Copyright © ScribblerMia, 2012
Natapos ang buong araw ng klase ko. Hindi ko rin nakita si Karl Jonathan.
Nasaan na kaya iyon? Hay naku. Bahala siya. At least, tahimik ang maghapon ko. Dalawang subjects ko lang pala siya kaklase ngayong araw. Okay na rin dahil hindi ko makakasama buong maghapon ang bwisit na iyon.
"Let's go home." Yaya ni Cess.
"Go ahead, guys. Dadaan pa ako sa library. Papa-validate ko pa ID ko, e." Nakasimangot na sabi ko.
"Sure ka?" Tanong ni Kaye.
"Uuwi rin naman ako ng maaga. Pa-validate lang then gorabelles na. Una na kayo." I gave them a reassuring smile.
"Okay, then. See you." Sabay nilang sabi sabay halik sa pisngi ko.
Kinuha ko na ang bag ko at tumungo sa library. Binuksan ko na rin ang carnation pink na payong ko.
Napahugot ako ng malalim na hiningi. Mahaba-habang lakaran na naman ito. Naisip ba ng paaralang ito na bukod sa mahihirap na ang mga subjects ay pahirap rin ang pagpunta sa mga buildings? Ang init init pa naman. Kakatapos lang ng summer pero ang init pa rin. Ano ba iyan?
"What the hell!" I screamed. Napatigil ako sa paglalakad at napahawak ng mahigpit sa payong ko.
"Hey, hey, hey. Napaka unlady-like naman," a familiar voice exclaimed.
I turned around only to see that irritating face again.
"What do you want again this time?" I shouted.
"Kalma lang." Taas ang dalawang kamay na sabi niya, nakangisi pa.
"Bakit ka ba nangbubunggo? Ang lawak lawak ng daan, pare, nagsusumiksik ka pa? Laki-laki mong tao! Bwisit! Nananadya ka ba ha?" Dire-diretsong sabi ko. Muntik na kasing tumilapon ang bag at payong ko.
Kumunot ang noo nito. "Mainit na nga ang panahon, mainit din ang ulo mo. Problema mo ba ha?" Naiinis na rin na sabi nito.
"Pwede ba? Lubayan mo nga ako! Nakakairita na ang pagsunod-sunod mo!"
"Excuse me, but who's following you?"
"Sino pa nga ba?"
"If you are referring to me, I'm afraid you're definitely wrong. I don't have time to follow you." He emphasized the word "you."
"Then, why are you here?" I asked sarcastically.
"Pagmamay-ari mo ba ang library? Wow ha!" He feigned a shock.
Ayan na naman ang alta presyon ko. Nakakainis talaga.
Tinitigan ko siya ng masama. At sa pagtitig ko, napansin ko ang mamula-mulang mukha nito. Siguro dahil sa sobrang init ng panahon. Wala kasi itong dalang payong. Nakakaawa dahil hindi nga pala alam ng lalaki na ito na ang una sa listahan ng mga dapat hindi kalimutang dalhin sa school na ito ay payong. Oh well, papel, buti nga. Sana mangitim siya at pumanget! Nakakairita kasi siya.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Gwapo talaga ang mokong. His nose, his eyes, his lips, his---
I suddenly heard him chuckle.
"Ano'ng nakakatawa, lalaki?" I glared at him.
"Uhm, 'wag ka masyadong pahalata na crush mo ako, ha? Kakaturn-off, e." He smirked. Pagkatapos ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo.
Nakatitig lang ako sa papalayong lalaki.
What did he say? Crush ko siya? Iba rin talaga ang delubyong dala niya. Ang problema talaga ng karamihan sa mga lalaki ay kayabangan. Pagtinititigan ba ng babae ang lalaki, crush na agad? Hindi ba pwedeng napapangitan lang? Or naga-gwapuhan? Or may mali lang sa mukha nila?
"Wait, what?!" I shouted again.
Dire-diretso ang kumag na parang walang narinig.
"The nerve of that guy!" Nagpapadyak ako sa inis. Kaya pinagtinginan tuloy ako ng mga kasalubong kong estudyante.
"What?!" I screamed at them.
Bigla namang nagmadaling maglakad ang mga ito at iniwas ang mga tingin sa akin.
Namula ako bigla. Nakakahiya talaga.
Inayos ko sarili ko sabay lakad with confidence. What's this? Just when I thought that this day was over, hindi pa rin pala. Bakit ba ganito? This was too much for a punishment. Gusto kong maiyak sa inis.
--
I fell in line while waiting for my turn. Ang haba ng pila sa library.
Tiningnan ko ang cellphone ko para i-check kung may mga mensahe ba akong natanggap.
"Ang gwapo niya talaga. Bago ba siya? Now ko lang nakita, e."
"Mukhang mayaman noh?"
"Kamukha niya ang ex ko."
"Duh. 'Di hamak na mas lamang ng ilang milyong paligo naman iyan sa ex mo."
Nakarinig ako ng tawanan sa harapan ko.
"Ang tangkad. Siguro frat member iyan."
"Oo nga, e. Ano kayang frat niya? Makasali sa sorority nila."
Tumingin ako sa nasa unahan ko. Naghahagikhikan ang apat na babae.
I frowned. Ano ang problema nila?
Tiningnan ko naman ang pinaguusapan nilang lalaki.
Muntik na akong mapamura nang malakas. What? Are you kidding me? Iyan na ang apple of the eye nila? Iyang mukhang palaka na iyan?
Nakatayo kasi ito sa kabilang linya habang nakikinig sa iPod. Wala siyang kaalam-alam na pinaguusapan na siya ng mga babaeng ito sa unahan ko na panay ang pacute.
Binalik ko ang atensyon ko sa pagtetext. Bahala sila.
1 message received:
From Kaye:
Ateng, ang gwapo lang po ng katabi ko sa jeep. Mukhang yummy. Kaso ang gf, mukhang langka. Rephrase, langka ang mukha. Syet lang. Parang pimple na tinubuan ng mukha.
Medyo napatawa ako sa text ng kaibigan ko. Napakapulaera talaga ng babaeng ito. Bakit ko ba naging kaibigan pa ito? Ngiting-ngiti ako habang nagrereply.
"OMG! Nakatingin siya sa atin."
"I'm gonna faint."
"Baka napansin niya na tayo?"
Hagikhikan pa rin ang mga babae sa unahan ko. Grabe ha. Try niyo lang kiligin ng bongga mga Ate? Adik niyo lang, e.
Iniangat ko ang paningin ko. Halos lumuwa naman ang mga mata ko sa nakita ko.
Oo nga. Nakatingin nga siya dito, sa pwesto ko. At sigurado ako, hindi siya nakatingin sa mga babaeng iyan kung hindi sa akin lang.
Karl smirked. He suddenly mouthed the word "crazy."
I inhaled sharply. I couldn't believe what he just said.
Ako? Crazy? E, samantalang itong mga babae sa unahan ko ang mga baliw! Tapos ako ang sasabihan niyang baliw?
Aba't! Hindi ako papayag.
Tinitigan ko lang siya. Diretso ang tingin ng lalaking mayabang.
Pagkatapos ng isang minuto, napansin siguro nitong tinititigan ko siya ng matalim, kaya nang lumingon siya...I raised my two middle fingers.
He gasped.
I smirked upon seeing his shocked face.
Bull's eye. You deserve that, asshole.
--
"Sa wakas, makakauwi na rin," nakangiting bulong ko sa sarili.
Naghihintay ako ng jeep sa tapat ng Jollibee. Twenty minutes na ako rito pero wala pang jeep na byaheng pa-San Pablo ang dumadaan.
Kinuha ko mula sa bulsa ang panyo at pinunasan ko ang pawis na tumulo sa noo ko. Mataas ang sikat ng araw. Alas dos pa lang kasi kaya ramdam na ramdam ang init, idagdag pa na marami kaming pasahero na naghihintay.
After five minutes, a familiar car suddenly stopped in front of me. Bumaba ang salamin ng kotse, only to see that annoying face.
"No luck, eh?" He smirked.
I hate that smirk. It's annoying. "Pake mo?" Mataray kong tanong.
"Want a ride?" Nakangisi nitong tanong.
Napansin kong napatingin sa amin ang ilang pasahero na nakapalibot sa akin. Natural na talaga sa mga Pinoy ang makiusyoso sa usapan ng may usapan ano?
Binaling ko ang atensyon ko sa nakangising lalaki. Nag-isip ako saglit. Kung magiinarte pa ako, baka hindi ako makauwi. Kanina pa kasi ako rito. Ang init-init at ang dami ring pasahero na nakaabang. Malamang, parang basketball ito mamaya, baldahan at unahan sa jeep. Tiningnan ko si yabang. Mukha namang seryoso siyang pasakayin ako sa kotse niya.
"Te, ang gwapo naman no'n."
"Trula. Kaso girlfriend niya ba iyang girl na iyan?"
"Chakabelles."
Tiningnan ko ng masama ang dalawang baba...bakla? Grabe ha! Marami akong kaibigan na bakla. Pero hindi nila akong sinabihan ng panget! Sabunutan ko ang kilay ng mga ito, e!
Tiningnan ko ulit si Karl Jonathan at ngumisi. Sige na nga. Sasakay na ako rito sa kotse ni yabang. No choice, e.
Taas-noo akong lumapit sa sasakya niya. Nang hahawakan ko na ang pinto ng kotse, bigla niyang pinaharurot palayo ang sasakyan. Leaving me dumbfounded.
Will someone please tell me...
What the heck did just happen?