Ate Cham's Note: Pasensiya na kayo sa kaek-ekan ko hah. Matagal ako mag-ud :3
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Weather No. 20
SI BLUENICA NASA GILID.........
((-Alex's POV-))
Tss. Putek kang Cloud ka! Panira ka talaga ng araw. Oras na masolo kita, patitikimin kita ng kamao ko!
Ang epal niya kahit kelan.
Dumiretso ako sa Black Rose. Tengene! Mainit ang ulo ko!! Niready ko ang kamao at konting stretching lang saka ko binugbog ang punching bag na nakasabit. Iniisip ko na lang na mukha ng karibal ko iyon at binabasag ko.
~toink
Bumabaon lahat ng suntok at sipang pinapatama ko.
~toink
Pawis na pawis ako at hingal na pero wala pa rin akong tigil sa kasisipa.
~BUGSH!
"Aray!! Sh*t naman!! Sino bang kanina pa nambabato sa ulo ko!!" sigaw ko. Buset eh! Sabi na nga ba at may nararamdaman akong may sumasagi sa buhok ko pero ngayon mas malakas at mas masakit.
"Ako! Ano palag?!?!" (>O<)/
Psh. Kung si Kaius ka sana papalag pa ako sa'yo. Pero kung ikaw, hindi pwede. Inis ko na lang pinulot ang bag ko.
"Oy! Kinakausap kita! Wag ka nga maangas Sepal! Papatulan kita. Anata wa redi desu!" Banta niya sa akin.
"Manahimik ka nga lang dyan. Wag mo akong banatan ng Niponggo mo. Wala akong ganang makipag-usap ngayon." Nilagpasan ko siya na nakaupo sa may armchair at nakatakip ng leather jacket niya? Nu kayang nangyari sa kanya at mukhang balot na balot. Ah! Pakialam ko! Makaalis na nga!
"Hoy! Wag mo sabihing duwag ka na ngayon?! Lumipat ka lang ng school at nakilala yang babaeng bungang-araw na yan..weak ka na!! Nan desu ka?!" Narinig kong umurong ang upuan niya. Alam kong napatayo na siya. Napahinto ako sa paglalakad. Bakit ba siya nakikisawsaw?! "Ang sabi ko manahimik ka!..." humarap ako sa kanya....
O______O OOOOOOOOOOOOOOOWWWWWWW.... Nalaglag ang leather jacket niyang nakabalot sa kanya.
N-Nakauniform siya?!?! Sa sobrang gulat ko sa transformation ni'tong boyish na prinsesa ng Black Rose nasabi ko ang forbidden word. "...Nica."
Dahil doon namula siya ng todo. Ahahaha! Ngayon ko lang siya nakitang nagblush sa tanang buhay gangster ko! Ahahaha! Kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang celphone ko. Agad na isinet ko ang camera at *flash. Nakuhanan ko siya ng litrato.
"THAT'S IT!!! Watashi wa anata o korosu! I'LL KILL YOU!!!" Sigaw niya sa akin. Mabilis na sumugod siya. Kung dati medyo kinakabahan ako kapag ganitong nasabi ang forbidden word, ngayon hindi. Mukha kasi siyang manika. Ang cute-cute. Mehehe. Walang bahid ng looks niya noon.
Unang nagbitaw siya ng malakas na suntok pero nakailag ako. Well, para saan pa ang pagiging rank 1 ko bilang si Sepal kung masusuntok ako ng rank 2 princess na si Bluenica a.k.a. Pistil. Suntok lang siya ng suntok kasi hindi siya pwedeng manipa. Bwahaha! Nakaminiskirt si pare!!
"How dare you!! Papatayin talaga kita!!" Suntok ulit siya pero hindi niya talaga ako mahagip. "Sinabi ko na noon!! Don't call me THAT name!! CALL ME BLUE!! BLUE!!!!"
Natatawa talaga ako sa kanya. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siya ng Nica. Malay ko ba dyan at nagwawala kapag narinig lang iyon. Ayan at para na namang sinapian. Although mabilis siyang kumilos, wala pa rin siyang panama sa mga galaw ko. Hahaha! Parang ayoko na tuloy seryososhin ang banta niya. Paatras ako ng paatras. Bigla na lang...
*SLIP
*BUGSH
"Shete...Awsh.." daing niya. Bigla kasi siyang napadulas at bumagsak sa akin dahil sinalo ko siya. Buti nalang at sa sofa kami nabagsak. Nasa ibabaw ko siya.
*clap*clap*clap "Wooooooooow!! Ong gondong sheen!! Honop, Alesh!" (Ang gandang scene!! Hanep, Alex!) *nguya*nguya *lunok "Alam mo bagay kayo." Tapos kumagat na naman siya ng saging at itinapon ang balat sa sahig. Badtrep kang Ethan kaaaaaaaah!! Ikaw pala ang nagkakalat ng basura dito sa Black Rose at napadulas kami!!
Napabangon kaming dalawa ni Bluenica at galit na hinarap ang trespasser. "Unggoy! Bakit ka na naman nandito?! Dapat nasa kampo ka ng Death Eaters!"
"Wala, nanunuod lang ako." Habang prente siyang nakaupo sa upuan at ngumunguya ng saging, nilakasan niya ang volume ng tv. "Uh! Aaah! Ah! Yessss! Ah! Uhhh!" sabi nung nasa tv. Dahil may kalayuan ang pagitan namin at nakatalikod sa amin ang tv, hindi namin nakikita ang nangyayari pero may hula na kami kung ano yun.
"Dagu ka!! Manyak!! Patayin mo nga yan!!" saway ni Bluenica. Nakikita kong namumula na naman siya. Ako rin eh! Naiinis ako!! "Pervert! Bawal yan dito!! X-rated!! Toot-toot yan!!"
Hindi niya kami pinapansin. Mas nilakasan niya pa ang volume. "Yeeeees!! Ang sarap!! Sige pa! Uh! Ah!" daing nung babae sa tv.
YUCK!!! Bastos kaah!
Halos magkasabay kami ni Bluenica na sumugod sa kinaroroonan ni Ethan. Nang makita niya kaming pasugod, tumayo siya. "Hahaha! Panuorin niyo kaya! Marerelax kayo! Salamat nga pala sa saging!!" ngumiti pa siya ng makaloko tapos he headed to the exit.
Hinabol namin siya ni Bluenica pero hindi namin siya naabutan. "Uh! Aaaah!!!!" sabi nung malakas na volume ng tv. Namalayan na lang namin na napahinto pala kami sa tapat nito. Waaah! Si Bluenica! Ang mga mata niya!!
Mabilis na nilundag ko siya at tinakpan ang kanyang mga mata. "Wag mo panonoorin!!" Pero huli na ang lahat. Nakapanood na pala siya. Pinagpapalo niya ang kamay ko. Nung ayaw ko tanggalin, sinikmuraan niya ako. Sh*t! Hindi ako prepared. Ansakit. Natanggal ko tuloy ang mga kamay ko.
Napalingon kaming dalawa sa tv.
(O_______O) (O_______O)
Oo nga. Marerelax kami kapag pinanood namin 'to. Pinalalabas sa tv ay isang kind of massage na dinedemonstrate sa isang babae. Exagerrated lang kung makareact. Tss! Tinapunan ko ng tingin ang katabi ko. Si Bluenica may hawak na note. Binasa ko rin siya: "Pervert kayo! Green-minded –Love, Ethan" Pinagpupunit ni Bluenica yung note. Grabe ang tindi niya pala mamula. Halos madurog yung remote nung hininaan niya ang volume nun tsaka pinatay.
Ilalabas ko sana ulit yung phone ko para kuhanan siya ng picture kaso tinignan niya ako ng masama. Sige, ibabalik ko na ho. Di ko na ilalabas. Umupo siya sa sofa at nakitabi na rin ako. "Bad mood?" tanong niya sa akin.
"Oo. Ikaw?"
"Mas lalo. Bakit ka badtrip? Si Sunny?"---> Bluenica.
"Yep." *sigh "Ang epal kasi nung Cloud eh! Gusto ko siyang patumbahin. Kaw, bakit ka badtrip?" tanong ko naman sa kanya.
"Mom and Dad. Alam mo naman. Half-half ang katauhan ko. Kailangan kong maging sweet, caring, loving and girly sa harap nila habang itinatago ko ang pagiging basagulera ko. Ito!" hinampas niya ang miniskirt niya. "Ito ang nakakapangbadtrip sa akin!! Gusto ko mambugbog!! Gusto kong may upakan para mailabas itong inis ko! Tapos may napulot pa ako...tegami." (a letter) kumuyom ang kamao niya. Anong tegami ang sinasabi nito? Psh. Tinapik ko siya sa balikat at itinuro ang punching bag. "Ibuhos mo muna doon."
Tumayo na ako. Nang nasa tapat na akong pinto. "Sige, NICA. Alis na ako."
O_________O
"WAH!! I'LL KILL YOUUUU!!!" napatayo siya mula sa sofa. Ako naman, tatawa-tawa akong tumakbo palabas at pinaharurot ang motor palayo.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
=Saturday morning=
Nakakatamad bumangon ng kama.
♫♪ So get up, get up, get out of my head
And fall into my arms instead
I don't, I don't, don't know what it is
But I need that one thing
And you've got ...♪♫
Kinapa ko ang phone ko na nag-iingay sa bedside table. "Good morning asawa ko *u* - author"
(Epal ang author kahit kelan. Wag niyo na lang siya intindihin. Walang kinalaman ang text sa istorya.) Psh. Nagtext na naman si Cham. Hindi ko siya nireply. Si Sunny kasi ang nasa isip at puso ko kaya wala akong pinapansing ibang text kundi sa kanya. Bumaba ako sa sala. Antahimik nitong buong bahay. Natural ako lang at ang lima kong maids kasama ang aso kong si Drool at ang hardinero namin. My mother and father got separated a year ago. Nag-iisa lang akong anak at dahil ayaw ng kani-kanilang asawa na patirahin ako na kasama sila, they gave me a house.
Yes, my mom and dad we're rich at ginamit nila iyon para suhulan ko. Basta kahit anong hingiin kong pera, kahit gano man yan kalaki ibibigay nila. Hindi lang nila alam...Hindi ko kailangan ng materyal na bagay. What I need is their time. Natuto akong magwala at maging gangster para lang mapansin nila ako pero wala pa rin. Sh*t lang!! Nagiging dramatic actor na ako!
Ipinilig ko ang ulo ko. Makapagjogging na nga lang.
Naisip kong magjogging sa park. May nalingunan akong cute na babaeng nakapangalumbaba sa isang stand ng mga cupcakes. Lumapit pa ako doon. Aha!! Sunny!!!! \(*O*)/ at wala si Cloud. Yes..
"Hi, Sunny!" bati ko sa kanya. Ayan oh, ang lapad ng ngiti ko. Halatang nagulat siya sa akin. "Anong ginagawa mo dyan?"
"Ahh. Ginagawan ko lang ng favor yung friend ko. Ako muna pumalit sa kanya ngayon sa trabaho niya kasi may date siya. Nagmakaawa eh kaya pinagbigyan ko na. Kanina pa nga ako dito pero walang bumibili." kwento niya. Haaaay. Kahit na nabusangot siya ang ganda talaga niya. Hindi siya bagay sa ibang lalaki. Sa akin pwede pa. Hehe.
"Gusto mo tulungan kitang magbenta?" alok ko. Hindi pa siya umu-oo pero kinuha ko ang signboard na nakalagay sa tapat ng minishop. Binura ko ang nakasulat doon at pinalitan. Matapos kong magsulat, itinaas ko iyon at sumigaw.
"FREE HUG!! BILI LANG KAYO NG 10 CUPCAKES!!"
O____O "A-Alex!! Tigilan mo nga yang ginagawa mo!" lumabas siya para pagsabihan ako. Nginitian ko siya at hinawakan ang baba niya. "Ayos lang. Basta para sa'yo gagawin ko." Binitiwan ko na siya dahil may nagtanong sa aking babae kung saan siya bibili. Itinuro ko ang pwesto ng minishop. Nakita ko si Sunny na nag-aalangan pa ring nakatayo sa harapan ko.
Hinawakan ko siya sa balikat at marahang itinulak. "Sige na...Pasok na. Okay lang ako." *wink "Alam mo Sunny, tumataba ka. Bumibilog ka ng bumibilog."
"Hah?!" ?_______?
"Pansin ko lang. Bumibilog ka ng bumibilog hanggang sa naging mundo na kita." Tada~ Boom! Banat yan! Itinulak ko na siya ng tuluyan sa loob at ako naman, pumwesto na sa harap hawak ang signboard.
Pinagbentahan ni Sunny yung babae. Ipinakita niya sa akin yung receipt at syempre, bilang kapalit, kahit mapiga ako at hindi makahinga, nagpayakap na din ako. Maraming pang iba ang dumating. Halos, magkagulo na sa counter at iba't- ibang kamay ang humahablot sa akin. May nangangalmot pa nga eh pero tinitiis kong lahat para kay Sunny.
Inabot din kami ng isa't kalahating oras nang makumpirma ni Sunny na sold-out na lahat. Napilitang magsilayo ang mga nagpapantasya sa akin.
"O. Thank you." Inabot sa akin ni Sunny ang isang milkshake. "Ito lang ang maio-offer ko eh. Pasensya ka na."
Masaya kong tinanggap iyon at inilapag sa table. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sunny, labas naman tayo minsan."
Binawi niya ang kamay niya. "Alex, hindi pwede eh. Alam mo naman na may boyfriend ako."
Hinawakan ko ulit ang kamay niya. "Sige na. Please." Nagpapaawa pa ako sa kanya pero wala. Binawi niya uli ang kamay niya at umiling. "Sorry talaga Alex."
"Sunny, I like you." Ayan! Nagtapat na ako!
"Haha. Alex, patawa ka talaga kahit kelan. Nice joke." Tatawa-tawa pa siyang tinapik ang balikat ko.
Bakit hindi ka naniniwala Sunny. Totoo ang sinasabi ko. "Mahal na nga kita eh."
"Alex, hindi na nakakatawa." Medyo napasimangot na siya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Sunny, totoo ang sinasabi ko. Mahal kita. Simula pa noong una kitang makita. Ewan ko ba, love at first sight, second sight, third sight at sa araw-araw na nakikita kita. I've fallen for you, Sunny. Please, pumayag ka nang lumabas tayo...kahit isang beses lang."
"A-Alex, kung totoo man iyang sinasabi mo. Sorry. K-Kaibigan lang ang turing ko sa'yo..." *crack (puso ko)"I really like Cloud so please respect our relationship." Paliwanag niya. PAIN!!! PAIN!!! AWSH*T!!
"Ah..Ganun ba? Wala ba akong pag-asa?" sinagot niya ako sa pamamagitan ng malungkot na tingin. *crack (puso ko) "A-Ayos lang. Naiintindihan ko. Pero Sunny, kapag pinaiyak ka o niloko ng Cloud na iyon..Let me know. Gagawin na'ting punching bag ang mukha niya hah. Mahalaga ka kasi sa akin." I smiled at her eventhough basag na basag na ang puso ko. Kung si Sunny ang nagsabi..wala na akong dahilan para magpatuloy. Gusto ko siya pero kung siya mismo na mahal ko ang magsasabing may mahal siyang iba... mas gugustuhin ko siyang lumigaya. Kahit na hindi sa akin. Kahit na hindi ako ang makakasama niya. Kung magkakaroon man ng time na iniwan siya nung mukhang manyakis na Cloud na iyon, nandito lang ako lagi sa tabi niya. WUUH! PARE, HEAVIGAT ANG SAKIT!!!
Pero sa kabila ng nito, ngumiti pa rin ako sa kanya. Ayokong makita niya na mahirap sa akin tanggapin. Bigla ko siyang pinisil-pisil sa pisngi. "HAHAHAHA!! JOKE LANG SUNNY!! Nagpadala ka naman agad sa biro ko. Hahahaha." Kunwaring hinawakan ko pa yung tyan ko hawang fake na tumatawa. Naluluha na ako. Nangilid yung luha ko kaya pinahid ko muna siya.
*WAPAK!
Hinampas ako ni Sunny sa balikat. "Sira ka naman eh! Gusto mo batukan kita?!" banta niya sa akin.
"Eh? Ganon? Hinampas mo na nga ako ih. Kaw hah, sadista ka. Ahahaha." Tumunog yung phone ko pero alam kong text message ni Ethan yun. Kinuha ko siya at binasa.
From: Ethan
SIMSIMI~Pervert si Alex. LOL. ROTFL. XD
Pagkakita ko nung text, itinago ko ang cp ko. Magsisinungaling na lang ako sa kanya para makaalis na ako dito. "Ah, Sunny nagtext yung lolo ko. Pupuntahan ko lang."
"Hah? Bakit daw?" ?_____?
"May dayo sa amin. Naghahamon eh. Laban daw kami ng DOTA."
Natulala si Sunny sa sinabi ko. Eh sa wala na akong maisip eh. Rest in peace, lo. Nagpaalam na ako sa kanya. Ayoko nang magtagal dito at baka dito ko pa mailabas ang sakit na nararamdaman ko.
Hangga't kaya ko pang lumayo.. I patted her head and kissed her on the forehead. I turned around and walk away.
"Alex! Yung milkshake mo nakalimutan mo!!" sabi niya sa akin. "Sa iyo na lang!!" bigay ko sa kanya. Hindi ko kailangan ng milkshake ngayon..Ang kailangan ko, alak.
Umuwi ako ng bahay. Maaga pa kaya walang bukas na bar. Tinipon ko lahat ng alak na makukuha mula sa ref at nagsimulang magpakalunod. Inom lang ako ng inom. Pampamanhid 'to ng utak. Kung pwede nga lang idamay na pati ang puso eh.
Ah!! Bakit ganito kadali lang ang lahat!? Powtek!! Gusto ko siya eh. Gusto ko si Sunny pero iba ang taong gusto niya. WTH! Parang ayokong isipin na busted ako pero ganun talaga eh! Si Sunny ang unang babaeng nagparamdam sa akin ng ganito kasayang feeling kapag nagmamahal pero siya rin ang unang nagpadanas sa akin ng sakit kahit unintentional. Psh. Kulang ang alak!! Gusto ko mailabas pa ang sama ng loob ko!
Gabi na pala. Mahaba-haba din pala ang session ko ng pagpapakalasing. Pinaandar ko lang ang motor ko. Hindi ko alam kung saan ako napadpad. May nakita akong dalawang lalaki.
"Kayo! Mga mahihina! Mga walang kwenta! Gusto niyo basagin ko mukha niyo?!" sigaw ko. Ni hindi ko man lang tinanggal ang helmet ko. Hehehe. Nakikita ko ang mga mukha nila. Nainis sila sa akin. Binanatan nila ako. Alam kong nakainom ako pero hindi sapat na dahilan iyon para mabawasan ang galing ko sa bugbugan. Natamaan man ako, hindi naman gaanong malakas. Hindi nga ako nagkamali. Mga mahihina nga sila!
*BUGSH! *PAK! *BLAG!
Lulugu-lugo sila sa semento ngayon. Dinampot ko ang isa sa kwelyo. "Ikaw! Tandaan mo ang pangalan ko!! Wag mo kakalimutan!! Ako si Cloud Buenavista! Ang lalaking nagpatumba sa inyo. HAHAHAHA!!!" itinapon ko siya sa kalye at sinipa. Naglakad ako at umangkas sa aking motor.
Nawawala na ako sa sarili?? OO. Lasing ako. Lasing na lasing. Ito ang gusto ko. Ang hindi maramdaman ang sakit. Puro manhid. Kaya lang. Bakit ganoon? Nagagalit pa rin ako. Sa tindi ng galit na nararamdaman ko, napapangisi ako. Alam kong babawi ang mga iyon sa akin. Ah hindi pala sa akin...kay Cloud. Ang umagaw sa babaeng mahal ko.
To be continued....