YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)

By ukennat

65.9K 1.2K 220

I was left with nothing but happiness and gratitude with the realization that without the pain of love that's... More

Prologue
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
RANT!!!!
M
N
O
P
Q
R
hi :-)))

L

3.2K 63 4
By ukennat

Bea's POV

"Huy B nakikinig ka ba?" Bumalik ako sa wisyo ng bahagyang lumakas yung boses ni Ej sa kabilang line.

"Ano nga pala uli yun?" Narinig ko naman ang pagbuntong hininiga nya.

"May party kaming pupuntahan ni Mom mamaya. Want to come?"

Geez. Naka-oo na kasi ako kay ate Ells na magoorganize kami ng party para kay Jhoana.

Gusto ko man sumama kaya lang paano...

"Its okay kung ayaw mo... tinanong lang naman kita kung gusto mo."

I feel bad sa pag di ko pagsama kay J. Edi sana may quality time uli kami.

"Sorry J. I'll make bawi na lang sayo." Narinig ko naman uli yung pag-heavy sigh nya. What would I do? I dont want na magtampo sakin si J.

Next time na lang kaya ako sumama kila ate Ells sa pag plan? And madami naman daw kaming magoorganize so...

Magsasalita na sana ko para sana sabihin na kay J na sasama ako sakanya but then narinig ko na lang na parang binaba nya na.

Kaya tinignan ko yung phone ko to clarify.. and yes binabaan nya nga ko. Hays.

Nakasimangot ako na nilagay ko yung phone ko sa bulsa at umupo na lang sa sofa.

Maya maya bumaba si Jho kaya napatingin ako sakanya. Dumiretso sya sa kusina para.. I dont know.

Madalang na kami makapagusap.... or should I say hindi na talaga. Hindi ko alam pero parang nilalayuan ako ni Jho. I wonder why.

Dalawang linggo na din simula nung maramdaman ko na ayun nga hindi na sya yung dating Jho na laging sweet.

Pag kinakausap ko sya, sumasagot naman sya. Pero nakikita ko nanaman sakanya yung Jho na mahirap kunin yung loob. I wonder kung ano problema nya.

Idagdag mo pa na kung wala sya dito sa bahay nasa labas siya kasama nya si Ged while me kasama si Ej kaya I dont have time nga para makausap sya.

But one time nagkaroon ako ng time na makausap na sya at magkaron ng bonding. You know? Namimiss ko na yung BestfriendGoals namin.

Pumunta ako sa kwarto nya cause sobrang miss ko na sya. Hindi ko na din matiis yung pakiramdam na nasa iisang bahay lang kami but feeling ko ang layo namin dalawa.

I want to tell her about kung ano nangyayari samin ni Ej but hindi ko pa masabi sakanya cause I want to surprise her.

Hindi pa naman kami ni Ej, I dont know but ang sabi ni Ej mas okay sya ngayon na wala kaming label. Gusto nya yung gantong masaya at stable lang kami. Kaya pumayag na lang din ako sa gusto nya.

Pumasok na lang ako sa kwarto nya bigla kaya naman nagulat ko ata sya at bigla sya napaupo mula sa pagkakahiga nya.

"B-bakit k-ka n-nandito?" Bakit nauutal beh ko?

Nagsmile ako sakanya at umupo sa kama nya lumayo naman sya kaya napakunot yung noo ko.

"Miss na kita beh. Galit ka pa din ba sakin? May nagawa ba ako? Sor--" Hindi nya ko pinatapos dahil nagsalita agad sya.

"W-wala. G-gusto ko l-lang mapagisa. Kaya p-please Bea wag mo muna ko lalapitan." Tumayo na sya at iniwan ako magisa sa kwarto nya.

The heck? Didnt see that coming.... Jhoana... Anong bang problema??? I thought Im her Bestfriend pero bakit parang hindi nya masabi sakin kung may problema sya?

Sinabi ko sakanya na kung ano man problema nya Im always here para sakanya. But now... ang gusto nya wag ko sya lapitan? Oh c'mon! Naguguluhan ako.

After that scene hindi ko na sya nilapitan kahit na gustong gusto ko na.

Inaamin ko nasaktan ako cause I thought kung hindi man first, ako yung second na lalapitan nya tungkol sa kung ano man na problema nya.

But the heck... sinabi nya na layuan ko sya na parang hindi ko sya kayang matulungan sa problema nya! Parang pakiramdam ko tuloy ako yung problema nya eh.

Wait.... Im the problem?? But how? When? Why?? Wala akong maalala na ginawan ko sya ng masama.

Oh Jho. You're making me crazy!

Napahawak tuloy ako sa sentido ko at minasahe iyon. Amp.

Nakita ko nanaman si Jho na paakyat sa hagdan kaya sinundan ko na lang sya ng tingin. I miss her so much.

Nakita ko naman na tarantang bumababa si ate Ells ng hagdan kaya napatayo ako.

"Bea ikaw muna bahala kay Jho!" Hingal na hingal pa nyang sabi.

"Ha? I thought magplan tayo about sa surprise natin for her?" Huminga muna sya ng malalim at umupo sa sofa.

"Ayun na nga. Gusto nya sumama satin kaya change of plans." Umupo din ako sa tabi nya habang nakayuko si ate Ells at nagiisip.

"So... ano gagawin natin ngayon?" Tumayo sya.

"Maiwan ka dito. Baka mas lalo magtaka yun kung dalawa tayo aalis dito. Pagbaba nun nakapang-alis na yun ikaw na bahala bei. Alis na me ha!" Napa-face palm na lang ako pagkalabas ni ate Ella.

Pano ko gagawin yun kung ayaw nya ko palapitin sakanya? Oh God!

Hays. Go Bea! Para kay Jho!

Habang wala pa si Jho nagisip muna ko ng idadahilan ko. Oh God Im not good at this one! Hindi ko alam kung mapapaniwala ko sya.... at mas lalong hindi ko alam kung papayag sya magpaiwan sakin.

"Beh a-ano uhm Jho ano." Napasapo na lang ako sa noo ko. Geez! How to handle this thing ba??

Any moment pwede na sya bumaba dito and yet hindi padin ako makaisip ng idadahilan ko.

On the spot??? Baka mas lalong hindi kapanipaniwala yung masabi ko nun?? Send help pls.

Maya maya narinig ko yung pagsarado ng pinto. Nanlaki yung mata ko at nagsimula na bumilis tibok ng puso ko.

The moment na makita ko si Jho na pababa ay napalunok ako. Hindi ako mapakali pero hindi din naman ako gumagalaw sa pwesto ko. Ang labo!

Nakatingin lang ako sakanya simula pagbaba nya. Ang laki ko namang tao pero bakit parang hindi nya ko napapansin?

Pumunta sya sa kitchen. Lumabas din agad at palabas na sya ng pinto..... Bea lumabas sya!! Habulin mo!

Nang magsink in sakin ay pabigla ako tumayo at palabas na din sana para habulin si Jho nang magkabanggaan kami dahil pabalik din pala sya dito sa loob.

Sa lakas ng impact napaupo kami parehas kaya naman nilapitan ko kagad sya dahil nakakapit sya sa may bandang ulo nya.

Hinawakan ko yun at napatingin naman sya sakin. Ngumiti naman ako sakanya kahit na alam ko naman na hindi nya yun susuklian.

Nilapit ko yung bibig ko sa ulo nya kung san ko sya nabunggo at nilapat ang labi ko dun at hiniwipan iyon.

Kagaya ng ginawa ko sakanya nung una namin mag-meet. Ang cute nya nga nun kasi akala nya siguro bumi-breezy moves lang ako. Haha

Ramdam ko na kakalas sya kaya naman mas hinigpitan ko yung kapit ko sakanya.

Hindi nya na nagawang makapiglas kaya naman pagtapos ng ginawa ko ay humiwalay na ako sakanya.

"M-masakit pa ba?" Tumingin ako sakanya na nakatulala habang sya nakakapit pa din sa hiniwipan ko.

Nakatulala padin sya kaya naman nagalala ako sakanya kaya hinawakan ko yung braso nya and at last tumingin na uli sya.

"Umupo ka muna dun apply-an natin ng ice." Inalalayan ko sya patayo at inakay sya papunta sa sofa at pinaupo dun.

Pumunta na kagad ako ng kitchen at kumuha ng ice sa ref at nilagay ko sa towel. Bumalik na ako agad sakanya.

"Here. Lagay natin sa ulo mo. Saan nga uli banda?" Tumingin lang uli sya sakin. Kaya naman tumabi ako sakanya.

Kinuha nya sakin yung towel and ice at sya na naglagay nun sa nabunggo ko sakanya.

Nakatingin lang ako sakanya habang sya naman ay sa labas nakatingin.

"B-be-- uhm Jho?" Tumingin naman sya sakin habang nakapatong padin sa ulo nya yung towel and ice.

"B-bakit.. lumalayo ka sakin? May mali ba akong nagawa?" Did I just say that?? Hindi ko alam kung san ko nahugot yung lakas ko para masabi at matanong ko sakanya yan.

Baka kasi mas lalo nya ako iwasan at palayuin sakanya.. but still hindi ko kasi matiis na hindi ako pansinin ni Jho. Lalo na sanay na ko na andyan sya palagi para sakin.

Ang tagal nyang nakatingin sakin kaya naman mas lalo ako kinabahan.

Hindi ko mabasa kung ano yung iniisip nya. Malamang Bea! R u nuts? You're not a mind reader! Hays

Napaiwas na lang ako ng tingin at huminga ng malalim. Kinakabahan ako. Na baka naiisip ni Jho na Im not a good friend anymore kaya mas pinili nya na makasama si Ged and her other friends. Na baka nagsasawa na sya sakin.

Napatungo na lang ako dahil sa mga pinagiisip ko. Hindi naman malabong mangyari yun dahil hindi lang naman ako yung kaibigan ni Jho.

Mas lalong hindi malabo dahil mas may nauna pa syang kaibigan bago ako. Kinakain na ko ng pagiisip ko.

Oa ko ba? Im sorry kasi bukod kay Ej sya na yung pangalawang tao na mas naging close ko ng ganto sobra. Yung as in hindi mapaghiwalay? Like there's no space.

Mukang wala naman syang balak kausapin ako at wala syang balak magsayang ng laway sa katulad ko kaya naman magsasalita na sana ko ng hawakan nya kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

I dont know why my heart beats so fast. Its like the first time we bumped to each other. And I cant deny that it feels like...... home.

I shrugged it off the moment she speak. Is this true? Si Jho kinausap na ako?

"Im sorry." Two words yet parang gusto ko na agad agahan yung pa-party kay Jho. Pinansin nya na ako! Kinausap ka na nya Bea!

Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti dahil namiss ko din yung boses nya.

"Uy! Para kang tanga!" Palo sakin ni Jho kaya napataas yung dalawang kilay ko pero nakangiti padin ako.

Nakakabading man pero bakit kinikilig ako? And what???? Kinikilig? Kinilig??? Kilig????

"Ngayong nagsasalita naman ako ikaw naman tong ayaw magsalita. Labo mo!" Tatalikod na sana sya sakin ng hatakin ko uli sya paharap.

Bakit ba? Hindi ko lang maiwasan na mag-mini celebrate kasi kinausap nya na ko.

"Sorry. Namiss lang kita sobra...... beh." Niyakap ko sya nabigla ata sya kaya hindi sya gumanti ng yakap sakin. Pero later on, niyakap nya na din ako. Pustahan miss din ako neto hihi.

Magkadikit yung katawan namin and swear ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ni Jho kaya naman kinausap ko sya while nakayakap padin ako sakanya.

"Beh kinakabahan ka ba??" Umiling naman sya at nagtanong ng bakit.

"Eh bakit ang bilis ng tibok ng puso mo?" Tinulak nya naman agad ako at kumamot kamot sa noo nya kaya naman hindi ko masyado makita yung muka nya.

"A-ano ka ba. N-normal l-lang naman na bumibilis yung tibok ng puso k-kapag masaya." Hindi ko narinig yung last na sinabi nya kaya tinanong ko uli sya.

"Ano yun beh?" Ngumiti sya at umiling iling.

"May parada ng bingi bukas. Sa unahan ka daw." Dumila pa sya kaya naman kinurot ko yung pisngi nya.

Isa pa to sa sobrang na-miss ko sakanya.... yung kalikutan nya. Etong Behmoments namin.

Nakatingin lang ako sakanya kaya hindi ko nanaman maiwasan na yakapin sya at mas lalo ko hinigpitan yun.

"Wag mo na uli ako iiwasan beh ah. Hindi ko kaya." Bulong ko sa kanya pero sapat na yon para marinig nya.

"S-sorry." Ngumiti na lang ako kahit hindi nya nakikita.

Humiwalay na ko ng yakap sakanya at tinitigan sya kaya ngayon kita ko yung namumula nyang muka kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit ang pula ng muka mo? May sakit ka ba?" Umiwas lang sya ng tingin sakin at hindi mapakali kung san sya titingin.

Hinawakan ko yung leeg nya para icheck sana kung mainit pero hindi naman.

Nako nagaalala na ko dito kay Jho eh. Hindi nya sinasabi yung problema nya. Mamaya kung ano na yan eh. Hays.

Maya maya naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko sa bulsa kaya naman kinuha ko yun.

Nakita ko na nagtext si ate Ella kaya naman bahagya ako lumayo kay Jho para hindi nya makita.

Ella de Jesus

huy ano magksama na ba kyo?

yup. she's with me.

san kayo pumunta? otw kmi sa haus. kaya ilayo mo yan si negra. mga thirty na sakay. 😂

Agad ako napatayo at napatingin sakin si Jho.

Hinila ko sya at dinala palabas.

"Where's your car key?" Nagtataka man inabot nya padin sakin at tinignan lang ako.

Pagkakuha ko ay pinagbuksan ko sya ng pinto at pinasakay dun pero hindi... nakatingin lang sya sakin habang nakapamewang.

"San mo ko dadalhin? Hinihintay ko si ate Ella. Sasama ako sakanya." Tumalikod sya at pumasok papunta sa loob ng bahay. Oh no!

Tinext ko naman uli agad si ate Ella.

We're still here sa bahay. Please slow down. Ayaw nya pa sumama sakin. But gagawa ako ng paraan.

Pumasok na din ako sa bahay at nakita sya na nakaupo.

"Beh lets go na.... uhm... wala na djan si ate Ella." Tumingin sya sakin at sinuri kung nagsasabi ako ng totoo.

Bumusangot naman yung muka nya kaya nilapitan ko sya sa sofa.

"Bakit? Ayaw mo ba ako kasama?" Tinulak nya naman ako at tumayo sya.

Ang lakas talaga ng sayad nun ni Jho haha.

"Asan ba daw si ate Ella? Sabi nya hihintayin nya ko tapos wala na pala sya dito." She crossed her arms at nagpout pa kaya naman napangiti ako. Ang cute eh.

"Kaya nga nya tayo pinapasunod sakanya. Lets go na kanina pa naghihintay yun." Buti na lang at agad ako nakaisip and good thing na hindi na sya tumutol.

Nauna na sya maglakad kaya sumunod na lang ako. Pero nung malapit na kami banda sa kotse ay inunahan ko sya at pinagbuksan uli ng pinto.

Napahinto nanaman sya at tumingin lang sa nakabukas nyang kotse. Maya maya ay humawak sya sa dibdib nya at namumula sya.

May sakit ba si Jho? Nakatulala padin sya kaya naman nilapitan ko sya.

"Okay ka lang ba?" Bumalik na sya sa wisyo at tumango. Pumasok na din agad sya kaya ganun na din ang ginawa ko.

Tinext ko muna si ate Ella na nakaalis na kaming bahay. Pagsend nun ay kagad ko na pinaandar yung kotse.

Kanina pa kami paikot ikot pero buti na lang hindi pa nagtataka si Jho. Hindi ko kasi alam kung ano idadahilan ko kung nasan si ate Ells.

Maya maya may nakita akong park. Napangiti ako at agad na hininto na yung kotse.


Pinagbuksan ko sya ng pinto at bumaba na sya.

Kita ko yung pagkunot ng noo nya while making pamewang.

"Sure ka ba na andito si ate Ells?" Ang taas ng kilay ni Jho. Oh no!

Kumamot ako sa batok dahil hindi ko alam ipapalusot ko. Geez.

"Uhmm yeah. She told me kanina dito daw natin sya puntahan eh."

Hindi ako tumingin ng diretso dahil hindi ko na alam ang irarason ko kapag nagtanong pa sya uli.

"Kelan pa nahilig sa park yun? Boring kaya para sakanya to." Tumingin tingin ako sa paligid at mabuti na lang may nakita akong nagtitinda ng dirty ice cream.

"Uy Jho may ice cream oh! Tara!" Hinila ko na sya agad para sana ma-divert na yung usapan namin.

Crave din kasi ako dito dahil matagal na din akong hindi nakatikim ng ganito simula nung lumipat na kami sa states.

"Manong dalawa nga po. Yung sakin po assorted. Sayo beh anong flavor ng iyo?" Pinilit ko sabihin yun ng hindi na natetense dahil baka balikan nya yung tanong nya kanina. Please wag.

"Kagaya na lang din ng iyo.... para matchy matchy." Ang hina masyado nung binanggit nya yung last eh. Hindi ko tuloy narinig.

Binigay na sakin ni Manong yung ice cream ko at yung kay Jho naman yung hinahanda nya.

"Ano sabi mo beh?" Napatingin naman uli sya sakin at umiling.

"Weh may sinabi ka eh. Ano nga yun?" Pagpipilit ko sakanya.

"Wala nga. Kulit mo." Umirap naman sya kaya hinayaan ko na lang. Baka palayuin uli ako sakanya eh.

"Ang rinig ko sabi nya para matchy daw kayo eh. Ano ba iyon iha? Posporo ba iyon?"

Napatingin naman ako kay Manong habang inaabot nya kay Jho yung ice cream.

Hahahaha ang lakas ng amats ni manong eh. Pero ano daw? Matchy kami?

"Yieee sweet po talaga tong bestfriend ko manong eh. Pero hindi po posporo ibig sabihin nun hehe." Umakbay pa ako kay Jho na hanggang ngayon ay tulala pa din.

"U-uy a-ano ba Beatriz alis ka." Tinanggal nya yung pagkakaakbay ko sakanya at lumayo ng konti sakin.

Huh? Ano nanaman kaya problema neto? Nagbayad na lang ako kay Manong at hinila ko na si Jho para umupo.

"Ikaw ha. Buti na lang narinig nung manong. Bakit ayaw mo sabihin sakin?"

"H-hindi ko naman s-sinabi yun noh! Niloloko ka lang nung manong nagpaloko ka naman."

Pagtapos nya sabihin yun ay in-elbow nya ako kaya naman napaatras ako sa inuupuan namin.

Dahilan para mahulog ako. Pero nung mahuhulog na ako ay napakapit ako kay Jho nabigla sya at walang nakapitan kaya ang ending parehas kami nahulog sa upuan.

Pero mas malakas ang impact ng sakin dahil nagawa ko pa syang yakapin para hindi sya masaktan. Kaya ngayon nakapaibabaw sya sakin.

Hindi ko na muna ininda yung sakit ng likod at pwetan ko chineck ko muna agad si Jho.

"Beh okay ka lang?" Inangat ko yung muka nya nakasubsob sa dibdib ko at nakitang nakapikit ito.

Dahan dahan nyang binuksan yung mata nya at ng makita nya ako at ang sarili nya na nakapatong sakin nanlaki ang mata nya.

Hindi lang yun pero namumula yung muka nya eh. Baka sa lakas ng bagsak namin kaya sguro tumama din yung muka nya sa dibdib ko?

"Uy beh may masakit ba sayo? Sabihin mo." Umiling iling sya pero nakatingin pa din sya sakin.

"Buti na lang." Gumalaw ako ng konti pero shit ang sakit ng likod ko.

"Aw. Damn." Tumayo na si Jho at yung muka nagaalala.

"U-uy Bea ano masakit s-sayo? S-sorry." Umiling iling naman ako at pinilit na igalaw uli yung katawan ko pero ang sakit talaga ng likod ko.

Hindi ko na pinahalata sakanya na nahihirapan ako igalaw yung katawan ko dahil baka mas lalo lang nya sisihin sarili nya.

"Dapat hindi mo na lang ako niyakap para hindi kita nadaganan."

Inalalayan nya ako tumayo at tiniis ko na lang yung sakit ng spinal ko. Oh God! Help.

"No. Wag mo isipin yan. Its my fault naman eh. Kung hindi kita inasar edi sana walang ganun na nangyari diba?" Nakayuko lang sya at ayoko naman na isipin nya yung ganung bagay.

Inalalayan nya ako hanggang sa kotse at nagulat ako ng pagbuksan nya ako ng pinto sa may passenger seat.

"I can drive pa naman beh eh. Sakay ka na." Kahit na hindi ko na kaya yung sakit titiisin ko. Dun kaya ako magaling.

Umiling naman sya at mas lumapit pa sa may kotse since nakaakbay ako sakanya wala akong nagawa kundi sumunod sakanya.

"No. Let me take care of you. Baka mas sisihin ko yung sarili ko pag may nangyari pa sayo kapag pinag-drive pa kita. Go hop in!"

Hindi na lang ako tumutol dahil mas sumasakit sya pag nakatayo.

Hinintay nya muna ako makaupo ng maayos at nung nakita nyang hindi ako comfortable ay inadjust nya yung seat ko and it turns out na nakahiga ako.

"Ayan okay na ba yan?"

Tumango na lang ako sakanya at hindi maiwasan mapangiti.

Sinara nya na yung pintuan and lumipat naman sa kabilang side.

"Yung susi nga pala?" Bungad nya pagpasok sa kotse.

Kinuha ko naman sa pocket ko at inabot sakanya.

Nang kukunin nya na sa kamay ko yung susi ay hinawakan ko muna yung kamay nya kaya naman napatingin sya sakin.

"Thank you beh." Nakangiti kong sabi sakanya pero sya nagpout naman. Oh cute!

"Thank you para saan? Sa pagtulak ko sayo? Kaya ka nagkaganyan?" Inalis nya yung pagkakahawak ko sakanya at nag-crossed arms.

"Hmmm parang ganun na din. Edi sana hindi ka ganyan ka-alaga sakin ngayon diba?" Tumawa naman ako at akmang hahampasin nya ko ng gagalaw sana ako para pigilan sya pero sumakit lang yung likod ko. Oh dork. I forgot!

Hindi na natuloy yung gagawin nya sakin ng indahin ko yung sakit ng likod ko.

"Ayan kasi ikaw eh. Wag ka na kasi mambwisit. Nakalimutan ko din tuloy na may masakit sayo." Napangiti nanaman ako kahit may masakit na nararamdaman.

"Hug mo na lang ako beh." Ano ba to si Jho? Bigla bigla namumula. Hindi naman sya tisay pero mahahalata mo sakanya yung pamumula eh.

"May problema ka ba sa dugo beh?" Tanong ko sakanya kaya naman napakunot yung noo nya.

"Ha? Pano mo nasabi?"

"Ilang beses na kasi kita lagi nakikita na namumula yung muka mo. Eh hindi ka naman ganyan dati diba?" Nanlaki yung mata nya at agad na umiwas ng tingin.

May hindi ba sya sinasabi sakin?? May sakit ba sya?? Kaya ba nya gustong lumayo ako sakanya?? Urgggh pasaway ka Jho!

"A-ah a-ano wala t-to--"

Hindi ko na agad sya pinatapos dahil nagaalala ako sakanya.

"May hindi ka ba sinasabi sakin Jho?" Hindi ko na sya tinawag ng beh para malaman nya na seryoso ako.

Tumingin lang uli sya sakin at bumuntong hininga.

"Wala naman dapat sabihin eh. Tsaka ano ka ba wala to. Normal sakin to noh. Lalo na kapag mainit."

Bumuntong hininga na lang din ako at hinawakan yung kamay nya.

"Maghihintay ako hanggang kung kelan mo kayang sabihin sakin."

Yung reaksyon nya ngayon? Hindi ko din magets talaga eh. Parang feel ko talaga may hindi sinasabi sakin to si Jhoana eh. Amp

Tulad ngayon nakatulala sya tapos nakahawak sa dibdib nya. Kung wala lang masakit sakin baka kanina ko pa to niyakap.

Hindi na lang muna ako kumibo at hinayaan na muna sya. Baka kung ano pa mangyari samin pauwi. Madali pa naman sya madistract.

Pumikit na lang ako dahil kumikirot pa din ang likod ko kahit na hindi na ako masyado gumagalaw.

".... pero kasi nahihiya ako umamin sayo.... hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo.... baka layuan mo ko... wala akong lakas ng loob.."

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na yung diwa ko pero hindi pa ako dumidilat. Si Jho ba yung nagsasalita?

Dumilat ako at unang nakita ng mata ko si Jho. Nanlaki ang mata nya at biglaan naman sya napaayos ng upo.

"K-kanina k-ka pa ba gising?" Umiling naman ako sakanya at rinig ko ang lakas ng pagbuntong hininga nya.

Lumingon lingon ako at nasa kwarto na pala ako kaya napatingin ako sakanya.

"Tinulungan ako ni ate Ells magbuhat sayo."

Ah kaya pala. Tatayo sana ako ng pigilan ako ni Jho.

"Nagugutom ka na ba?" Umiling ako pero eksena naman yung tyan ko dahil ang lakas ng tunog.

Natawa naman sya pagrinig nya nun. Amp nangasar pa.

"Hindi pala gutom ah." Tumayo sya at akmang lalabas.

"San ka punta beh?"

"Kuha lang ako ng foods mo." Tatayo na sana ko pero busset na likod to.

Napamura ako kaya napalingon nanaman sakin si Jho at ng makita na iniinda ko yung likod ay lumapit sya sakin.

"Sabi ko kasi wag na gumalaw eh. Ako na bahala. I gotchu!"

Inalalayan nya ako humiga uli habang ako nakatingin lang sakanya.

Na-miss ko tuloy si Mama. Sya kasi yung makapagalaga akala mo baldado na yung inaalagaan nya eh. Hihi.

"Oh bat nakangiti ka djan?" Umiling na lang ako.

"Djan ka lang ah. Wag ka na gumalaw kukuha na ko ng pagkain mo."

Tumango ako at lumabas na sya ng kwarto.

Pagbalik nya dala nya na yung pagkain.

Nilagay nya muna sa side table yun at pinaayos ako ng upo na style na nakasandal ako sa headboard.

"Okay na ba yan?" Ngumiti ako at tumango tango.

"Okay na okay."

"Tss. Oh kumain ka na!"

Dahan dahan naman nyang nilagay yung mini table sa may hita ko. Wow naman, dinner in bed. Hihi

"Wow. Ano to beh?" Tanong ko sakanya pagbukas ko sa nakatakip na pagkain.

"Kung maka-wow ka kala ko naman alam mo." Tumaray naman sya kaya natawa ako.

"Hulaan mo kung ano." Dagdag pa nya.

Kaya naman pinagmasdan ko mabuti yung pagkain.

Maitim, tapos malalaking hati yung parts nya. Yung sauce nya mejo parang namumuo na. Ano ba to? Ngayon lang din ako nakakita ng gantong klase eh.

"Kumain ka na nga lang bwisit. Adobo lang hindi mo pa alam!" Napatingin naman uli ako sa pagkain at tumingin din sakanya.

Seriously?? Adobo?? Itim na pala ang adobo ngayon. Haha. So cute Jho.

"Eto naman naiinis agad. Sasabihin ko pa nga lang kaso sinabi mo na eh. Eto na oh kakainin ko na." Tampuhin kasi yung beh ko haha ang cute nya kaya.

Sinubo ko na yung kanin at adobo '''daw'''' at ng malasahan ko yung kinakain ko ay parang gusto ko iluwa.

Pero napatingin ako kay Jho na nakataas ang kilay habang naka-crossed arms pa kaya pinilit ko wag idura.

"Ano hindi ka nasasarapan??" Pagsabi nya nun ay nilunok ko na agad yung nasa bibig ko kaya napaawang yung labi ko sa lasa ng pagkain.

"Sino nagsabi? Ang sarap kaya. Tignan mo oh ang bilis ko kumain."

Sinunod sunod ko yung subo ko ng pagkain para hindi na gaano malasahan yung alat dahil hindi ko alam kung anong pinaggagawa ni Jho dito sa adobo.

Kung nagsasalita lang yung adobo malamang nagfile na ng case kay Jho dahil sa torture. Hahaha okay waley.

Pinilit kong hindi lagyan ng expression yung muka ko para hindi nya mahalata na pangit yung luto nya. 😂

Masarap naman sya tsaka nasisikmura ko pa naman kaso ang alat eh.

Gusto ko na uminom ng tubig kaso bantay na bantay sya sa galaw ko.

"Tama na wag ka na magpanggap. Akin na wag mo na ubusin." Akmang kukunin nya ng ilayo ko sakanya yung pinagkakainan ko.

"Bakit? Masarap nga eh tignan mo malapit ko na maubos. Tsaka gutom ako oh." Tumaray sya kaya pinagpatuloy ko na yung kain ko.

"Kaya pala sarap na sarap kasi gutom." Sinubo ko na yung pang last and Im done.

Whoo grabe. Parang hindi toyo yung hinalo ni Jho. Parang more on patis eh. Hahahaha Jho is so cute!!

"Thank you sa foods beh. Last mo na yan ha." Tumawa ako at hampas naman ang nakuha ko sakanya.

Kinuha nya yung mini table at lumabas ng kwarto.

Hala? Too bad I cant move pa kaya hindi ko sya masundan ngayon. Amp. Baka nagalit si Jho? But nag-thank you naman ako ha?

Nawala ang pagiisip ko ng bumalik si Jho. Phew. Akala ko nagwalk-out siya.

Lumapit sya sakin at inalalayan uli ako makahiga.

Pero ang ginawa ko ay humiga ako ng paharap sa kama.

"Oh bakit ganyan? Komportable ka ba djan?" Umiling naman ako.

Sino ba nagsabing hihiga ako ng paganto?

"Massage mo likod ko beh." Nakatingin lang ako sakanya at nakatingin lang din sya sakin while nakapoint yung finger nya sakanya.

"A-ako?" Kumunot naman ang noo ko at dahan dahan na lumingon lingon sa paligid ng kwarto ko.

"Is there someone else ba here sa room na to bukod sating dalawa?" Tanong ko sakanya habang patawa tawa.

Nakatingin lang ako sakanya at yung tulala nyang muka naging mataray naman. Woah realquick.

"L-leche. Oh dali na antok na ko." Dumapa na ako ng maayos at inumpisahan na itaas yung damit ko.

"O-oh oh t-teka teka b-bakit k-ka m-maghuhubad?" Lumingon ako sakanya at nakita na hindi sya mapakali.

Bakit? Hindi pa ba sya sanay? Dati nga okay lang kahit sa harapan nya pa ako magbihis eh. Uy pero may towel naman ako nun. Ang green nyo.

"Para mas maayos mo ma-massage beh..." Nakatingin padin sya sakin habang nakahawak sa laylayan ng damit ko dahil pinigilan nya ko na itaas ko yun.

"Tsaka sino ba nagsabi na maghuhubad ako? Itataas ko lang beh. Masyado ka naman kabado." Hahaha ang cute cute ni Jho asarin kahit kelan.

"O-oo na d-dami sinabi." Inumpisahan naman na nyang itaas yung damit ko.

Pumikit ako para mas lalo makapagrelax. Pero napadilat din ako agad dahil ilang minuto na pero hindi ko padin maramdaman yung massage ni Jho kaya lumingon ako sa likod kung nasan sya.

Pagtingin ko sakanya ay nakatingin lang sya sa likod ko. Eto si beh nakuha pa mamboso haha.

"Uy beh sabi ko massage, hindi masdan." Akmang hahampasin nya likod ko ng matigilan din sya.

Whoo buti naman nacontrol nya. Likod na yung tatamaan nya eh.

"Ang kapal mo."

"Bakit ba kasi di mo pa ko i-massage? It really hurts na nga eh." Pagmamakaawa ko kay Jho. But she bit her lower lip lang and point at my back.

"What?" Tanong ko sakanya dahil hindi ko magets yung tinuturo nya.

"A-ano k-kasi.... uhm..... t-tatanggalin ko b-ba yung..... b-bra?" Oh shook. Oo nga pala.

Mas nice kasi kapag walang kahit ano sa likod para tuloy tuloy yung massage.

"Yeap unhook it... please." Napanganga naman sya like there's something wrong sa sinabi ko.

Ano ba nangyayari dito kay Jho? Matagal ko lang di nakasama parang nabaliw na.

Oh well nakakabaliw naman talaga kapag kaibigan ang isang beadel. CHOZ HAHA.

Huminga ako ng malalim at dahan dahan na tumihaya. Baka pagod din to si Jho since binuhat nya ko and plus na she's the one who cook.

"Lets rest na lang. Makukuha naman siguro to sa pahinga." Umayos na ako ng pagkakahiga pero hindi padin sya gumagalaw sa pwesto nya.

"Sorry." For what? Oh no eto nanaman si Jho. Hilig sisihin sarili nya amp.

"No its okay. Sleepy na tayong dalawa eh. And I bet you're much pretty tired na din. So have a rest na beh." Tumango naman sya kaya naman I smiled at her.

"Can I sleep beside you?" Im suddenly at shook when Jho asked that question.

Is this for real? Its been a long time na din kasi since we shared sa iisang kama.

"Ayaw mo?" Umiling naman agad ako at hinila sya sa tabi ko dahilan para mapahiga din sya.

"Kung eto yung ibig sabihin ng ayaw pwes.... ayaw na ayaw ko." Niyakap ko sya kaya hindi ko na nakita yung reaction nya.

Basta ang mahalaga masaya na kami uli ni Jho. Okay na kami. And thank God!

Haplos haplos ko lang yung buhok ni Jho habang nakayakap padin sakanya.

Inaantok na ako at sobra na bigat ng mata ko. Kaya naman hindi ko maiwasan na pumikit na.

"Beh?" Tawag ni Jho but hindi na ako nagsalita instead nag-hmm na lang ako sakanya.

Im so sleepy and anytime makakatulog na ako.

But before ako makatulog ng tuluyan ay kinaya ko pa magpaalam kay Jho.

"Goodnight beh. Loveyou." Pumikit na uli ako and ang last naramdaman ko na lang yung mahigpit na yakap ni Jho.

"Goodnight Beatriz... g-gusto na k-kita."

**************

Sorry sa errorsssssssssss and sa super duper ultra mega late na UD. Kbye 👾

Continue Reading

You'll Also Like

137K 5K 87
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
426K 17.4K 61
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...
1.1M 49.1K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
624K 38.1K 102
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...