Romancing The Ice Prince

By lostmushroom

33.4M 275K 64.7K

He's my dark past, my once happy-go-lucky ex, he's my mistake, my secret, he's the heartless jerk, he's my s... More

Prologue
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Author's Note #1
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Chapter 39.
Chapter 40.
Chapter 41.
Chapter 42.

Chapter 26.

713K 7.1K 1.8K
By lostmushroom

Chapter 26. 

Nothing.

"So, what do you think, guys?" tanong ko at inilapag ang hawak kong hand outs sa mesa.

Nasa loob kami ng office na prinovide ng empire para sa team at kakatapos ko lang idiscuss sa kanila ang ginawa kong designs.

First draft ko pa lang iyon. Nadiscuss na kasi namin last week ang details at naidagdag na ang suggestions nila about the design kaya nakagawa na agad ako ng plate.

Next week na namin ipepresent sa board members ng empire ang draft at kailangan lang naming ayusin ang ibang detalye para masigurong walang magiging problema at hindi kami mapahiya. Lalo na kay Miguel.

I sighed. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Wala siya sa empire nitong mga nakaraang araw at wala naman akong lakas ng loob na tanungin ang secretary niya. Ang alam ko lang ay darating siya para sa presentation. Noong una ay nagtataka ako kung bakit hindi sumasama si Monica, ang kanyang secretary, sa mga lakad niya sa ibang lugar. Iyon pala ay mas pinipili ni Miguel na gumayak ng mag-isa at nag-uusap na lamang sila through phone or emails.  

Oh God, why am I being like this? Na-mimiss ko ba siya?

"That was great. I think everything's ready for the presentation! As what's expected from a Rein Gardencias. I'm really glad that I had the chance to be on this team!" Tim, one of the firm's engineer, replied. Tim's American.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you, Tim"

"Ba, mukhang walang nagrereklamo. Any violent reaction, Bernice?" kantyaw ni Shara.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Bernice. Tamad na nakasandal ang huli sa swivel chair niya at prenteng nagmamanicure ng kuko. May matching hipan hipan pa.

Napangiti na lamang ako. Nang magkaroon kasi ng discussion last week ay maraming tanong at kung-anu ano si Bernice. Kaya himala na lamang na hindi ito nagsasalita ngayon.

Dumako naman sa akin ang tingin ni Bernice at ako naman ang tinaasan ng kilay. I did the same. What's her problem?

Umayos siya ng upo at inilapag ang pang-manicure niya. "Oh. On second thought, I've been wondering," she paused at tinaasan uli ako ng kilay, "may something ba sa inyo ni Miguel?"

I was caught off guard. I didn't expect her to ask something like that. Pagkatapos ng pangyayari sa airport ay wala pang nag-uungkat noon sa'kin. Siguro dahil pagkatapos na pagkatapos ay sumabak agad kami sa trabaho na nawala na sa isip ng mga kasama ko ang nangyari.

Even Shara, it was obvious na kating-kati na siyang tanungin sa akin kung ano ang mayroon sa amin ni Miguel. I mean, what kind of boss would call their employee sweetheart? Pero mine-make sure ko lagi na kapag itatanong na niya ay nalilihis ko ang usapan o busy kami sa project.

I tried to act na parang walang epekto sa akin ang tanong niya. I cleared my throat and composed myself.

"What are you saying, Miss Mendez?"

She pouted, emphasizing her fake lips na tinalo pa si Anne Curtis at Angelina Jolie. "Stop making maang pa, why did he make tawag you na sweetheart?" She smiled sweetly. Too sweetly for my liking. "So fishy"

Natahimik sa kwarto. Hindi ko alam kung naintindihan ba iyon ng iba naming kasama dahil hindi naman sila ganoon karunong mag-Filipino. And of course, Shara was obviously curious too para barahin si Bernice na gawain na niya since day one.

Tinaasan ko siya ng kilay. "There's nothing going on between us, MA and I, Miss Mendez, if that's what you're trying to say."

She didn't look convinced. Pero mamayamaya'y ngumisi siya. "You're not that pretty, anyways"

Narinig kong suminghap si Shara. Napatayo pa ito. "This bitch" she hissed. Pero bago pa man siya makasugod ay sinenyasan ko siya na huminahon. Naiinis na napabalik siya sa puwesto niya

Iningusan lang ito ni Bernice. "What? I'm just telling the truth! And hello?" she looked at me at nag-aasar na umiling. "Hindi ka bagay kay Miguel." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kitang-kita ako mula sa upuan niya dahil nakatayo ako sa harap.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Meeting adjourned." Inayos ko ang mga papel na hawak ko at binitbit.

Bago pa man sila makatayo ay nagmamadaling lumabas na agad ako ng pinto. 

Mas pinili kong tahakin ang fire exit kaysa maghintay sa elevator. I wanted to be alone.

Nang makababa ng ilang mga baitang ay nanghihinang napasandal ako sa pader. Kinipkip ko ang hawak na gamit at napatitig sa kawalan.  Hanggang ngayon ba hindi pa rin ako worth it?

Hanggang ngayon ba isa pa rin akong babaeng hindi nababagay kay Miguel?

Hindi sana ako maapektuhan sa sinabi ni Bernice sa akin pero ang huli niyang binitawan na mga salita, it hit me. Big time.

"Frankly, my dear, i don't like you for my son" she said calmly but with that intimidating and powerful tone. 

Alam ko ho, gusto ko sanang sabihin. It was obvious since the very beginning, she doesn't like me. But hearing it from her was much worse. I pursed my lips. Asan na ba si Miguel?

Nasa bahay kami nila Miguel dahil birthday ni Bianca at kanina lamang ay magkasama kami ngunit iniwan niya ako saglit dahil naiwan niya sa kotse ang regalo niya para sa kapatid.

So, unfortunately, naiwan ako rito with her mom.

I looked at her. She was very beautiful, with her Latina features and all. Kapansin pansin din na hindi siya basta bastang tao, she has this elegance and grace radiating from her. Everything about her screams how wealthy she is.

"Look at you then look at me, my clothes, this house. Tell me, sa tingin mo nababagay ka?" Kitang-kita ko ang disgusto sa mukha niya.

Napatingin ako sa sahig. Nanginig ang mga tuhod ko. Oo nga naman. Ano na bang laban ko sa kanila? They're one of the richest family in Asia. Nasaan ako?

I wanted to runaway. Hide. Hide and die.

Kahit kailan ay hindi ko inakalang maakusahan ako na isang gold-digger. Kahit kailan ay hindi ko inasam na magkaroon ng maraming pera o manggamit ng tao para sa pera. Hindi ko rin ikinatuwa ang katotohanang ako ang nag-iisang tagapagmana ng mga Grummon. I don't want their money. Gusto ko ng simpleng buhay. Kaya hindi ako makapaniwalang ito ang pinamumukha sa akin ng mama ni Miguel ngayon. 

I was about to say something nang magsalita uli siya. "Ano bang gusto mo? Pera? Marami ako. Take it. Just leave my son alone. I wouldn't have a commoner for a daughter-in-law so--"

"Ma, stop it." a voice said then I felt arms suddenly wrapped around my waist. Napakagat ako ng labi.

"Miguel." she said.

"Take back everything you said." Miguel said in a stern voice.

"No. Dapat mong malaman na ayoko sa kanya, hijo. You better break up with her."

Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Miguel. "No, Ma. You don't tell me kung sino ang mamahalin ko."

I saw her gritted her teeth. Tumalim ang tingin niya kay Miguel. "Ako ang nagbigay ng buhay sa'yo, Miguel. You owe everything to me."

Naramdaman kong umismid si Miguel. Napatingala ako sa kanya. Bigla ay parang ibang tao ang kaharap ko, hindi si Miguel. His face was serious, hindi katulad ng nakasanayan kong playful na mukha niya.

"Hindi mo kailangang isumbat sa'kin yan, Ma. I know. I owe you my life. Nirerespeto kita, Ma. But, let me tell you this, I might owe you my life but I owe this woman everything. And when I say everything, damn everything. And kung bakit nakikita mo pa ako ngayon, alive and kicking. Happy and in love? Oh yes, that, you owe that to her."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Bakit ba lagi siyang ganyan? Ayan na naman siya sa mga salita niya. Parang hindi ko na deserve ang bawat linya niya.

Nang mapatingin ako sa mama niya ay bakas ang galit sa mukha nito. Tumingin siya sa akin ng nang-uuyam. "Okay. But let me tell this girl that, HiNDI KA BAGAY KAY MIGUEL" at tumalikod na siya.


"What? What happened?" nagpapanic na tanong ko kay Mama.

"Eh, ayun, kumain ng isda, allergic pala itong anak mo. Hindi ko naman alam dahil ngayon lang kami kumain ng isda. Okay naman siya kasi sa ibang seafood kaya I thought pati sa fish."

Nasa linya si Mama ngayon, saying na nagkaroon ng allergy si Alex.

"Can I talk to Alex, Ma?" nag-aalalang tanong ko.

"Mommyyyyy! I don't like fish na. Look at my skin! But of course, you couldn't see it right now. But mom! It's itchy!"

"It's alright, baby. 'Wag mong kamutin. Naka-inom ka na ng meds? Do you want me to go there?"

"Sama si Tita Shara! Miss ko na si Baby Alex eh!" biglang sulpot ni Shara sa likod ko. Sinenyasan ko siyang tumahimik. 

"Is it okay? I know you have this project. It's an airport po mommy! Soon, i'll have my plane doon po so you should finish it first. I'm a big boy and allergy is just sisiw! Pogi ko pa raw po sabi ng pretty nurse po rito mommy"

I chuckled. "Aww. I know, baby. You're the most good-looking boy na may allergy." he grunted. "I'll go there tomorrow, okay? Gusto ka rin daw makita ni Tita Shara."

"She there, Mommy? Tita Ganda? How about Tito Harry?" Tita Ganda ang tawag niya kay Shara dahil na rin gusto ng huli.

"No, just your Tita Ganda."

"Okay!" he said in a sing-song voice.

"What happened?" tanong ni Shara nang ibaba ko ang telepono. 

"Allergy. Fish." I sighed. Pati ba naman iyon ay mamamana niya kay Miguel?

"Aww. So, ano? Pupunta tayo?"

"Bukas. Tapos na naman yung details natin eh." 

"Okay." she grinned. "Guess what? MA's back!"

I shrugged. "Okay."

"Okay? My god! Rein! It's like saying "okay" when someone just told you that everything's on fire!"

Tinignan ko siya. "What's the big deal? Of course, nandito siya. This is his company for Pete's sake!"

Nagtakip siya ng mukha. "Chill. Okay, I was just saying.. well, ini-inform lang naman kita."

Biglang bumukas ang pinto ng office. Pumasok ang isang ngiting-ngiti na Bernice. Feeling ko tuloy ay mapupunit anytime ang mukha niya sa sobrang bungisngis. Malanding kumekembot pa ito. 

Nang makita niya kami ni Shara ay napahinto siya and smiled sweelty. "Hi girls!"

Nagkatinginan kami ni Shara. "Anong meron?"

I shrugged again.

"Won't you make tanong kung bakit ako happy today?" she said while grinning, her teeth was too white.

"Knock knock joke, ba? Sige, bakit?" bored na tanong ni Shara.

"Magla-lunch ako with Miguel!" she squealed at napatalon pa. Umalog tuloy ang boobs niyang fake. Naagaw ng sinabi niya ang atensyon ko. 

"Aba, level up sa dreams!" asar ni Shara.

"I'm not dreaming! It's true." balik ni Bernice.

"Ah really? I thought it was a knock knock joke? That was funny, indeed." tuloy pa ni Shara.

Bernice smirked. "You're just jealous. It's true. He's here na, diba?"

Tumayo ng maayos si Shara and crossed her arms over her chest. "Bernice, yelo ka ba?" Napataas na lamang ako ng kilay sa mga pinagsasabi nilang dalawa.

"Ha? Why?" 

"Kasi ang sarap mong ihampas sa pader." banat ni Shara saka humalakhak. Napailing na lamang ako. 

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Bernice at biglang nagwalk-out.

"Have you seen her face? Oh god, priceless!"


Tinawanan ko na lamang siya. "Ang dami mong alam, halika na, maglalunch pa tayo kasama sila Sexy."

Nang unang magkikita ay mabilis na nagkasundo sila Twinkle, Sexy at Shara dahil pare-pareho naman silang ng mga ugali. Ako lang ata ang medyo killjoy. 

Nang nasa lobby kami ay nagdadaldalan na ang tatlo habang ako naman ay tahimik lang na nasa gilid. Bumalik ang sinabi sa akin ni Bernice. Totoo bang magla-lunch sila? Pumayag si Miguel? Pano nangyari--

Narinig kong nagsinghapan sila Sexy. "Rein, look! Rein." Nang mapatingin ako sa tinuturo nila ay nakita ko si Bernice na nakahawak ang kamay sa braso ng isang pamilyar na bulto. Miguel.

Napahinto ako sa paglalakad. Anong nangyayari?

Nakatingin si Miguel kay Bernice at nakatingin din ang huli kay MIguel. Nang siguro ay maramdaman niyang may nakatingin sa kanya ay napalingon siya then his gaze met mine.

The feeling was familiar yet so bizarre. Hindi ako nakakibo nang makita kong walang kahit anong ekspresyon ang makikita sa kanya. I noticed his jet black hair na umikli. He even grew a beard. It was sexy.


Pero parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang bigla niyang bawiin ang tingin sa akin at biglang hawakan  ang kamay ni Bernice at tinulungan maglakad papalabas at sumakay sa kotse. I stood there. Paralyzed.

What was that?

What... was that?

He ignored me. 

He just ignored me.

At..

At ang mas malala, totoo ang sinabi ni Bernice. She's having lunch with him!

What's with him? He calls me sweetheart and then he does that?

"Rein?" Twinkle said, snapping me out of my thoughts.

"W-what?" I asked, disoriented.

"Let's go?" nananantsang tanong niya.

I faked a smile. "Sure."

Nang tumingin tingin ako sa paligid ay normal na nagsisikilos ang lahat. Tinignan ko rin sila Shara ay bumalik sila sa pag-uusap kahit naririnig kong tungkol na iyon kay Bernice.

Kumain uli kami sa Amore, konti lang ang nakain ko dahil ang daming pumapasok sa isip ko. Nagising lang ako sa pagmumuni-muni ko nang marinig ko si Shara na muntik nang mabanggit si Alex. Buti na lamang ay naagapan ko at nag-iba ng topic.

Spaced out pa rin ako nang bumalik kami sa lobby. Oo alam ko, wala akong karapatan kay MIguel. Paulit ulit iyon sa utak ko. Pero, asan ang sinabi niyang revenge? Iyon ba? Where was his 'just take me back'? Bigla na lamang nawala iyon?

Nang nakasakay na kami sa elevator, pumuwesto ako sa pinakasulok. Papasara na ang pinto nang may pumigil doon. Napatingin ako bigla. Parang may dumagan sa dibdib ko nang makita ko si Miguel at mas lalo na nang makita kong kasabay pa rin niya si Bernice. Malandi pa itong nakangisi.

Nag-bow sila Twinkle kay Miguel ngunit hindi sila pinansin ni Miguel. He scanned the people inside the elevator at huling bumagsak ang tingin niya sa akin. Napasiksik pa ako sa sulok. Gusto kong lumubog. Kainin ng lupa sa mga sandaling ito. Bored na tinignan niya lang ako at saka pumasok sa elevator.

Nang umandar ang elevator ay kapansin-pansin ang pagkatahimik ng mga kasama ko. Kami lang anim ang nasa loob.

Huminto sa floor nila Twinkle at Sexy, they bow down to Miguel bago umalis. Nang sumarado ang pinto ay parang nasuffocate ako. Nakikita ko sa salamin na diretso lang ang tingin ni Miguel habang si Bernice naman ay panay ang sulyap sa lalaki.

Napataas ako ng kilay pero hindi ko na lamang pinahalata. Umismid naman si Shara kaya naman napalingon sa kanya si Bernice. The latter pouted. Pero nang makita niya ako ay bigla na lamang siyang ngumiti. She looked at me from head to toe and smirked. Bumaling siya kay Miguel at hinawakan ito sa braso.

Napatingin ako roon.

"Miguel. Tell me, ano mo si Miss Gardencias?" she asked with a hint of malice in her voice.

Nanlaki ang mata ko at napatuwid ako ng tayo ng dahil doon. My gosh! Ano bang gustong palabasin ng babaeng ito?


Sasabihan ko sana si Bernice na tumigil na siya nang bigla akong balingan ni Miguel. He stared at me for a few seconds. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya. Then he faced the elevator door again.

"Nothing. She's nothing to me."

Then the 'everything' turns 'nothing'...

Continue Reading

You'll Also Like

29.1M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
27.3M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
4.8M 98.1K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...