I Found a Man

Від Gelailah

930K 32.9K 1.1K

It was supposed to be an ordinary day for Krisandra as she tries to achieve her ultimate goal in life; to be... Більше

I found a Man
Simula
Kabanata 1
Kananata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Katapusan

Kabanata 4

25.6K 1K 51
Від Gelailah

Simula nung araw na yun hindi na ako pumapasok sa kwarto ng antipatikong lalaking yun. 1 week na ang nakakalipas at si lola na lang ang nagche-check sa kanya. Dati ding nurse si lola kaya marunong siya mag-alaga ng may sakit lalo na kapag pogi... daw.

Di na siya pogi sa paningin ko.

"Hoy Kriseng hanggang kailan ka ba mag e-emote diyan ha? Tinatanong ka sa akin ni gwaping." Narinig kong sabi ni lola habang inaayos yung mga ginamit pangluto. Nasa dining table kasi ako nag-aaral. Mas maliwanag kasi dito kesa sa kwarto ko dahil ang mga ilaw sa kusina ang may pinakamalakas na liwanag sa amin.

"Hindi na ho lola. Hayaan niyo siya. Busy ako para sa finals ko mamaya, wala akong panahong makipag lokohan sa pasyente niyo. At saka Zec ho ang pangalan niya, hindi gwaping." Friday ngayon kaya last day na ng exam. Sa wakas ga-graduate na ko!

Ang sabi ni lola medyo okay na si Zec nakaka-upo na. Pero nahihilo parin dahil sa pagkakabagok niya sa ulo kaya hindi pa siya pinapayagang lumabas ng kwarto. Mas mabuti na rin yun na nasa kwarto lang siya dahil kung hindi baka madagdagan lang ang injuries niya kapag nagbanggan nanaman kami.

"Mga bata nga naman. Kapag type nila ang isa't isa nag-aaway." Nanlaki ang mga mata na tumingin ako kay lola. Type? Over my dead sexy body!

Sigurado akong kriminal yun kaya hinahabol nung mga lalaki. Taga benta ng drugs, magnanakaw, budol-budol or whatsoever. Hindi ko type ang ganun. Ang mga type ko ay yung mga lalaking may magagandang kotse at bahay. Yung maraming salapi. Yung aahon sa amin nila lola at Kiko sa hirap.


"Lola hindi ko type ang mga kriminal." Inayos ko ang salamin ko at nagpatuloy sa pagbasa ng libro ko.

"Tulakngbibigkabigngdibdib." Hindi ko masiyadong narinig ang binulong ni lola dahil nagco-concentrate ako sa binabasa ko.

"Ano po yun lola?" Tumingin ako kay lola at saka ko lang napansin na naka suot siya ng panglakad. magtatanong na sana ako kung saan siya pupunta kaso naunahan niya kong magsalita.

"Wala. Ang sabi ko ikaw na muna ang magpakain kay gwaping at may lakad kami ng mga amiga ko." Sabi ni lola habang inaayos ang mga kakainin ni Zec. Hindi pa naman kasi ganun katanda tignan ang lola ko. Sixty two years old na siya at may senior citizen's booklet pero mahilig parin siyang gumala.

"Pero lola! Hindi po ba pwedeng pakainin niyo na muna siya, pagkatapos saka kayo umalis? Mag aaral pa ko oh." Napasimangot ako. Ayokong makita ang antipatiko na yun. Feelingero.

Pero balita ko—sabi ni Kiko—nagtatagalog na daw.

"Hindi kita pinalaking suwail. Pakainin mo na si gwaping. Tanghali na, siguradong gutom na yun." Kapag ganyan na ang tono ni lola, wala na akong magagawa kundi sundin siya.

Tumayo na ako at padabog na kinuha ang pagkain na inihain ni lola. Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses bago kumatok sa pinto ni Zec at pumasok.

"Oh pagkain mo. Kumain ka na." Inaabot ko sa kanya yung pagkain pero hindi niya kinuha. Tiningnan niya lang pagkatapos ay tumingin sa akin.

"Hindi ko pa kayang kumain mag-isa. I'm still injured. Subuan mo ko." Demanding ang lolo mo! Tiningnan ko lang siya ng parang nababaliw na siya pero nakatingin lang talaga siya sa akin ng seryoso. Hindi naman kamay niya ang injured ah.

"Bahala ka edi wag kang kumain." Nilagay ko na ang pagkain sa kama at aalis na sana ako ng nagsalita siya ulit.

"Magsusumbong ako kay lola Puring kapag hindi mo ako sinubuan." Pananakot naman niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nagtitigan lang kami na parang naghahamon sa isa't isa nang bigla siyang sumigaw. "Lola Pur-"

Tinakpan ko ang bibig ni Zec. Narinig ko pa kasi si lola na papalabas palang ng pinto at nagbibilin kay Kiko ng nga utos niya dito sa bahay. Kainis! Akala ko pa naman nakaalis na si lola.

"Okay! Fine." Kinuha ko na ang pagkain at umupo sa gilid niya. Ngiting ngiti naman ang walang hiya na halatang nang-aasar. Sinusubuan ko lang siya ng sunod sunod. Bigla naman siyang humingi ng tubig. "Nakalimutan ko magdala. Hindi ba pwedeng mamaya nalang? Tinatamad pa ako tumayo eh. "

"Ngayon na. Kung hindi mo ko ikukuha isusum-" Tumayo na ko at derederetsong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Pagbalik ko sa kwarto niya parang gusto ko ng ibuhos sa pagmumukha niya yung tubig dahil sobrang inis. Kanina pa siya nakangiti. Naiinis ako. Naiinis ako kasi ang gwapo niya.

"Kuu. Kung alam ko lang na puro sakit ng ulo ang ibibigay mo sakin hindi na kita tinulungan nung nabari-"

"Thank you." Napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso siya. "For saving me. Thank you. Utang ko sayo ang buhay ko."


Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat. Nakatingin lang kami sa isa't isa.

"Ate pahingi five pesos bibili ako ng Pagkain." Narinig ko si Kiko na kakapasok lang ng kwarto.


"Tapos ka nang kumain di ba? Sige aalis na ko. Kiko ikaw na ang bahala dito sa mga pinagkainan." Dali-dali akong lumabas at pumunta sa kwarto ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ito na ba yun? Yung sinasabi sa mga pocketbook? Nanlaki ang mga mata ko sa na-isip ko. Imposible! Hindi ko pa siya ganun ka kilala. Crush ko lang siya kasi gwapo siya. Tumango tango ako.

Tama.

Crush lang to.

Hindi kagaya niya ang type ko.

Lumabas na ko ng kwarto dala ang limang piso ni Kiko nang makita ko si Zec na nakatayo sa may dining table at binabasa ang libro ko. Nakakunot noo siya.


"Nursing student ka?" Tumingin siya nang mapansin ako.


"Ah oo. Graduating student na ko. Bakit?" Nagtataka lang ako dahil masiyado siyang seryoso habang nakatingin sa libro ko.


"I feel like I know these things." Kunot noong sabi niya. Weh? Baka nursing student din siya kaso walang pang tuition kaya kumapit sa patalim. At kaya siya hinabol ng mga lalaking yun dahil kasabwat niya at bigla siyang nawala dala ang mga pera. At nung nahanap siya pinatay siya kaya lang buhay pa pala kaya nahanap ko siya at inaalagaan dito, which reminds me..


"Hanep rin ang trip mo noh? May pa 'I'm injured' 'I'm injured' ka pang nalalaman eh nakakatayo ka na pala?" Iritang sabi ko pero tumawa lang siya.

"Sorry. Na-miss kasi kita." At saka ngumiti sa akin. Napatigil naman ako dun. Pero bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. Kaya na-inis nanaman ako.

"Oh really?" Sarkastikong sabi ko sa kanya at kinuha ang libro ko. Sa kwarto nalang ako mag aaral para walang istorbo.

Nasa kwarto ako at nag-aaral. Hindi lang ako masiyadog makapag concentrate dahil naririnig ko si Kiko at Zec na nagkukulitan sa labas. Mabuti napagti-tiyagaan siya ni Kiko.

Kailangan ko mag-aral. Hindi naman kasi talaga ako matalino. Masipag lang, kaya ako naka suma cumlaude. Pano pa ako yayaman kung tamad ako? Pero kung makakapangasawa ako ng mayaman okay lang. Mabuti yun para mabilis akong yumaman.

Nagbihis na ako at naghanda para sa exam ko ngayong hapon. Paglabas ko ng kwarto nasa sala parin si Zec at Kiko.

"O kiko ikaw na muna ang bahala dito. Maglinis ka. Wag magpapapasok ng kung sinu-sino wala si lola. Mahirap na baka bigyan ka din ng sakit ng ulo, ang bata mo pa baka magkaputi ka nang buhok." Sabay sulyap ko kay Zec.


"Ako na ang bahala kay Kiko." Tumingin naman ako kay Zec at tinaasan siya ng kilay. Pero hindi ko din pinansin.

"Kiko aalis na ko." Tumango lang si Kiko. "Kiss na kay ate."

"Ateee, malaki na ko." Kita mo tong batang to. Seven years old palang feeling matanda na.


"Isa.." Pagsimulang bilang ko. Hindi ako papayag na hindi niya ko bigyan ng kiss. Lucky charm ko pa naman yun. "Dalawa.. Tat-"


Hindi ko na natapos ang pagbibilang sa sobrang gulat dahil may hudas na humalik sa pisnge ko.


"There, you got your kiss. Good luck Krisandra." Sabay kindat sa akin ni Zec. Narinig ko namang tumatawa si Kiko. "O alam kong masarap akong humalik kahit pisnge lang pero may exam ka pa. male-late ka."


Tumatawa siya habang tinutulak ako palabas ng bahay. Nang makalabas na ako, humarap ulit ako sa kanya pero bigla niyang sinara ang pinto. Ang walang hiya, ninakawan ako ng halik! Makaganti nga mamaya.

Продовжити читання

Вам також сподобається

5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
Mío Від Yiling Laozu

Сучасна проза

89.2K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1.5M 24.9K 64
QUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang...