My Virgin Writer

By crushyrushy

2.3M 35.1K 4.8K

(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-vir... More

My Virgin Writer
MVW # 1
MVW # 2
MVW # 3
MVW # 4
MVW # 5
MVW # 6
MVW # 7
MVW # 8
MVW # 9
MVW # 10
MVW # 11
MVW # 12
MVW # 13
MVW # 14
MVW # 15
MVW # 17
MVW # 18
MVW # 19
MVW # 20
MVW # 21
MVW # 22
MVW # 23
MVW # 24
MVW # 25
MVW # 26
MVW # 27
MVW # 28
Salamat + FAQ's + Book
Epilogue

MVW # 16

83.4K 1.1K 140
By crushyrushy

MVW # 16

<Polly's POV>

"What?"

"Magpicnic tayo. Ikaw. Ako at si Chill."

Napakisap-mata ako sabay tingin sa langit. Picnic? Habang makulimlim ang kalangitan at parang uulan. Magandang Idea ata iyon no?

Isang araw pagkatapos magPropose ng dalawang lalaki sa akin. Ngayon lang nagparamdam si Mint. Si Terrence naman ay hanggang ngayon wala pa ring paramdam.

Halos mapuyat ako noong isang gabi. Ang galing kasi humalik ni Mint. Walang kupas. Biro lang. Hindi ako nananabik ha! Medyo lang.. Pero totoo, hindi ako nakatulog. Pabaling-baling ako sa kama. Tapos hahawakan ko nanaman yung labi ko. Tapos ngingiti. Mukhang tanga diba? Kaya bago pa ako mabaliw lumipat ako sa kwarto ni Chill. Doon mapayapa akong natulog.

"I will make you fall in love with me.. over and over again."

Hindi ko alam pero parang may bumulong sa akin habang kaharap si Mint. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

Naasar naman ako ng unti-unti kong nakikita na napapanigiti siya at may kung ano nanaman sa tingin niya.

"A-ano?!"

"What?"

"Why are you staring at me?"

"Masama ba?"

"Psh." Nagbuga ako ng hangin. Saka ko siya inirapan. Pero muli akong napatingin sa kanya ng unti-unti nanaman siyang lumalapit sa akin.

"A-ano ba?!"

"You're asking the same question twice, honey."

Sa bawat lakad niya papunta sa akin ay napapaatras ako. Hanggang sa napansin kong nakapasok na siya sa pinto.

"A-ano?!"

"Thrice, honey."

Sa bawat lakad niya ay umaatras ako hanggang sa may mabangga ang binti ko. Napatingin ako sa likod. Nasa sofa na pala ako.

Muli ako napatingin kay Mint. Ngumiti nanaman ito ng parang may gagawing masama.

At tama nga. Tinulak nito ang balikat ko dahilan para mapaupo ako sa sofa.

"A-ano bang-----"

"Ssssh.." Ginamit nito ang hintuturo nito para tumigil ako. Nilapit nito ang labi niya sa tenga ko. Naamoy ko ang pabangong dati pa niya ginagamit. "Quiet.. Tsk. Hindi ka pa rin nagbabago....." Inangat nito ang mukha niya at halos maduling ako habang nakatitig sa kanya. "... maingay ka pa din." Tinaggal nito yung daliring nakalagay sa labi ko. Saka hinalikan yung daliri niya dahilan para maginit ako. "Sweet."

"PAPA!!!!!!!"

Dahan-dahan na umalis sa harapan ko si Mint at tumingin sa pinangalingan ng sigaw. Kitang kita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Chill. Nanlaki pa ang mata nita at namilog ang labi. Patakbo itong pumunta kay Mint. Sabay yakap.

"I Miss You Papa." Hinalikan nito sa pisngi si Mint.

"I Miss You Too, Baby Girl." Hinalikan nito sa pisngi si Chill bago yumakap at tumingin sa akin. Nagwink ito saka bumulong. "I Miss You.."

Inirapan ko ito saka tumayo na rin sa sofa at naglakad papuntang Bar para magtimpla ng Orange Juice. Habang nagtitimpla ako ay nakikinig ako sa usapan ng dalawa.

"Gusto mo ba magPicnic?"

"Picnic? Opo! Opo!"

"Chill.." Pagbabanta ko. "May assignments ka pa."

"Diba po ginawa na po natin kanina?"

Tae. Oo nga pala. Ano ba iyan. Nakalimutan kong nakagawa na pala kami kaninang umaga pagkatapos ng Morning Ritual namin.

Inilagay ko yung dalawang baso sa Tray bago humarap kay Mint at Chill. Nakaupo na si Mint at nakakandong si Chill sa kanya.

"Don't you want Picnics, Mama?" Tanong nito ng mapadaan ako sa harapan nila. Inilagay ko yung Juice sa Center Table. "Mama, yung family ni Mae-mae nag Picnic. Tyaka sila Udeng nagpicnic din. Masaya iyon.." Humarap ito kay Mint. "Diba, Papa?"

"Oo naman, Baby Girl." Tumingin ito sa akin. "Pumayag ka na kasi Polly. Minsan lang humiling itong anak natin."

Natin. Talagang pinagdidiinan pa talaga. Palihim na pinandilatan ko siya. Ngi-ngiti ngiti naman ito ng tagumpay.

"Baka Umulan." Tumingin ako sa labas. "Makulimlim sa labas. Baka biglang umulan."

"Mommy. Baka lang naman diba? Hindi pa po umuulan."

"And besides.." Dugtong nanaman ni Mint. "Magandang weather ito. Hindi masyadong mainit, hindi masyadong malamig. Tama lang para sa bonding ng pamilya."

"Oo nga po, Mama."

Pamilya. Sira ulong Mint talaga ito. Makakatikim talaga itong lalaki na ito sa akin. At talagang nanggatong pa itong si Chill.

"Please na Mama.." Umalis si Chill sa pagkakakandong kay Mint tyaka pumunta sa akin. Humawak pa sa kamay ko. Ayan. Ginagamit nanaman ang mga Teary Eyed, Sad Expression Tactics niya. "Please Mama? Please.."

Nalukot ang mga kilay ko. Kilala talaga ako ng anak ko. Mahina ako sa word na -Please. Kaya hangga't maari kapag ginagawa na niya ang Teary Eyed Sad Expression Tactics niya ay humihindi na agad ako.

Tumingin ako sa likuran nito. Tatango-tango naman si Mint na parang nagpapaawa effect din. Hindi bagay. Sarap sipain. Muli kong inilipat ang mata ko kay Chill.

"Please, Mama? Please.. Please... Please.."

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi sa ayokong lumabas kaming tatlo.. pero.. delikado.. parang ang daming mata ang nakatingin sa amin. Lalo na't hindi pa tapos ang issue sa amin ni Kuya Edrick at Terrence. Hindi ko pa nga naeexplain kila Nanay at Tatay ang tungkol dito.

"Chill..."

"Please Mama? Isa lang talaga, please. Hindi ko na po babatuhin ng eraser si Chin. Please?"

Napailing ako. Ngayon ko lang napagtantong, may pagkamaldita din pala itong si Chill. May pagmamanahan nga naman sa pagka-siga.

Sa huli ay wala akong nagawa.

"Sige na."

"Yes! Yes!" Yumakap din ito sa akin. "I Love You Mama! Yes!"

"Pero.. promise me. Sandali lang tayong dalawa ha?"

"Ang KJ mo naman, Polly." Bigla kaming napatingin kay Mint. Kailan pa siya natuto ng salitang kanto? "Hayaan mo naman magEnjoy ang anak natin. Tyaka, gusto ko rin naman magkabonding tayo."

"Eh kung iyang kilay mo kaya ang pagbondingin ko?" Napahagikhik naman si Chill. "You take a bath na. Ihahanda ko naman ang gamit na dadalhin natin. Okay?"

Sunod sunod naman ang tango nito. "Yes, Mama."

"O sige. Maligo ka na."

"Yehey! Picnic kami!" Nagtatalon pa si Chill habang paakyat sa hagdanan.

"Be careful, Chill!" Sigaw ko dito bago nawala sa paningin ko. Huminga na lang ako ng malalim bago tumingin sa lalaking nasa gilid ko. Nakadekwatro pa talaga. Bahay niya?

"Para sa akin ba iyan, Juice?" Ngumuso pa ito sa juice na nasa harapan niya.

"Hindi. Para sa pagong iyan ni Chill." Pilosopong sagot ko. Malamang sa kanya iyan. Magtatanong pa eh.

Ngumiti lang ito saka parang nangseseduce na kinuha ang baso ng juice. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa. Kung normal ba na kilos niya iyon or sinasadya niya. Bigla naman akong napalunok ng uminom ito ng juice. Nakita ko pang nagbaba-taas yung adams apple niya. Takte. Ano bang nangyayari sa akin? Parang gusto kong inuman yung basong ininuman niya.

"Polly."

"Pahingi.." Tinakpan ko yung bibig ko. Utang na loob saan ng galing ang salitang iyon!

Tatawa tawa naman ito na may pailing-iling pa. Kinagat pa yung niya yung side ng labi niya bago naggrinned.

Polly, hinga ka malalim. Tapos buga. Huwag kang magpapaakit sa tukso! Okay.. Breathe in.. in.. in.. Huminga ka naman.. Okay.. Breathe out.. Nice.. Okay..

"Hindi ka pa ba maliligo, Polly?" Biglang tanong niya.

"Ha?"

"Maligo ka na din." Tumayo ito. Napaatras nanaman ako. "Tamang tama, hindi pa ako naliligo. Sabay na tayo." Naglakad nanaman siya papunta sa akin. Umatras nanaman ako.

Nakahinga ako ng malalim ng tumawa ito at iiling-iling. Mahabagin. Ano bang nangyayari sa akin?

"Just Kidding." Tumatawa-tawa pa ito. "Maligo ka na, kung hindi ako magpapaligo sayo."

"Huwag mo ko simulan, Mint!"

"Saan mo ba gusto ako unang magsimula?" Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. Parang humahagod tapos ngingiti nanaman. "Nadagdagan na ata iyan." Habang nakatingin sa dibdib ko.

Feeling ko may umakyat na init sa ulo ko.

"Gago!" Tumalikod ako saka patakbong umakyat sa taas. Umalis na ako bago may kakaiba nanamang gawin si Mint sa akin at may kung ano nanamang magawa ko kapag nakalapit na siya.

Bubuksan ko pa lang ang pinto ng makita ko si Chill na nagbibihis na ng damit. Napatingin ito sa akin saka lumapit.

"Mama, bakit mapula mukha mo?"

"Ha?" Bigla akong napahawak sa mukha ko. Ibig sabihin, kanina pa nakikita ni Mint na ganito kapula ang mukha ko?! Errr! "Mainit, Baby. Sige na. Maliligo na si Mama."

Tumango lang ito saka nagpunta ulit ng kwarto niya.

God. Kailangan ko din ng malamig na malamig na tubig para mawala itong namumuong init sa katawan ko?

"Bwisit ka, Mint.."

-----

"Papa! Catch! Bagal bagal mo naman eh!"

"Hindi ako mabagal, Baby." Hinagis ni Chill ang Frisbee sa kaliwa ni Mint. Salungat dahil nasa kanan siya. "Ginagawa mo naman akong Aso, Anak."

Napahagikhik ng malakas si Chill. Tuwang tuwa ito sa pagkuha ni Mint ng Frisbee kung saan man nito gusto ihagis.

Napapangiti naman ako ng habang nakatingin sa kanilang naglalaro. Nasa ilalim lang ako ng puno kung saan nilagay ni Mint ang kumot at basket na hindi ko alam kung siya ang nagluto ng mga pagkain.

Muli ko silang tiningnan. Marahil ay napagod na si Mint kaya imbis na kuhanin nito ang inihagis ni Chill na frisbee ay hinabol na lang nito ang anak niya.

Simple lang naman ang pangarap ko. Ito. Kumpleto na parang walang iniisip na problema. Simpleng pamilya. Masaya. Pero alam ko pagkatapos ng lahat ng ito. Paguwi sa bahay. Balik ulit sa dati.

Marami nanamang haharapin na problema.

"Woo.."

Napatingin ako sa nagsalita. Umupo na lang bigla si Mint sa tabi ko pawis na pawis ito at pinapagpag ang polo na basang basa na rin ng pawis.

"Ano bang pinakain mo kay Chill at parang hindi nauubos ang energy?"

Natawa naman ako sa tanong nito. "Baka nilantakan na niya yung Trolli niya kanina. Alam mo naman yun."

Ngumiti lang ito saka pinunasan ang pawis na lumandas sa mukha niya. Huminga ako ng malalim. Parang may urge na punasan ko yung tumulong pawis sa ulo niya.

Haaay.. Bahala na nga.

Kinuha ko yung Bag Pack na dala namin at kumuha ng Towel. Umusog ako sa kanya tyaka ko pinunasan ang leeg niya. Nagulat naman na tumingin siya sa akin.

"Pupunasan ko lang iyong pawis mo."

"Huwag kang ganyan, Polly. Nasa public tayo."

Mabuti na lang mabillis ang Pick up ko! Kaagad ko siyang pinalo sa Braso.

"Aw!"

"Magtigil ka nga!" Ngumiti lang ito. Pinagpatuloy ko naman ang pagpunas sa kanya at iniwasan ang mga tingin niya na parang nangaasar. "Ang pawis pawis mo na. Tingnan mo. Ano rin bang nakain mo at nakipagsabayan ka kay Chill?" Tinigilan ko ang pagpunas sa mukha at leeg niya at kumuha ng Tshirt na puti sa bag. "Magpalit ka at baka magkasakit ka."

Nakakalokong tumingin ito sa akin. Nangaasar pa talaga itong balahurang ito.

"Ano?!"

"Palitan mo ko ng damit, Mama.." Kunwari ay naglalambing na sabi nito.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Kailan ba talaga magbabago itong lalaking ito at lahat na lang idinadaan sa pangseseduce! Hinawakan ko yung Tshirt at nginudngod ko sa mukha niya.

"Magbihis ka!" Tumalikod ako sa kanya. Naramdaman ko naman na tatawa-tawa ito. Hanggang sa maramdaman kong naghuhubad na siya ng damit.

Palihim na tiningnan ko siya. Nakita kong isinusuot na niya yung Tshirt. Napasipol naman ako ng makita ko ang Abs niya. Nang nakita kong nasuot na niya yung ulo sa Tshirt ay umiwas na ako ng tingin. Hindi ko alam kung nahuli niya ako or what.

Ang bastos mo, Polly. Naninilip ka ng abs.

Bakit? Minsan lang naman eh.

Napailing ako. Ano ba ito? Nakakita lang nawala na sa sarili.

"Polly."

Humarap na ako dito. Maayos na ito. Pero basa pa rin ng pawis ang buhok.

"Oh?"

"Naninilip ka kanina no?"

"A-ako?" Tinuro ko yung sarili ko syempre tatanggi ako. "Asa.."

"Sinungaling." Nilipat nito ang tingin kay Chill na ngayon ay nakikipaglaro na sa ibang bata. "Yung ugali ni Chill. Kagaya mo."

"Parang.." Tumingin din ako kay Chill. "Pero mas matigas ang ulo niya sa akin."

"Parang hindi naman." Napatingin ako sa kanya. Tumingin din ito sa akin. "Mas matigas ang ulo mo dati. Naalala mo pa yung nilunok mo yung Sperm Cell ko?"

Binato ko ito ng Towel. "Kailangan ipaalala lahat ng katangahan dati?"

"Hahaha! Pero nakakatawa ka talaga kasi.." Tinuro ako nito. "Sa tingin mo sterile container iyang bibig---"

"Blah. Blah. Blah. Blah!" Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya. "Pwede? Kalimutan na! Erase! Delete? Pwede?"

Tumango lang ito. Tapos kinuha niya yung kamay kong nakatakip sa bibig niya.

Tapos talagang nilock niya yung mga kamay namin tyaka niya hinalikan. Sweet.

Huminga ako ng malalim. Tyaka pinilit na huwag alalahanin yung mga pinagdaanan namin. Bakit pagdating sa aming dalawa ang daming problema? Nahihirapan akong mamili kay Terrence at Mint.

Si Terrence, siya yung nandyan nung wala ako. Siya yung tumulong sa akin para tumayo ako ulit pagkatapos nung mga panahon na nasasaktan ako at kailangan ko si Mint.

Si Mint, ang nagparamdamam sa akin kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal. Oo, sinaktan niya ako. Pilit ko siyang inaalis sa puso ko, pero.... bakit ganun? Bakit ang hirap? Tapos ngayong bumalik pa siya. Unti-unti, mas lalong gusto kong pagbigyan ulit kung ano ang naiwan namin dati.

Pero kung pagiging Praktikal, si Terrence. Dahil pag siya ang pinili ko. Walang problema. Parang yung mga panahon lang na wala si Mint sa tabi ko.

Lihim na tiningnan ko ang mga kamay namin. Sa pagkakakapit niya ngayon, parang ayaw na niya akong pakawalan. At nararamdaman ko, Ganun din ako sa kanya.

"Mama!"

Napatigil ako sa pagmumuni-muni at kinuha ko ang kamay ko kay Mint. Pero bago nito pakawalan iyon ay pinisil niya muna iyon at ngumiti sa akin.

Kinalimutan ko muna kung ano yung nararamdaman ko at tumingin kay Chill.

"Chill!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang puro uling sa mukha niya. Sa sobrang pagoccupy ko kay Mint, nakalimutan ko na si Chill.

"What happened to you?" Tanong ni Mint. Ang laki rin ng mata niya. "Diba iniwan lang kita doon?"

"Eh, Papa. Nagkasal-salan kami!" Itinaas pa nito ang CheeseRing sa daliri. "Kasal na po ako!"

Napanganga ako sa mga sinabi niya. Nakita ko naman na parang mahihimatay si Mint.

"Sinong lalaki iyan Chill?!" Tatayo pa sana siya pero napigilan ko ito sa braso dahilan para mapatingin ito sa akin. "Ikinasal ang anak mo ng hindi natin alam!" Seryosong sabi pa nito.

Kitang kita ko sa reaction niya na seryoso talaga siya. Unti-unti ay napangiti ako.

"What?!" Naiiritang sabi nito.

Unti-unti ay natatawa ako. Parang puputok na kasi ang mukha nito sa galit.

"Pfft." Natakpan ko yung bibig ko ng di oras.

"What's Funny?!" Naiirita na talaga siya.. Namumula na rin yung pisngi niya. Lumingon ito kay Chill na ngingiti-ngiti na rin. "What?"

"Hahahahaha!" Hindi ko na nakayanan ang pagpipigil ng tawa ko. "Ang.. hahahaha!"

Nakakatawa kasi yung reaction niya. Paano na lang kung nagdalaga si Chill at ganyan na ganyan din ang sinabi niya? Panigurado, ipapahalughog ni Mint ang buong Pilipinas mahanap lang yung lalaking iyon.

"Hahahaha! Nakakatawa ka! Hahaha!" Nakahawak pa ako sa tiyan ko bago ko hinila si Chill para alisin yung mga uling sa mukha niya. "Magtigil ka nga. Akala mo totoong kinasal na itong si Chill."

Mukhang doon niya lang napagtanto na mali ang mga reaksyon niya dahil huminahon ito at napailing iling na lang.

"Tss." Ngumiti ito at tumingin kay Chill. "Baby, bata ka pa para sa kasal-kasalan na ganyan, okay?"

"Pero Papa, laro-laro lang po namin nila Cheeno iyon."

"Cheeno?"

"Yung bata doon." Tinuro nito yung pinaglaruan niya kanina. Tinaas ko yung damit niya para mapalitan ko ng bago. "Papa, bakit nagalit ka?"

"Pinakaba mo kasi ako, Baby."

Napangiti na lang ako ng matapos ko na siyang bihisan naupo ito sa gitna naming dalawa at kumuha ng Trolli na alam kong pipiliin niya sa halip na Apples.

"I'm happy." Nagkatinginan kaming dalawa ni Mint ng magsalita si Chill. "I've never been this happy. Lumabas tayong family."

Niyakap ko ito. Nararamdaman ko kasing masayang masaya siya na talaga palang nangungulila na siya sa totong pamilya.

Tumingin ako kay Mint. Nakangiti din ito sa amin. Pinakawalan ko ang pagkakayakap dito.

"Bakit hindi mo sinabi na gusto mo pala ng ganito?"

"Ayaw ko po kita kasi magworry." Tumingin ito kay Mint. "Pero ngayon, okay na po. Kasi nandito na si Papa."

"Of course, Baby." Ginulo nito yung buhok ni Chill. "Hindi na ako aalis. Promise." Tinaas pa nito yung kanang kamay nito.

Nakita kong nagningning ang mga mata ni Chill. Mayamaya ay kinuha nito ang cellphone ko sa bulsa.

"Let's take a picture!" Inayos nito ang Cellphone para maging front camera. "Come, Mama.. Papa.." Pinaglapit-lapit namin yung mukha naming dalawa ni Mint kay Chill saka tumingin sa camera.

"1,2..... Smile!" Then nakita kong nagsnapshot na ang camera. "Papa! You're not looking at the camera!"

"Sorry, Baby." Mayamaya ay kumilos ito at kinuha ang Cellphone niya. "Ako naman kukuha. Okay?" Then sinet-up niya yung phone. "1.. 2... 3.. Smile!"

Tuwang tuwa naman si Chill sa mga kuha naming tatlo. Kung ano-anong faces ang ginagawa nila. Minsan. Ako yung kumukuha sa kanila. Minsan si Mint naman ang kukuha sa aming tatlo. At kapag may mga pangit na kuha kami ay napapahalakhak na lang si Chill. And swear, gusto kong makisabay sa tawa niya na parang wala akong proproblemahin pagkatapos nito.

"Mama. Kayo naman ni Papa."

"H-ha?" Napatingin ako kay Mint. "Kayo na lang ng Papa mo."

"Madami na po kaming pictures. Kayo naman pong dalawa, Mama." Hawak nito ang cellphone ni Mint ay lumayo ito sa amin tyaka itinutok ang camera. "Papa, lapit ka na kay Mama."

Umusog naman ito sa akin saka ngumiti. Tumingin naman ako sa Camera tyaka din ngumiti.

"Okay. 1, 2, 3..... Smile!" Ngumiti ito saka nakita kong parang may ginawa. "Isa pa po."

Hindi ko alam kung nakailang click si Chill. Dahil pati titigan namin ni Mint kinukuhanan niya at pati pagpalo inistolen niya. Parang sira kasi itong si Mint. May pahalik-halik pa sa pisngi.

"Napaka mo!" Pinalo ko siya.

"Gustong gusto mo naman!"

Tawa lang kami ng tawa tatlo habang binabalikan namin ang mga pictures namin kanina.

Habang nasa ganoong pwesto kami ay bigla na lang nagsalita si Chill.

"Mama, Love mo ba si Papa?"

Bigla akong nagulat sa tanong niya. Ano bang nasa utak ni Chill at bigla-biglang nagtanong ng ganito? Talagang tinanong pa niya sa ganitong sitwasyon kung kailan magulo pa.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Chill at Mint na mukhang nagaabang din ng sagot ko.

Huminga ako ng malalim at alam kong dapat positive ang sagot ko dahil matagal ng pangarap ni Chill ang pamilya.

"S-syempre naman. Baby."

Napatingin si Mint sa akin. Umiwas naman ako. Hindi ibig sabihin na pumayag ako, or umo-oo ako pwede na ulit kami. Magpapaliwanag na lang ako sa kanya na ayokong masaktan si Chill.

Tama.. Tama..

"Papa.," Lumingon naman si Chill kay Mint. "Love mo ba si Mama?"

Feeling ko na-Hot Seat kaming parehas ng dahil sa tanong ni Chill. Alam kong nacucurious siya. Kaya alam ko din na hindi tatanggi si Mint sa tanong niya.

Pero may kaba pa din sa puso ko na gusto kong marinig sa harapan mismo ni Chill na hindi nagbago kung ano ang nararamdaman niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin at habang tumatagal ang sagot niya.. Kinakabahan ako.

Ilang sandali lang ay sumagot siya. At parang gusto kong maluha sa sagot niya.

"Sobra.." Nakagat ko yung labi ko sa sagot niya. "Sobra, Baby. Sobra kong mahal ang Mama mo."

Pinilit kong huwag umiyak sa sinabi niya dahil tagus-tagusan sa puso ko kung gaano ka sincere ang pagkasabi niya. Pati paraan ng pagtitig niya sa akin kakaiba. Napayuko ako ng wala sa oras. Feeling ko kasi ilang sandali lang magbabadya na yung mata kong umiyak at ayokong makita ako ni Chill sa ganoong ayos.

"I'm glad, Papa.." Naramdaman ko na niyakap ako ni Chill sa leeg. Napatingin naman ako kay Mint na yakap na din ni Chill. "I Love You Both.."

"I Love You Too, Baby." Sabay pa namin na sagot. Napangiti na lang kami parehas.

Bakit hindi na lang pwedeng maging okay pagdating sa amin dalawa?

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.7K 52
JAGUARS' SERIES 3: Kevin Young They say that the MOST beautiful music in the world is your own HEARTBEAT, 'cause it assures you that you will surviv...
3K 97 16
Rianzares Series #1. "Will you please stop chasing me? I don't like that. Ayaw na ayaw ko sa babaeng naghahabol at sa babaeng desperada. Maghanap ka...
4.9M 11.7K 3
Mahal ni Coleen ang kalayaan. Hilig niya ang mag-cutting ng klase, ganoon din ang gumala kasama ang mga kaibigan.Kaya naman ng lumipat ang kanyang pa...
32.4M 828K 67
She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez is your typical fierce lady boss with a...