ALYANNA'S POV:
Habang kinakausap ako nitong Jessica ba pangalan biglang may grupo ng mga babae na pumasok dito sa classoom at laking gulat ko dahil sa dumiretso sila agad dito sa kinauupuan namin.
"So you are the one they are talking about" sarcastic na sabi nung isang babae habang seryosong naka tingin sakin
"Gosh! I don't believe this! How can he choose her?" maarteng sabi naman nung isang girl
"WHAT IS YOUR NAME!?" galit na tanong sakin naman sakin nung isang girl
"I'm sorry, but I don't easily give personal information to strangers" seryosong sagot ko naman sa kanila pero deep inside kinakabahan na talaga baka kasi kung ano pa ang gawin nila sakin lalo'nat wala akong laban sa kanila
"WHAT A BITCH!" seryosong sabi nung isang babae sabay hatak sakin patayo
Yvan, where the hech are you?
I think I'm gonna die in here!!
KYLE'S POV:
Agad akong yumuko pagka alis nila Joseph at Yvanyumuko para matulog dahil sa wala rin naman akong gagawin dito.
Siguro mga halos 10 minutes na akong naka yuko nung marinig kong nag uusap si Jessica at yung kapatid nila Yvan. At habang nag uusap silang dalawa biglang may pumasok na 4 na babae dito sa classroom na agad namang lumapit sa kinaroroonan nung dalawa dahil sa kaming tatlo palang ang nandidito ngayon.
"So you are the one they are talking about" sarcastic na sabi nung girl #1 sa kapatid nila Yvan habang naka tingin ito ng masama
"My gosh! Is this even real?" di makapaniwala na sabi naman nung girl #2
"Why would he choose you!?" maarteng sabi naman nung girl #3
"WHAT IS YOUR NAME!?" naiinis na tanong naman nung girl #4 sa kanya
"I'm sorry, but I don't easily give personal information to strangers" sarcastic na sagot nung kapatid nila Yvan na siyang ikinagalit lalo nung mga babaeng nanditito. Lakas rin nang loob nitong kapatid ni Yvan na sumagot, hindi niya ata naisip na 4 vs 1 ang ganap dito
"WHAT A BITCH!" mataray na sigaw nung girl #1 sa kanya tsaka niya ito hinatak sa patayo yung kapatid ni Yvan, na Ysabel ata yung pangalan
"Don't touch me!" seryosong sabi nung kapatid ni Yvan sabay tulak doon sa girl na humatak sa kanya
"HOW DARE YOU!" sigaw nung girl sabay hatak sa kanya sa kwelyo nito
"So you really have the nerve to do that to me" naiinis na sabi nung girl #1 habang hawak hawak sa kwelyo yung kapatid nila Yvan
"Let go of me! Please!" nanginginig na boses nung Ysabel tapos biglang nagtawanan yung mga babae na nakapalibot sa kanya
"What's with your voice, darling?" natatawang tanong nung girl #1 habang hawak hawak pa rin siya sa kwelyo nito
"Let go of me! And please leave me alone!" nagmamakaawang sabi niya pero hindi pa rin siya nito binibitawan at patuloy lang sila pagtawa
What the hell is wrong with her?
Why does she look so scared?
Bakit siya natatakot ngayon sa harap ng mga linta girls pero nung ako yung kaharap niya sobrang tapang naman niya tapos ngayon parang maiiyak na siya sa sobrang takot!
May mga iba ng classmates namin ang pumasok dito sa classroom and all of them are so shocked and confused dahil sa naabutan nilang kaganapan ngayon dito.
"I can't believe this! How can Xander choose someone like you?" naiinis na sabi nung girl #3 kaya naman ako natawa ng malakas. At dahil sa pagtawa ko ay napalingon sakin yung apat na babae tapos naka tingin lang sakin yung ibang students na nandidito ngayon sa classroom
"Why are you laughing, Kyle?" nagtatakang tanong nung girl #2 sakin
"Because what you have said is so funny" natatawang sabot ko
"But I didn't say anything funny" confused na sagot naman nung girl #3 kaya umiling naman ako tsaka ko sila nginitian
"May sinabi ka kayang nakakatawa, Miss! And do you think I will laugh this loud kung wala ka namang sinabing katawa tawa" seryosong sabi ko sa kanila tsaka ako tumayo mula sa pagkaka upo tsaka ako naglakad papunta sa may teachers table
"So is she your new target?" seryosong tanong ko sa kanila pero di sila sumagot kaya naman umupo ako sa may ibabaw nitong teacher's table
"Then show me what you've got. Baka i-date ko pa kayo kapag namangha ako sa angking kakayanan niyo na mambully" sabi ko sa kanila na siyang kadahilanan kaya na excite itong mga taong nanunuod dito sa loob ng classroom
"KYLE STOP!!" malakas na sigaw ni Jessica sakin pero di ko siya pinansin
Kilalang kilala ko itong mga babaeng ito!
Sila lang naman yung palaging naka buntot kay Yvan kahit saan man siya pumunta except lang sa village nila at sa hideout namin dahil sa hindi naman sila makakapasok doon. Basta in short sila yung iba sa mga stalkers in Yvan.
The funny thing is that they think she's the new girlfriend of Yvan!
What the hell!!
Hindi ba nila mapansin yung pagkahawig ng mukha nilang dalawa? Or sadyang makikitid lang talaga yung mga utak nitong mga linta girls na ito.
Masyado na silang obsessed kay Yvan! Yung nabulag na sila sa pag ibig! Yung pag ibig na wala naman silang mapapala.
Habang kinakawawa nung mga babae yung kapatid ni Yvan eto naman ako busy na nakikinig sa mga bulungan nung mga taong nanunuod dito sa classroom.
"Stop! Don't hit her!" suway ni Jessica dun aa mga linta girls pero hindi siya pinansin ng mga ito
"Stop hitting her!" suway ni Jessica habang pilit na pinipigilan yung mga babae mula sa pananakit sa kapatid nila Yvan pero itinulak lang siya ng mga ito palayo sa kanila
How did I know Jessica?
Well, she's the cousin of my ex-girlfriend. Jessica doesn't have any friends here at school because she prefers to be alone.
"Is she really the new girlfriend of Xander?" rinig kung tanong nung isang guy na nandidito ngayon sa classroom habang pinapanuod yung kaguluhan dito
"I don't think so because she somehow resembles the twins" maarteng sagot naman nung isang girl kaya naman ako napa ngiti
"If she is Xander's new girlfriend, then maybe Kyle knows something" sabi naman ulit nung guy tsaka sila tumingin sakin pero ako patuloy lang sa patay malisya
"If he knows something, then why would he let those girls hurt her?" sabi naman nung isang girl at dahil sa mga sinabi nila di ko na talaga napigilang matawa
"Why are you laughing, Kyle?" nagtatakang tanong nung isang girl sakin tsaka ko sila nilingon
"Because she's not the girlfriend of Xander" malakas na sabi ko kaya natigil yung mga linta girls sa ginagawa nilang pananakit doon sa Ysabel na ngayo'y naka upo sa may sahig at humahagulgol sa pag iyak
"Alyanna! Are you okay?" nag aalalang sabi ni Jessica tsaka ito umupo sa tabi ni Ysabel na patuloy lang na umiiyak
Sakto namang dumating si Yvan dito classroom at laking gulat nalang niya sa naabutan niyang sitwasyon at itsura ng kapatid niya.
"WHAT THE HELL DID YOU DO TO MY SISTER!?" galit na galit na sigaw ni Yvan habang naka tayo sa may pinto na siya namang ikinagulat nung mga linta girls na naka palibot sa kapatid niya
"Xander" natatakot na sabi nung linta girls kay Yvan at galit na galit naman na lumapit si Yvan dun sa kinatatayuan nung mga babae
"Sister?" di makapaniwalang sabi nung girl na nasa may gilid ko
"Yes! That girl is Yvan's older sister" sabi ko na siyang kinagulat nilang lahat
Biglang hinatak ni Yvan yung leader nung linta girls mula sa kwelyo nito kagaya nung ginawa rin nito aa kapatid niya.
"DO YOU WANT TO DIE!?" galit na sigaw ni Yvan dun sa leader nung mga babae
"Yvan! Please let go of me! We only did that kasi akala namin siya yung bago mong girlfriend" takot na sabi nung babaeng hawak hawak ni Yvan
"Sinaktan niyo siya dahil sa buong akala niyo girlfriend ko siya?" seryosong tanong ni Yvan sa kanila tapos tumango naman yung mga linta girls
"Wow! Even if she's my girlfriend you don't have the right to touch her! Who the hell gave you the permission to hurt her? Do you even know anything about her? Our family doesn't even let her get hurt then you just easily hurt her like that?" galit na galit na sabi ni Yvan
"This place is hell!!" out of nowhere na sabi nung Ysabel habang naka upo sa sahig kaya naman agad na itinulak ni Yvan yung babaeng hawak hawak niya tsaka siya agad na lumapit sa kapatid niya
"Are you okay?" worried na tanong ni Kyle sa kanya pero naka tulala lang ito habang patuloy na tumutulo yung luha mula sa mga mata niya
"This place is hell!! I will die in here!! I told them not to enroll me here, but they still forced me! They want me to die in this place! I must escape first before everyone here kills me" sunod sunod na sabi nung kapatid ni Yvan kaya naman napa tingin nalang ang lahat sa kanya pati rin ako dahil sa hindi namin alam kung anong nangyayari ngayon
"Ate, what's wrong?" nag aalalang tanong ni Yvan sabay hawak sa balikat nito kaya tinignan lang siya nito and sa itsura palang nung kapatid ni Yvan parang naging ibang tao ito
"Yvan, you must help me escape before they kill me. Please! Please brother! I need to leave this place!" umiiyak na ulit nung Ysabel at sa itsura palang nito parang nawala na siya sa sarili niyang katinuaan
What the hell is wrong with her?
She's acting very weird!! Very weird!!
"Calm down!!" mahinanong sabi ni Yvan sa kanya pero umiling lang ito tsaka niya biglang itinulak si Yvan palayo sa kanya
"NO! I CAN'T CALM MYSELF AS LONG AS I'M IN THIS PLACE! YOU NEED TO LISTEN TO ME! THIS PLACE IS HELL AND I WILL DIE IN HERE!!" sigaw niya habang patuloy sa pag iyak tapos yayakapin na sana siya ni Yvan pero itinulak lang siya nito palayo tsaka sya tumayo
"Ate Ysabel!" nag aalalang tawag ni Yvan sa kanya
"D*MN IT, YVAN! WHY ARE YOU NOT LISTENING TO ME? I TOLD YOU TO HELP ME LEAVE THIS PLACE!!" sigaw niya kaya napahawak nalang si Yvan sa batok niya tapos lalapit na sana ako sa kanila pero pinigilan ako ni Joseph
"Don't go! I know you started this" seryosong sabi ni Joseph sakin kaya hindi ako nakapag salita
"Nasaan ba si Ernest! Kung kailan kailangan natin siya tsaka naman siya nawawala" naiinis ma sabi ulit ni Joseph
"IF YOUR NOT GOING TO HELP ME THEN I WILL JUST DO IT ON MY OWN!!" sigaw ulit nung Ysabel tsaka ito tumakbo palabas ng room
"Jessica, can you follow her?" seryosong tanong ni Yvan kay Jessica kaya tumango nalang ito tsaka ito tumakbo palabas ng classroom para habulin yung Ysabel
Paglabas ni Jessica ay biglang lumapit si Yvan ulit doon sa mga babae.
"LOOK WHAT YOU HAVE DONE!" malakas na sigaw ni Yvan dun sa mga babae at halatang takot na takot sila ngayon
"Yvan, we didn't mean to hurt her!" takot na sabi nung leader nila tapos akmang sasapakin na sana ni Yvan yung babae pero nasalo ni Joseph yung kamay niya
"My friend, remember we don't hit girls" sabi ni Joseph sa kanya
"We only did that because Kyle offered us a deal" sabi ulit nung isang babae kaya naman napatingin sakin yung dalawa
"Don't lie!" galit na sabi ni Yvan at halatang nagulat siya doon sa narinig niya
"She's telling the truth! If you really want to know what really happened to your sister, try asking that bastard" biglang sabi ni Jessica na kasalukuyang naka tayo ngayon sa may pintuan
"Yvan I tried my best na habulin siya kaso bigla nalang siyang nawala pero wag kang mag alala sinabi ko sa mga guard na wag siyang palabasin dito sa campus, and they're already checking the CCTV to easily find her" sabi ulit ni Jessica tapos biglang naglakad palapit sakin si Yvan habang pilit siyang pinipigilan ni Joseph at pagkalapit niya sakin ay agad naman niya akong sinapak sa mukha na siyang ikinagulat nung mga estudyanteng nandidito ngayon
"Follow me!" seryosong sabi niya sakin tsaka siya naglakad palabas dito sa classroom tapos sumunod naman kami ni Joseph sa kanya
I don't have the right to get angry at him just because he punched me. Well, I deserved that because of what I did to his sister. But I realized one thing after today's incident. There is something weird going on with that girl.
ERNEST'S POV:
Habang natutulog ako ay may bigla nalang akong nakarinig na umiiyak kaya napamulat nalang yung mga mata ko.
Hays!!
Bakit ba may umiiyak dito!?
Ang himbing himbing na nga nung tulog ko dito sa lilim nitong puno!
Inayos ko muna yung buhok ko bago ako bumangon tsaka ko sinilip yung kabilang side nitong puno upang icheck kung sino yung umiiyak at pagsilip ko may nakita akong girl naka yukong umiiyak.
I can't really see her face kasi nakatago ito sa pagitan ng tuhod nya.
"Why are you crying, miss?" worried na tanong ko na siya namang ikinagulat niya kaya iniangat niya agad yung ulo niya para tumingin sakin at dahil doon nakota ko yung mukha niya
"Ysabel!?" gulat na tanong ko at halata sa mukha niya rin yung pagkagulat dahil sa nakita niya ako
"Why are you crying?" nagtatakang tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot at pinunsan niya lang yung mukha niya gamit ang palad nito
"Use this!" sabi ko sa kanya sabay abot nung panyo ko pero ayaw niya itong tanggapin kaya naman kinuha ko yung kamay niya tsaka ko ipinatong yung panyo sa may palad niya mismo
"Just use it! You need it more than I do" sabi ko sa kanya sabay ngiti kaya pinunasahan niya yung mukha niya gamit yung panyo
Saglit palang niyang napupunasan yung luha sa mukha niya pero bigla na naman siyang umiyak.
What the hell is she doing here??
Did she transfer here??
And why is she crying??
"Hey! Stop crying!" sabi ko sabay lapit sa kanya
"Did something happened?" nag tatakang tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot
"Ysabel, were friends now. So don't forget that we're always here for you. If someone bothers you, don't be afraid to inform us" sabi ko pero hindi pa rin talaga siya kumikibo
"If you need someone to talk to, I'm always here. I can listen to your problems at any time, and if you need a shoulder to cry on, I'm also here" sabi ko sa kanya tapos bigla niya akong tinitigan
I can clearly see from her eyes the sadness.
I can clearly see in her eyes how much she's suffering
right now.
"What happened?" tanong ko sa kanya pero hindi pa rin siya nagsasalita kaya tinignan ko lang siya habang umiiyak
Hinayaan ko nalang siyang umiyak muna dahil alam kong magsasalita rin naman siya kapag okay na yung pakiramdam niya.
"Ganto ba talaga dito?" biglang tanong niya sakin na siya namang ipinagtaka ko
"What do you mean?" tanong ko sa kanya
"Ganto ba talaga dito sa school na to?" tanong niya ulit habang patuloy pa rin ang pagtulo nung luha mula sa mga mata niya
"Stop crying!" mahinahon na sabi ko sa kanya tsaka ko pinunasan yung luha mula sa mukha niya at doon ko lang napansin na namamaga yung mukha niya tapos ang gulo pa ng buhok niya at di pa ayos yung suot niya
"My God! What happened to you? Did they hurt you?" seryosong tanong ko sa kanya pero di siya sumagot
"Ysabel, I'm asking you, did they hurt you?" curious na tanong ko ulit sa kanya kaya naman siya tumango tsaka siya biglang yumakap sakin na siyang ikinagulat ko
I didn't expect that!
"Ganto ba dito? Yung mananakit nalang sila agad kahit na wala namang ginagawang masama yung tao?" umiiyak na tanong niya habang naka yakap sakin
"Why did they do that to me? I don't even know them" umiiyak na sabi niya ulit
"Can I ask why they did this?" tanong ko naman sa kanya
"They thought I was the new girlfriend of Yvan!" sagot niya habang naka yakap pa rin sakin kaya hindi nalang muna ako nag salita dahil sa hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Habang umiiyak siya bigla nalang siyang humiwalay mula sa pagkakayakap sakin.
"Are they always like that? Do they always hurt people? Are they all allowed to hurt people? They are more brutal than I thought" sunod sunod na sabi niya sakin
To be honest, I feel sorry for her. First day palang niya dito sa St. Anthony pero ganto na agad yung bumungad sa kanya.
Pinanuod ko lang siya habang umiiyak tsaka ko hinawakan yung balikat niya.
"You need to keep in mind that not everyone here is as good as you are. Yes, there are some who are good people, but there are also some who aren't as good as you expected" mahinahon na sabi ko sa kanya kaya tinitigan niya lang ako pero nakikita ko pa rin yung pag buo nung luha mula sa mga mata niya
"What do you mean about that?" naguguluhang tanong niya sakin
"I'm sorry to disappoint you, but this school is not so different from what you think. There are some good students, and at the same time, there are some who are not so good and bully or hurt other students. There are students that are outcasts, which are the ones who received a scholarship from the foundation of the school, and they are the ones who really experienced being bullied. That's why some of them decide to leave the school because they really can't take it" sabi ko tapos tinitigan lang niya ako
"Bakit sila ganun?" curious na tanong niya sakin
"In this school, every student is from a successful family, or shall I say, all of us here belong to a high society. So they can do whatever they want because they have the power to do so" sabi ko sabay punas nung luha sa mukha niya
"That's the reason they can do everything they want because, for them, money can control everything in this world" pag explain ko sa kanya
"Kagaya ka rin ba nila?" tanong niya sakin kaya naman ngumiti lang ako
"Well, I can't really answer that" sagot ko sa kanya na siyang ipinagtaka niya
"Why?" nagtatakang tanong niya sakin
"Because I'm not even sure what I should answer on that question!" sagot ko nalang
"Do you act like them too?" tanong niya sakin na syang kadahilanan kung bakit di ako maka sagot
"I mean, yung grupo niyo ay kagaya rin nila? Nananakit rin ba kayo ng ibang tao?" tanong niya ulit sakin kaya naman di ko napigilan ang sarili ko at natawa nalang tsaka ko pinisil yung pisngi niya
"You're so cute, Ysabel!" sabi ko sa kanya pero inirapan nya lang ako
"Just answer me!" pagpipilit niya sakin at dun ko lang napansin na hindi na pala sya umiiyak.
I think it's time to talk to her now that she has stopped crying.
"Our group is different from them because we don't just hurt people. We do bad things to them also, but only if they deserve it. We only stop bothering them once we get bored! Yes, we are bullies, but our difference from some bullies is that we only target those who deserve it. We do things because we have our own reasons" pagpapaliwanag ko sa kanya tapos pilit lang siyang tumango
"No one will hurt you now, Ysabel, because they already know who you are. They only did that because you're new and they thought no one was on your side. They won't dare touch you now because they already know that you're the older sister of Yvan" sabi ko sa kanya kaya ngumit lang siya
"Since you're new here, you still don't know about this, but you should know that all of the students here at school are scared of your brother because he's hot-tempered" sabi ko ulit sa kanya kaya ngumiti lang ulit siya.
Sinabi ko yun para palakasin kahit papaano yung loob niya at matigil na yung takot niya sa mga estudyante dito sa school.
"Thank you, Ernest!" biglang sabi niya sakin kaya ngumiti lang rin ako
After that, ilang minuto rin kaming nanahimik dito habang naka upo dahil sa wala ring kumikibo.
"Actually, I'm scared" biglang sabi niya habang naka titig dun sa panyo na ibinigay ko
"Being here at this school makes me feel so scared" seryosong sabi niya ulit
"Why?" curious na tanong ko sa kanya kaya naman siya biglang tumawa and after few seconds biglang nag seryoso yung mukha niya
"Because of what happened to me earlier" seryosong sagot niya sakin
"To be honest, it's been a long time since the last time I entered or attended a school" sabi niya sakin with that serious face
"So the reason you're homeschooled is because you're scared?" tanong ko sa kanya kaya naman siya tumango
"You're scared because you think they will bully you?" tanong ko sa kanya
"Bingo!" sabi naman niya sabay tawa pero halatang pinipilit lang niyang tumawa kahit deep inside talaga ay nalulungkot siya dahil halata sa mga mata niya
"Weird right?" seryosong tanong niya sakin kaya umiling lang ako
"Natatakot ako na baka kung ano na naman ang gawin nila sakin. Actually, when I was little, I did enjoy attending school, but then something happened! My classmates suddenly started harassing and hurting me for no reason. They always make fun of me, and the worst thing is that they even lock me up in a dark room every single day." sabi niya habang naka titig sakin
"Why would they do that ?" tanong ko sa kanya tapos nagkibit balikat lang siya
"I don't even know!" sagot niya kaya hinawakan ko nalang yung balikat niya, so that I can comfort her kahit papaano
"The reason I decided to stop attending school is because of the trauma, and I'm scared that they might hurt me or make fun of me again" seryosong sabi niya sakin
"Sa totoo lang hanggang ngayon meron pa rin akong trauma and the worst part is that trauma caused me to have lots of phobias" seryosong sabi niya sakin
"Phobias? As in with 's'?" tanong ko sa kanya tapos tumango lang siya
"Takot akong mapagtawanan, takot akong masaktan, takot ako sa crowded na lugar, and lastly, takot ako sa madilim na lugar" sabi niya sakin sabay ngiti
"Don't worry, Ysabel, because we won't let things happen to you. And don't forget that your brother is someone they can't mess with" sabi ko nalang sa kanya kaya naman siya natawa
I finally understand her now!!
I understand now why she prefers studying alone and why she chooses to live in the province rather than here in the city!
Now I get it.
Due to her traumatic experience, it caused her great damage and forced her to hide from the world.