Dating My Sister's Idol (The...

By jglaiza

1.9M 46.7K 3K

The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siy... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Epilogue
Special Chapter

Twenty-Four

30.5K 880 119
By jglaiza

Chapter 24
Gwapo

**

Napanguso ako habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng study table ko. Kanina pa ako nakauwi galing sa trabaho at ang una kong ginawa ay ang magbukas ng laptop para pumunta sa isang website.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Bakit ba hindi ako makakuha ng passes para sa MTV Music Evolution 2016? Kanina pa ako nasa website nila pero hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuhang ticket.

Actually, ilang araw na akong bumibisita sa website pero wala pa rin. Bakit 'yong iba madali lang nakakuha? Bakit ako wala pa ring napapala? Malas yata talaga ako sa mga giveaways or raffles. Sinuwerte lang ako noong nabunot ang pangalan ko para maging date ni Hero.

Sinara ko na lang ang laptop ko dahil sa inis. Tumayo ako at lumapit sa kama ko. Humiga ako roon habang nag-iisip pa rin ng paraan para makakuha ng passes para sa MTV Music Evolution 2016. Patulan ko na kaya 'yong mga nagbebenta sa Twitter? Kaya lang paano kung ma-scam ako? Sayang pera samantalang pwede ko namang makuha iyon ng libre sa website.

Ang kaso nga, hindi nga ako sinuswerte. I want a VIP pass! I want to see APink! Ayokong maging Team Bahay! Isa pa, nandoon ang One Republic at si James Reid. I don't want to waste the opportunity to see them all in one concert!

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na talaga alam. Ilang araw na lang ay concert na. May pag-asa pa ba ako? Ano kaya kung pumunta ako roon tapos mag-ninja moves na lang? Pero hindi naman ako marunong mag-ninja moves. Baka mamaya mahuli nila ako.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tamad ko iyong kinuha at tiningnan kung sino ang hinayupak na nag-text sa akin ngayon.

Nang makita ko ang pangalan ni Hero ay napabalikwas ako ng bangon. Joke lang pala. Hindi pala siya hinayupak. Agad kong binuksan ang text niya para sa akin.

From: Hero
Hi! Are you busy?

Agad ko rin naman siyang ni-reply-an.

To: Hero
No. Why?

From: Hero
I have a photo shoot near your neighborhood. I'm currently on break. Can I invite you for a coffee?

Photo shoot? Ng ganitong oras? It's already 6:00 PM. Wow. Ang busy nga talaga niya ngayon.

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang huli kaming magkita. Actually, noong birthday pa niya ang huli naming pagkikita. After no'n, naging busy na ulit siya sa trabaho kaya puro na lang kami text at tawag. Sa video call na lang din kami nagkikita. I admit. I miss him so much.

Dahil nami-miss ko na siya at gusto ko rin naman siyang makita, pumayag ako sa gusto niya. Itinext naman niya sa akin kung saan kami magkikita. Sa labas lang iyon ng subdivision kaya madali ko lang iyong mapupuntahan. Pwedeng-pwedeng lakarin.

Hindi na ako masyadong nag-ayos. Nag-maong shorts na lang ako na hindi masyadong maikli at isang pink na t-shirt. May print iyon na picture ng teddy bear na may hawak na puso. Isinuot ko rin ang puti kong flat sandals pagkatapos ay itinali ko ang buhok ko. After that, I took my phone then went downstairs.

Nakita ko si Andrea na nanonood ng TV habang si Mommy naman ay may sinusulat. Siguro mga bibilhin niya sa grocery bukas. Nang bumaba ako ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Marahil ay napansin niyang nakaayos ako kaya agad siyang nagtanong.

"Lalabas ka pa? Gabi na, ah."

"Diyan lang po ako sa coffee shop sa labas ng subdivision, Mom. Saglit lang naman po. Nandiyan po kasi si Hero. May photo shoot daw po siya malapit dito at kasalukuyan siyang naka-break," sagot ko.

"Ganoon ba? Oh, sige. Mag-ingat ka diyan, ha?" aniya. "And tell Hero to visit us next time. Alam kong busy siya pero nakaka-miss din kasing makita ang batang iyon."

Tumango ako. "Sige po. Sasabihin ko."

"Ate, sama ako," sabi ni Andrea bago pa man ako makaalis. Tiningnan ko siya at nakita kong nakasuot lang siya ng pambahay. Umiling ako.

"Huwag na. Alam kong mag-aayos ka pa. Hindi ko alam kung ilang minuto lang ang break ni Hero at kung hihintayin pa kita, baka pagdating natin doon, wala na siya."

Napasimangot siya. "Sus! Gusto mo lang ma-solo si Kuya Hero, eh. Oo na. Hindi na ako sasama. Basta sabihin mo, dumalaw siya minsan. Nami-miss ko na siya."

"Oo na. Oo na," sagot ko. Binalewala ko na lang ang sinabi niyang gusto kong ma-solo si Hero. Bumaling ulit ako kay Mommy. "Aalis na po ako."

Pagkatapos no'n ay lumabas na ako para pumunta sa coffee shop. Mabuti na lang at maliwanag ang daan sa amin kaya hindi delikadong lumabas ng gabi. Isa pa, ligtas naman talaga dito sa amin dahil mahigpit ang security.

Habang naglalakad ako palabas ng subdivision ay bigla kong naisip kung paano ko siya kakausapin. Ngayon na lang ulit kami mag-uusap ng personal pagkatapos niyang aminin sa akin noon na mahal niya ako. Pagkatapos no'n, medyo nakaramdam na ako ng awkwardness sa tuwing nagkakausap kami sa tawag o video call. Okay lang sa text dahil hindi ko naman naririnig ang boses niya.

At ngayon, magkikita na naman kami at hindi ko pa rin alam kung paano ko aalisin ang awkwardness na nararamdaman ko. Of course, I feel awkward because it was the first time someone confessed his feelings for me. I don't know what to say.

Pero dapat kong piliting kausapin siya tulad nang dati, 'di ba? Ayoko namang pati siya ay makaramdam na ng awkwardness sa akin. Ah, ewan! I think I'll just go with flow. Besides, he's not really expecting an answer from me today. Sabi nga niya, maghihintay siya kahit gaano katagal.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na nga ako sa coffee shop. Pagpasok ko ay agad na hinanap ng mga mata ko si Hero. Nang hindi ko siya nakita ay tinext ko siya para itanong kung nasaan siya. Nag-reply naman siya na nagsasabing nasa second floor siya. Bago ako umakyat ay um-order na muna ako. Sinabi ko na lang na sa second floor iyon dalhin. Pagkatapos no'n ay umakyat na ako.

Kaunti lang ang tao sa second floor kumpara sa first floor. Kadalasan kasi, dito sa taas tumatambay ang mga businessman o iyong mga ayaw maistorbo. Sa baba naman ay iyong mga kadalasang maiingay na teenagers o mga estudyante.

Isa lang ang taong nakita kong mag-isa roon dahil ang iba ay may kausap kaya tingin ko ay si Hero iyon. Naka-cap din siya kaya tingin ko talaga ay siya iyon. I put aside the awkwardness I'm feeling before approaching him. Paglapit ko ay hindi nga ako nagkamali. Siya nga iyon. Mayroong isang tasa ng kapeng nasa harap niya.

He smiled when he saw me. Tinanggal din niya ang cap na suot niya. Umupo naman ako sa upuang kaharap niya. And as soon as I was seated, he immediately took my hand and kissed it. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi na ako nagsalita. Tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata.

"I missed you," he said. Kitang-kita ko talaga sa mga mata niya na totoo ang sinasabi niya.

I smiled. "Na-miss din kita."

"Really?" tanong niya bago ngumisi nang malawak. Napasimangot ako.

"Ayaw mo yata, eh."

"Of course, gusto ko. Hindi lang ako makapaniwala na maririnig ko iyan mula sa'yo. It's so good to hear that you miss me, too."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at dumating na ang order ko kaya hindi na niya napansin pa ang pamumula ng pisngi ko. Nang makaalis ang lalaking nagdala ng order ko ay nagpasya akong baguhin na ang usapan. Tumikhim ako.

"Uh... Bakit mo nga pala ako niyayang mag-kape ngayon? Hindi naman sa ayaw ko pero nakakagulat lang kasi," tanong ko.

"Tulad ng sinabi ko, malapit lang dito 'yong photo shoot ko. Since malapit lang sa inyo, naisip kong makipagkita. I told you I missed you. It's been days since I last saw you," he replied. "And there's actually something I'd like to give you."

Napakunot-noo ako. "Huh? Ano naman iyon?"

"Hindi ko alam kung magugustuhan mo itong ibibigay ko pero ikaw lang kasi ang naisip kong dapat kong pagbigyan. I can actually give it to anyone but you might want it, too," he said while taking out his wallet. "Kung ayaw mo naman, pwede ko namang ibigay sa iba."

Inilapag niya ang isang makapal na papel sa harap ko. Namilog ang mga mata ko nang makita kung ano iyon. It's a VIP pass for MTV Music Evo!

"Mayroon din ako niyan, actually. Kung pupunta ka, sasama ako. Pero kung hindi, ipapamigay ko na lang din sa iba."

Mabilis kong hinablot ang VIP pass at ngumiti nang malawak sa kanya.

"Are you kidding me? Hinding-hindi ko ito tatanggihan, 'no. Ilang araw na rin akong nagbabakasakaling makakuha nito sa website pero hindi ako pinapalad. I didn't know you have one. Thank you for this. Hulog ka talaga ng langit!"

Natawa siya sa sinabi ko. "Really? Then, is it okay if I go with you?"

"Oo naman!" masaya kong sagot. Tinitigan ko ang VIP pass na hawak ko. "OMG! Makikita ko na ang APink at One Republic. Pati pala si James Reid!"

"James Reid?"

"Oo. Matagal ko na talaga siyang gustong makita. Isa kasi siya sa mga paborito kong actors dito sa Pilipinas. Saka ang gwapo kasi niya, eh," sabi ko habang tinititigan pa rin ang VIP pass.

"Talaga lang, huh?"

Natigilan ako nang marinig ko ang tono ng boses niya. Para bang naiinis siya. Nang mag-angat ako ng tingin ay doon ko napansing nakasimangot na pala siya. Napakunot-noo ako. Kanina lang nakangiti siya tapos ngayon, nakasimangot na siya. May problema ba siya?

"Bakit ka nakasimangot?"

Napaiwas siya ng tingin. "Wala," masungit niyang sagot habang nakatingin sa bintana.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Did I say something wrong? Sa pagkakaalam ko, sinabi ko lang naman na matagal ko nang gustong makita si James Reid tapos biglang ganyan na siya. Nabanggit ko rin na gwapo siya— Wait a minute.

Nagseselos ba siya dahil sinabi kong gwapo si James Reid? Unti-unti akong napangisi.

"Are you jealous?" I asked. Agad naman siyang napalingon sa akin dahil sa tanong ko. Pagkatapos ay bigla na lang siyang tumawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Me? Jealous? Oh, come on! Bakit ako magseselos? Mas gwapo naman ako roon."

"Alam mo naman palang mas gwapo ka kaysa sa kanya. Eh, bakit biglang nagbago ang mood mo no'ng sinabi kong gwapo siya? Sus! Aminin mo na. Nagseselos ka talaga."

Sumimangot na naman siya dahil sa sinabi ko. Napangisi ako.

"I'm not jealous. I'm just... pissed. Gusto ko, ako lang ang gwapo sa paningin mo," sagot niya. Tumikhim ako at nagpigil ng tawa.

"Paano iyan? Marami pang ibang gwapo sa paningin ko, eh. Paano sina Lee Min Ho, Lee Jong Suk, Park Bogum, Ji Chang Wook, Song Joong Ki, Park Hyungsik at Nam Joo Hyuk? Hindi lang iyon. Nandiyan din si Donghae, Siwon, Jungkook, Taehyung, Jinyoung, Jackson, Taeyong, Jeno, Sungjae, Sehun, Baekhyun, Junhui at marami pang iba. Paano sila?"

Halos hindi na maipinta ang mukha niya pagkatapos kong sabihin iyon. Magkasalubong na ang magkabilang kilay niya at hindi na siya makatingin sa akin. He really looks pissed. Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng tawa. Ang sarap lang niyang asarin.

"Tss! So, mas gusto mo sila kaysa sa akin?" tanong niya.

Hindi ko na napigilan pang matawa nang marinig ko ang sinabi niya. Tiningnan niya lang ako habang nakasimangot pa rin. Jusko! Ang cute niya! Ang sarap pa rin niyang asarin kaso baka sobra na siyang ma-badtrip sa akin kaya mas mabuting pakalmahin ko na siya ngayon.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko para makausap siya nang maayos. Tumikhim ako at tumingin sa kanya nang diretso.

"Ikaw talaga. Inaasar lang kita. Huwag ka nang sumimangot," sabi ko pero hindi niya ako sinunod. "Alam mo, marami naman talagang gwapo sa mundo. Nagkataong karamihan sa kanila, mga idol ko. Hindi mo naman siguro ako pagbabawalan na huwag silang magustuhan, 'di ba? Kasi kapag ginawa mo iyon, magagalit talaga ako sa'yo."

"Of course, not. I know how much you love watching them. I know how much you love their music. Hinding-hindi ko gagawin iyon sa'yo."

"Good."

"Pero... mas gusto mo ba talaga sila kaysa sa akin?"

Napangiti ako sa tanong niya. Tumayo ako para ilipat ang upuan ko sa tabi niya. Nakasunod naman siya ng tingin sa akin. Pagkaupo ko sa tabi niya ay hinarap ko siya. Itinaas ko ang isang kamay ko saka ko hinaplos ang buhok niya pababa sa pisngi niya. Agad naman niyang hinawakan iyon at hinalikan pero hindi niya iyon inalis.

"Makinig ka," panimula ko. "Oo, maraming gwapo diyan. Marami ring pwedeng mas makalamang sa'yo pagdating sa kagwapuhan o pagdating sa ibang bagay. Pero ito ang tatandaan mo. Mas lamang ka sa kanila. Yes, I can like them but I will only like them as an idol. Hindi na lalagpas doon. Mas lamang ka kasi sa'yo ako umamin na gusto kita. Mas lamang ka kasi nandito ka, kasama mo ako, sa'yo ako."

Nawala na ang pagkakakunot ng noo niya at napalitan na iyon ng ngiti. Kahit na nahihiya ako sa mga sinabi ko ay hindi ko na iyon binawi. I am willing to say those words to him to assure him that he's the one I like the most. He's the one I'm falling to. And I'm willing to commit myself to him soon.

"Talaga? Akin ka?" tanong niya habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi.

Tumango ako. "Pero hindi pa rin kita sinasagot."

"It's okay. I know you will soon."

Napataas ang isang kilay ko dahil sa confidence na ipinakita niya. Parang siguradong-sigurado siyang sasagutin ko siya, ha?

"Confident much?" I asked.

"Yes. I am confident, baby. You told me you're mine. Ibig sabihin, may pag-asa talaga ako. Ibig sabihin, malapit mo na akong sagutin," sagot niya saka ako hinalikan sa noo. "Alright. You can like them because I know you're a fan. But you can't like them more than that. Ako lang dapat. Ako lang."

Napangisi ako. Possessive, huh? I like it, though.

Continue Reading

You'll Also Like

431K 6.2K 24
Dice and Madisson
2M 58.4K 45
(Finished) How can an accidental pregnancy change the lives of two teenage parents, Connor and Maddison?
64.5K 2.4K 59
Summer Nadine went to Japan to forget the pain of a heartbreak. Until he bumps to someone who will help her forget the pain in a short period of time...
16.3M 249K 55
COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Please, Wright. H-Hindi ko to k-kayang mag...