My Innocent Wife

By mynirvana

48.2K 798 154

RATED SPG Nakakauhaw, nakakagigil, nakakatakam.. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2

Chapter 3

3.8K 92 45
By mynirvana

NAMUMUNGAY pa ang mga mata ni Yna nang may marinig siyang pagkatok sa may pintuan. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay saka niya lamang napansin na wala na pala siyang katabi sa kama. Nag inat siya saka niya napagdesisyunan na maupo.

"Sandali lang.." Medyo pasigaw niyang sabi dahil baka hindi marinig ng nga tao sa labas ang boses niya mula sa loob.

Hindi na muling kumatok ang tao sa labas. Kinuha niya muna ang puting roba na naka tupi sa may lamesita na katabi lamang ng kama saka niya ito isinuot. Ipinatong niya lamang ito sa manipis niyang damit pantulog. Nang matapos siya ay tumungo na siya sa may pintuan.

"Magandang umaga mahal na prinsesa.." Nakangiting bati ng dalawang babae na mukhang mas matanda lang sakanya ng ilang taon. Nakasuot rin ito ng unipormeng bestida na kulay itim at puti.

"Prinsesa?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito.

Mahinhin naman siyang tinawanan ng dalawa na para bang may nagawa siyang hindi kapanipaniwala.

"Ano pong gusto niyo? Prinsipe?" Natatawang sabi ng isang babaeng may mas mahabang itim at tuwid na buhok. Parang nataranta naman ang kasama nito.

"Patawad, mahal na prinsesa.." Awtomatikong pagbigay paumanhin ng isa. Parang natauhan rin ang kasama nito kaya ngayon ay parehas na itong nakayuko sa harap niya.

Hinawakan ni Yna ang balikat ng dalawa at marahan niya itong tinapik.

"Bakit kayo nakayuko? Alam ko namang nagbibiro lang kayo.." Malumanay niyang sabi sa mga ito.

Napakurapkurap naman ang mga ito nang makatayo na ulit iyo ng tuwid.

"Hindi ka po galit?" Halos sabay na sabi pa ng mga ito.

Hindi niya tuloy napigilang mapangiti.

"Bakit naman ako magagalit?" Nakangiting sabi niya rito. "Oo nga pala, nasaan si Lourd Marcus? Nakita niyo ba siya?" Dugtong na tanong niya.

"May pinuntahan lang po ang mahal na prinsipe. Pero babalik din siya maya maya dahil sabay daw po kayong kakain ng agahan. Ako nga po pala si Vanessa.." Sabi ng may maiksing itim at tuwid na buhok.

"Ako naman po si Lara at sa amin po kayo ihinabilin ng mahal na prinsipe.." Sabi naman ng isa.

"Magandang umaga sainyo, Vanessa at Lara.." Nakangiting sabi niya rito.

Parang nabigla ang mga ito sa sinabi niya.

"Magandang umaga rin po, mahal na prinsesa.." Halos sabay ulit na sabi ng mga ito.

"Tara na po sa loob at aayusan namin kayo.." Nakangiting sabi naman ni Lara.

Nginitian niya naman ang mga ito at saka sila pumasok nang muli sa kwarto. Inihanda nito ang kanyang pampaligo. Pati damit na gagamitin. Nang matapos siya nitong ayusan ay napatingin siya sa isang malaking salamin na nakadikit sa dingding ng kwarto. Napangiti siya nang makita niya ang repleksyon ng sarili.

Medyo manipis ang damit at may kaiklian kumpara sa mga isinusuot niyang damit pero mabuti nalang at bumagay naman sakanya ito kaya medyo nawala ng kaonti ang pagkailang niya.

"Ang ganda niyo po mahal na prinsesa.." Manghang sabi ng dalawa niyang kasama.

"Hindi naman.." Nahihiyang sabi niya sa mga ito.

"Oh.." Sabay na sabi ng dalawa.

"May problema ba?" Takang tanong niya.

"Narito na po ang mahal na prinsipe. Samahan na po namin kayo sa hapagkainan.." Sabay na sabi ulit ng dalawa.

Nangunot ang noo ni Yna dahil sa mga sinabi nito.

Paano naman nila nalaman?

Sumama pa rin siya rito kahit naguguluhan pa rin siya. Medyo nagulat pa siya nang parang bulang nawala ito sa harapan niya. Bukas na ang pintuan at natagpuan niya nalang ang mga ito na nasa labas na ng kwarto.

"Parang ang bilis niyo?" Kunot noong sabi niya riyo nangmakalabas na siya ng kwarto.

"Mapagbiro ka po pala mahal na prinsesa.." Natatawang saad ni Lara.

"Paumanhin po mahal na prinsesa.." Agad naman yumuko at humingi ng tawad si Vanessa sa inasal ni Lara.

"Wala naman sa akin iyon. Sadyang di lang ako sanay. Sadya ba talagang kayo'y mabibilis? Pansin kong maging si Lourd Marcus ay ganyan din.." Sabi ni Yna habang naglalakad na sila papuntang hapag kainan.

Nagkatinginan lang ang dalawa. Si Lara ay pinipigil lang ang tawa habang tahimik naman itong pinapagalitan ni Vanessa.

Nagsimula nalang tumingin tingin sa paligid si Yna dahil mukhang hindi siya nito sasagutin ng may kaayusan. Napansin niyang napakalaki pala talaga ng mansion ng kanyang mapapangasawa. Sobrang taas ng kisame at may ilang magarang ilaw na nakapabitin sa mga ito. Malawak rin ang bahay at malaki ang hagdanan sa gitna. Ngayon niya napagtanto na sobrang layo ito kumpara sa toreng kinalakihan niya.

"Mahal na prinsesa dito po.." Turo ni Vanessa.

"Salamat.." Sabi niya rito.

Pansin niyang kanina pa sila naglalakad. Masama rin pala kapag masyadong malaki ang bahay. Paano na lamang kung ako'y magutom? Ang layo ng komedor mula sa aming silid.

Mga ilang hakbang pa ang ginawa nila bago tumigil ang kanyang dalawang kasama.

"Mahal na prinsesa hanggang dito nalang po kami.." Rinig niyang sabi ni Lara.

"Bakit?" Takang tanong niya rito.

"Ayan na po ang hapag kainan." Turo ni Lara.

"Hindi niyo ba kami sasaluhan na kumain?" Tanong muli ni Yna.

"Maraming salamat po mahal na prinsesa subalit hindi po maaari. Ang oras po na ito ay laan lamang sainyo ng mahal na prinsipe.." Sabi naman ni Vanessa.

"Sigurado kayo?"

"Opo.." Sabi ng mga ito habang nakangiing tumatango.

"Sige dito ko na lamang hihintayin si Lourd Marcus.." Malumanay niyang sabi sa mga ito.

Nginitian lamang siya ng dalawa at muli ay nagulat nanaman si Yna ng nawala ito na parang bula sa harapan niya.

Sila ba ay may majikang taglay? Tanong niya sa sarili bago pumasok sa hapag kainan.

Pero wala naman siyang naabutan roon. Tanging yung napakahabang lamesa ang naroroon. Hinanap niya si Lourd Marcus pero wala pa rin ito. Dahil wala siyang maisipan na gawin ay tiningnan niya na lamang ang mga malaking larawang gawa sa pintura.

Napako ang paningin niya sa dalawang larawan na nasa gitna ng mahabang mesa. Hindi niya alam kung ilang minuto na niyang pinagmamasdan ang mga iyon. Hanggang sa may maramdaman siyang mga brasong yumapos sa may bewang niya hindi niya tuloy napigilang mapasinghap dahil dito.

"Magandang umaga, Mahal ko.." Malambing na sabi nito.

Bumilis naman ang tibok ng kanyang puso at mukhang tumaas pa ang balahibo niya sa batok nang ibaon nito ang mukha sakanyang leeg.

"M-magandang umaga rin sayo, Lourd Marcus.." Kinakabahan niyang sabi.

Mahinang tinawanan siya nito. Napakislot naman siya nang marahang kagatin nito ang sensitibong parte ng leeg niya.

"Lourd Marcus.."

"Hanggang ngayon ba ay pangalan ko pa rin ang tawag mo sa akin?" Parang nagtatampong sabi nito sakanya.

Naguluhan naman si Yna sa sinabi nito.

"P-pero kahapon pa lamang kita nakilala. Hindi ba't nararapat lamang iyon?" Takang tanong niya rito.

Rinig niya ang pag buntong hininga nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sakanya at pinaharap siya nito. Muli ay yumapos ang mga braso nito sakanyang maliit na bewang kaya ang mga kamay naman niya ay nailapat niya na lamang sa malapad nitong dibdib.

"Hindi ba dapat ay 'Mahal ko' rin ang tawag mo sa akin?" Seryosong sabi nito sakanya.

Nakagat niya na lamang ang kanyang pang ibabang labi saka siya napaiwas ng tingin dahil hindi niya ito matingnan ng diretso. Ramdam niya kasi ang mabilis na pagkabog ng puso niya kapag ganito nagkakatinginan sila mata sa mata at idagdag pa na ganito sila kalapit sa isa't-isa.

"Batid kong hindi ka pa sanay. Subalit maghihintay ako hanggang sa dumating ang araw na maging akin ka na ng buo.." Seryosong sabi nito pagkatapos ay sumilay ang ngiti nito sa labi.

"Salamat.." Nahihiyang sabi ni Yna rito

Pero mukhang mas nahiya siya nang biglang tumunog ang kanyang sikmura.

"Sa tingin ko ay kailangan na tayong kumain.." Pigil tawang sabi nito sakanya.

Hindi na siya nakapagsalita dahil sobrang init na ng pisngi niya dahil sa kahihiyan kaya tinanguan niya nalang ito.

Halos magkakalahating oras yata sila bago natapos na kumain. Inaya siya nito na mamasyal na agad niya namang sinang-ayunan.



"Lourd Marcus.."

"Hmm.." 

Ramdam niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya nang maramdaman niya ang paghinga nito sa tapat ng kanyang tenga. Nasa likod niya kasi ito at kasalukuyan silang nakasakay sa isang itim na kabayo. 

Nililibot kasi nila ang nakapalibot na lupain sa napakalaki nitong mansyon. Nangako ito sakanya na ipapasyal siya nito nang kumain sila ng agahan pero ang sabi nito ay hapon siya nito ipapasyal. Kani-kanina lang nga eh sabay nilang pinanood ang paglubog ng araw.

"Sa -sainyo bang lahat ang lupaing ito?" Medyo nauutal niyang sabi.

"Sa atin, Mahal ko. Sa atin.." Malumanay nitong bulong sakanya.

"Sa-sa atin?" Nauutal  niya pa ring sabi.

Nais niya sana itong lingunin nang marinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Kinakabahan ka.."

Kinagat niya na lamang ang pang ibabang labi imbes na sagutin ang pag-aakusa nito. Nang mapansing hindi siya nagsasalita ay niyapos nito ang kanyang bewang mula sa likuran. Awtomatikong naramdaman niya ang pag init ng kanyang mukha. Damang dama niya kasi ang katigasan ng dibdib nito na nakadikit na sa kanyang likod maging ang init na nagmumula sa katawan nito ay damang dama niya rin.

"Mahal ko.." 

"Hmm?" Tanging tugon niya dahil ramdam na ramdam niya nanaman ang mainit nitong hininga sa tapat ng kanyang tenga.

"Naiilang ka ba na kasama ako?" 

Awtomatiko niya naman itong nilingon.

"Hindi.. hindi sa ganoon." Mabilis na sabi niya habang umiiling iling.

Sa totoo lang ay komportable naman siya na kasama ito. Hindi lang yata pa talaga siya sanay na may ibang taong nagiging malapit sakanya bukod sa kanyang ina lalo na at lalaki pa ito. Ito ang kauna-unahang lalaki na puasok sa buhay niya dahil buong buhay niya ay nasa loob lang naman siya ng tore.

"Huwag kang ag-alala.. sasanayin kita.."

Bago pa siya makapagsalita ay natagpuan niya na lamang ang kanyang sarili na nakatayo sa harap ng isang malaking puno. Nilingon niya ang kabayong sinasakayan nila kanina lamang. Naroon ito sa isang gilid at kumakain na ng damo. Bumalik ang kanyang tingin sa lalaking nakaupo sa ilalim ng lilim ng puno habang nakahilay rito.

 "A-anong.. p-paanong.." Litong sabi niya habang iniisip ang mga nangyari.

Narinig niya ang isang mahinang pagtawa ng kanyang mapapangasawa. Tinapik nito ang sariling kandungan, parang inaaya siyang lumapit rito. 

Agad niya naman itong sinunod. Naupo siya patagilid sa kandungan nito pero agad nitong inayos ang pagkakaupo niya. Nais yata nitong paharap siyang maupo sa kandungan nito kaya ang dalawang binti niya tuloy ay nasa magkabilaan ng mga hita nito.

"Maaari mo bang ipaliwanag kung ano ang nangyari?" Batid pa rin ang pagkalito sa tono ng boses niya.

Muli ay narinig niya nanaman ang mahina nitong pagtawa.

"Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng panggigigil sa tuwing ganyan ka." Pag amin nito sakanya habang may kislap sa mga mata nito.

"May mali ba akong ginawa?" Inosenteng tanong niya rito.

Narinig niya ang pag ungot nito saka nito binaon ang mukha sakanyang leeg. Ramdam niya rin ang pagyapos nito sakanyang bewang.

"Lourd Marcus.." Tawag niya rito pero hindi siya nito pinansin.

"Bakit pakiramdam ko ay napakabilis niyong gumalaw. Kahit sina Vanessa at Lara ay napansin kong ganoon rin." Pagbibigay alam ko sakanya.

"At bakit pala prinsesa ang tinawag sa akin ng dalawang iyon?" Dugtong na tanong niya rito nang hindi siya nito sinagot.

"Kasi isang prinsipe ang iyong mapapangasawa.."

"Seryoso?"

Inalis nito ang mukha sakanyang leeg. Isang braso na lamang ang nakayapos sa bewang niya habang ang isang kamay nito ay nararamdaman niyang humahaplos sa binti niya pataas sakanyang hita.

"Ayaw mo bang mapangasawa ang isang prinsipeng tulad ko?" Malumanay niyang bulong sa tapat ng tenga ko.

"G-gusto.."

Napasinghap siya nang marahan nitong kagatin ang tenga niya.

"Kung ganoon.." Napapikit siya ng maramdaman ang mainit nitong dila na tinutudyo ang kanyang tenga. "Halikan mo nga ako.."

Hindi niya alam kung bakit pero para siyang nilalagnat sa init na nararamdaman niya. Buhay na buhay ang pakiramdam niya mula sa brasong nakayapos sakanya na pumipisilpisil sa kanayang bewang. Ang malapad, magaspang at mainit nitong kamay na nakakakiliting humahaplos sa kanyang hita at ang mapupungay nitong mata na nakatutok sa labi niya.

Dumapo rin ang kanyang paningin sa basa at mapupula nitong labi pero bago niya pa mailapit ang kanyang labi rito ay ito na ang humalik sa labi niya. Nasa batok niya ang isang kamay nito habang ninanamnam ang labi niya. Nakarinig siya nang mahinang pag ungol nang subukan niyang tumugon rito. Ipinalibot niya ang isang braso sa batok nito habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa buhok nito. 

Napasinghap siya nang maramdamang nasa loob na ng kanyang bestidang suot ang maiinit nitong kamay. Nanggigigil na pinisil nito ang kanyang pang upo kaya napa awang ng konti ang kanyang mga labi na siya namang naging dahilan ng pagpasok ng mainit nitong dila sa bibig niya.

Hindi niya na alam kung ilang minuto na siya nitong hinahalikan. Hindi niya rin alam kung anong nangyayari sakanyang katawan. Init na init siya pero gustong gusto niya naman lalo na kapag dinidiin siya nito sa kandungan nito kung saan may nararamdaman siyang matigas na bagay na nagbibigay sakanya ng kakaibang sensasyon na parang ngayon niya lamang naramdaman.

Dumausdos ang labi nitong sakanyang panga pababa sakanyang leeg. Hindi niya napigilan ang ungol na umalpas sakanyang bibig nang maramdaman niya ang mainit nitong dila mula sakanyang leeg papunta sakanyang balikat.

Napapikit na lamang siya, at sa pagbukas niya ng mga mata ay ang pagkagat ng kadiliman sa paligid. Kasabay ng pagkagat ng dilim ay siya namang pagbaon ng isang bagay sakanya na nagdulot ng sobrang sakit pero di kalaunan ay nagdulot ng kakaibang sarap sa gitna ng kanyang hita.


~~~~~~~

A/N: Hello I am backkkkkkk! :)


Continue Reading

You'll Also Like

24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
120K 7.9K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
4.8M 111K 33
He's a lazy billionaire. She's called a devil in the office. As time goes by she can't help but be tamed, either by hate or by heart. League of Billi...