The Bestman's Girlfriend

By xianrandal

5.1M 54.1K 1.7K

What if.... Somebody will be claiming in front of your family that she is your girlfriend? You never met her... More

The Bestman's Girlfriend (Book 1 & 2)
Explanation
1 The Dare
2 Sign-up
3 Job Interview
4 First Day
5 Games
6 Yemma Dominez
7 Ruel
8 Tita Lourdes
10 Girls
11 Irog & Boyfriend
12 Ruel and Candice
13 Mga Hirit
14 Pasabay
15 Bistado
16 The Dance
17 Ligaw
18 Ligaw Pa Rin
19 Compostela Valley
20 Dyanne
21 Wrong Timing
22 Ruel's Plan
23 Outing
24 Official
25
26 Spongebob
27 Conference
28 Hotel
29 Lock the Room
30 Thalia
31 Second or Third Chance
32 Dinner
33 Tom
34 The Decision
BOOK 1 - End
BOOK II-1
Book II-2 The Meeting
Book II-3
Book II-4
Book II - 5
Book II-6
BOOK II-7
Book II-8
Book II-9
Book II-10
Book II-11
BOOK II-12
Book II - END
When A Beki Falls In-Love
RUEL'S CHARM
MarXie
Facebook Accounts

9 Ruel's Charm

107K 1.1K 35
By xianrandal

Heto pala ang sablay ko na chapter dati…..sana di na sablay ngayon.

 

Nasaan ba siya ngayon? Ayun, nasa isang mall, naglalakad, actually naghahanap ng mabibiling bagong gadget. Palitan na kaya niya ang ipod niya? Pwde pa naman yun, bagong kotse kaya? May budget naman talaga siya para sa bagong sasakyan, kaya lang, ayaw pa niyang bumili, okay pa naman ang ginagamit niyang kotse.

Di naman sa nagyayabang pero mayaman sila, di nga niya kailangang magtrabaho, actually, pinapatigil na siya ng Kuya niya at ng Papa niya, siya lang itong matigas ang ulo, mahal na mahal lang talaga siya ng mga ito kaya di nila ipinipilit ang gusto nila. Speaking of those two, bigla niyang namiss ang mga ito.

Omorder siya ng paborito niyang pizza and while waiting ay tinawagan niya ang Papa niya.

“Pa, kumusta na po?”

“Candice, malakas pa sa kalabaw ang Papa mo, hinihintay ko pa ang magiging apo ko sa inyo ni Kuya mo.” Heto na naman ang Papa niya, mangungulit na naman.

“Pa, ayan ka na naman.”

“Kailan mo kasi ipapakilala ang boyfriend mo Candice, pagkatapos nung kay Tanako Biko bay un ay wala na akong alam na naging boyfriend mo.”

Napangiti siya, naalala niya yung kanyang Japanese boyfriend, naghiwalay na lang sila ay di pa rin matandaan ng Papa niya ang pangalan nito. Well, hindi naman ganun kasseryoso ang naging relasyon nila, but they end up ass friends bago ito umuwi ng Japan, in fact may communication pa rin sila through internet.

“pa, kinukumusta lang kita. Kayo ni Kuya…Yes pa, I’ll take care, you take care too ha, I love you pa.”

Nakunot noo siya ng bigla siyang nginitian ng lalaking nasa harap niya, mukhang customer din ito na naghihintay ng order. Hmmm, gwapo, pero hindi ito ang tipo niya, and wala siya sa mood makipag flirt ngayon…kaya deadma.  Bakit ba matagal dumating ang order niya hgayon? Sabagay, maraming tao eh. She took her iphone and decided to play when she heard someone talking to her.

“Hi! Can you still remember me?” Nakangiting tanong nito sa kanya. Well, yes, he looks familiar pero hindi niya alam saan sila nagkakilala.

Ruel was waiting for Candice to say that they had met in the bar, he’s with Aron Miguel that time, she’s her PA. PEro kumunot lamang ang noo ng dalaga at halata niyang hindi siya nito natatandaan! Wow, for the very first time, may isang babae na hindi siya natatandaan pagkatapos niyang magpakilala. Mapagtripan nga.

“Maegan,long time no see, how are you?”

Ang lalaking ngumiti sa kanya kanina, Hmp! Style nito bulok.

“Excuse me, I’m not Maegan.”

“Oh, hindi ba? I’m sorry, you look like my beautiful classmate in college,  by the way, I’m Ruel.” He extended his hand.

Duh! As if tatalab sa akin ang charm mo. Tamang tama namang dumating ang pizza niya.  Hinarap niya ang binata na ngayon ay nakaupo na sa harap niya. “Excuse me, but bumenta na ang style mo, besides, hindi ako nagcollege, so never tayong naging magclassmate.” Supalpal niya, sabay tayo.

“Ouch! See you later Miss.” Pahabol pa nito…We will still meet, Candice! I wonder why you didn’t remember me?

 

 

“Bwisit! Bakit ba ang daming feelingero sa mundo. Akala ba nila porke gwapo sila pwde na kahit simong babae.” Asar pa rin si Candice kahit nakasakay na ng kotse niya.

Samantala hindi pa rin makapaniwala si Ruel na di tumalab ang charm niya kay Candice, sa PA ni Aron Miguel.  Kahit kailan ay di siya sumablay sa babae, ngayon lang. Wow! At ngayon nga lang siya na attract sa babaeng hindi katangkaran at naka jeans at simpleng T-shirt lang ang suot. There’s something in her eyes that attracts him, those lips and wow, ang talas pa ng dila.

Dumating na ang inorder niyang pizza, para naman kasi ito sa kapatid niyang pag di nasunod ang gusto ay magwawala.  Nararamdaman niyang magkikita pa sila ng babae.

**************************

Nagkasabay naman sa elevator sina Candice at Aron Miguel, araw ng Biyernes.

“Good morning Sir.” Bati niya, bakit ba kung kailan nagkasabay sila, wala pang katao tao, sila lang tuloy sa elevator.  Sabagay maaga pa naman.

“I’d like to remind you Candice na Saturday na bukas.”

“Oo nga, ano po ang meron bukas, Sir?”

Napatingin tuloy sa kanya ang binata.

Gwapo, bakit ba ganito ito kagwapo pag umaga, parang si Daniel Henny lang. Napalunok tuloy siya. Baka kasi masunggaban niya ito at mahalikan.

“Di ko alam na makalimutin ka na pala, Ms. Manlotoc, but in case you can’t remember, bukas tayo pupunta sa Kidapawan, kay Mama.”

Oo nga no! Napapikit siya. “Eh, Sir, pwde poi postpone?”

“Ipostpone?”

“Baka kasi may LBM ako bukas.”

“Hindi!” At iniwan na siyang tulala.

Kaya tuloy parang ang bagal ng buong maghapon niya, namomroblema siya sa mangyayari bukas. Kasalanan naman din kasi niya eh, gusto niyang tawagan ang mga kaibigan, pero ano naman ang magagawa ng mga ito.

Napansin din ni Allen na matamlay siya.

“Something wrong Candice?”

“Wala. Napagod lang siguro ako.”

“Napagod ka jan eh wala nga tayong ginagawa eh. Ok ka lang ba talaga?”

“Parang lalagnatin kasi ako.” Partly true, parang lalagnatin talaga siya sa mangyayari bukas.

“Nilalagnat ka?” Si Aron Miguel.

Bigla itong lumapit sa kanya at idinantay ang palad sa noo at leeg niya. Candice felt sudden electricity in her whole body sa simpleng touch na yun. Parang kinoryente siya, anak ng maliit na butete!

Nagulat naman si Aron Miguel sa ginawa, subalit hindi ito nagpahalata. “Wala naman ah. Tuloy pa rin tayo bukas my dear girlfriend.” Bulong nito bago umalis.

Nagpipigil namag ngumiti si Allen. Nung wala na ang binata ay tinudyo nito si Candice.

“Ang sweet nyo namang dalawa. Ngayon ko lang nakitang sweet si Sir ah.”

“Heh! Tumigil ka, saan ang sweet dun.” Namumula na siya, di pa rin kasi siya maka get over sa nangyari.

Di naman makatulog si Candice, iniisip niya ang mangyayari bukas. Teka, paano nga pala ssila magkikita bukas? Saan pala sila magkikita? Di naman alam ni Aron Miguel ang address ng condo niya, at wala  siyang number nito. Imagine, PA siya nito pero wala siyang number. Ayos! May pag-asa pa pala.

Biglang tumunog ang cellphone niya.

Number lang.

“Hello?”

“Hello, Candice.”

“Sino to?” Although kumakabog na ang dibdib niya, alam niya kung sino ito.

Nagsalubong ang kilay ni Aron Miguel. Sira ulo talaga itong PA niya, halata namang kilala siya nito.

“Aron Miguel.”

“Sir! Sir, sabi ko na nga ba ikaw yan.”

“Ako nga, susunduin kita bukas sa unit mo, 6:00 am sharp, ayaw ko ng hindi ka pa ready pagdating ko.”

“Kung maka instruct ka naman, wagas.”

“what?”

“Wala, I said, copy Sir! Teka, alam mo  ba ang address ko?”

May hawak na kapirasong papel si Aron Miguel.

“unit 14, Blk. 2, Love You Street, teka, is this address existing?”

“Of course! Cute ng address ko ano?”

“Weird address. See you tomorrow.” Ibinababa na nito ang linya.

“Bye Sir, love you. Muaahhh!” Syempre wala na siyang kausap, nunca niyang sabihin yun kay Aron Miguel kung nasa kabilang linya pa. Actually crush na niya ang binata. Tama naman ang mga kaibigan niya, her boss is a one hot boss! Sobrang gwapo at macho. Parang ang sarap makulong sa mga yakap nito, ano kaya lasa ng lips nito. Yieks Candice, namamaniac na sa boss niya.

Teka, wala ba itong girlfriend? Imposible naman na sa edad niyang yun walang girlfriend?

“Di naman kaya bading?”

Ayyyyooookkkooooooooooooo….

*************************

-Xian-

Continue Reading

You'll Also Like

57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
674K 7.8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
128K 193 1
Kade Von Aragon, CEO of Aragon Airline, hates to be on limelight. Aside from the fact that he doesn't want any public attention, he hates the media b...
1.3M 28.2K 41
Life has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 year old boy. She strive and work hard to...