The Star

AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... Еще

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 66

8.9K 171 48
AngelMelay

A/N:

Ang bilis ng VOTES at COMMENTS kaya ang bilis din ng UPDATE KO. Saka ko na kayo iisa-isahin ulit. Mas maraming votes at comments, may dedication na isang chappy. Share this story to your friends, Guys. Thanks! 

Oh alam na... 30 VOTES & 20 COMMENTS = UPDATE!

_______________________________________________

STARRING 66

PARA SA AKIN

Nakauwi na ako ng Pilipinas kahit na may cast pa ang paa ko. Ang sabi ng Doctor ko sa California ay mga 2 months ko daw kailangang isuot ito. Pwede rin daw na dito ko na lang sa Pilipinas ipatanggal ang cast kapag ok na ang buto ko.

Hindi naman daw talaga nahati ang buto ko. Medyo nagkaroon lang ng konting crack kaya kailangang isemento para hindi tuluyang mabali.

Nasa garden kami ni Von ngayon. 2 days na kaming nakauwi ng Pilpinas at ngayon ko lang ulit siya nakasama. Naging busy kasi siya sa mga tv guestings nila. Sikat na talaga si Von.

Katatapos ko lang maligo nang ilabas ako ni Von dito sa garden. Mabuti na lang at dinalaw niya ako. Naaawa na rin kasi ako sa kapatid kong si Dale na siyang nagaasikaso sa akin. Hindi na siya makalabas ng bahay kasama ang mga kaibigan niya. Halos maghapon siyang kasama ko lang. Mabuti na lang at pinupuntahan siya ni Vanity dito para magcomputer silang dalawa.

Naiilang pa ako sa suot ko kasi duster ito ni Mama. Nagtataka nga ako kung bakit wala akong masyadong damit dito sa bahay namin. Ang tanging mga damit ko ay iyong mga pangtulog lang talaga. Iyong mga dala kong mga damit lang from California lang ang bago-bago. Nasaan kaya ang mga damit ko?

Pero hindi ko naman magawang magusisa sa parents ko. Alam ko kasing hindi naman kami mayaman, tulad ng dalawang kababata ko, baka kaya wala ako masyadong bagong damit.

"Ako na." Kinuha ni Von ang suklay sa aking mga kamay at siya ang nagsuklay sa akin. Ingat na ingat siya dahil baka tamaan ang tahi sa aking ulo.

"S-salamat." Nabubulol na sagot ko. Iba kasi ang pakiramdam habang sinusuklayan ka. Lalo na at lalaki pa. Parang ang sweet ng dating.

Natigilan ako. Parang nangyari na ito dati. Napapikit ako ng mariin. May lalaki ring nagsusuklay ng buhok ko pero hindi ko maalala o maaninag sa aking alaala kung sino.

"Von, ang bait mo naman para suklayan ako. Dati mo na ba itong ginagawa sa akin?" Tanong ko sa kanya na diretso lang ang tingin. Nasa likod ko kasi si Von at inaayos ang basa kong buhok.

Natawa siya sa tanong ko. "Steph, singer ako at hindi parlorista. Bakit naman kita aayusan ng buhok? Nakakatawa ka talaga." Sagot niya.

"Ahh. Ang akala ko lang madalas mong gawin ito sa akin dati." Sagot ko.

Awkward silence.

Kung hindi si Von ang gumagawa noon sa alaala ko, sino? Ang alam ko wala naman akong ibang kadikit na lalaki maliban sa kanilang dalawa ni Franz. Imposible namang si Franz. Baka naman ang kapatid kong bunso na si Dale? Siguro ay siya nga.

Nang matapos siya ay ibinalik niya ang suklay sa akin at umupo sa tabi ko. Ngumiti siya ng magtama ang paningin namin.

"B-bakit ganyan ka makatingin?" Nahihiyang tanong ko. Kinakabahan ako. Sobrang lapit niya sa akin. Amoy na amoy ko ang shower gel na ginamit niya sa paliligo. Saka ang labi niyang very kissable...Ahhh! Hindi ako mapalagay!

"Wala. Ang ganda mo kasi." Walang anumang sagot niya.

Lalong naghurumentado ang puso ko. Simple lang ang pagkakaksabi niya, pero iba ang epekto sa akin. Nagulo ang buong sistema ko. Kainis!

Ngumuso na lang ako. "Maganda? Eh kapag nakikita ko nga ang itsura ko sa salamin nalulungkot ako. Lalo na kapag nakikita ko ang tahi ko sa ulo." Sagot ko sa kanya.

Hinaplos niya ang braso ko. "Sus! Hindi na iyan makikita kapag tumubo na ang buhok mo. Saka ulo lang iyan. Maganda pa rin naman ang..." Natitigilang sabi niya.

Sunod-sunod ang lunok ko ng paglandasin niya ang daliri niya sa mukha ko. "... Ang mata mo." Idinaan niya ang daliri niya sa magkabilang talukap ng mata ko. "Ang ilong mo.." At pinagapang niya ang daliri sa bridge ng ilong ko papuntang, "..at ng labi mo." Dagdag pa niya.

Nagiwas ako ng tingin dahil kinikilig ako sa ginawa niya. Napapikit ako ng mariin ng may alaala na namang sumagi sa isip ko. Isang lalaking malabo ang mukha na hinalikan ako sa mata, ilong, bibig at pati nga tenga. Siya ba iyon? Parang hindi eh.

"May problema ba?" Nagaalalang tinig ni Von ang dahilan ng pagmulat ko. Napansin niya siguro ang reaksyon ko.

"Kasi may mga random thoughts na sumasagi sa isipan ko." Pagamin ko.

Kumunot ang kanyang noo. "What kind of thoughts?" Tanong pa niya na bakas ang sobrang concern. His reaction is killing me. I don't know why. Hindi ko gustong pinagaalala ng ganito si Von.

"May mga bagay kasi na parang nangyari na. Kapag inisip ko naman ng mabuti, may naaaninag akong kasama ko laging lalaki sa eksena. Hindi ko matukoy kung ikaw. Pero parang..." At nagisip ako ng malalim. Sino nga ba iyon?

"Parang sino, Steph?"

"Parang.... Ah ewan! Hindi ko talaga matandaan." Marahas na nagkamot na ako ng ulo. Nahihirapan na ako. Bakit ba kasi nangyayari ito sa akin?

"Para bang si Dale?" Tanong ni Von na parang tinatantya kung anong isasagot ko.

Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at muling nagisip. Bumalik sa isipan ko iyong eksenang nagsusuklay sa akin ang isang lalaki sa harap ng tokador ko. Ang kaso malabo ang mukha niya.

Umiling ako. "Parang hindi kasi matipuno ang katawan niya. Parang katulad ng sa iyo." Sabi ko pa at muling idinilat ang mata ko.

Tumango-tango si Von. "Kumukha ba ni Franz?" Tanong niyang nakapagpalalaglag ng panga ko. Paano niya naman nasasabing kamukha ni Franz? Kamukha nga ba?

"Ano ka ba? Imposibleng si Franz iyon. Hindi naman kami ganoon ka-close. Ikaw o si Papa lang ang pwedeng pagpilian." Sagot ko pa.

Nagkibit balikat siya. "Si Papa mo ba?" Tanong niya.

Ang natatandaan ko, mahaba ang buhok noon. Parang imposibleng si Papa. Kaya lang kakaisip ko, sumasakit na naman ang ulo ko.

"Von, pasok na tayo. Sumasakit ang ulo ko." Pagkasabi ko noon nagulat ako ng bigla akong pangkuin ni Von. "Huwag mo na akong buhatin. Kaya ko namang magsaklay." Saway ko sa kanya. Nakakahiya kasi sa kanya.

"No. Mamaya mahilo ka pa." Sagot niya sa akin. Hindi na ako nakaimik. Ang lapit ba naman kasi niya sa akin. Humawak na lang ako mabuti sa leeg niya para hindi mahulog.

"Sa salas na lang." Suggestion ko sa kanya kaya ihiniga niya ako sa sala set naming mahaba.

Ipinikit ko ang ulo ko. Ang sakit talaga. Ayoko naman siyang itali sa tabi ko na nakatunganga lang. Alam ko namang busy rin siyang tao. "Von, uwi ka na muna kaya. Matutulog na lang ako. Pauwi na naman si Dale maya-maya." Suggestion ko pa sa kanya. Hindi ko na iminulat ang mata dahil parang pinupukpok ang ulo ko.

"No! Dito lang ako. May pain reliever ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Nasa side table ng kama ko sa kwarto."

"Sige at kukunin ko lang." Sagot niya at narinig ko na ang mga yabag niyang palayo sa akin.

Maya-maya'y narinig ko din ang yabag niya. Nakabalik na siya at may dala pang baso ng tubig. Muntik na akong malunod sa tubig nang dahil sa sobrang lapit ng katawan niya. Ang bango niya talaga. Ang lakas kasi ng kalabog ng puso ko. Minadali ko tuloy ang paginom dahil naiilang ako sa bilis ng pulso ko.

Laking tuwa ko nang matapos na akong uminom. Makakadistansya na siya ng pag-alalay sa akin. Hindi na masyadong mangangatal ang mga kamay ko. Marahil ang akala ni Von ay dahil iyon sa sakit ng ulo ko, hindi niya alam dahil sa hindi mapigilang epekto ng kilig sa akin kaya ako parang nasamid ng tubig.

"Eepekto din iyan, maya-maya." Sabi sa akin ni Von at tinulungan akong muling humiga ng ayos sa sofa. Ipinaunan pa niya sa akin ang dalawang patong na throw pillow.

"Sana nga." Napapikit na lang ako. Mas gusto kong nakapikit dahil hindi normal ang lahat sa akin kapag nakikita ko si Von. Naliligalig ang buong sistema ko. Ang lambing, gwapo at bango naman kasi.

"Kakantahan na lang kita para marelax ka." Sabi niya sa akin.

Tumango na ang ako dahil hindi ko kayang magsalita. Pakiramdam ko ay hindi ko maitatago ng excitement sa boses ko kapag ibinuka ko ang bibig ko. Kilig na kilig na kilig ako!

I want somebody to share

Share the rest of my life

Share my innermost thoughts

Know my intimate details

Napadilat ako ng mata. Somebody by Depeche Mode? Bagay na bagay kay Von ang kanta. Ang lamig ng boses niya. Lalo tuloy siyang gumagwapo sa paningin ko. Lalo na at habang umaawit siya ay nakatitig lang siya sa akin. Para tuloy gusto ng iwanan ng kaluluwa ko ang katawang lupa ko. Homaygad!

Nakangiti lang siya sa akin. Hinaplos pa niya ang buhok ko kaya parang ginapangan ako ng kilabot. Parang pati anit ko kinikilabutan sa libo-libong boltahe ng kuryenteng hatid ng mainit niyang palad sa akin.

She will listen to me

When I want to speak

About the world we live in

And life in general

Pero iyong ngiti ko ay unti-unting napawi. May para kasing commercial na sumagi sa utak ko. Hindi ko alam kung ako iyon oh baka naman eksena sa paborito ko sigurong pelikula.

Tumutugtog din ang kantang ito. Instrumental lang na mula sa violin ata. Nasa isang parang magandang garden ang babae at lalaki at kumakain. May masasarap na pagkain at may red wine pa sa lamesa. Alam kong masayang-masaya iyong babae sa ginawang preparasyon ng lalaki. Sino kaya iyong mga naaalala ko? Sikat bang artista?

Though my views may be wrong

They may even be perverted

She'll hear me out

And won't easily be converted

Tapos ay sinubuan daw ng steak iyong babae noong lalaki. Parehas silang parang inlove na inlove. Naalala ko tuloy noong isang araw na sinubuan din ako ni Franz noong nasa California Hospital pa ako. Siguro kaya sabi ko noon kay Franz na parang pamilyar ang ganoong eksena ay dahil pala sa napanood ko na sa pelikula.

To my way of thinking

In fact she'll often disagree

But at the end of it all

She will understand me

Aaaahhhhh....

Pero kakaibang kilabot ang pumalit ng maalala ko, na pinunasan ng lalaki ang gilid ng bibig ng babae dahil nalagyan ng steak. Katulad noong nalagyan ako ng hindi sinasadya ng ketchup sa gilid ng bibig at pinahidan ni Franz.

Lalong sumakit ang ulo ko! Mas tumindi pa nang maalala ko ang babae na parang kamukha ko. Ako nga ata iyon. Sino ang lalaki?

"AHHH!" Hindi ko mapigilang sigaw ko na nagpahinto kay Von sa pag-awit.

"Steph? Steph? Steph!" Alam kong kinakabahan na siya sa akin.

"VON, ANG ULO KO! Ang sakit!!" Namimilipit na ako sa sakit. Pinupukpok ko na sa sobrang sakit. Pinipigilan naman ako ni Von sa pamamagitan ng paghawak ng kamay ko.

"Steph, please! Huwag mong gawin iyan sa ulo mo, baka dumugo ang stitches. Hold on please?" Pakiusap niya. Dama ko pa ang paghihirap sa kanyang boses. Idinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko at niyayakap ako habang hawak ang kamay ko. Ang isa niyang kamay ay inaabot ang kanyang cp at parang may kinokontak.

Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na talaga! "Von, help me please.." Nakangiwing pagmamakaawa ko. Naikuyom ko na lang ang kamao ko sa sobrang sakit.

"Hindi ko siya makontak! Pupunta tayo sa Doctor. Konting tiis lang." At nagmamadali niya akong pinangko at inilabas ng bahay. Siguro ay isasakay niya ako sa kotse niya.

"GUARD ANG SUSI NG KOTSE!" Sigaw niya sa bantay ng bahay nila. Buhat-buhat niya pa rin ako hanggang sa may garahe nila. Ako naman ay nakasubsob na lang sa dibdib niya at nakapikit ng mariin.

"Opo!" Narinig ko ang yabag ng guwardiya nila patakbo sa loob.

Tumulo na ang luha ko sa sobrang kirot ng ulo ko. Parang binabarena na ang utak ko. "Von, tulungan mo ako..huhuhu!" Umiiyak ng sabi ko.

Idinikit niya ang mukha niya sa pisngi ko. "Sandali lang, Sweetheart." Sabi niya sa nababasag na boses. Pakiramdam ko ay naiiyak na din siya sa awa sa akin.

"Kuya, anong nangyari?" Narinig ko ang pagtakbo ni Vanity mula sa bahay.

"Buksan mo ang kotse, dali!" Utos niya. Kalansing ng susi ang narinig ko habang ako ay nakapikit ng mariin at nakakagat labi sa kirot ng ulo.

Naramdaman kong isinakay ako ni Von at kinabitan ng seatbelt. Hinawakan ko na ang magkabilang sintido ko habang umiiyak sa kirot.

"S-sama ako, Kuya." Narinig ko pa si Vanity bago isara ni Von ang kotse sa tabi ko.

Bumukas ang pinto ng driver's seat. "No, Vanity! Ilock mo ang bahay nina Steph at tawagan ang family niya. Ikaw na ang bahalang magsabi rin sa kanya. Hindi ko siya makontak, damn it! Sumunod ka na lang sa hospital." Pagkasabi niya noon ay malakas na lagabog ng pinto pasara sa tabi niya.

'Sino ba iyong siya, niya at kanya na binabanggit ni Von kanina pa?' Tanong ko sa aking sarili pero hindi ko na binigyan ng halaga. Mas inintindi ko na lang ang sakit ng ulo ko.

Inistart niya ang engine. "Sweetheart, be strong! Sandali lang at papunta na tayo sa hospital. Huwag kang magpatalo sa sakit.... Para sa akin." Sabi niya habang umaandar kami at pinisil niya ang hita ko.

"Oo, Von...para sa iyo." Tanging nasabi ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

_________________________________

A/N:

30 VOTEs & 20 COMMENTs po. Enjoy!

Продолжить чтение

Вам также понравится

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1 KUYA JEBOY

Любовные романы

16.2K 1.1K 51
(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA...
My Everything (Completed) Bibliophile's Haven

Подростковая литература

15.2K 1.8K 52
At first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Ranki...
The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation) Tina Lata

Подростковая литература

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
Brave Hearts HN🥀

Подростковая литература

1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...