Breathless Encounter

By dignadediosRR

66.9K 1.2K 110

Published under Sweet Heart Romance ✔ (Some parts deleted) Grab your copy! Thank you. *** Cover made by @Lady... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHPATER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
Authors Note

CHAPTER FIVE

4.2K 100 5
By dignadediosRR

HUMIGIT-KUMULANG isang-daan ang mga bisitang dumalo sa dinner party. Napuna ni Patricia, mahigit kalahati ay pawang mga dayuhan. Marami ang puti, mayroon ding mga Asyano. Lahat sila ay tuwang-tuwa sa ginaganap na pagdiriwang.

Sabi ni Vaughn Eric habang kumukuha sila ng pagkain, "Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaasar."

Kunot-noong tiningnan niya ang lalaki. "Saan? Kanino?"

"Hindi mo ba napapansin, ang mga luku-lukong Kano, pinapapak ka ng tingin," sabi ng binata habang naglalagay ng pagkain sa sariling pinggan. "Masisiyahan ba ako dahil alam kong inggit na inggit sila sa akin o maghuhuramentado dahil parang ginagago nila ako?"

Gustong malaglag mula sa pagkakapusod ang mahabang buhok ni Patricia. Pakiramdam niya'y dumagdag pa ang kanyang ganda. "Naku, Vaughn, magtigil ka," babala niya. "Ang ganyan kalalaking tao, baka isang tulak lang sa'yo, e, sumadsad ka."

"Gusto mo akong subukan, Trish?"

Napatitig siya sa lalaki, at gusto niyang magulat dahil tila seryusung-seryuso ito. "You're just cracking another joke, aren't you?" tanong niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Napabuntonghininga si Patricia. "Gusto mo umuwi na lang tayo? Hindi ba sabi mo, narito tayo para mag-enjoy, pero bakit parang away ang hanap mo?"

"Nakakapikon."

"Forget about it, Vaughn. Kumain na tayo."

Nagdala rin ng dalawang basong red wine si Vaughn Eric sa kanilang mesa. Patapos na silang kumain nang isa-isang ipakilala ni John ang mga bisita. Napag-alaman nila, mga Australyano at

Amerikano ang mga puting panauhin, kabilang na ang kababaihan, samantalang mga Koryano naman at Hapones ang mula sa Asya.

"And finally, my dear guests, I would like you to meet my very special guest for tonight – Vaughn Eric Romulo and his Lady. They are the sole couple of Isla Verde."

Sabay na tumayo ang dalawa, kumaway sa mga bisita.

Nagpatuloy si John. "Vaughn Eric Romulo is Europe's known portrait painter. I'm glad he considered this peninsula for his holiday. May you have an excellent stay, Mr. Romulo!"

Mula sa kinaroroonan, naghagis ng saludo ang pintor kay John.

Lumipas ang mga sandali. Patuloy na nagsalin ng alak para sa kanilang dalawa si Vaughn Eric. Mayamaya ay nakiumpok sa kanila si John. Ilang sandali ng kuwentuhan, inuman at tawanan ang pinagsaluhan ng dalawang lalaki, hanggang sa anyayahan sila ni John na magtungo sa lobby ng hotel, anito'y upang matingnan at tayain ni Vaughn Eric ang mga kuwadrong nakasabit doon.

Sa totoo lang hindi masyadong interesante kay Patricia ang mga portrait-portrait. Anupa't habang nagdidiskusyon ang dalawang lalaki sa harap ng isang larawan ay patuloy na humakbang ang dalaga patungo sa ibang panig ng lobby. Mayamaya siya kung mag-hi and hello sa mga nakakasalubong na bisita ring katulad niya, na nakikiusyuso rin sa mga larawan na nagsisilbing tampok ng malaking bulwagan.

Hanggang sa magawi siya sa isang bahagi ng lobby kung saan nakahilera ang iba't-ibang preserved marine life mula isda, varieties ng sea orchins, cocumbers, king crabs, mga corals at iba't-ibang shellfish. Nagtataka siya kung ano ang ginawang proseso upang ma-preserve ang mga ito without altering their original appearance.

Ilang sandali niyang binistahan ang mga inabusong marine life, sinubukang hawakan isa-isa hanggang sa agawin ang kanyang atensiyon ng manipis at kontroladong halakhak ng isang babae. Tumuwid si Patricia saka iginala ang mata. Nakita niyang halos maglambitin kay Vaughn Eric ang isang mestisang babae. Maigsi ang buhok, gayundin ang suot, at agad nagkaroon ng impresyon sa sarili si Patricia na iyon ay isang mumurahing babae.

At si Vaughn Eric ay parang siyang-siya naman sa pakikipaghunta sa babae. Mayamaya kung lumagok ng alak, saka muling babaling sa babae. At one point, nakita ni Patricia na sinaklit pa ng pintor ang beywang ng babae, at pakabig na idinaiti sa tagiliran.

Sa harapan ng dalawa, masaya ring nakikihalo sa huntahan si John.

Tumalikod si Patricia. Ibinalik ang atensiyon sa mga marine life. Naisip niya, parang ang sarap isalpak sa mukha ng babae itong iba't-ibang sea orchins, o kaya'y isungalngal sa bibig nito itong pinakamalaking sea cucumber. Pero puwede ring hampasin na lang sa ulo ng isang malaking piraso ng coral upang lubos na manahimik.

Napatigil sa karumal-dumal na isipin ang dalaga. Bakit bigla ang kanyang panggigigil? At bakit sumasama ang kanyang loob? E, kilala na niyang playboy ang pintor, ano ang bago sa nakikita niyang pakikipagharutan ngayon ng lalaki?

Bago pa nakapagbigay ng katwiran si Patricia ay nakalapit na sa kanya ang isang Kano. Hawak nito sa kamay ang baso ng alak, at nakangiting bumati sa kanya.

"Hello there, lady."

Mga kaedad ni Vaughn Eric ang puting lalaki. Sa totoo lang, may 'itsura at parang maganda rin ang bulto ng pangangatawan.

"Hi," paiktad siyang nagsukli ng pagbati.

"Alone?"

"No," bahagya siyang dumistansiya, ngunit nanatiling nakaharap sa dayuhan. "I-I was with someone."

"My name is Devon, from Los Angeles." Nag-unat ito ng bisig upang makipagkamay sa dalaga.

Nagpilit ng isang ngiti si Patricia. Wala siyang makitang masama mula sa isang tao na gustong magpakilala. In fact, naisip niya, the guy from L.A. was only trying to make friends, or maybe, acquaintances. Inabot niya ang kamay. "Patricia."

Nag-shake hands sila ni Devon. Mula sa kung saan, sumulpot sa kanilang harapan si Vaughn Eric. Mabagsik ang kilos ng lalaki. Sinakmal nito sa gawi ng pulso ang magkadugtong na mga kamay nina Patricia at Devon. Ngunit kitang-kita ng dalaga na mas mahigpit ang pagkakadaklot ni Vaughn Eric sa bisig ng Kano. Bakit ay naglilitawan ang mga ugat sa nakakuyom nitong kamao. Kitang-kita rin niya ang tila biglang pagpuyos sa galit ang pintor.

Pagkuwan ay si Vaughn Eric ang pumutol sa ugnayan ng mga kamay nina Patricia at Devon. Binitiwan nito ang sa dalaga, ngunit patuloy na sinakmal ang sa Amerikano.

"Don't push your luck, buddy," ani Vaughn Eric sa dayuhan. "The lady is taken. Now get back from where you have been!"

"Vaughn!" Nagulat siya nang makitang marahas na ibinagsak ng lalaki ang kamay ng Kano. Walang kibong umatras ang sindak na Amerikano, bago tuluyan itong pumihit saka tuloy-tuloy nang lumayo. "Ano ka ba, nagpakilala lang 'yong tao." Kontrolado ang kanyang tinig.

"Kilala ko ang mga hayup na 'yan, Trish."

"Wala namang ginagawang masama—"

Hinapit siya sa beywang ni Vaughn Eric. "Let's go find John. Magpapaalam na tayo."

Halos mapatingkayad si Patricia sa paglalakad sa kalawakan ng bulwagan, habang damang-dama niya ang paglingkis ng kamay ng lalaki mula sa kanyang likuran. Hindi niya lubos maunawaan ang nagaganap, lalo na ang kakatwang mga reaksiyon ni Vaugn Eric.

Wala silang kibuan hanggang sa magsimulang humarurot pabalik ng Isla Verde ang speedboat. Katabi niya sa upuan ang lalaki, katunayan, halos walang puwang sa kanilang pagitan. Conscious ang dalaga sa pagdadaiti ng kanilang mga tagiliran, sa maya't-mayang pagbabanggaan ng mga gilid ng kanilang paa, at, lalo na, sa maliliit na buntunghininga ni Vaughn Eric, at sa bahagyang pangangamoy-tsiko ng lalaki.

Tila kabaliktaran sa kanilang mga inaasahan ang nangyari sa party. Nagtungo sila roon na puno ng pananabik, ngunit sa tinakbo ng pangyayari, ngayon ay pauwi silang tila pawang dismayado.

Pero para kay Patricia, OK naman ang party. Nag-enjoy naman siya. Maraming nakilala. Maliban sa mga huling tagpo, natupad naman ang kanyang inaasahan.

Sinubukan niyang magbukas ng usapan. Sabi niya, "You looked so tired."

Muling kumawala sa lalaki ang buntonghininga. Bumaling sa dalaga. "Upset, not tired," pagtutuwid nito.

"Pinatulan mo naman kasi," wika niya. "You allowed him ruin your evening."

Hinarap siya ng lalaki. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo, Trish?" pasurot nitong sagot. "Don't you really understand? I was trying to protect you from harm."

"He looked harmless, nagpakilala lang—"

Sarkastiko ang ngisi ng lalaki. "You are lawyering the bastard, Trish."

Umiling ang babae. "No, Vaughn," aniya. "Just being fair." Sa totoo lang, naaawa siya sa Amerikano. Nakita niya kung papano ito nasindak at kung papano lumayo mula sa kanila. Anu't-anuman, ang tingin ni Patricia ay nabastos ni Vaughn Eric ang panauhiga mula sa karimlan. "I think you're disappointed. Maybe I should have kept myself at bay. Dapat pala hindi talaga ako nakialam."

Hindi klaro sa pang-unawa ni Patricia ang puntong gustong tumbukin ng mga pangungusap ni Vaughn Eric. Isa lamang ang malinaw sa kanya – nawawala sa katuwiran ang lalaki. At tumataginting sa diwa ng dalaga ang tila pasaring ni Vaughn Eric. "Disappointed ako sa ipinakita mong ugali," wika niya. "Sabi mo magkaibigan kayo ni John, pero tinrato mo nang hindi maganda ang bisita niya. As a friend you were supposed to help John entertain his guests hindi iyong sunggaban sila, sindakin, pagbantaan..."

"Nagulat ako nang makita kong kasama mo 'yong Kano." Bahagyang kumalma ang tinig ng pintor. Iniisip ng dalaga na baka lumubog na sa realisasyon nito na talagang hindi tama ang ginawa. "Akala ko he was taking advantage of you. Maybe, Trish, I have just acted accordingly."

Hindi naman ako isang babaing kaladkarin, gusto niyang isagot pero mas pinili niyang sundan ang tila epektibo niyang argumento. "I was only trying to be nice to everyone. Just like what you did."

"W-what did I do?"

"That short-haired girl. Tuwang-tuwa ka sa kanya."

"Her name's Laura," pakilala ni Vaughn Eric. "Isa siya sa mga supplier ni John. An art dealer. Very pleased to see me."

"She was," sagot ni Patricia. "Ang saya-saya niya. Kaya naisip ko na baka magpapasaya rin sa Kano ang makilala ako kaya bakit naman ako magdadamot? Just like you, I wanted Devon get his piece of happiness."

Patlang. Nararamdaman ng dalaga na panatag na si Vaughn Eric. Mayamaya pa, bahagya siyang napatulos nang maramdaman niyang sumampay sa likuran niya ang kanang kamay ng lalaki. Ang malaking kamao ay tantiyadong nakasaklot sa puno ng kanyang braso, halos sa ibabaw ng kanyang balikat.

Bahagya sa simula, ngunit nang maramdaman niyang pumipisil ang kamay ni Vaughn Eric ay halos pumutok ang kanyang dibdib sa kaba. Iglap din ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Damang-dama ni Patricia ang matinding komosyon na nagaganap mula sa kanyang kailaliman. Mga pagtatalo ng nagkakagulong damdamin na tila hindi niya kayang pamahalaan.

Bagaman magkadikit na ang kanilang tagiliran, naramdaman ni Patricia ang mahinay pang pagkabig ng kamay ni Vaughn Eric, kaalinsabay ng mga pagpisil ng lalaki sa kanyang braso.

Gustong pumiksi ng dalaga sa iminumungkahi ng aksiyon ng lalaki, but she was too breathless to utter a word. She wanted to get far, but her body has gone unruly.

Hindi kaya ang ginaw mula sa humahampas na hangin at tilamsik ng tubig-dagat ang dahilan kaya napahinuhod si Patricia? Nang ihilig niya ang ulo sa ibabaw ng balikat ng lalaki ay batid niyang hudyat iyon upang maging mas mapangahas si Vaughn Eric.

Mayamaya, naramdaman niyang tila nakasubsob sa bumbunan niya ang mukha ng lalaki. At pagkuwa'y naulinigan niya ang agas at malamig nitong tinig. "You were right, Trish. I was overreacting," pabulong nitong sinabi.

Hindi sa mga salita ng lalaki nakatuon ang atensiyon ni Patricia, kundi sa masculine scent nitong unti-unting nagpapaliyo sa kanyang pakiramdam. Gayundin, ang pagsayad ng bibig ng lalaki sa kanyang ulunan ay naghatid din ng ibayong kapangyarihan sa kanyang katauhan. Ang bibig na iyon ay tila kawad ng kuryente na halos magpakisay sa kanyang katinuan.

"Ayaw ko lang hangarin pa ng iba ang para sa akin," patuloy ni Vaughn sa mahinang tinig, nananatiling nakasubsob ang mukha nito sa kanyang ulo.

Muling tiniyak sa sarili ni Patricia, wala siyang kapasidad unawain ang mga naririnig. She was too enthralled and fascinated sa mga sandali na tila punung-puno ng mahika. And there was an incredible feeling blossoming mula sa kailaliman ng kanyang pagkatao. Nag-uumalpas, at tila nangangako ng isang walang kapantay na ligaya.

Mula sa puno ng kanyang braso, dahan-dahang dumausdos sa kabuuan ng kanyang kamay ang kamay ni Vaughn Eric. Pumipisil. Humahagod. Paulit-ulit. Mula taas hanggang baba, at mula baba hanggang taas. Hanggang sa gagapin ng kamay na iyon ang kanyang palad.

Gustong malagot ang hininga ni Patricia. Hinanap ng kamay ni Vaughn Eric ang mga pagitan ng kanyang daliri, hanggang sa ganap na nag-ugpong ang kanilang mga palad. Muli, marahang pumisil ang kamay ng lalaki. Muli't-muli.

"Look at me, Trish."

Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Halos anino lamang ng lalaki ang nahuhugis ng kanyang mga mata, ngunit manaka-naka ay nabubuo sa paningin niya ang anyo nito mula sa mga ligaw na tanglaw ng ilaw mula sa headlight ng speedboat. Ganoon pa man, sapat ang liwanag na iyon upang mapuna ng dalaga ang marubdob na mukha ng lalaki, ang mga matang tila nagsasabog ng walang hanggang paghahangad.

Naging buhol-buhol ang paghinga ni Patricia. Sa harap ng mukha ng lalaki, mabilis siyang nasusunog.

"A-are you mine, Trish?"

Pumuno sa kanyang ilong ang sangsang ng alak, ngunit tila dagdag itong armas ng lalaki upang lubos siyang lupigin.

"At least for this moment, tell me you're mine."

Walang ideya si Patricia kung papano tutugunin ang pag-uusisa ng lalaki. O kung kailangan ba niyang magsalita. Sometimes, there are words best left unsaid.

Nang unti-unting magnipis ang pagitan ng mukha nila, padaing na sinambit ni Patricia ang pangalan ng lalaki.

"L-let me have you, Trish."

Sa pagdampi ng bibig ng lalaki sa kanyang mga labi, ganap ang pagsasara ng mga mata ni Patricia. Ganap niyang isinumite ang sarili sa pwersang matay man niyang kalabanin ay alam niyang hindi niya maipapanalo.

Nang magsimulang maging mabagsik ang bibig ni Vaughn Eric ay kusang nagbuka ang kanyang mga labi, kasabay ng tila pagbulwak ng apoy mula sa kanyang dibdib. Anupa't ganap din ang paghahari ng kanyang damdamin, kaisa ang nag-aalimpuyong siklab ng lalaki patungo sa tugatog ng minimithing kaligayahan.

She returned his kisses, as hard and sharp as his. And when her tongue met his, damang-dama rin ni Patricia ang tila higit pang pag-igting ng mga tampok ng kanyang dibdib, na labis pang nagpapatingkad sa kanyang paghahangad. Hindi niya rin maitatanggi ang pamumuo ng isang bukal mula sa ubod ng kanyang pagkatao, na tila handang rumagasa anumang sandali.

Mula sa kanyang mga labi, nanaog sa matarik niyang leeg ang bibig ni Vaughn Eric. Bawat hibla ng kanyang lalamunan ay sinasaliksik ng nag-aapoy na mga halik ng lalaki.

Pasinghap ang pagdaing ni Patricia. Kumawala mula sa pagkakahawak ni Vaughn Eric ang kanyang kamay at awtomatiko iyong nangunyapit payapos sa lalaki. Damang-dama niya ang tila pagdiriwang mula sa malaking bahagi ng kanyang pagkatao.

Dear God, Dear God! Ang namamayaning karanasan ay kaibang-kaiba sa mga naipagkaloob na sa kanya ni Paolo. At bagaman halos magdugo ang kanyang mga labi ay walang atubiling nagpapatangay si Patricia. Naisip niya, saan man siya dalhin ng mga tagpong ito ay buong-buo niyang haharapin at tatanggapin. Ang mahalaga'y minsan sa kanyang buhay, nakamit niya ang tila pinakamatayog na pangarap.

Muli ang pag-alpas ng maigsing ungol mula sa kanyang lalamunan nang sapuhin ng kaliwang kamay ni Vaughn Eric ang kanyang kanang dibdib. Mariing napapikit ang dalaga. Hindi niya inakalang may hihigit pa sa langit na ipinakilala sa kanya ng nobyong si Paolo. Ngayon ay itinatambad siya ni Vaughn Eric sa isang malawak, marikit at walang hanggang kaluwalhatian.

"S-sir, sir, nakadaong na po tayo."

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 312 55
Ella is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang...
13.1K 337 22
Ayumi Alvarez woke up without a physical body. In short she became a wandering soul. At isang walang modong guwapong alagad ata ni kamatayan ang naro...
43.5K 983 14
Raven sad past makes him rude and arrogant to protect himself from the hurtful truth of the world. Iniwas niya ang sarili sa mundo. Pero ang sa pagd...
116K 2.7K 12
TEASER: Tumataginting na 'kuya' ang tawag niya kay Harris, dahil iyun lamang ang alam niyang paraan para itago ang kanyang tunay na nararamdaman.Ngun...