Shattered Memories [R-18] [Co...

De PsychedelicDistress

529K 16.4K 1.4K

Being married to a man who's still in love with his former lover is hard. Ishi did everything she can to make... Mais

Now Exclusively Signed with Dreame!
Shattered Memories - Chapter 1
Shattered Memories - Chapter 2
Shattered Memories - Chapter 3
Shattered Memories - Chapter 4
Shattered Memories - Chapter 5
Shattered Memories - Chapter 6
Shattered Memories - Chapter 7
Shattered Memories - Chapter 8
Shattered Memories - Chapter 9
Shattered Memories - Chapter 10
Shattered Memories - Chapter 11
Shattered Memories - Chapter 12
Shattered Memories - Chapter 13
Shattered Memories - Chapter 14
Shattered Memories - Chapter 15
Shattered Memories - Chapter 17
Shattered Memories - Chapter 18
Shattered Memories - Chapter 19
Shattered Memories - Chapter 20
Shattered Memories - Chapter 21
Shattered Memories - Chapter 22
Shattered Memories - Chapter 23
Shattered Memories - Chapter 24
Shattered Memories - Chapter 25
Shattered Memories - Chapter 26
Shattered Memories - Chapter 27
Shattered Memories - Chapter 28
Shattered Memories - Chapter 29
Shattered Memories - Chapter 30
Shattered Memories - Chapter 31
Shattered Memories - Chapter 32
Shattered Memories - Chapter 33
Shattered Memories - Chapter 34
Shattered Memories - Epilogue

Shattered Memories - Chapter 16

10.3K 388 33
De PsychedelicDistress

Chapter Sixteen

The next day, Ishi found herself standing nearby the window, staring into trance as she tries to sort things out on her puzzled mind. Napatitig siya sa mug ng kape na lumamig na dahil hiniyaan lang niya itong palipasan ng oras. Sinadya niya iyon dahil sa pagiging dilang-pusa niya, her tongue couldn't bear hot foods nor drinks. Wala sa sariling sumimsim siya rito habang nakatitig pa rin sa kawalan. Nang umingit ang pinto sa kaniyang likuran ay kusa siyang napabaling dito.

Mula roon ay pumasok si Robert. His fingers were fumbling with the buttons of his polo. Naglakad ito tungo sa damitan nito saka tuluyang hinubad ang suot nitong pang itaas, sunod ay ang suot nitong slacks. He stood there only wearing his underwear. And Ishi stared as much as she liked. She admired his broad shoulders, pati puwit nito ay pinagkatitigan niya. Ooh la la, sexy back. Her husband is a really good catch. May pera ito at may hitsura. Pero may angas din ito, kaya siguro ito lapitin ng iba, kaya rin siguro nito nakukuha mambabae. Typical bad boy lang ang dating.

"Hey babe," biglang lingon nito habang isinusuot nito ang itim na t-shirt nito.

"H-Hey..." Napaayos si Ishi at itinaas ang tingin sa mga mata nito.

Robert approached her after he was done changing his clothes. Kinintalan siya nito ng halik sa noo saka siya niyakap mula sa likuran. "Kamusta ang araw mo? Hindi ka ba nabagot habang wala ako?" tanong nito habang ibinabaon ang mukha sa leeg ni Ishi.

Napahugot ng malalim na hininga si Ishi sa pagkakadaiti ng kanilang mga balat. His lips pressed to her neck sent waves of tingling sensation through her nerves, and it took a great deal of effort for her not to close her eyes and savor the feeling. "You know Robert... I've been thinking."

"Hmmm, about what?"

"About us." Marahan siyang iniharap ng kaniyang asawa upang magtama ang kanilang mga mata. "I want to give our relationship a shot. You know, our marriage."

Malapad na napangiti si Robert. "That's good, that's good."

"Pero, gusto ko pag-usapan muna natin 'to. I don't think you understand me very well, gano'n din naman ako sa'yo. Sa tingin ko parehas nating hindi naiintindihan ang isa't isa. Maybe I was in love with you before I had an accident, pero iba na ngayon. Wala akong matandaan."

Kumunot ang noo ni Robert. "Siyempre alam ko 'yan."

"No. Alam mo nga pero I don't think you really understand. Wala talaga akong matandaan. Lalo na sa'yo, you are practically a stranger to me. Hindi kita kilala. I don't even know when you were born, I don't know who your parents are. Hindi ko alam kung ano ang paborito mong kulay, kung ano ang zodiac sign mo... kilala lang kita sa pangalan. Do you realize that? And you... you are forcing me to---"

"To what?"

"To love you, to have sex with you!" she exclaimed with wide eyes.

Robert exhaled deeply. "Sit," he said as he pats the window ledge.

Masunurin namang sumunod si Ishi at umupo roon. Si Robert naman ay pumuwesto sa pagitan ng kaniyang mga hita saka ito magaan na humawak sa kaniyang baywang.

"Continue."

"'Yun nga. You are forcing me. If we want to make things work out, we should make love not rape."

Tumangu-tango si Robert, saka ito ngumiti ng pilyo. "But I've missed you."

Napabuntung-hininga si Ishi. "Oo nga, pero hindi dapat ganito. I am willing to cooperate kaya makinig ka muna sa akin. About what happened to me, you've been very honest. Sinabi mo sa akin ang nangyari bago pa ako magka-amnesia. I think I should spill out the things that I'm keeping from you. I... I like Delvert," she bit her lip after she said those words.

"No you don't," Robert said sternly.

"Yes, maybe I don't. Pero siya nga ang naaalala ko na gusto ko. You should know that, you should understand that! I am saying these things so that you'll know how to deal with me. Siya ang nasa isip ko na gusto ko, at ikaw... para ka lang na kung sino na nakilala ko kahapon. Tapos sasabihin mo na asawa kita, na nabuntis mo ako, na niloko mo ako kaya nawala ang alaala ko pati ang baby natin. Hindi ko 'yon maintindihan, and it doesn't sink in immediately. I need time and you should help me. Not pressure me with all of these."

Robert shamefully looked down. Sinubukang hulihin ni Ishi ang kaniyang mga mata, but he avoided her gaze. "I'm sorry..." he whispered.

"It's okay. None of the two of us really understands."

He looked back to her eyes again, but now his eyes reflected sincerity. "I love you. You should know that."

Ishi exhaled deeply with a shaking breath. "Yes. Maybe you do. Maybe I do love you back," nag-aalangan niyang dagdag. "I just don't remember."

Mariin siyang nilapatan ng halik sa noo ni Robert. "Tara sa kama," anito saka niya mas hinapit papalapit ang kaniyang asawa at inangat patungong higaan.

Awtomatiko namang ipinalupot ni Ishi ang kaniyang mga hita sa baywang ng lalaki saka siya mariing humawak sa balikat nito upang hindi siya mahulog. Maingat siyang ibinaba ni Robert sa kama, mayari ay humiga rin ito sa tabi niya. Saglit siyang nakipagtitigan dito, nakikiramdam kung ano ba ang gusto nito. Nakahinga lang siya nang maluwag nang sabihin nitong iba ang gusto niya.

He reached for her hand and whispered "I want to sleep. Could you please play with my hair?" he asked politely with closed eyes.

Ishi giggled out of nowhere. For her, Robert was acting like a child. But she knows how good it would feel if someone was playing with your hair while you are trying to sleep. "Is this what I do, Robert? Do I play with your hair when I flirt with you?" she teasingly mocked but out of real curiosity.

Robert curved a lazy smile on his lips. "Yeah..."

"Do you like black?" was her out of nowhere question. Well maybe because she noticed that Robert mostly wear dark clothes.

Tumango ito ng maliit. "I do. I like your black hair too."

Walang malisyang sumiksik si Ishi sa kaniyang asawa dahilan para yakapin naman siya nito. "Robert alam mo para ka namang mabait. You seem nice, but scary sometimes," nakangiting aniya habang patuloy na nilalaro ang buhok nito.

He grabbed her hand then kissed her fingers."Mabait ako, 'wag mo lang ako pagseselosin. I love you. You're nice to me too. You are very beautiful and nice to me."

Naglaho ang ngiti sa mga labi ni Ishi. 'Beautiful' and nice' didn't seem to fit her characteristics, not in the simplest and purest meaning of those two adjectives. If only Robert knew what she was doing behind his back, sure he wouldn't bother to compliment her like that.

* * *

Lumipas ang ilang araw mula nang pag-uusap na iyon nila Ishi at Robert. Sa kasalukuyan ay parehas na silang nagkakasundo. Robert was being nice to Ishi, and it has been consistent as of now. Si Ishi naman ay mas nagiging komportable na sa piling ng kaniyang estrangherong asawa. She was now learning things about him. Natuklasan na niya ang ilang bagay na kinahihiligan nito, ang mga bagay na gusto at ayaw nito, mga pinagkakaperahan nito, pati ang pagiging kasangkot nito sa mga illegal businesses ng ama niya. Higit sa lahat, napag-alaman niyang napakaselosong lalaki pala nito.

Tuwing may mababanggit siya na kahit ano tungkol kay Delvert ay bigla na lang papangit ang timpla nito, 'di kaya ay magagalit. At madalas ay pinagbabawalan pa siya nito na banggitin ang pangalan ng dati niyang kasintahan kaya tinigilan na niya. She stopped mentioning Delvert's name and focused on Robert instead. She was still trying to adapt her new environment as of the moment. Isa si Robert sa malaking issue niya kaya simula noong makapag-usap sila ng matino ay iniwasan na niya si Delvert. She did her best not to see him. Hindi na rin niya pinapansin ang mga tawag at texts nito dahil ayaw niyang mag-away sila ng kaniyang asawa.

Even though they were both doing well, it didn't change the fact that Ishi is still suffering from amnesia. Ilang araw na silang nagkakasama ngunit wala pa ring himalang nagaganap sa utak ni Ishi. Wala siya naaalala unabes, kahit isang eksena mula sa kaniyang nakaraan na nakasama niya si Robert. That fact somehow worries Robert, kaya napagdesisyunan niyang patingnan nang muli si Ishi sa psychiatrist nito.

Muli nilang binisita ang ospital na parehas nilang pinapasukan noon. Dumiretso sila sa clinic ng isang doktor na nagngangalang Edward Martinez. Matanda na ito at pulos puting buhok na ang nasa ulo. Ngunit mukhang malakas pa rin ito base na rin sa mga kilos nito. Inanyayahan sila nitong umupo muna. Matapos ay nagsimula na itong magbigay ng ilang katanungan.

"Kamusta ka na Ishi?" nakangiting bati nito. "Mukhang okay na ang pangangatawan mo ngayon ah."

"Okay lang po Dr.---." Saglit muna niyang binasa ang nasa name plate ng matanda. "Dr. Edward."

"Eddie, 'yun ang tawag mo sa akin dati. It's been six months since you were released out of this hospital. Have you started remembering something? Anything?"

"Wala pa po," tapat na tugon ni Ishi.

Napakunot ang noo ng matanda. "Robert," tawag nito sa lalaki. "Tara muna sa labas."

Sumunod naman si Robert dito. "Bakit?" tanong niya kaagad pagkalabas nila ng pinto.

"Wala pa palang naaalala ang asawa mo, kaya bakit mo siya dinala rito?"

"I thought you could help her. At saka kaya ko nga siya dinala rito kasi wala siyang maalala. Obviously I wouldn't bring her here if she remembers every thing about her past."

The old man sighed. "Anak, 'wag mo kasi madaliin. I know that you miss her, the old her. Pero wala tayong magagawa. Ang utak ng isang tao ay napakamisteryo. Hers was damaged and as it healed before she lost some of her memories. We just have to wait."

"Pero hanggang kalian Eddie? Mahirap na hindi niya ako natatandaan."

"It could be days, weeks... months. Or even a year."

"What if her memories never come back?

"Then make new ones."

* * *

While they were both on their way home, huminto muna sila sa isang mini stop. Nagugutom na kasi si Ishi at hindi na makapaghintay na umuwi. Bumili sila ng hotdogs at drinks. Habang nasa counter si Robert ay kumukuha naman ng ice cream si Ishi sa ice cream machine. Ngumangabngab na ito ng ice cream nang balikan niya ang kaniyang asawa sa counter.

Napasimangot si Robert nang makita ang biniling ice cream nito. "Ang aga namang ice cream n'yan."

Irap lang ang isinagot ni Ishi.

"Robert?" anang isang pamilyar na tinig.

Sabay silang napalingon sa pinanggalinan nito. Isang chinitang babae na may maikling buhok ang humarap sa kanila. Napangiti ito nang magtama ang tingin nila ni Robert, ngunit napalitan ng takot ang mga mata nito nang mapansin ang presensiya ni Ishi. Si Robert naman ay dumilim ang mukha. Nagmamadali nitong ibinigay ang bayad sa cashier saka nito sabay-sabay na binitbit lahat ng pinamili nila at hinawakan si Ishi sa braso para igiya palabas ng shop.

"Hi," bati pa ni Ishi sa babae nang madaanan nila ito. Tuloy ay bigla siyang kinaladkad ni Robert papalabas.Mukhang galit na naman ito dahil sa nanalim ang mga mata nito. "Aray! 'Yung ice cream ko tatapon!"

"I'll buy you another one."

"Sino ba 'yon?"


Continue lendo

Você também vai gostar

822K 25.4K 66
"Real lifeမှာ စကေးကြမ်းလွန်းတဲ့ စနိုက်ကြော်ဆိုတာမရှိဘူး ပျော်ဝင်သွားတဲ့ယောကျာ်းဆိုတာပဲရှိတယ်" "ခေါင်းလေးပဲညိတ်ပေး Bae မင်းငြီးငွေ့ရလောက်အောင်အထိ ငါချ...
2.6M 150K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
239K 23.5K 60
Ryan and Aaruhi The story of two innocent hearts and their pious love. The story of one sided love. The story of heartbreak. The story of longing a...
383K 24.1K 65
In the vibrant city of Jaipur, a secret deal was struck between two worlds. Abhimaan Deep Shekhawat, the enigmatic King of Rajasthan, controlled the...