The Despicable Guy Book 2

By shirlengtearjerky

11M 110K 18.7K

Published under Pop Fiction (2014) More

Author's Note
Special Chapter // 1
Special Chapter // 2
Special Chapter // 3
Special Chapter // 4
Special Chapter // 5
Special Chapter // 5.5
TDG Special Chapter // 6
Special Chapter #7
TDG Side Story: Atom & Mara
The Despicable Guy Book 2
TDG Book 2 - Chapter 1
TDG Book 2 - Chapter 2
TDG Book 2 - Chapter 3
TDG Book 2 - Chapter 4
TDG Book 2 - Chapter 5
TDG Book 2 - Chapter 6
TDG Book 2 - Chapter 7
TDG Book 2 - Chapter 8
TDG Book 2 - Chapter 9
TDG Book 2 - Chapter 10
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 12
TDG Book 2 - Chapter 13
TDG Book 2 - Chapter 14
TDG Book 2 - Chapter 15
TDG Book 2 - Chapter 16
TDG Book 2 - Chapter 17
TDG Book 2 - Chapter 18
TDG Book 2 - Chapter 19
TDG Book 2 - Chapter 20
TDG Book 2 - Chapter 21
TDG Book 2 - Chapter 22
TDB Book 2 - Chapter 23
TDG Book 2 - Chapter 24
TDG Book 2 - Chapter 25 <3
TDG Book 2 - Chapter 26
TDG Book 2 - Chapter 27
TDG Book 2 - Chapter 28
TDG Book 2 - Chapter 29
TDG Book 2 - Chapter 30
TDG Book 2 - Chapter 31
TDG Book 2 - Chapter 32
TDG Book 2 - Chapter 33
TDG Book 2 - Chapter 34
TDG Book 2 - Chapter 35
TDG Book 2 - Chapter 36
TDG Book 2 - Chapter 37
TDG BOOK 2 VALENTINES SPECIAL! ♥
TDG Book 2 - Chapter 38
TDG Book 2 - Chapter 39
TDG Book 2 - Chapter 40
TDG Book 2 - Chapter 41
TDG Book 2 - Chapter 42
TDG Book 2 - Chapter 43
TDG Book 2 - Chapter 44
TDG Book 2 - Chapter 45
TDG Book 2 - Chapter 47
TDG Book 2 - Chapter 48
TDG Book 2 - Chapter 49
TDG Book 2 - Chapter 50
TDG Book 2 - Chapter 51
TDG Book 2 - Chapter 52
TDG Book 2 - Chapter 53
TDG Book 2 - Chapter 54
TDG Book 2 - Chapter 55
[EXTRA CHAPTER] The Secret Society Interview!
TDG Book 2 - Chapter 56
TDG Book 2 - Chapter 57
TDG Book 2 - Chapter 58 [Wedding Part 1]
TDG Book 2 - Chapter 59 [Wedding Part 2]
TDG Book 2 - Chapter 60
Epilogue
Author's Note | Announcements
ALWAYS AND FOREVER
ANNOUNCEMENT! ;D
After Afterall

TDG Book 2 - Chapter 46

120K 1.1K 193
By shirlengtearjerky

TDG Book 2 - Chapter 46

8:15 pm nang simulan kong itype 'to. Ch 46 is shorter than 45 so.. sana maenjoy nyo pa rin. Epekto ng antok at crankiness. Haha! :D

DEDICATED TO THE BATCH 2011-2012! Congratulations graduates! ;)

**

ANG BUONG CHAPTER NA 'TO AY NAKA- NORMAL POV. Bakit? Mas trip ko :>

**

Medyo nanginginig pang nagpark si Keith sa labas ng Bel Air house nila ni Amae. Nandun kasi ang sasakyan ng fiancee, at bukas ang ilaw sa second floor. Base sa mga kwento ni Jersey kanina, galit na galit nga si Amae sa kanya. Kanina pa nya ito tinatawagan kaso jusme, walang sagot!!! Ay naman.

Dahan-dahan syang pumasok sa bahay (buti na lang may spare key sya!) at.. bigla syang kinilabutan sa tumambad sa kanya.

Nagkalat ang pictures ng Lola Paz nya sa bawat madaanan nya paakyat ng second floor. Sa sala, sa dining table.. taas ng stairs.. pati ba naman sa pintuan ng kwarto nila ni Amae meron!!! Hanep mangonsensya tong si Alyssa Mae!

Todo lunok si Keith ng laway nya habang unti-unting binubuksan ang pinto. Baka may armalite na o landmine na nakahanda sa pagpasok nya dun. Mahigpit nyang hinawakan ang portfolio na pinaglalagyan ng design ni Charlize. Mamatay na sya (syempre OA lang) wag lang magusot o mapahamak yung design.

*gulps*

"Aa-mae?"

Nakaupo si Amae sa may kama, nakatalikod sa pinto. Kitang-kita ni Keith na medyo nagitla ang girlfriend sa pagtawag nya sa pangalan nito. Pero hindi ito lumingon.

"Amae.. huy pansinin mo naman ako!"

...

"Babe naman!!!" mabagal na naglakad si Keith palapit sa kama. Umurong naman si Amae.

...

"Amae kausapin mo naman ako! Magpapali-"

"KAY LOLA PAZ KA MAGPALIWANAG!!!!" sigaw ni Amae sa kanya na hindi sya tinitignan. "Di ka na nahiya sa lola mo!!! Alam mo namang ako lang ang gusto nyang pakasalan mo. Tapos.. nyeta ka Keith!! Kausapin mo yang Lola mo! Ayan kausapin mo! Kaya nga kinalat ko yang mga picture nya para matauhan ka! Mangilabot ka naman!!!"

Umupo si Keith sa kama at kinuha ang picture ni Lola Paz na nasa bedside table. "La," panimula nya. "Miss nyo nako? Alam ko, ang pogi ko naman kasi eh!"

"Wag kang pasikat dyan! Magsorry ka kay Lola!!!"

"Ayun nga La.. galit po si Amae sakin. Akala nya naghahanap ako ng ibang babae. Suus la, maniniwala ba kayo dun? Di ba kilala nyo naman ako, ang bait bait ko kaya! Tapos po loyal pa po ako. Tapos gwapo pa.. t-"

"HINDI NATUTUWA SI LOLA PAZ SA HEAVEN SA MGA PINAGSASABI MO ROMERO!!!!"

Pinipigil na lang ni Keith ang tumawa. " Sige na nga la, eto na talaga. Sorry po kung palagi akong wala nung mga nakaraang araw. Busy po kasi ako, pero hindi sa pambababae. La, hindi ko naman kasi magagawa kay Amae yung akala nya. Love na love ko po yang magiging asawa ko la! Inubos ko na yung ipon ko para sa kasal e! Tsaka para na rin dito," sinadya pa nyang ingayan ang pagbukas ng portofolio para macurious si Amae. "La, maganda po ba? Ang hirap ko kaya para makuha yan!! Hinabol-habol ko pa yung Charlize na yun para ma-edit yung design ni Amae. Sabi po kasi nya dati, gusto nya sya yung pipili ng designer, e hirap naman hagilapin nun. La, ang ganda diba? Sabi ko na nga ba e, bagay yan kay Amae. Pag sinuot nya yan, sya na yung pinakamagandang babae sa Pagudpud la! Pinakamaganda at pinakasexy! Kahit dumaan pa dun si Megan Fox walang pake dun! Si Amae lang magiging maganda sa Pagudpud la! Sayang la.. wala ka--" nawala sya sa concentration nya nang marinig nyang humihikbi na si Amae sa may likod nya.

"A-amae? Huy bakit umiiyak ka na dyan? Kausap ko lang si Lola ah!" Nang hindi humarap ito, tumabi na sya rito.

"Loko ka," sinuntok ni Amae ang fiancee sa braso. "Di mo man lang sinabi na hinabol mo si Charlize. Akin lang yun e! Crush ko yun!!!!"

"Akala ko ba nakita mo kami sa Manila Penn? Tapos ikaw agad 'tong nagconclude? Baliw!"

"Eh kasi.." nalunod na sa hiya ang babae. Impulsive na naman kasi sya.

"Na-Jersey ka na naman ngayon! Magkaibigan nga kayong dalawa!" Inabot ni Keith ang design kay Amae. "Ayan.. sabi ni Charlize maganda ang design mo, pinaganda pa nya lalo. Mukhang mahal ang materials para dyan T.T"

Mas naiyak si Amae nang makita nya ang design. This is her dream wedding gown! Sobrang saya nya!!! "Keith naman.. ang ganda naman nito.. Nakakainis ka!!!"

"Sige mainis ka lang sakin, magiging maganda ka naman sa wedding natin."

"What makes you think I'll still marry you?"

Inagaw ni Keith ang design. "Sige ganyan ka na Amae. Nakakainis ka rin."

"Keith sorry na," niyakap nya ang fiancee. "Hindi ka kasi tumatawag!!! Iniwan mo lang kaya ako mag-isa sa preparations!!! Akala ko nambabae ka na!!"

"Baliw!" kinatok pa ni Keith ang ulo ni Amae. "Hindi ko nga kasi magagawa yun! Sa laki ba naman ng gastos ko sayo!"

"Bati na tayo ah? Babe bati na tayo? I'm so sorry na :("

*sighs* "May magagawa pa ba ako? Sige na po, Ma'am. Bati na po tayo."

Hahalikan na sana ni Amae si Keith nang..

"Teka, nakatingin si Lola Paz sa'tin."

Kinilabutan naman si Amae sa sinabi ni Keith. "Lola Paz, isang kiss lang po tapos uuwi na rin kami. Please? Miss ko lang po talaga tong bwiset nyong apo."

"Oy sobra ka na ah! Mamaya tutulungan mo kong ayusin yung mga picture ni Lola sa baba! Natatakot ako, sobra."

"Opo, Mr. Romero. Mamaya na yun, kiss muna."

"Opo, soon to be Mrs. Romero. Kiss muna po."

**

That same night, niyaya ni Blanche si Jicker na kumain sa labas.

Dapat kasama ni Jersey si Jicker na mag-undercover sa Heritage Hotel kaso nalaman ni teh ang plano ni Blanche kaya hindi na sya pinasama. Umabot pa sila sa pilian: yung wig o si Jicker. Syempre, pinili ni Jersey ang wig, mas kailangan nya e. Ginudluck na lang ni Jersey ang dalawa sa "date" nila na napapadalas na ata.

Nahiya naman si Jicker kay Blanche kaya sinundo nya ito. Halatang pinaghandaan ni Blanche ang date nila, kuntodo ang ayos!

"San ba punta natin, Gay Pride March? Ang kislap mo naman masyado!" okray ni Jicker pagkakita nya kay Blanche.

Nakasanayan na ni Blanche ang mapanlait na nature ni Jicker kaya tinawanan na lang nya ito. "Whatever, Jick. Tara na, baka malate pa tayo!" Binuksan nya ang pintuan sa likuran (her usual seat. Tsaka palaging may nakalagay na bag dun sa tabi ni Jicker. Ayaw talaga ata ng katabi) at umupo na dun.

Sa isang first-class restaurant somewhere in Manila ang pinuntahan ni Blanche. Hindi na tinanong ni Jicker kung pano nakakuha si Blanche ng reservations dito, pero bilib sya ah. Matagal na nyang gustong kumain dito kaso busy sya masyado. Pinabayaan lang sya ni Blanche na umorder ng kung anong gusto nya, and since ang b*tch nya, define kung anong gusto nya ang .. inorder nya.

"Hindi ka naman gutom?" natatawa pa si Blanche.

"Sabi mo kung anong gusto ko diba? Pasalamat ka hindi ko inorder yang buong menu!!!"

"My my, Jicker. Ang init na naman ng ulo mo! Chill lang, pwede?"

"Ewan ko sa'yo. (-____-)"

Minutes later, nagsimula na silang kumain. Ang nakakatawa lang, hindi alam ni Jicker kung anong nakain nya at kwento sya nang kwento kay Blanche. Eto namang kausap nya tawa naman nang tawa (lahat naman ata ng sabihin nya tatawanan ni Blanche e! Uto-uto!). Nang si Blanche naman ang nagkwento tungkol sa experiences nila ni Kevin sa Bonn, nagulat si Jicker na hindi sya naiinis. Dapat mainis sya kasi eto yung mga panahon na nasa dark place si Jersey blahblahblah. But he's enjoying the stories! Anyareh?

"-- that was the wildest Oktoberfest night we've been to. Swear! Ask Kevin! Panalo lang talaga! I even tried to pull off that keg..flip but nah, di ako flexible!" kwento ni Blanche in between bites.

Then something happened.

Jicker laughed.

Nabitawan ni Blanche ang utensils na hawak nya at napatigil sa pagtawa ang kausap. Pinagtinginan naman silang dalawa ng mga tao. "O, nyareh?" Dun lang napansin na..

umiiyak si Blanche?

"Hoy teh keg flip lang yon! Bakit mo iniiyakan? Sira ka talaga!!!"

May pahid-pahid pag nalaman si Blanche bago sya mag-explain. "I..I'm not crying about the keg flip Jick.."

"O e san naman? Gusto mo pa ng lobster? Bumili ka!"

"You laughed."

(O.O) "SAY WHAAAAAAAAAAAT?"

"Jicker that was the first time you genuinely laughed when you're with me. First time. Sorry kung OA or batsa.. but you laughed!" Halata sa tono ng boses nito ang saya. "Para sa'yo siguro ang creepy nito pero sakin ang laking bagay na nito. Sa tagal kitang kinukulit, ngayon ka lang tumawa ng di pilit. Oh my god. Ju-just don't mind me. Tuwang-tuwa lang ako kasi.. napatawa kita. Sh*t ang.. creepy. Sorry I ruined this one."

O, pano ba magreact sa ganyan?

"Gutom lang yan Blanche. Tara steak pa!"

**

Bigla na lang nawala si Jersey.

San naman kaya yun nagpunta?

Nandito lang yun sa vicinity ng hotel, sabi ni Kevin sa sarili. Hindi naman nya bastang iiwan ang sasakyan nito dito. Nasa loob lang sya ng hotel. Nasa loob lang sy-

Saan sa loob? :/

**

"Is this seat taken?"

Hindi na tinignan ni Jersey ang lalaking tumabi sa kanya sa may Blackjack table. Sanay na sya sa mga ganyang lalaki, mga papansin. Oh wait, sa casino nga pala sya pumunta. 45 minutes ago iniwan nya si Kevin sa parking lot. Bakit? Wala lang, gusto lang nyang mag-isip ngayon. Ang gulo kasi masyado ng nangyari kanina. Oo, nakakakilig. Pero alam mo yun, ano ba talaga ang gusto nyang mangyari sa kanila? Konti na lang talaga makakasapak na sya ng isang Kevin Santos. Konti na lang. Tinanggal na rin nya ang pesteng wig nya. At last.

Si Jicker ang nagturo sa kanya maglaro ng Blackjack (na natutunan nito sa isang former boyfriend sa Germany), at well, magaling na teacher ito. Meron na syang ilang pile ng chips na natatabi, not bad. She's not fond of gambling, pero gusto nyang magtago kay Kevin kaya dito sya nagpapalipas ng oras. Bakit hindi na lang nya kausapin si Kevin at magkaalaman na talaga? Che, mamaya na si Kevin, ganda na ng laro eh!

She placed her next bet and waited patiently for the dealer to slide the cards. The dealer did so- and Blackjack! Again for Jersey!

"Nice one," sabi ng lalaking tumabi sa kanya. Nilingon nya ito at narealize nyang si Kevin pala ang katabi nya.

Last resort ni Kevin ang casino. Buti na lang talaga at nagpunta sya dito! Akala nga nya nung una hindi si Jersey yung nakaupo sa may Blackjack table, nagtanggal na pala ito ng wig. Marunong palang mag-Blackjack si Jersey? Wow, sexy lang.

"Thank you," she replied politely. Kunwari hindi sila magkakilala.

Isang nagtatakang "You're welcome" ang sinagot ni Kevin, na nagets na rin ang drama nila.

May isang matandang lalaki sa kabilang side ng table ang umextra sa dalawa. "Magaling 'tong batang 'to. Kanina pa nya ako natatalo! Kaso hindi ko kayang mainis sa kanya, ang gandang bata e!" Bumaling naman ito kay Kevin. "Hijo sali na, baka mabago naman yung ikot dito."

"Sure."

Naglaro sila for 20 minutes hanggang natalo si Jersey. Without looking at Kevin, she collected her remaining chips and stood up. "Cashing out," sabi nya sabay bigay sa dealer ng malaking tip.

"Awww mamimiss kita bata!" sabi nung matanda.

Tumayo na rin si Kevin. "Uhh.. can I buy you a drink?"

"Well.."

"Nako bata wag ka nang tumanggi.. teka ingat ka baka kasal na yan."

Tinignan ni Jersey si Kevin nang seryoso. "Are you married?"

"No," sagot ni Kevin na seryoso din. "You?"

"I left my almost husband at the altar last month."

Nagulat yung matanda. "Ibang klase! Hoy bata, ingat ka dyan. Inom lang ah?"

"Sure, inom lang," sabay nilang sabi.

**

Tahimik lang ang dalawa habang nakaupo sa lounge ng casino. Gin tonic lang ang inorder ni Jersey, ayaw naman nyang malasing. Natatawa kasi sya sa trip nila ni Kevin ngayon.

*after 3 silent minutes..*

Kevin: *sighs* So.. what's your name?

Jersey: *beat* Blair. Ikaw?

Kevin: Damon *smirks*

Jersey: So.. what with you? Wala kang ibang kasama?

Kevin: Sa tingin mo sasamahan kita kung may iba akong kasama?

Jersey: Just saying. Baka may kasama kang girlfriend na nasa isang suite sa taas.

Kevin: Awww that's impossible. I'm single.

Uminit ang tenga ni Jersey nang narinig nya ang "single".

Jersey: Wow, single huh.

Kevin: My girlfriend and I broke up two months ago.

Jersey: What happened?

Kevin: She kissed a guy.

ARAY.

Jersey: Oh. Scary.

Kevin: How about you? Iniwan mo talaga sa altar yung fiancee mo, Blair?

Jersey: *grins* Yeah. I'm wicked like that :)

Kevin: Bakit naman?

Jersey: He's such an @ss.

Kevin: Oh. Really.

Jersey: So tell me.. what's your ex girlfriend like? Anong work nya.. mga ganun.

Kevin: Ex ko? Hmm.. daming trabaho nun eh! Spineless na ata! Currently she's a model.

Jersey: Maganda?

Kevin: Kaya nga model eh, maganda.

Jersey: Mas maganda sakin?

Kevin: Di hamak mas maganda pa sayo! *smiles*

Jersey: Ouch naman. Tapos?

Kevin: Yung ex ko sexy yun, tapos sobrang unconscious. Walang pake. Iba tabas ng dila, parang di babae! Madrama. Matalino. Di marunong magdefrost ng ref. Tamad maghugas ng plato.. ano pa ba.. di marunong magpalit ng gulong! Ayun ang ex girlfriend ko. Di ko alam kung bakit ako nakatagal ng 7 years dun!

Jersey: Wow, 7 years? Sigurado kang 7, hindi 4?

Kevin: Teka mas marunong ka pa sakin ah! Pag sinabi kong 7 years, 7 years!!

Jersey: Fine fine fine! Grabe nagtatanong lang naman!

Kevin: Eh ikaw, yung ex mo?

Jersey: Walang kwenta yung ex ko. Puro pahirap na lang! Nakakainis. Parang babae! Lahat na nga ginawa pa-

Kevin: Bakit puro negative agad?

Jersey: Tsss. Fine. Magaling sa Math yung ex ko, feeling gwapo. Ang hangin hangin hangin haaaaaangin!!! Sya lang ang pinakatimang na taong nakilala ko na allergic sa kangkong. Favorite food nya yung kaldereta na luto ko. May bra fetish sya, syempre mga bra ko yun. Tapos.. pag nagssleeptalk sya pangalan ko yung binabanggit. Nasa Boracay kami ganun ginawa nun *smiles* Ano pa ba.. yung ex ko? Perfect na sana yun eh, kaso iniwan ko. Kasi.. ang arte. Pa-hard to get! Nakakapagod kaya yung ganun!

Kevin: Nyay, nang-iwan ng boyfriend! Walang kwentang girlfriend!

Jersey: Eh sa l#che sya eh! Dapat iwan!!!

Kevin: At least ako yung nang-iwan ng girlfriend kasi nasaktan ako.

Jersey: Hindi mo ba naisip na baka nasaktan yung girlfriend mo nung hiniwalayan mo na sya?

Kevin: Sana inisip din nya na masasaktan ako bago nya hinalikan yung lecheng yon.

ARAY NA NAMAN!!!

Jersey: Tsss. Alam mo Damon, kahit ganun yung ex ko, di hamak na mas gusto ko sya kesa sayo.

Kevin: Ako rin, mas gusto ko yung ex ko kesa sayo. Baka naman mas gwapo ako sa ex mo!

Jersey: Hoy excuse me! Dating VJ ng MTV Europe yung ex ko!

Kevin: Kung nag-iilusyon ka na mas maganda at mas sexy ka sa ex ko, nagkakamali ka. Abangan mo yung bagong posters ng Guess, ayun ang ex ko. Mainggit ka.

Jersey: Bakit naman ako maiinggit? Pake ko dyan sa girlfriend mo? Mayaman at super talented ang ex ko!

Kevin: Yung ex ko rin! Ganda pa ng boses!

Jersey: Pogi umacting ng ex ko!

Kevin: Yung ex ko rin!

Jersey: AAAAHHHH EWAN KO SAYO!!!

Kevin: EWAN KO RIN SAYO!!!!

*silence*

Kevin: Bakit ba ang init ng ulo mo?

Jersey: Bwiset nga kasi yon. Masyadong paasa. Nakakapagod kaya syang kausapin. Bago kasi kami.. basta, may something na nangyari na kasalanan ko.

Kevin: Ikaw pala ang tanga e. Kasalanan mo pala!

Jersey: Shut up! *sighs* Ewan. Ang tigas nya masyado. Pero kahit ganun yon.. he still cares for me. Kahit may nalalaman pa syang percent percent sa baga nya.. basta. Kahit hindi ko hinihingi yung tulong nya, nandyan lang sya palagi. Ayun. Nakakamiss lang.

Kevin: Swerte mo naman pala sa ex-boyfriend mo. Sayang, pinakawalan mo pa.

Jersey: Oo nga eh. But I'm trying to get him back.. kaso masyadong matibay!

Kevin: Baka naman kulang ka sa effort? Ganyan kasi yung ibang lalaki, mahilig magtampo. Kala nyo babae lang ang sinusuyo? Shet parang ang panget naman ata nun.

Jersey: I'm trying my best!

Kevin: Try your best-est. Try your hardest. Kung.. sukuan mo na lang kaya?

Natigilan si Jersey sa sinabi ni Kevin. Wow.. this @ss!!! Nang-iinis kahit third person na ang pinag-uusapan! G@go't kalahati rin kasi tong si Kevin. Nahihirapan na nga syang sumagot! Tactics talaga nito para magalit sya!

Jersey: *smiles* No. Ayoko.

Kevin: Nge, bakit naman? Baka ayaw na nya sayo kaya ganun. Baka di ka na nya mahal?

GUSTO NA TALAGA MANAPAK NI JERSEY. PAG NATAPOS TONG THIRD PERSON CONVO NILA MAKAKATIKIM SI KEVIN NG ISANG MASAKIT NA SIPA SA ANO.

Jersey: Yun pa! Imposibleng hindi nako mahal non!! Eh sa sobrang ganda ko? *laughs* Mahal na mahal kaya ako nun!

Nagulat si Kevin sa sinabi ni Jersey. Tactics nito para bumigay sya! At.. confident na confident sya sa pagsagot. Nakakagulat!

Kevin: Yan ang confidence! So.. pano mo namang nasabi na mahal ka pa nya?

Jersey: Sabi nya kasi sakin dati, "Pag minahal mo kasi ang isang tao, hindi na mawawala yun." I'm holding onto that.

Kevin: Talaga? Kaya mong maghintay? Hindi ka mapapagod? Nafifeel ko kasi yung uncertainty na baka.. hindi kayo magkatuluyan.

INANGYAN KEVIN!! DON'T SAY SUCH THINGS!!!!

Jersey: Bakit naman ako mapapagod? I've been waiting for him for so long! Akala ko dati si Paul na yun, yung first boyfriend ko. Kaso.. hindi pala sya yung Prince Charming ko e. Baduy ba? Tsaka.. para kaming si Cinderella at yung Prince Charming nya, kaso sya si Cinderella tas ako yung Prince. Elibs kasi ako sa dedication nung gunggong na yun! Sapatos lang!!! Pinagtiyagaan nya! Kahit kwento lang 'yon.. basta. Iba pa rin ang tama sakin.

Kevin: Mukhang lasing ka na ata!

Jersey: Sira! Wait, di pa ako tapos :) Bakit ko 'to pinaglalaban? Kasi alam ko sa sarili ko na worth it pag naging kami ulit. Good things come to those who wait, di ba? Pati.. alam kong sa kanya ako sasaya. Okay lang na mapagod ako ngayon, basta sa dulo sure akong magiging masaya kami. Magiging masaya ako.

Walang masabi si Kevin. He was taken aback by Jersey's honesty. Wow.. just.. wow.

Kevin: Wow.. optimistic! Ang.. swerte naman nya sa'yo! Akin ka na lang kaya Blair? *winks*

Jersey: Sorry, Damon. Mahal ko yun eh. Kahit mas gwapo ka pa sa kanya, which is BTW not true since he's the hottest and most handsome guy I've ever laid my eyes on, malakas tama ko dun eh. Sorry. *grins*

Kevin: Aray, sakit naman non. Sana katulad mo na lang ex girlfriend ko! Ang sarap mo kasing mahalin eh!

Jersey: Talaga? Anong lasa? Kaldereta? Kare-kare? Spare ribs? *laughs*

Kevin: Lasing!

Jersey: Sira. Alam ko yon. Sana.. marealize na nya yon noh? *insert hopeful smile here*

Kevin: *smiles back* Malay mo narealize na nya kaso..

Jersey: Kaso ano?

Kevin: Basta. Malay ko ba sa iniisip ng ex boyfriend mo!

Jersey: Eh.. Hypothetical lang ah. Kung ikaw yung ex boyfriend ko.. anong gagawin mo ngayon?

Kevin: Hala, seryosong tanong yan? Siguro.. *inadjust yung bar stool at humarap kay Jersey* papatawarin na kita. Tapos iuuwi kita sa condo ko tapos a-

Jersey: OMG WHAT IS!!!!

Kevin: Ano ka ba!!! Iniisip mo make-up sex noh?

Jersey: (-/////-) LUL I AM NOT THINKING ABOUT THAT!!!

Kevin: Joke lang! Eto naman napaghahalataan lalo eh! Seryoso, papatawarin ko sya tapos.. yayakapin ko sya ng mahigpit.

Tapos sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko sya, na.. hindi ko na sya papakawalan pa.

AY KINILIG SI ATE DUN (-/////-)

Jersey: Eh kelan mo pa sasabihin sa kanya yun? Baka mamaya may nahanap na yun na iba!

Kevin: Actually.. I lied earlier. Kasama ko sya kanina kaso bigla syang nawala. Sasabihin ko na sana kaso ang bipolar talaga nun.

Jersey: ANG BAGAL MO ATA EH!!!

Kevin: Sorry naman, naghahanap ng bwelo!

Jersey: Weak!

Kevin: Weak ka rin! Hindi mo mapabigay yung ex mo!

Jersey: MATAGAL NANG BUMIGAY YUN MAARTE LANG TALAGA!

Natawa ang dalawa.

Jersey: Parehas pala tayong tanga, Damon.

Kevin: O bakit?

Jersey: Ang dami nating pinagsasabi about our exes.. Bakit hindi natin masabi sa kanila 'to directly? Nag-away pa tayong dalawa dito!

Kevin: OO NGA! Ba't di natin naisip yun kanina pa?

Jersey: Ewan ko rin sayo. Maarte ka.

Kevin: Tara na nga, baka mamaya parehas na may mahanap na iba yung mga ex natin. Baka wala na tayong balikan.

Jersey: Sure sure sure. *stands up* Thanks for that talk.. Damon. I appreciate it. A lot.

Kevin: Thank you rin, Blair. Natuwa naman ako sa usapan natin kahit medyo may tama ka na ata.

Jersey: Asa ka! O pano, goodluck sa ex mo ah? Dapat pag nagkita tayo sa susunod kayo na! Dapat invited ako sa wedding nyo!

Kevin: Oy ako rin! Wag mo na kasing takbuhan! Sama nito!

Jersey: Hindi ako masama! Hello, I'm awesome.

Kevin: Mas awesome ako sa'yo!

Jersey: *laughs* Sige na nga, bye na. Babalikan ko na yung ex ko.

Kevin: Sige ba. See you around.

**

Galit na galit na kinatok ni Kevin ang car window ni Jersey. All this time nasa sasakyan lang pala sya?!?! AYUN, NAGMEMAKE-UP!!!!

Kevin: HOY LUMABAS KA DYAN!!!

Jersey: *binaba yung window* What?

Kevin: San ka ba nagpupupunta? Kanina pa kita hinahanap!

Jersey: Hahanapin mo ako tapos papahirapan mo lang din ako? Baliw ka rin.

Kevin: Sagutin mo na nga lang tanong ko!

Jersey: I was.. around.

Kevin: Around where?

Jersey: Akin na lang yun.

Kevin: BUMABA KA NGA DYAN!!!

Jersey: TUMABI KA MUNA KASI HARANG KA E!!!!

Tumabi nga si Kevin para makalabas si Jersey.

Jersey: O bakit? May report ka na naman ba ng percentage na nakuha ko blahblahblahblahblah

Kevin: Umayos ka nga!

Jersey: Hoy Kevin bumigay ka naman! O kung ayaw mo bumigay magsorry ka na lang! Nakakapagod na eh! Kung ayaw mo na e di---

Kahit Writing major si Kevin, minsan kulang pa rin para sa kanya ang mga salita para magpaliwanag. Kaya.. dinaan na lang nya sa isang bagay na alam nyang maeexpress nya ang sarili. Ano pa ba ang effective way para mapatahimik ang bibig ni Jersey? E di mga labi nya! WHATIZ!!!!

Kaso si Jersey asar talaga sa kanya, tinulak na naman sya.

Jersey: O ano, para san na naman yun? Ilang percent nakuha ko dun? P*TANG*NANG PERCENTAGE YAN KEVIN LAMUNIN MO YAN!!!!! Yung pagmamahal ko sayo di ko dinaan sa percentage lintek ka!!!

Kevin: *laughs* Ikaw na nga 'tong hinalikan, ikaw pa galit. If I know namiss mo rin yon. *winks*

Jersey: WAG KA NGA! Kung may sasabihin ka please ayusin mo na. Isang hibla na lang mapapagod nako!!!

Kevin: *sighs* Sana.. meron din akong talent na kagaya ng sayo. Na gagawa na lang ako ng essay para magconfess o kung ano. Di kasi ako magaling dyan, gusto mo ipagprogram na lang kita gamit ang different languages? *laughs* Di ko kasi mapantayan yung Best Way To Lose mo eh, epic yon. Dapat ako ang nagbigay sayo nun, di ako. Sorry hindi talaga ako magaling sa ganun. Pero may isang bagay akong alam na nag-eexcel ako.. at mayabang ako para sabihin 'to. At yun yung kung paano kita minamahal. Shet tama ba yung choice of words? Mali ata e. Basta. Yun na yun. Ramdam mo naman diba? Kahit sadyang g@go ako. Gets mo naman tong sinasabi ko diba? Don't worry, hindi ako lasing. Ayoko lang talaga ng malalim na words. Alam kong awesome ka, sige na ikaw na. Awesome Jersey blahblah corny. Pinapaikot-ikot ko lang tong sinasabi ko pero.. Jersey mahal kita. Alam mo yan.

Napako na naman ang mga paa ni Jersey sa semento (SEMENTO AH), pero ayaw pa rin patinag.

Jersey: Just.. give me one very very good reason kung bakit kita dapat balikan. Sumagot ka ng maayos, gamitin mo yung pinag-aralan natin or else Kevin I swear to God hindi na talaga.

Nginitian lang sya ni Kevin bago sumagot.

Kevin: Jersey, you are awesome. And I don't think I could function properly without your awesome complementing mine.

There. 2 sentences, 17 words. Naiyak na si Jersey dahil dun.

Jersey: *cries* PAKYU KA KEVIN PINAPAIYAK MO NA NAMAN AKO EH!!!!

Kevin: Sabi mo gamitin ko mga pinag-aralan natin! AYAN!!!

Jersey: Talaga? You can't function without me?

Kevin: Kakasabi ko lang diba (-____-)

Jersey: So..

Kevin: *sighs* Ang arte mo nga pala. *sighs* Jersey Benitez Santiago, *hinawakan kamay ni Jersey* will you be my girlfriend.. again?

Jersey: Hindi ka na mag-iinarte?

Kevin: Hay nako oo na sige na sumagot ka na lang babawiin ko 'to sige.

Jersey: Nakakainis. Bakit ba kasi mahal kita? Di tuloy kita maintindihan!

Kevin: AYUSIN MO NAMAN KASI SAGOT MO!!!

Jersey: *smiles* Oo na sige na! Teka lang naiiyak ako!!!

Kevin: WAG KANG UMIYAK!!!! Kiss ko muna.

Jersey: Kanina ka pa sa kiss ah!

Kevin: Ehh.. 2 months ehh..

Jersey: I have an idea!

Kevin: Ano? Siguraduhin mong legal yan!

Jersey: *points her lips towards..*

Kevin: HA? ANONG BACKSEAT?

Jersey: AYAW MO?

Kevin: Eh.. tara na! Magbago pa isip mo eh :>

Tawang-tawa si Kevin sa suggestion ni Jersey. Feeling teenager! Pero sa isip-isip nya..

All the crazy fights have been worth it because the crazier the fight, the more it proves to me that she is the only one I would want to spend my life with.

**

Same time ng KevJe reunion ang tapos ng foodtrip nina Blanche at Jicker.

"Grabe lang ah," tuwang-tuwang comment ni Jicker. "Can't forget that lobster! Ang sarap! Next time try natin yung iba nilang dish ah!!"

"Basta ikaw magbabayad!!!" natatawa ring sabi ni Blanche.

Palabas na silang dalawa ng restaurant. So far eto ang pinakapaboritong date ni Blanche ever. Una, napatawa nya si Jicker. Pangalawa.. medyo close na sila. Konti na lang, Blanche! Konti na lang!

"Saan kayo ni Marlo bukas?" tanong ni Jicker habang pinagbuksan ng pinto (!) si Blanche.

"Uhh.. I don't know. Baka kung saan na naman! Unpredictable!"

"Baka mamaya ilagak ka nya sa ku--"

"Saan?"

Tumigil sa paglalakad si Jicker.

"Jicker, bakit? Masakit ba stomach mo?" Hindi ito makasagot. Parang.. naging statwa si Jicker, namumutla pa nga ito. Magtatanong pa sana ulit ito nang..

"Oh Jicker, nice to meet you here."

Ang kaninang saya ni Blanche ay napalitan ng.. kaba nang marinig nya ang isang pangalan na lumabas sa bibig ni Jicker.

"Anna."

 

**

MASAMA AKONG TAO. HAHAHAHAHAH JOKE LANG CHILL LANG!

Mas masama akong tao dahil sa announcement kong NEXT WEEK PA ANG CHAPTER 47! PAHINGA NAMAN MUNA AKO DIBA, 4 updates this week! Kamusta naman yon (-__-)

Para sa mga hindi nakakakilala kay Anna.. basahin nyo yung side story ni Jicker, You Won't Hear Me Cry: http://www.wattpad.com/story/830647-you-won%27t-hear-me-cry-10-completed

Wag kayong magtatanong kug sino si Anna ah. Binigay ko na yung link, do you homework. HAHAH!

SANA NAGUSTUHAN NYO ANG UPDATE! I LOVE YOU GUYS!

Continue Reading

You'll Also Like

126K 5.9K 39
A series of short stories about 'soulmates'
11.4M 425K 47
Mia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start t...
76.5K 92 1
Abigail Valerio doesn't have a lot of friends. She figured its because her classmates thinks she is childish and immature. Abi is used to being the c...
1.1M 10.2K 94
I deserve a better ending.