Chapter 28
[Helicopter]
Sunday.
"La,ano kaya yung pupuntahan namin ni Nathan? Bat kailangan nakaganito pa?"
Nag-aayos na ko para sa pupuntahan namin ni Nathan mamaya. Susuotin ko na yung dress na binili niya para sa akin, kasi by 6PM daw eh susunduin niya na ko..
"Baka importanteng event, o kaya date.."-Lola Carmen
"Ahhh ganun po ba? La, maganda na po ba ko?"
"OO naman apo,manang mana ka sa mama mo."
"Salamat po. Ahh, La-" dapat ko pa bang itanong yung narinig ko kagabi?
Ayy hindi, wag na lang siguro..
Halatang nakinig naman ako pag tinanong ko pa yun..
"Bakit apo?"
"Ah-eh, wala po, kukuwentuhan ko na lang po kayo mamaya ha.. :)"
"Oh sige ha. Sana magenjoy ka apo.."
***
"Ready?"-Nathan
Andito na nga si Nathan sinusundo na ko.
"Yes, ayos na ba yung itsura ko?"
"Pretty :)"
Asows! mambola daw ba :p
Kunwari ka pa.. landi mo naman (sabi ni isip)
"San ba tayo pupunta?"
"Basta."
Ano ba yan.. Basta ng basta. Di na lang sabihin.
After 30 minutes..
Bumaba kami sa isang building..
We ride on the elevator..
After that, nasa tuktok na kami ng building, kung saan mayroong helicopter...
"Sasakay tayo dyan?"tanong ko
"Yup." Nathan smiled, atsaka inakay ako papuntang sa helicopter.
"Sakay na po Ma'am." sabi nung nag aasist sa amin.
Sumakay na ako, at ganoon din si Nathan.
Pagkasakay namin sa helicopter, para kong nalulula..
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Babe, relax, you look nervous..afraid of heights?"
"Ah-eh- nalulula lang ako.."
Hinawakan ako ni Nathan sa kamay..
"Wag kang matakot andito lang ako. Tignan mo kasi yung view,ang ganda.."
Unti unti kong tinitignan yung view, pero isang mata lang yung ginagamit ko para makita ko, the other one is closed.
Parang naulit lang yung dati, nung nasa overlooking kami, there are buildings, houses that full of lights, ang kaibahan nga lang iba ito dahil nakasakay kami sa helicopter.
Nang magtagal, naeenjoy ko na yung nakikita ko.
Nawala na rin ang lula, at takot.
Eh katabi ko ba naman si Nathan eh? :p
"In 45 minutes nasa Davao na tayo."-Nathan
"Davao?"
"Yes, dun tayo pupunta, you'll meet my parents there."
"Ang mom at dad mo?"
Tumango siya.
"Eh paano kung ano--"
"Ayaw nila sayo? Yun ba?"maagap niyang sabi.
Tumango naman ako.
"Mabait ang Mommy and Daddy, kung saan ako masaya, at kung sino ang nagpapasaya sa akin, sinusuportahan nila ko. Kaya wala ng pero pero ha?" atsaka niya pinisil ng marahan yung ilong ko.
"Sir, pakikabit na po yung seatbelt niyo.. Maglalanding na tayo."sabi ni kuyang operator.
Kinabit ni Nathan yung seatbelt ko, and after that yung kanya naman.
Atsaka ibinalik yung pagkakahawak niya sa kamay ko.
Sa buong biyahe namin, hindi niya ako binitawan.
Si Nathan talaga, mahilig manghawak ng kamay :D pero malaking tulong din, dahil nakalimutan ko lahat lahat ng takot ko..