BHO CAMP #1: The Playgirl's K...

By MsButterfly

5.2M 98.2K 8.6K

Now a published book. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. I am Skylee Reynolds. I... More

BHO CAMP #1: The Playgirl's Karma
CHAPTER 1 ~ Stranger ~
CHAPTER 2 ~ Hermes ~
CHAPTER 4 ~ Did I Just Killed Him? ~
CHAPTER 5 ~Caught ~
CHAPTER 6 ~Trouble~
CHAPTER 7 ~ Miss and Stranger ~
CHAPTER 8 ~ Metamorphosis ~
CHAPTER 9 ~ Mission ~
CHAPTER 10 ~ Game ~
CHAPTER 11 ~ Kiss ~
CHAPTER 12 ~ Fire ~
CHAPTER 13 ~ Sister ~
CHAPTER 14 ~ Sky and Storm ~
CHAPTER 15 ~ Mr. Malandi ~
CHAPTER 16 ~ Agents ~
CHAPTER 17 ~ Always ~
CHAPTER 18 ~ Pathetic ~
CHAPTER 19 ~ Option ~
CHAPTER 20 ~ Closure ~
CHAPTER 21 ~ Rivals ~
CHAPTER 22 ~ Little Bean ~
CHAPTER 23 ~ Secret Protector ~
CHAPTER 24 ~ Home ~
CHAPTER 25 ~ Kidnapped ~
CHAPTER 26 ~ Wedding ~
CHAPTER 27 ~ Post Bachelorette ~
CHAPTER 28 ~ Pauso ~
CHAPTER 29 ~ Husband and Wife, Stranger and Miss ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 3 ~ Agreement ~

197K 3.4K 177
By MsButterfly

CHAPTER 3

SKY'S POV

Pinaikot ko ang mga mata ko at tinigil ko na ang pagpupumiglas. Hindi din naman ako pakakawalan ng lalaking to na kinakaniya na ang braso ko. Hinayaan ko na lang siya na dalin ako kung saan niya gusto.

Nakangising kinawayan ko ang mga nadadaanan kong empleyado ng BHO CAMP. I know some of the faces at alam kong mga agents sila at hindi mga empleyado lang ng BHO CAMP. Base na rin sa mga kwento ni Storm kapag tumatawag, katulad ng inaasahan, lahat kaming magkababata ay minana ang trabaho mula sa mga magulang namin.

Lalong lumuwang ang ngiti ko ng makita ko ang panlalaki ng mga mata nila habang nakatingin sakin. Mukhang nagbunga ang matagal kong pagkawala. Base sa reaksyon nila, alam kong alam nila ngayon na hindi si Storm ang kaharap nila.

Magkaiba naman kami kasi ni Storm magdamit. She looks preppy and fashionista, while I look badass and rugged. Halos puro itim ang mga damit ko. Kung hindi naman puro dark colors like red, blue and dark green.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

"None of your bussiness."

"Well, actually, meron since kinakaladkad mo ako. At sa pagkakatanda ko, may pakielam pa naman ako sa buhay ko. Hindi pa ako ganoong katamad. So pwede mo na ba akong bitawan?"

"No."

"Pwede mo na bang sabihin kung saan mo ako dadalin?" tanong ko ulit.

"Somewhere that no one will hear what we are gonna talk about. Siguro naman hindi mo gustong malaman ng mga magulang mo ang ginawa mo, hindi ba?"

I curled my lips at him. Kung hindi ko alang alam na hindi ako makakaligtas kapag binigyan ko siya ng uppercut baka kanina ko pa iyon ginawa sa kaniya. Kung sabagay unang kita ko pa lang sa kaniya halata na ang pagiging masungit niya.

Kung alam ko lang na taga BHO CAMP siya, hindi si Hermes ang una kong iisipin sa lalaking ito kahit pa na iyon ang ipakilala niya sa aking pangalan. Walang maniniwala na ang happy kid na iyon ay magiging masungit katulad ng grumpy troll na ito.

"I can't believe you've done something reckless like that, Skylee."

Exagerated na nagkunwarian akong naghihikab ng lumingon siya sa akin. Naningkit ang mga mata niya na animo gusto na niya akong tirisin. Hindi naman niya na kailangan sabihin. I can't believe it either. I slept with him!

Nakarating kami ng parking lot kung saan sapilitan niya akong ipinasok sa passenger seat ng isang kotse. Pagkaraan ay lumulan narin siya ng sasakyan at pinasibad iyon paalis.

Nilibot ko ang paningin ko sa sasakyan at napasipol ako. Lambhorgini. "Hot car you have here stranger."

"Magkakilala na tayo."

Nagkibit-balikat ako. Itinaas ko ang mga paa ko sa dashboard at prenteng sumandal. Saglit na nilingon niya ako at pagkatapos ay ibinalik na ang atensyon sa pagmamaneho.

"You changed." he said after awhile.

"So?"

"Nothing."

"Ewan. Ang labo mong kausap, pare. Anyways, alam mo ba kung saan ako dadalin? Dahil malakas ang pakiramdam ko na hindi mo naman talaga alam kung saan tayo pupunta."

Nang hindi siya umimik ay napangisi ako. Hindi pa kasi sinabi kanina ng hindi na ako tanong ng tanong. Ang mga lalaki nga naman. Kahit sa maliliit na bagay ang tataas parin ng pride. Pagkatapos kapag babae naman ang mataas ang pride parang krimen na krimen na.

Nagpipindot ako sa gps niya. Inilagay ko doon ang pangalan ng isang sikat na bar dito sa Pilipinas. Kadalasan ko kasing nakikita sa internet ang mga reviews doon pero of course hindi pa ako nakakapunta roon dahil ngayon lang naman ako bumalik ng Pilipinas.

Tinignan ni Adonis ang nakalagay sa GPS; Pazo Bar. "Anong gagawin natin diyan?"

"Hmm, we can do what we've done before-"

"Skylee!"

Napatawa ako. "Kidding. Let's just go there. Una, imposibleng may mga agents na nandiyaan ngayon, pangalawa mag e-enjoy pa ako at pangatlo walang makakarinig sa atin kahit gaano pa kahaba ang homily mo."

"Kahit tayong dalawa hindi magkakarinigan."

Ngumiti ako. "Walang problema...you can get close to me, whisper into my ear as I moan while I feel your breath into my skin."

Napatawa ako ng bigla na lang niyang naapakan ang preno. Ang sarap din palang biruin ng isang to. Akala ko ako ang magiging awkward. Nakangiting nag peace sign ako sa kaniya ng tinignan niya ako ng matalim. Umiiling na ipinagpatuloy na lang niya ang pagmamaneho.

Dinunggol ko gamit ng takong ng suot kong boots ang power button ng radyo. Sakto at gusto ko ang kantang tumugtog kaya sinabayan ko iyon na may kasama pang pag-head bang.

"The drugs begin to peak, a smile of joy arrives in me! But sedation changes to panic and nausea! And breaths starts to shorten and heart beats pound softer! You wont try to save me! You just want to hurt me! AND LEAVE ME DESPERAAAAAATE!"

"Jesus, woman!"

Inosenteng tinignan ko siya. "What? Tignan mo tong taong to, hindi na nga kita pinapansin diyan pinakikielaman mo parin ako."

"Just...." Bumaba ang tingin nito sa labi ko. I smiled widely at him dahilan para mapakurap siya. "Just shut it."

Nag pout ako. "Fine."

Pinatay ko na ang radio at nanahimik na ako. Nakahalukipkip pa ako habang nakatingin ng diretso sa dinadaanan namin. Pagkalipas ng ilang minuto, inikot ko ang katawan ko at sinampa ko ang paa ko sa upuan upang tumingin sa bintana. Another minute passed at inihiga ko naman ang kinauupuan ko. And as another minute went by binalik ko na iyon sa dati.

"Stop it."

Naiinis na binalingan ko siya. "I hate cars. Nangangalay ang mga paa ko at hindi ako makagalaw. No offense meant buddy." sabi ko na ang tinutukoy ay ang kotse. Tinapik-tapik ko pa ang dashboard na para bang humihingi nga ako ng paumanhin dito.

"At anong gusto mo? Maglakad?"

"Duh. Uso kasi ang iba pang klase ng transportation."

"We don't need to use a plane. Sa bar lang tayo pupunta."

Nanggigigil na kinurot ko ang braso niya dahilan para mapahiyaw siya. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin pero hindi ko pinagtuunang pansin iyon, "Kung hindi lang talaga masama kanina pa kita inihulog sa labas. You know, mamang pinanganak noong sinaunang panahon. May tinatawag na pong motorbike ngayon. Iyong dalawa ang gulong, you can drive it fast kahit na sa masikip na lugar na hindi ka mag aalala na may masasanggi ka and it feels like you're having sex whenever you're mount on it."

"Mouth!"

Napakamot ako sa pisngi ko. Hindi ko alam kung maiirita o matatawa ako sa kasungitan niya. Pero dahil ayokong tumanda ng maaga nagpasya na lang akong tawanan ito.

"So, you're a director." I asked after a long silence between us.

"Bakit mo tinatanong?"

"Wag kang paranoid. I'm just making conversation bago ko pa maisipan na ako na lang ang tatalon sa labas at ng makaalis na ako sa torture na ito."

Napangiti ako ng marinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga. "Yes, I'm a director. How about you?"

"I'm an agent."

"I know that."

"And a certified and proud bum."

Wala akong balak banggitin sa kaniya ang pagiging writer ko. Besides, baka hindi pa siya maniwala. Dahil kadalasan ng nakakakilala sakin hindi naman talaga naniniwala kapag sinasabi ko iyon. Wala naman kasi sa itsura.

Huminto ang sasakyan at lumingon siya sakin. Tila napako naman ang mga mata ko sa kaniya at hindi ko na magawang mag-iwas ng tingin. He was the one who broke the spell, "We're here."

Sunod-sunod na ipinilig ko ang ulo ko na para bang may tinataktak mula roon at pagkatapos ay mabilis pa sa alas kwatro na bumaba na ako ng sasakyan. Nakangiting idinipa ko ang mga kamay ko at tumingin sa langit. "I'm free!"

Kinindatan ko ang isang lalaki na mukhang kapapark lang din at amused na nakatingin sa akin. Lihim na napangiti ako ng makita kong umawang ang labi niya habang pinapasadahan ako ng tingin. The common reaction na nakikita ko sa mga lalaking dumaan sa buhay ko.

Napapitlag ako ng bigla na lang may humawak sa braso ko at hinila ako papasok sa loob ng bar. May pinakitang ID si Adonis so obviously member siya dito. Nang makapasok kami sa loob at pinakawalan ako ni Adonis ay walang sabi-sabing idinuldol ko sa kaniya ang braso ko.

"Ayan, magsawa ka. Kanina ka pa hila ng hila, meron ka namang sariling braso."

He rolled his eyes and simply pulled me 'again' on a seat that we won't be seen pero kita parin namin ang buong lugar.

Tinatamad na umupo ako at kinawayan ko ang isang waitier. "Long Island please. Tanungin mo na lang siya kung ano ang gusto niya dahil hindi ko alam kung ano ang gusto ng alien na yan." Itinuro ko si Adonis na binigyan lang ako ng matalim na tingin.

Tinanguhan niya ang waitier. "Black Russian."

Nang umalis na ang waiter ay hinarap ako ni Adonis. Kalmanteng sumandal ako sa sofa na kinauupuan ko at inistretch ang mga braso sa sandalan ng upuan.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot.

"Alam mo kung ano."

Nagkibit-balikat ako. "I dont really see what's the big deal. I flirted with you and you fucked me. Ano pang kailangang pag-usapan don."

"Mouth!" he admonished. "You were a virgin."

"So? We had fun, what's wrong with that?"

Akmang sasagot siya ngunit tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya ako saglit bago binasa ang mensahe. Hinayaan ko na siya at nangalumbaba ako. Tumingin ako sa kabilang table at nakita kong nandoon ang lalaking nakita ko kanina sa parking lot. Nginitian ko siya at katulad kanina, iyon parin ang reaksyon na nakuha ko.

I chuckled. Yes, I'm a playgirl. I had a lot of relationships and none of them were serious. Hindi mo matatawag na commitment ang mga naging boyfriends ko dahil hindi ko naman talaga nararamdamang committed ako. Hindi din naman nila pinakikielaman kung anong gusto kong gawin sa buhay ko.

Kung baga sinasabi lang na 'boyfriend' ko sila para lang magmukha iyong official. Pero sa pagkakatanda ko wala akong relasyon na tumagal at naging seryoso.

Halos magkapareho lang kami ni Storm. Ang pagkakaiba lang wala akong pag aalinlangan sa opposite sex. Storm we'll tease any man on sight pero sa huli hindi niya iyon hahayaan na makafirst base man lang.

My exes did manage to get to second base but this mysterious man beside me was the only one who hit the home run.

"Can't you just keep your eyes on one man for one second?"

Nilingon ko si Adonis. "I did keep my eyes on you for a second or more than that. Katulad ngayon na nakatingin ako sayo."

"Skylee-"

"Sky. Nangingilo na ako sa kaka Skylee mo."

"Can you not take anything seriously?"

"To be honest, I can't. Masyadong maikli ang buhay para seryosohin ko ang lahat ng bagay. Besides, hindi naman tayo. Ano naman kung tumingin ako sa ibang lalaki?"

Dumilim ang anyo niya. Pero dahil likas sa akin ang pagiging pasaway hindi ko iyon pinansin. "Ikaw na ang nagsabi. I fucked you."

"Well, yes. Pero sa pagkakatanda ko din wala naman akong sinumpaang pangako o kahit man lang pinirmahan na kontrata na hindi na ako maaring tumingin sa ibang lalaki. You're not even my boyfriend."

"Why did you let me, huh? Or did you just wanted to get rid of your vir-"

"I'm attracted to you. You look hot and you're gorgeous, even though at that time I'm not one hundred percent sure since I was hammered...and fortunately you're wonderful in bed, and that stranger...I can clearly remember."

Napatitig siya sa akin. Hindi ako nag iwas ng tingin at nanatiling nasa kaniya ang atensyon ko. Maybe, hindi lang siya sanay na makakita ng babaeng sasabihin sa kaniya ang iniisip nito ng walang pag aalinlangan.

I'm not your average girl. I'll say what I want to say, I don't dwell with bullshits and I dont give a fuck what other's will think of me.

"Nag iba ka na."

"Matagal na akong kakaiba. At hindi tayo close kahit noon pa. Don't give yourself a hemorrhage thinking about what you'll do with me. Wala kang kailangang gawin dahil wala naman akong dinedemand sayo."

"I'm back for good Sky, and so are you."

"Kung inaaalala mo na magiging awkward ang lahat, wag kang mag-alala dahil wala lang sa akin iyon."

Well siguro no'ng una meron. But right now I dont really see a problem kung magkasama man kaming magtatrabaho. Baka mag enjoy pa nga ako dahil ang saya niyang asarin.

"And us?" he asked.

"There is no us. You can still hang out with me or something, but don't expect that I will commit in a serious relationship with you. Sabi ko naman sa iyo noon, I hate complications."

Itinuro ko sa kaniya ang lalaking nasa kabilang table. "Look at that man, he's already head over heels kahit hindi ko pa siya nakakausap kahit ng isang sentence. I can play with him with my little fingers if I want to. But I wont since hindi ko siya trip. On the other hand...." pinaglandas ko ang hintuturo ko sa kamay niyang nakapatong sa lamesa. "I really like to play with you."

"Who gave you the idea that I want to?"

"Are you looking for a serious relationship, stranger?"

"I don't. But that was before."

Nag-iwas ako ng tingin. Alam ko namang walang meaning ang sinabi niya pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang may bumundol na kaba sa dibdib ko. I must be imagining things.

Nginitian ko ang waiter ng binaba niya sa harapan namin ang order namin. Lihim na nagpasalamat ako sa bigla niyang pagsulpot.

Hindi ko pa man nagagawang uminom ay may isa pang waiter na sumulpot at nagbigay sa akin ng inumin. Itinuro niya ang isang lamesa di kalayuan kung saan may tatlong lalaki na nakaupo. Ang isa do'n na halata na may banyagang lahi ay itinaas ang baso nito.

Nakangiting itinaas ko din ang sa akin.

"Don't-"

Pinutol ko ang sasabihin ni Adonist at ngumiti. "I know."

Nang makita kong hindi na nakatingin ang tatlo ay itinapon ko sa halaman sa tabi ng table namin ang laman ng alak. Ilang bars na ang napuntahan ko at alam ko na ang mga gimmik ng mga lalaking walang magawa roon. Mabuti na ang sigurado.

"Sky."

"Hmm?"

"How many exes do you have?"

Saglit na natigilan ako at nagbilang sa isip. Kumunot ang noo ko ng wala akong matandaan. "I can't remember."

"Why me?"

"Nasagot ko na iyan kanina Adonis. Don't you want to just have fun? I mean, tatanda ka niyan agad. I-enjoy mo ang buhay." Tinaas ko pa ang mga kamay ko na animo nasa roller coaster ako at sinamahan ko pa iyan ng kaunting sigaw.

Hinilot niya ang sentido niya. "At times like this, I really like your sister better."

Napatigil ako sa ginagawa ko. May kung anong damdamin na napukaw sa sinabi niya ngunit pilit na inisantabi ko lang iyon. "You like my sister? Goodluck na lang sa pakikibaka mong iyan dahil kahit ang pinakagwapo pang nilalang sa mundo ay hindi papatulan no'n."

"I didn't say I like 'like' her."

"Pareho lang iyon."

"No."

I stucked out my tongue to him. "Pareho lang kaya."

Bumuntong-hininga siya at straight na ininom ang alak niya. Napahagikhik ako. I'm sending him over the edge. Anong magagawa ko? Eh sa natural na talaga sa akin ang ganito. Kahit nga ang pamilya ko hindi alam ang trip ko sa mundo. I'm random from my toes to the tip of my hair.

But right now kahit na naaaliw ako sa pagkaasar niya sakin, kung papipiliin ako mas gusto kong magpahinga muna sa bahay kesa ang makipagtalo kay Adonis. Mahaba ang binyahe ko at idagdag pa na hindi ako mapalagay dito sa Pilipinas. It would take some time getting use to it. Nasanay na kasi akong iniiwasan ang bansang ito.

"Why did you left the country, Sky?"

Nakamot ako sa batok ko. Kung ano pa ang tanong na ayaw kong sagutin iyon pa ang tinanong niya. "Wala lang. Ikaw din naman ah."

"I have my reasons."

"May reason din ako."

"Kasasabi mo lang na wala lang."

Napahagalpak ako ng tawa. "Infairness, stranger ha. Ikaw pa lang ang taong nanalo sa akin sa barahan. Mukhang magkakasundo tayo. At saka mas normal ka na ngayon kesa noong mga bata pa tayo. Mas masungit ka kasi noon."

"Hindi ako masungit."

"Weh? Ilang classmates mo noong elementary ang pinaiyak mo?"

Smug na ngumiti ako ng hindi siya nakasagot. Mukhang hindi niya alam na alam ko kung ilang babae noong elementary siya ang pinaiyak niya. Masyado kasi siyang prangka sa mga iyon. Lalo na kapag nalalaman niyang crush siya ng mga batang iyon.

Nag-iinat na tumayo ako. "Mauna ka ng umuwi. Mukhang mag e-enjoy pa ako rito." Dahil alam ko namang hindi din ako matatahimik sa BHO CAMP, might as well distract myself.

Akmang maglalakad na ako papunta sa pwesto ng lalaking nakita ko sa parking lot kanina ng pigilan na naman niya ako sa braso. For nth time. Ang pagkakaiba lang, biglang umangat ang katawan ko mula sa lupa sa pagkakataong ito.

"A-Anong-"

"That's great to see. Mukhang kahit isang beses nagawa kitang gulatin."

"Put me down!" I shouted.

Hindi niya ako binaba hanggang nakarating kami sa kotse niya. Iniupo niya ako sa hood noon at hinarang niya sa magkabila ko ang mga braso niya.

Napalunok ako ng makita ko kung gaano kami kalapit sa isa't-isa, "Hey! Umalis ka nga diyan."

Seryosong tinignan niya ako sa mga mata. "Listen to me and listen very well. Ayokong makita ka kasama ng ibang lalaki. I'm not up to relationship right now and so are you but I won't let you play with those men."

"At sino namang nagbigay sayo ng karapatan na pigilan ako sa gusto kong gawin?"

Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Ikinurap ko ang mga mata ko upang mahimasmasan ako. "Baka nakakalimutan mo...may hawak akong alas."

I rolled my eyes. "Ano bang sinasabi mo?"

"Susunod ka sa akin...o malalaman ng mga magulang mo ang ginawa mo? And I tell you now, if that happens, hindi pa sumasapit ang susunod na linggo ay maipapakasal ka na sa akin. So Skylee Reynolds, susundin mo ba ako? Or maybe I should start calling you now...Mrs. Adonis Lawrence. Hmm?"

"Hell no!"

Ngumiti siya. "Good. Nagkakaintindihan na pala tayo." sabi nito at pumasok na sa kotse. Naiwan akong nakatayo roon at tulala. What did I just get into?

Napatingin ako sa kotse ng bumaba ang bintana no'n at sumilip si Adonis. "Get in."

Oh fudge! I'm doomed.


________________________End of Chapter 3.

Continue Reading

You'll Also Like

435K 15.8K 40
Traditionally, every story should end in matrimony. But not for Nathaniel and Alicia, for theirs has begun with the end of their marriage. At first...
3.6M 53.4K 60
Vonn Kiel Azis is a drop-dead-gorgeous businessman who owns a multi-billion company. He's every girl's dream. He has the looks, the brain and the wea...
7.5M 184K 45
"A woman who knows what she wants gets what she wants."
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...