Sentry

By fbbryant

350K 15.2K 1.7K

Nang mamatay ang kinikilalang ama ni Rifka ay napilitan siyang umalis sa bayan kung saan siya lumaki ayun na... More

Foreword
1- Rifka
2- Safe Walls
4- Blood Sword
5- The Last of the Clan
6- SeBiAe (1)
7-SeBiAe (2)
8- Troublemaker Gaius Kühn
9- She's Found
10- Evening Activities
11- Gaius' Payment
12- The Visitors
13- Hunting Week
14- Silver Eyes
15- SA Vs Witches Vs Vampires
16- Blood and Pleasure
17- The Past Is Back
18- Party
19- Useless
20- Shoulders To Cry On
21- Friends
22- The Third Party
23- Cratus
24- Blood Moon Child
25- Rifka on Rampage
26- Villains
27- Change of Heart
28- Second Chance
29- Dinner
30- Two Poisons
31- Broken Heart and Soul
32- Bulletproof Heart
33- Lull Before the Storm
34- The Storm... Murder
35- The Storm... Regrets
36- The Storm... Courage
37- The Storm... Curse
38- Out for Blood
39- Bittersweet Victory
Epilogue
Note

3- Monster

9.7K 453 95
By fbbryant

Tahimik na lumabas si Rifka mula sa kanyang kwarto. Bitbit niya ang kanyang puting tuwalya at bag ng sabon, shampoo at hair conditioner. Alas-sais pa lang ng umaga at alas-nuwebe pa ang unang pasok niya nang araw na 'yun ngunit naisip niyang maagang maghanda para may oras pa siyang hanapin ang kanyang classroom.

"Why are you walking like a cat?"

Muntik nang mapatalon si Rifka nang biglang lumabas ng banyo si Tiana. Nakatapis lang ito ng kulay pink na tuwalya at pinapatuyo naman nito ng mas maliit na towel ang buhok.

"Ah...ano...akala ko kasi natutulog ka pa," sagot niya saka tuwid na tumayo.

"Nah. I always wake up early. I have to do so much stuff. I'm the president of the student council," anito saka walang paalam na iniwan siya at pumasok ito sa kwarto nito.

Nagkibit-balikat na lang si Rifka saka pumasok na sa banyo.

Mabilis lang siyang naligo. Nagtaka pa siya kung bakit ang daming products sa loob ng banyo. Iba-ibang bote para sa mukha, sa katawan, sa buhok at kung anu-ano pa. Napaisip tuloy siya kung ginagamit talaga ni Tiana ang lahat ng iyun.

The school uniform was a little too short for Rifka. Halos nasa gitna na iyun ng kanyang hita at may kasikipan pa ang itim na undershirt which was also long-sleeved.

Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa malaking salamin sa salas. Bagay naman sa kanya pero hindi siya komportable. Nasanay kasi siyang lageng mahaba ang palda n'ya. At itong knee-high niyang boots ay masyadong torture kung ilakad.

Wala siyang bag kaya binitbit na lamang niya ang kanyang mga libro, notebooks at pencil case.

Marahan lang ang paglalakad ni Rifka pababa ng hagdanan dahil may heels ang kanyang boots at nahihirapan siya dahil d'on. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa n'ya pero sumasakit na ang mga paa niya kaya nang lumapag siya sa first floor ay pakiramdam niya ay tumakbo siya ng ilang milya nang naka-high heels.

"Do you have osteoarthritis? Why don't you bend your knees while walking?"

Nag-angat si Rifka ng tingin habang nakahawak sa dingding upang makakuha ng suporta.

Gaius.

Nakakunut-noo ang lalaki habang nakatingin sa kanya. Parang sinasabi nitong mukha siyang baliw kaya napaayos siya ng tayo. Why did she have a feeling that she needed to give him good impression all the time?

"A-Anong ginagawa mo rito?" out of nowhere ay tanong niya.

"First and second floors are occupied by male students and male faculty and staff. Third and fourth are occupied by females," poker face nitong sagot saka siya tinalikuran at iniwan.

Hindi na nagulat si Rifka nang iwanan siya nito nang wala man lang pasabi. Pakiramdam niya ay nasanay na siya rito kaya naman ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad ng marahan.

Huli na ng ilang araw si Rifka sa kanyang mga subjects kaya kailangan niyang mag-overtime para makahabol sa lessons. Buti na lang at likas siyang matalino kaya hindi siya nahirapan sa unang araw niya sa klase.

Ang nagpapahirap sa kanya ngayon ay ang kanyang boots. Pakiramdam niya ay mapuputol na ang mga paa niya any moment kung hindi niya tatanggalin ang mga 'yun. Pero malayo pa ang lalakarin niya pabalik ng dorm kaya mabagal nanaman siyang naglakad.

"Aray," nakangiwi siyang tumigil sa paglalakad upang magpahinga. Bampira naman sana siya at mataas ang pain tolerance kaso wala yata siyang laban sa sapatos na 'to.

"You okay?" nag-angat siya ng tingin at nagulat na lamang siya nang makita ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa harapan n'ya. Bahagya itong nakangiti sa kanya at napansin ni Rifka kung gaano ito kagandang-lalaki. 'Yung totoo, ka-level ito ni Gaius. Bagay din dito ang suot nitong uniform and unlike Gaius, naka-necktie ng maroon itong lalaki sa harapan n'ya. Dirty blonde ang buhok nito and he had turquoise eyes. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang resemblance nito sa isang kakilala.

Tiana. Mabilis na napatingin si Rifka sa nameplate ng lalaki.

Bloodworth, N.T.

Hindi nga siya nagkakamali. Parang male version ito ni Tiana.

"Okay ka lang, Ms. Strauss, R.?" tanong uli nito na napasulyap din sa nameplate n'ya. Medyo kumunot pa ang noo nito dahil isang initial lang ang nasa nameplate n'ya. Well, her middle name wasn't in there. Just her family and first names.

"Ah...yeah. Nagulat lang ako. Parang nakikita ko kasi sa'yo 'yung roommate ko."

"Ah, si Tiana? She's my twin sister," nakangiti nitong sagot.

"I see," somehow ay in-expect na iyun ng dalaga kaya hindi na siya nagulat.

"By the way, I'm Deus," inilahad nito ang kanang kamay at dahan-dahan naman niya iyung tinanggap.

"R-Rifka"

"Nice to meet you, Rifka. Kanina pa kita napapansin n'ong papalabas ka ng building. You don't look okay," may pag-aalala sa boses nito kaya hindi napigilan ni Rifka ang mamula. Hindi siya sanay na pinapakitaan ng maganda ng isang lalaking estranghero.

"Ah ano kasi, hindi ako sanay sa ganitong sapatos," nahihiya niyang amin. Kung pwede nga lang ilubog niya sa lupa ang mga paa n'ya ay ginawa na niya upang itago ang mga 'yun.

"I thought so. Let me help you," anito na nakatingin sa mga paa niya kaya gulat na napatitig siya rito.

"H-Huh?"

"Wait here," anito at bago pa man siya makasagot ay bigla na lamang itong nawala.

Now she was debating whether to wait for him or just go. Kambal pa naman 'yun ni Tiana. Baka kambal din ng ugali ang mga 'to.

Akmang aalis na siya nang biglang bumalik ang lalaki. May dala itong paperbag at laking gulat n'ya nang nag-squat ito sa harapan n'ya.

"May I?" tiningala siya nito saka inimuwestra ang kanyang paa at wala sa sariling napatango na lang si Rifka.

He held her right leg. "Just hold here para hindi ka matumba," anito at kinuha ang kamay niya saka inilagay sa balikat nito.

Nahiya si Rifka kaya hindi na siya nagsalita o umalma pa. Tinanggal ni Deus ang kanyang boots at pinalitan ito ng ibang boots na walang takong kaya agad na nakaramdam ng ginhawa si Rifka.

"Knee-high boots are part of your uniform but heels are not so you're fine," anito saka inilagay ang mga nahubad na boots sa paperbag.

"S-Salamat. Babayaran na lang kita," namumula niyang sabi.

"You don't have to. It's fine. Just think that it's my way of saying thanks."

Nagtatakang napatitig siya sa gwapong mukha nito na may maliit na ngiti. "Bakit? Wala naman akong ginawa para sa'yo ah."

"I'm just glad that Tiana finally accepted a roommate. She might have seen something in you. You see, hindi pa 'yun nagka-roommate since we studied here.  We were thirteen when we arrived here. And now we're twenty-one. Saka lang siya tumanggap ng roommate."

"Bakit naman?"

Deus smiled fondly while talking about his twin sister. "Hindi mo pa ba napapansin? She's a brat."

Napangiti si Rifka. There was something in Deus that made her feel comfortable. Hindi siya naiilang dito kahit bagong kakilala ito. Mukhang hindi ito katulad ni Tiana na parang may galit sa mundo.

"Nasanay siya na puro mga lalaki ang kasama niya. So, she acts like she's our princess which is true. She is our princess. Kaya naman hinayaan na namin every time she says no to a roommate. Kaya nagulat talaga kami n'ong narinig namin na pumayag s'yang maging roommate ka."

"Kayo?"

"Yeah. May isa pa kaming kapatid. He's a sophomore. Siya lang ang babae sa aming magkakapatid. Siya lang din ang babae sa grupo naming magkakaibigan."

"Ahhh...eh pwede palang 'wag pumayag sa gusto ng school na bigyan ka ng roommate?"

"Hindi naman talaga but Tiana loves using her power and position to get what she wants," natatawang sagot nito.

"Her power and position as the student council president?"

"No. Her power as the granddaughter of the ISOP president."

Hindi nakasagot si Rifka sa narinig. ISOP was the highest governing body of all vampires.

"A-Apo kayo ng president? Ni Lorcan Gerhardt?"

Tumango si Deus. "Our Mom is his daughter."

"Wow," 'yun na lang ang nasabi ni Rifka. Kaya naman pala maldita 'yung si Tiana. Nakasandal pala sa isang matatag at malaking pader.

"Let's go. Papunta na rin ako kay Tiana," anito kaya tumango siya.

Nagkwentuhan pa sila habang naglalakad papuntang dorm. Napansin naman ni Rifka na napapatingin sa kanila ang ibang mga estudyante at nakaramdam siya ng pagkaasiwa lalo na at alam niyang apo pala ng President itong kasama niya.

Paakyat na sila sa third floor nang napatigil si Rifka sa gitna ng hagdanan. Kasalubong kasi nila si Gaius. Cool na cool lang itong bumababa habang nakapamulsa at blangko ang ekspresyon ng mukha nito.

Napansin din niyang nawala ang ngiti sa mukha ni Deus nang makita si Gaius at napalitan iyun ng blangko ring ekspresyon.

Sinulyapan ni Gaius ang kanyang mga paa bago ito nagpatuloy sa pagbaba and Rifka felt the tension nang lampasan nito si Deus. Tila nag-slowmotion pa ang paningin n'ya nang magkatapat ang dalawa and she felt like suffocating until Gaius was finally on the lower steps.

Nakanganga lang si Rifka habang nakikiramdam. Nalilito siya sa aura na meron ang dalawa. Magkaaaway ba ang mga ito?

Napansin na lang niya na nagpatuloy pala sa paglalakad si Deus all this time kaya naiwan siya nito. Mabilis siyang humabol at nakita niyang nanatiling blangko ang mukha nito at nakatiim-bagang. Hindi na sila muling nag-usap hanggang sa narating nila ang kwarto nina Rifka. Agad niyang binuksan 'yun at pumasok. Sumunod naman si Deus na para bang sanay na sanay na itong pumapasok dito. Nadatnan nila si Tiana na nakaupo sa couch at nasa mesita ang mga paa habang nanonood ng TV pero may pink na laptop ito sa kandungan.

"Oh you're here," walang gana nitong sabi na sa TV pa rin nakatitig.

"Nagpunta ba rito si Gaius?" tanong ni Deus kaya napatingin dito si Tiana.

Nakinig lang si Rifka sa dalawa. May gusto siyang malaman. Napansin ni Rifka na may dalawang itim na paperbags sa isa pang couch. Galing ba sa shopping ang roommate niya?

"No. Why would he?" nakasimangot na sagot ni Tiana. Pansin ni Rifka na mukhang may galit din ito kay Gaius.

"Nakasalubong namin siya sa hagdanan. Galing siya rito sa girls' area."

"That's weird. Wala naman siyang bibisitahin dito," ani Tiana.

"Baka may bagong pinopormahan," gulat na napalingon si Rifka sa lalaking nagsalita. Kakalabas lang nito ng banyo at pinapatuyo nito ang mga kamay gamit ang tissue. He rolled the tissue into a ball and threw it inside the bathroom. Siguro sa trash bin doon.

Pansin ni Rifka ang itim nitong buhok at blue na mga mata. At tulad ni Deus, he was so tall, handsome and attractive.

"Hi. I'm Cole Bloodworth. You must be Tiana's new roommate. I'm their younger brother," anito saka naglahad ng kamay at tinanggap naman iyun ni Rifka.

"Rifka."

Isang katok sa pinto ang narinig nila at agad naman iyung binuksan ni Deus.

Isa nanamang lalaki ang pumasok. Dirty blond ang magulo nitong buhok and just like the other guys, he was tall and handsome.

"Late na ba ako?" agad nitong tanong na inaayos pa ang suot na necktie. Ang daming gusot sa uniform nito at hindi pa tama ang pagkakabutones ng undershirt.

"Saan ka nanaman nanggaling, Malik?" mataray na tanong ni Tiana pero ngumisi lang si Malik at binalingan si Rifka saka malakas na tumawa.

Nagtataka namang napatitig dito ang lahat.

"Rifka, 'wag mong hayaang makapasok 'yan sa utak mo. He doesn't understand the word privacy kaya learn how to block him from your mind," ani Deus saka tinapik sa balikat ang dalaga.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Inilahad ni Malik ang kamay kay Rifka saka simpatikong ngumiti. "Hi. I'm Malik Brigham. At mali ang iniisip mong hindi ako marunong magsuot ng uniform. Nagmamadali lang talaga ako matapos kong bigyang ligaya ang dalawang nagmamakaawang magagandang nilalang na-."

"Tigilan mo nga 'yang kabastusan mo, Malik," sabad ni Cole saka hinila si Rifka papunta sa couch at pinaupo sa tabi ni Tiana. Naiwan namang nakangisi si Malik at sumunod na rin. Umupo ito sa tapat nina Deus at Cole.

"He can read your thoughts so lumayo ka sa fugly creature na 'yan," maarteng sabi ni Tiana na sa TV nanaman nakatingin. Vampire movie iyun at ang papangit ng mga bampira doon.

"Hellville vampires kayo?" nanlaki ang mga mata ni Rifka lalo na nang tumango si Cole. "Nabasa kong may special powers ang founding families ng Hellville. The only ones in the vampire world."

"Well, lahat kami ay members ng Hellville founding families," ani Tiana gamit ang maangas nitong tono.

Hindi makapaniwalang napasandal na lang si Rifka sa couch. Dati ay nababasa lang niya ang tungkol sa mga pamilyang 'yun. Ngayon ay kasama na niya ang ilang members.

"Nag-shopping ka nanaman, Tiana?" ani Malik saka sinilip ang dalawang paperbags sa tabi nito.

"Those aren't mine. Someone knocked awhile ago pero wala namang tao sa labas. Nakita ko lang ang mga 'yan. They're for you, Rifka."

Gulat na napatingin si Rifka kay Tiana saka tumingin sa dalawang paperbags. "A-Akin?"

Iniharap ni Malik kay Rifka ang card na may nakasulat na... RIFKA in gold letters.

Nagtatakang inabot ni Rifka ang mga bag habang nakatingin sa kanya ang apat at naghihintay din kung ano ang nasa loob.

Isang pares ng knee-high boots na walang takong at mas maganda ang disenyo n'on kaysa sa binili ni Deus. Ang isang paperbag naman ay may lamang itim at maliit na backpack. Tama lang para magkasya ang kanyang notebooks at pencil case.

Hindi makapaniwalang napatitig si Rifka sa mga ito. Kanino galing ang mga ito? Paano nalaman ng taong 'yun na kailangan nga niya ng mga 'yun? Well, aside sa boots. Binigyan na kasi siya ni Deus.

"Isang araw ka pa lang dito pero may secret admirer ka na, Rifka? Angas ah," ani Malik.

Hindi na nakasagot si Rifka dahil nakarinig nanaman sila ng katok at kasunod n'on ay ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Dr. Erick.

"Oh. It's the obnoxious geezer," mataray na sabi ni Tiana kaya gulat na napatingin dito ang lahat.

"Tiana!" mariing saway ni Deus pero umikot lang ang eyeballs ng babae.

Mula sa pagkagulat ay pilit na ngumiti si Dr. Erick. "I'm hoping I'm not late yet," sabi nito.

"You're very late. Doctors should not be sluggish, you know."

"I'm sorry, Tiana. May pasyente kasi ako eh," tila nahihiyang sabi ng doctor saka bahagyang ngumiti kay Rifka, acknowledging her presense.

"Injured nanaman ba dahil sa trainings?" ani Cole.

"Nope," pabuntung-hiningang sagot ni Dr. Erick saka tumabi kay Malik. "May binugbog nanaman si Gaius kani-kanina lang. The poor guy lost three teeth."

Gulat na napatitig si Rifka kay Dr. Erick. Tila ayaw niyang maniwala sa sinabi nito.

Si Gaius nambugbog?

Huminga ng malalim si Deus habang nakatiim-bagang. Napansin ni Rifka na parang sanay na ang mga ito sa gan'ong pangyayari.

"B-Bakit naman ginawa 'yun ni Gaius?" naisip niyang itanong.

"You know him?" gulat na tanong ni Cole kaya tumango siya.

"S'ya ang nagdala sa akin sa Infirmary n'ong muntik na akong mamatay. Kinakausap n'ya rin ako minsan."

"Lumayo ka sa kanya," matigas na sabi ni Tiana. "That guy is bad news. Lageng nambubugbog ng estudyante, pati professors hindi pinapalampas. Hindi naman mapatalsik ng academy dahil isa siya sa top one ng Seniors. Isa pa, hindi nagfa-file ng complaints iyung mga nabugbog niya. He is the epitome of the word monster."

Hindi talaga makapaniwala si Rifka na gan'on si Gaius. Naalala pa niya ang pag-aalala sa mga mata nito bago siya nawalan ng malay sa mga bisig nito.

He wasn't a monster. She was sure of it.

***

immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

The Curse of 11:11 By IMEE

Mystery / Thriller

5.6K 448 33
COMPLETED Story Description: Five ladies transferred to Primoon Academy, believing that this will help them embark on a new journey in their senior h...
51.7K 1.4K 34
Isang kakaibang babae na napadpad sa isang kakaibang mundo -paano kaya niya haharapin ang pagsubok na ito?
109K 5.5K 47
Tiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fasc...
1.2K 57 3
Bawat tao sa mundo'y may tinatagong sikreto. At bawat tao sa mundo'y may bagay na kinatatakutan. Ngunit paano kung magkaroon ka ng takot sa isang ord...