The Only Exception

By Marielicous1019

4.3K 123 24

Our heart is still young, still naive and fragile, what do we know about being in love? More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 1

420 11 0
By Marielicous1019

Chapter 1

"This is the formula for geometric series...." Paliwanag ng guro namin habang sinusulat sa board ang formula.

Unfortunately, mathematics is our first subject every morning. Everybody's ass is still sleepy, kaya nung lumagabog ng malakas ang sirang back door lahat kami ay nagulat at napalingon 'don.

"Tatlumpong minuto na nang magsimula ang klase ko, naisipan mo pa rin pumasok?!" umalingawngaw ang boses ni Sir Custodio.

Nag-divert ang atensyon naming lahat sa lalaking kakapasok lang. That face again.

Sa pagkakaalam ko, abot na ng tatlong buwan mula nung magpasukan. At ni isa sa mga subject ko, hindi ko matandaan na naging kaklase ko ang lalaking 'to.

Hindi pa ba sapat na makita siya lagi sa campus at pati ba naman sa room namin mismo makikita ko pa rin siya?

"Sorry, Sir." sabay ngiti niya, labas ang dimples. "Ngayon lang po sinabi sa'king nalipat na pala ako."

Nilipat? Pwede pa pala 'yon?

"Marked as absent ka na ngayon. Sit down! You're driving the attention away."

Wala na siyang nagawa at naupo na lang. Pinag-sagot rin siya sa quiz kahit hindi naman niya naabutan ang discussion.

Pero nang magpasahan ng papel nagulat ako nung tinawag siya dahil na-perfect niya ang quiz! In fairness ha, wala sa mukha niya 'yung mukhang nag-aaral ng mabuti. Mukha kasi siyang typical na gwapo at mayabang na lalaki na puro pagpa-cool lang ang ginagawa.

Oh well, things aren't always as they seem. Its shallow to just look on the surface and never of its content.

Talagang hindi lang maganda ang unang interaction namin kaya may inis ako sakanya.

Natapos ang first subject kaya kanya kanyang lipat na sa sitting arrangement. Second subject na pero itong si Syrene kakarating pa lang. Nagtama ang tingin namin, sinamaan ko siya ng tingin. Nag-peace sign siya bago naupo.

Dumating ang teacher. Nilabas ko ang notebook ko para maghanda sa mga notes. Medyo tanga ako sa science, actually hindi lang 'don. Sa kahit ano na may computation mahina ako, kaya kailangan talaga ng notes.

"Siince its the start of your 2nd quarter. I want new arrangements. May mga bago kayong kaklase. Namely... Besmonte, Cruz, Martinez and Molina."

"They we're transferred here for some evaluations. At ang four least rank sa klaseng 'to ay inilipat naman sa section nila. As a soon completer, tinitignan na namin kung sinong section ba ang mags-stand out. Dahil baka doon tumutok ang mga sponsors. Kaya kung gusto niyong ang section na ito ang mapili, help each other out. Especially, sa mga gustong magkaroon ng scholarship sa magandang school."

That's a bit unfair... Bakit hindi na lang ibase sa general weighted average ang mga magiging representatives for sponsorship? Bakit sa iisang section lang, eh pare-parehas naman naming alam kung sino ang star section dito.

Pumwesto si Ma'am Corpuz sa gitna, "Stand up everybody! I want a new sitting arrangement. Get up! Get up! Quick!" pumalakpak siya para ipakita na gusto niyang bilisan ang kilos namin.

Front row pa lang nung tinawag na agad si Syrene.

"Ayan, 'pag madaldal talaga dyan sa unahan." asar ni Kyle.

"Next, Reyes!" si Ma'am Corpuz.

Tumawa ang buong klase. Napakamot na lang si Kyle sa ulo bago maupo.

"'Pag madaldal talaga nasa unahan, 'no?" Syrene mocked him.

Bandang middle row nung tinawag ako.

"And you'll be seating next to..."

Umikot siya para tignan ang natirang kaklase ko. "Molina? Tama ba?"

"Yes, Ma'am!" sumaludo siya.

I walked straight to my seat, narinig ko ang madramang pag-ubo ni Syrene.
Pinipilit niya kasi na may gusto ako sa Molina na 'to.

"Ano nagka-TB ka na dyan?" inasar siya ulit ni Kyle. Buti nga.

Pagkaupo inayos ko ang bag at nilabas ang mga gamit na kakailanganin para sa discussion.

In my peripheral vision, nakita ko si Molina na naka-tingin sa gawi ko. Nung lumingon ako naabutan ko ang tingin niya.

Ngumiti siya sa'kin. "Hi seatmate,"

Tinanguan ko siya. Naalala na naman ang eksena sa cafeteria, tatlo o apat na araw lang ang lumipas. Naalala niya ba 'yung mukha ko? More so, naalala niya ba na kinindatan niya ako, kahit 'di naman kami magkakilala?

Nag-umpisa ang discussion at tahimik naman siya. Mabuti naman.

"May extra pen ka pa?"

Hindi ko alam kung ako ba tinatanong niya, kaya 'di ako umimik. 'Di nagtagal kinalabit niya ako.

"May pen ka pa?"

Dahil nakalabas ang pencil capsule ko, hindi ako pwede magsinungaling. Magq-quiz rin kawawa naman kung wala siyang ipapanulat. Kinuha ko ang blue pen ko, dahil 'yon na lang ang extra bukod sa red at orange tsaka inabot sakanya.

"Walang black?"

Aba ang arte, pinahiram na nga.

"Wala." sagot ko.

Ngumiti siya. Ang weird ba't siya ngumiti.

Hinablot niya ang ballpen sa kamay ko. "Okay na pala 'yan. Thank you."

Magq-quiz na kami ng naramdaman ko na naman kalabit niya sa'kin. Umirap ako bago lumingon.

"Pahinga ng paper..." ngumiti pa siya.

I pressed my lips, bago pumunit ng isa at binigay sakanya. Wala pang five minutes nang kinalabit niya na naman ako.

I can't help but to be irritated.

"Wala." sagot ko agad.

Buti nag-simula na mag-quiz kaya hindi niya na natuloy ang sasabihin.

Pagtapos magpasahan ng papel, niligpit ko agad ang mga gamit ko para makaalis agad ako rito mamaya.

"Pa-text."

This guy seems to be irritating from roots. Hindi niya ata maramdaman na naiirita na ako. O baka nararamdaman niya, pero wala siyang pakialam. Hindi ko siya pinansin.

"Close tayo?" pambabara ko.

Lumapit siya sa'kin, closing the space between us. "Ayan close na," ngumiti pa siya.

Naiirita ako lalo kaya binigay ko na lang ang phone ko. Kakausapin ko bukas si Ma'am. Magpapalipat ako, sasabihin ko malabo ang mata ko at 'di ko makita sa pwesto ko. Kahit ano, basta malipat lang.

"Thank you!" he said and pinched my cheeks.

Napa-diretso ako ng tayo.

"Uy, ano 'yan?" si Syrene.

Napuno na ako kaya tinignan ko na talaga siya. 'Di makaramdam!

I gave him my coldest stare. Labas ang dimples niya dahil sa pag-ngiti sakin.

Hinawi ko ang kamay niya. At mas tinaasan ang intesidad ng titig ko.

"Don't touch me." I brazenly uttered.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...