Shared Secret
XX: Fire Exit
XXI: The Secretary's Trump Card
XXII: The President
XXIII: The President's Other Side
XXIV: VIP Treatment
XXV: Canary's Fury
XXVI: Graduation
XXVII: Chess Pieces
XXVIII: Knight of Death
XXIX: The King's Role
XXX: Truth or Lie?
XXXI: Checkmate
XXXII: A Threat
XXXIII: Love's a Battlefield
XXXIV: Those Who Conquered Death
K-High's System Explained
XXXV: Kill Break
XXXVI: Kill Break Finale
XXXVII: Last Dance
XXXVIII: Bloody Red
XXXIX: King's Reward
XL: The Girl Who Won't Cry Wolf
XLI: Hide And Die
XLII: The Fallen
XLIII: The Real Face of Betrayal
XLIV: Sweet Hany
XLVI: Death Threats Are My Love Letters
XLVII: How to Survive
XLVIII: The New Student Council Secretary
XLIX: Selfishness And Change
L: Another Has Fallen
LI: Bloodlust Baby
LII: Broken
LIII: Sugar With Spice
LIV: Mark
LV: The Witnesses
LVI: The Detective
LVII: The Culprit
LVIII: Beautiful Chaos
LIX: MIA
LX: Under New Rule
LXI: True Friendship
LXII: Lover's Spat
LXIII: Gamble
LXIV: Strike Corps
LXV: Unlimited Possibilities
LXVI: The Heir
LXVII: Grief
LXVIII: Solution
LXIX: Till I Tasted You
LXX: The Calm Before The Storm
LXXI: A Great Sacrifice
LXXII: Emilio Aguinaldo
LXXIII: Black And White
LXXIV: Karma Is A Bitch
LXXV: Darkness
LXXVI: The Demon And The Angel
Epilogue
Side Story
K-High's Book II

XLV: Bloodlust's New Queen

84.2K 2.7K 249
By JuneauXVII

Chapter XLV
Bloodlust's New Queen



Janina



Nakarinig ako ng ilang katok na sinundan ng boses ng territory manager ng Bloodlust. “Janina, nand'yan na sa baba ang bagong captain natin.”




Wala sa sarili akong napaisip, na nahimasmasan lang nang makarinig ng mga yabag palayo. Nang lapitan at buksan ko ang pinto, namataan kong pababa na si Cielo na siyang tumawag sa 'kin. Sumunod na lang ako.




Pagdating sa dorm hall, halos natipon na ang lahat ng miyembro ng faction namin. Most don't seem happy with the idea of having a new captain. Kahit ako, hindi palagay sa mga pwedeng mangyari dahil sa biglaang pagbabagong 'to.




“Hi, guys,” nakangiting bati ng babaeng nakatayo sa unahan; si Eunice Ferrer.





Karamihan sa 'min, hindi gusto ang ginawa niyang pagpatay sa dati naming captain at litaw na litaw 'yon.





“I like how intense you guys are looking at me.” Direkta niyang sinalubong ang mga tinging nang-uusig sa kanya. “Ganyang mga mata ang kailangan ko.”






“Walang pwedeng pumalit sa captain namin!”





“Hindi ka namin tatanggapin!”





Imbes na mabagabag sa naging reaksyon ng mga kasama ko, lalo pang lumapad ang ngiti sa mga labi niya. Totoo nga ang mga kuwento tungkol sa kanya.





Eunice Ferrer really is eccentric.





“Alright, kung sa tingin n'yo hindi ako karapat-dapat na pumalit sa dating captain n'yo, come and kill me.”





Bukod sa nagkatinginan ang ilan sa narinig ay napuno kami ng pagkagulat.





“Don't hesitate.” Taas noo niyang iginala ang mga mata. “Hindi magtatagal, buburahin ko sa sistema n'yo ang hesistasyon.”





I felt a chill from her words. Para bang kayang-kaya niya ngang baguhin ang lahat ng nasa harap niya.




“C'mon, I haven't even signed the captain's pledge yet,” dagdag pangungumbinsi niya pa. “I'm a Hell's Scythe in enemy territory.”




Napansin ko ang madiin na pagkuyom ng katabi ko sa sariling kamao bago naglabas ng patalim at walang sabi-sabing sumugod. It was Cielo.




Iniunday niya ang hawak na walang anumang nailagan ni Eunice saka siya nito sinipa sa sikmura bilang ganti. Napaatras ng ilang hakbang si Cielo habang  sa likuran niya'y, may ilang papasugod na rin.




Wala akong nakitang ibang reaksyon sa mukha ni Eunice kundi tuwa. Tuwang naghahatid ng kaba.





Mabilis siyang lumuhod sa sahig at isinipa paikot ang paa na tumalisod at nakapagpatumba sa lahat ng paparating sana. Mag-isang natirang nakatayo si Cielo na umatake uli hawak pa rin ang patalim niya. Pero iglap lang, nahuli ni Eunice ang kamay nito at pinilipit 'yon patalikod. Ang punyal na kanina lang ay hawak ni Cielo, nakatutok na sa leeg niya ngayon.





Para akong nanood ng isang pelikula dahil sa nasaksihang kalkuladong galaw ni Eunice. Eunice is not ordinary even by K-High standards. She didn't kill Yasmin by luck, she did it with pure skills.




“M-magaling siya.”





“H-hindi natin siya kaya.”





Kumpirmasyon ang bulungang 'yon ng pagsuko ng mga kasama ko. Sa kabuuan, wala sa sampu ang naglakas loob na umatake kanina.




Tahimik na binitiwan ni Eunice si Cielo saka pinaikot sa kamay ang patalim na hawak para maiharap sa lalaki ang puluhan. She offered him his knife back. Walang salita namang kinuha ng territory manager namin 'yon.






“I can clearly see the expression of failure in your faces. Giving up is the second thing I will make you all forget.”





Sa bawat pagbuka ng bibig niya, lumalala ang nararamdaman kong pangamba.





“Surrendering means giving your enemy the right to kill you.”





Tinamaan ng pahaging na 'yon ang karamihan. Tuluyan nang nakuha ni Eunice ang atensyon ng lahat. Napalitan ng pagtataka ang mga bigo at ka awa-awang mukha ng mga ka-faction ko.





“There are four known facts in K-High: Hell's Scythe being the strongest, Death Gods being the fiercest, Silent Killers being the stealthiest, and finally, Bloodlust being the weakest.” Pagbibigay diin niya na parang gusto niyang isaksak sa mga isip namin.





“A-ano'ng magagawa namin, talagang malalakas sila,” halos pabulong na sagot ng isang babaeng nasa sulok.





“Wrong! It's because they don't fear death. Bloodlust isn't really weak. Kulang lang kayo sa tigas. You were too spoiled and pampered by your former captain.”




Lalong nabalot ng katahimikan ang buong dorm hall.





What she said was true. We were playing too safe. Hindi ako pabor sa pagpatay. Gaya ng sinabi ko noon sa Kill Off kay Auriel at sa iba pa, wala pa 'kong pinapatay. Hindi rin ako itinulak na pumatay ng captain. Ni isa sa 'min, hindi niya pinilit pumatay. She just asked us to protect ourselves and survive K-High any way possible. Yasmin was not a bad captain.




“Let me ask everyone here, do you have the desire to surpass them?”





Ang kanina pang mga nakayuko kong kasama ay nag-angat ng tingin at bumaling sa kanya.





“Do you know how it feels to be feared?” Ang ngiti sa mga labi ni Eunice Ferrer ay malinaw na ipinararating ang gusto niyang mangyari. “Or rather, do you want to be feared?”





“H-how?” hindi ko napigil na itanong.





“Janina Locsin, right?” aniya na nakapagpatindig sa balahibo ko. “Bloodlust's King from the recent Kill Off, which is now in rank 16.” She knows who I am.





Gusto kong kontrahin ang sinabi niya. Hindi ko ginusto ang mapasama sa ranking. Pero walang boses na lumabas sa lalamunan ko. Siguradong ganito rin ang nararamdaman ni Auriel na siyang rank 18 na.




“You've seen what I did.” Malamang ang tinutukoy niya ay ang pagpatay niya kay Yasmin. “And frankly, I can do more,” dugtong niyang puno ng kumpyansa bago iginala ang paningin sa lahat. “With me, none of you will be the victims anymore. You won't be sacrificial lambs, but ferocious wolves. No more cowering in the dark!”






Iyon lang ang isinagot niya pero nagawa nitong baguhin ang ihip ng hangin sa buong dormitoryo ng Bloodlust. We're fully aware of what she's capable of. Binuhay ng mga salita niya ang natutulog na pagnanasa ng mga kasama kong gustong umangat. Who wouldn't want to be the hunter instead of being the hunted?





“You will all be the true definition of Bloodlust!”





Tuluyan ko nang nalukot ang dulo ng uniporme kong kanina ko pa hawak. What I'm hearing is not good. What I'm hearing is terrifying me to the bones.





“Bloodlust will be the strongest!” sigaw ng isa sa 'min na agad kong nilingon.




It sounded so awkward at first. Hanggang sa mahinang sumabay ang iba sa paulit-ulit na sinasabi nito. Kalaunan, lumakas na ang mga boses nila na puno ng pagnanais na magkatotoo ang isinisigaw.





“Bloodlust will be the fiercest!”




“Bloodlust will be stealthiest.”





“We will be the ultimate faction K-High has ever encountered!” Dagdag ng sigurado nang bagong captain ng Bloodlust habang nakatuon ang paningin sa 'kin.




Nakakatorete na nga ang mga naririnig ko, dumagdag pa ang nakapanghihina ng tuhod niyang titig. At nang sumabay ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas, binalot na lang ako ng kakaibang panlalamig ng katawan.




Hell finally caught up to me.



Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
320K 18.1K 82
(Finished) Aya Rodriguez was partying with her college friends when she met Jace Ordoveza, a dentistry student. She knew she felt sparks the first ti...
6.1M 251K 81
Nang dahil sa kahilingan ng kaniyang mga magulang, napilitan siyang pumasok sa isang delikadong paaralan. Sa paaralan na kung saan na puro nangangara...