Should I Say I Love You Again?

By heyouniverse

18.1K 169 17

A brainy girl and an athletic swimmer met in highschool, struggle about their dreams. A few years later they... More

PROLOGUE
Chapter 1

Chapter 2

1.1K 38 1
By heyouniverse

CALI

Ilang araw narin ang nakalipas nung natapos yung foundation week namin and now I’m nervous if I am qualified for the upcoming academic contest.



Hindi narin ako madalas tumatambay sa campus because of what happened nga nung foundation. Madalas akong pagusapan ng tiga ibang section pero wala naman akong pakialam.


Hindi ko narin masyadong pinapansin si Phoenix sa classroom, nakakairita kasi masyadong bida bida.


That fucking Blind Marriage Booth, yun na yung una’t huling pagkikita namin hindi ko naman kasi siya nakikita dito sa campus.


“Ms. Alcantara the final result is out, so isa ka sa mga pambato namin for the upcoming academic contest.” Sabi ni Ma’am bago lumabas ng classroom.


Nagpalakpakan yung mga kaklase ko at mga nakangiti saakin.



OH THANK GOD!


“You deserved it, baby!” Agad akong niyakap ni Jewel at ni Ethel.



“Congrats Cali, bati na tayo ah?” Lumapit si Phoenix sakin at inirapan ko lang siya.



“Fine, that’s why you are approaching me because you’re critical for the exam right?” Napakamot siya sa ulo niya. Bahala ka sa buhay mo may utak ka gamitin mo kahit minsan.

“Hindi naman sa ganoon.” Pagdedeny niya kahit naman kasi ganyan ugali nyan napakabait parin saakin kahit madalas kong tinatarayan hehe di ko rin matiis eh.


This week medyo naging busy na ako madalas narin akong excuse sa klase kasi nagrereview kami ni Clarence sa faculty.


Tatlong teacher ang nanghahandle saamin ngayon at kapag break time naman ay tumatambay ako sa library para doon magbasa saka kumain.


Nung nalaman nila Jewel at Ethel na si Clarence pala yung ka team mate ko panay ang asar nila saakin pero wala na akong pakialam.


I’m done with him.


Promise, di ko na siya crush.


Natapos yun nung hindi niya ako sinipot nung foundation week, tsaka nalaman ko na nagdadahilan lang pala siya na pinatawag daw siya ng principal kuno. Yun pala ay ayaw niya lang talaga.


Pinagsisihan ko talaga yung pag volunteer ko non, jusko! Nakakahiya na talaga.


Napansin ko na nagvibrate yung cellphone ko.


A new message arrived.


Agad kong binuksan yung messenger ko, sila Jewel at Ethel pala ang nagchat.


Ethel: Hoy, Tama na aral! Miss kana namin :(

Ethel: Asan ka je? Tagal mo magcr kakalabas lang ni Ma’am. Tara puntahan natin si Cali.

Jewel: Nasa canteen ako saglit lang.

Ethel: GAGA KA KAYA PALA ANG TAGAL MO.

Me: Cutting amp.

Ethel: Puntahan ka namin Cali sa library, inaantay ko lang si Jewel bumalik.

Jewel: Hoy bumili lang ako ng tubig.

Ethel: Tubig amp, teka tignan ko bag mo.

Ethel: HOY BABAE YUNG TUMBLR MO MAY LAMAN PA.

Jewel: HAHA ANO BA NAKALIMUTAN KO KASI MAGPALIT NG TUBIG KANINA.

Ethel: Sus palusot, sino nanaman bang lalaki yang kasama mo?

Jewel: Taga Stem-A, shet ampogi niya.

Ethel: Landi mo! tara na iwanan mo nayan bago niya pa gawin sayo yan.

Jewel: G, otw na ako library punta kana don.


Hindi kinaya ni Jewel at Ethel na antayin ako dito sa library wala na rin kasi kaming klase pagkatapos ng breaktime kasi absent daw yung subject teacher namin may emergency daw kaya nauna na sila Jewel at Ethel para umuwi.


5 pm na kaya nagligpit narin ako ng gamit ko para ituloy nalang sa bahay yung pagaaral ko nagsabi rin ako sa librarian na iuuwi ko na muna yung mga libro na hiniram ko at pumayag naman siya.


Nandito na ako sa campus at wala ng estudyante kasi kanina pang 4:30 ang uwian namin.


“Hey, I’m sorry hindi ko sinasadya.” Sabi ko dun sa nakabangga ko di ko siya tinignan at pinulot ko agad yung mga libro ko.


“No, It’s okay.” Napansin kong tinutulungan niya narin ako at sabay kaming tumayo at inabot niya saakin yung mga libro.


Naka gray na sweat short siya, white tshirt and jacket na gray nakasukbit din yung duffel bag niya at medyo basa ang buhok mukhang galing siya sa training.


“C-cassandra?” Mukhang nagulat siya na nakita ako.


“Tobio tama ba?” Tumango siya at nakangiti parin saakin.


“Tobe nalang. Panget kapag Tobio kasalanan ng nanay ko to eh.” Sabi niya saakin at tumango naman ako.


“Sige Tobe, mauuna na ako salamat.” Aalis na sana ako pero agad niya akong pinigilan.


‘Wait!” Kaya napalingon ako sakanya at tinignan yung kamay niya na nakahawak sa braso ko agad naman tinanggal yon.


“Kumain kana ba?” Biglang kumunot yung noo ko sa tanong niya bigla tuloy siyang napakamot sa ulo niya parang nahiya sa sinabi niya.


“Bakit?” Mataray kong tanong kaya nanlaki mata niya.



“A-ah k-kasi hindi pa ako kumakain eh.” Hindi siya makatingin ng diretso saakin.


“Ano naman?! Share mo lang?” Feeling ko umangat nanaman yung sungay ko.


“Taray mo naman!” Nakakunot na yung noo niya.


Ano naman kung hindi pa siya kumakain?


“Inaaya mo ba ako kumain?” Okay medyo nakakahiya yung sinabi ko medyo nagulat rin ako.


Nagulat siya sa tanong ko at natawa pa kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Hindi sa nag a-assume pero sorry may gagawin pa kasi ako.”


Napanganga siya sa sinabi ko. Shit nakaramdam na tuloy ako ng hiya.


“Oo, inaaya kita.” Umangat na yung dalawa niyang kilay at medyo confident na siya sa pagkakasabi niya.


Napangisi nalang ako at tumalikod na para maglakad.


“Dali na, Asawa ko.” Biglang uminit ulo ko nung narinig kong sabi niya bigla tuloy akong lumapit sakanya at nakangiti lang siya saakin.


“What did you say?” Gulat na gulat kong pagtatanong sakanya.



“Asawa ko.” Gosh! Inulit niya pa talaga.

AAAAAAHH NAIINIS AKO GUSTO KO SIYANG SAPAKIN.

“Ano bang problema mo?” Naiinis na ako pero yung mga tinginan niya halatang nangaasar.

“You” Mabilis niyang sagot.
Napaangat ang dalawang kilay ko sa sinabi niya hindi ko siya maintindihan.

“Ikaw problema ko ngayon, kasi ayaw mo pumayag.” Sabi niya sakin at lumapit siya saakin halos maamoy ko na yung pabango niya hindi tuloy ako makatingin ng diretso sakanya.



“W-why are you doing this to me huh? Hindi naman tayo close.” Nauutal kong sagot sakanya hindi ako makatingin sakanya.

Feeling close nakakainis, hampas ko tong mga libro ko sayo eh.


“Because I want to be friends with you.” Nakangiti niyang sabi saakin.


“Ayoko.” Sabay taray sakanya at tinulak siya palayo.


“Bakit?” Nakangiti nanaman siya, para siyang gago.


“Plastic ako tanga.” Agad kong sabi at bigla siyang humagalpak ng tawa at umalis na agad ako sa harap niya.


“See you ulit asawa ko!” Naririnig kong sigaw niya at napapailang nalang ako.



Putangina.

“Ang bobo mo naman! Bakit hindi ka pumayag?” Hinampas ako ni Jewel ngayon kakalabas lang kasi ng teacher namin.


Si Ethel naman hindi makapaniwala sa kwento ko.


“Hays, nagsasayang ka ng opportunity alam mo ba yon?” Bigla kong binawian ng hampas si Jewel walang kwenta kasi kausap.

“Ang tali talino mo, pero bobo ka pala pagdating sa ganyan.” Singit ni Ethel kaya tinignan ko siya ng masama tumawa lang siya at nag peace sign.


I rolled my eyeball nalang at binuksan yung libro ko, maya maya dumating na yung sumunod na subject teacher namin at nagsimula na mag discuss.


“Pst, peram ballpen.” Sabi ni Phoenix sa harapan ko ngayon nilabas ko yung pencil case ko at binigay sakanya yung gtech na ballpen.


“Bring out one whole sheet of paper.” Sabi nung teacher namin habang nagsusulat ng question sa white board.



“Ma’am crosswise po ba?” Tanong ni Phoenix kaya humarap sakanya si Ma’am.



“Anong sabi ko?” Mataray na sabi ni Ma’am at tumalikod na ulit para magsulat sa whiteboard.



“Bobo! One whole nga diba?” Sabi ni Jewel kay Phoenix.



Natawa lang si Phoenix at biglang humarap sakin.


“Penge ako isa lang.” Tumingin ako ng masama kay Phoenix at nakangiti to saakin.

“Tangina di ka ba mahal ng nanay mo?” Mataray kong sabi kay Phoenix at biglang natawa sila Maggie.


Binigay ko na yung one whole sakanya at tumalikod na saakin.
Natapos na yung quiz namin at pinatawag na ulit ako ng coach namin para i-excuse ako sa klase.


Nagpunta kami sa room nila Clarence para i-excuse siya napansin kong tumayo na siya at kinuha yung gamit niya. Nakasilip kasi ako sa bintana ng classroom nila.


Nagulat ako ng makita ko si Tobio sa classroom nila medyo nagulat din siya nung nakita ako.


Umiwas nalang ako at saktong kakalabas lang din ni Clarence ng classroom nila kaya sakanya ako napatingin.


“Hi.” Bati niya saakin at nginitian ko nalang siya.



Nagsimula narin kami magreview ni Clarence kanina pa at hindi rin kami masyadong naguusap dahil medyo focus kami sa pagaaral ngayon.


After two days, mas lalo kaming nagfocus sa pagaaral at ngayong araw ay hindi na kami pinapasok nang coach namin sa classroom at pinadiretso na kami sa faculty dahil last day na namin ng pagrereview.


Bukas kasi contest na namin.
8 pm na pero hindi parin kami umuuwi medyo nagugutom narin ako kasi hindi ako nag lunch kanina.


“Goodluck for tomorrow, wag kayong kakabahan. 6 am dapat nandito na kayo sa school para sabay sabay tayong pupunta sa venue.” Sabi ni Ma’am saamin at nagaayos narin kami ng gamit ni Clarence para makauwi na.



Lumabas na yung coach namin at nakatingin si Clarence sakin nginitian ko nalang siya at sabay kaming lumabas.

“Tara kain tayo diyan lang sa malapit.” Napatingin ako kay Clarence na nakatingin sa relo niya.


“Kumain na ako.” Pagsisinungaling ko.


“Sinungaling, di ka nga kumain kanina ng tanghalian tara na nagugutom narin kasi ako.” Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at wala narin akong nagawa.


Nandito kami sa Love, Chicken bigla kasi akong nacrave sa manok buti dito kami kumain.


Nagoorder na si Clarence sabi niya kasi ililibre niya ako tatangi na sana ako kasi nakakahiya pero wala narin akong nagawa.


Habang wala pa siya nagcheck muna ako ng facebook.



Tobio Benitez sent you a friend request.

Biglang kumunot yung noo ko kaya pinagiisipan ko kung ia-accept ko siya or hindi.



“Uy, kain na.” Sabi sakin ni Clarence nandito na pala siya sa harapan ko at may pagkain na sa table namin.



SHIT, BIGLA KONG NAPINDOT YUNG ACCEPT.




"HALA! KASALANAN MO TO EH!" Nagulat si Clarence ng bigla ko siyang masigawan habang kagat kagat yung manok.




"Ginawa ko sayo? Gutom lang yan." Sinungalngal niya sakin yung drumstick.


Bigla kasing sumusulpot si Clarence nakakainis tuloy.


Nagulat ako ng biglang may nagchat saakin.



Tobio Benitez is waving at you.



WHAT THE FUCK?

Tobio: Ay napindot.

Me: Problema mo?

Tobio: Goodluck bukas.

Tobio Benitez set your nickname to Asawa q.



LUH GAGO?



“Sino ba yan?” Tanong sakin ni Clarence saakin habang kagat kagat yung manok binaba ko na yung cellphone ko.



“Wala.” Sabi ko at nagsimula na kumain.



Halos pinagusapan namin ni Clarence kung paano kami makakasurvive bukas hindi ko makita sakanya kung kinakabahan ba siya.



Siguro sanay na siya sa tagal ko ba naman na may gusto sakanya eh alam ko na yung nangyayari sakanya, kapag may quiz bee siyang sinasalihan sa school lalo kapag debate lagi akong nanonoood.


Pero hindi niya talaga ako napapansin may times nga rin na magkalaban yung section namin nung Junior High at siya yung nakalaban ko pero wala talo parin lamang siya ng dalawang puntos.



Kaya feeling ko bukas? Parang bubuhatin niya lang ako.



Parang johnson at odette lang sa ml.



Nandito na ako sa bahay at dumiretso na ako ng kwarto para matulog dahil maaga pa akong gigising bukas.



Start na nang competition nandito na kami sa backstage ni Clarence napasulyap din ako dun sa kalaban namin naka maroon uniform sila.



“Wag kang kabahan, basic lang satin to.” Nakangiti sakin si Clarence nung sinabi yon nakapansin siguro siya na kinakabahan ako.

Nung tinawag na kami sa stage lumabas na kami ni Clarence at nagpalakpakan yung mga audience ang daming nanonood kaya medyo kinakabahan ako lalo.



Hinahanap ko sila Jewel at Ethel pero hindi ko sila makita pero ang sabi nila nandito na raw sila sa venue.



Nagpunta na kami sa table ni Clarence at may buzzer sa harap namin.



Nagstart na yung competition at lamang yung kalaban namin.



Namemental block ako first time to shet.



Hinawakan ni Clarence yung kamay ko dahil nanginginig nga sa sobrang kaba tumingin ako sakanya at binitawan na niya yung kamay ko at ngayon nakafocus na siya sa host.



Napabuntong hininga narin ako at nagfocus narin.


“The second round will be a speed quiz, There will be 10 questions, each question being worth 10 to 20 points so be ready. If you know the answer just press the buzzer quickly.” Sabi ni Host kaya nagfocus na ako.


Halos salit salit kami nung kalaban sa pagsagot grabe sobrang talino nila wala pang 5 seconds alam na nila agad yung sagot.


Buti nalang mabilis pumindot ng buzzer si Clarence kaya nakakasagot rin kami at ayun nakakahabol kami.



“We have now entered the last round, this question is worth 50 points.”


SHIT KINAKABAHAN AKO.


“So whoever answers this question will be today’s final winner.”


Nakapikit nalang ako at naghahanda sa ibabatong tanong.


“So here’s the question.” Pinakalma ko na muna ang sarili ko.

“Although it freed itself from the United States in 1946, what nation’s Independence Day celebrates it’s declaration of independence from Spain in 1898?”

Naghahanda na kami sa choices na ibabato nung host.

SA WAKAS ALAM KO YUNG SAGOT.


“A. Mexico B. Philippines C. Argentina D. Korea”



Agad kong pinindot yung buzzer kaya naghiyawan yung mga estudyante sa school namin.


“You have 10 seconds to answer.” Sabi nung host kaya tumingin ako kay Clarence na kinakabahan sa isasagot ko.


“P-philippines.” Kinakabahan kong sagot.


Ngumiti sakin yung host.

“You’ve got the correct answer! Congratulations St. Benedict.”

“GAGO PANALO TAYO???” Di makapaniwalang tanong ni Clarence saakin.

ANO RAW? NAKATULALA LANG AKO.



Nagsisigawan na yung mga kaklase ko, nagulat ako ng bigla akong niyakap ng coach namin.



Napatingin ako kay Clarence na ngayon ay nag thumbs up saakin.


Halos maiyak ako, worth it yung ilang araw ko na pagrereview.



Tinawag na kami sa gitna ng stage at sinabitan na kami ng medal at inabot saamin yung malaking trophe.



Matapos yung contest hinanap ko sila Jewel at Ethel nagulat ako ng biglang may yumakap saakin.


“WHAAAH CONGRATS!!!” Sabi sakin ni Ethel at bigla akong hinalikan sa pisngi.


“You deserved it! Mukhang inspired na inspired ka team kasi si krass.” Pang aasar ni jewel kaya inirapan ko lang siya.


“Hey” Kinalabit ako ng lalaki at nakangiti siya saakin ngayon nakauniform siya at nakajacket na white.


Napatingin ako kila Jewel at Ethel na gulat na gulat sa nakikita nila ngayon.


“Congrats.” Sabi ni Tobe sakin at inabot yung bulaklak saakin.

“Thankyou.” Tinanggap ko yung bulaklak hindi parin ako makapaniwala.


“Let’s celebrate, samgyup tayo.” Aya ni Tobe sakin kaya tumingin ako kila Jewel at Ethel.


Bigla akong tinulak ni Jewel para mas lalo akong mapalapit kay Tobe, sinamaan ko ng tingin yung dalawa habang tumatawa yung dalawa at bigla akong iniwanan.


Shit.


“Ano tara? Di ka pumayag last time.” Masiglang alok niya saakin.


“So this time kailangan mong pumayag.” I rolled my eyeball and nodded.


He place his right hand on my shoulder and smiled at me.


“Tara na asawa ko.”

--

^o^

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...