Let Me Change You

By longlostwriter

2K 79 18

You can't fix a person. You can only stay with them while they fix theirselves. Jasmin Isabel Andrada broke u... More

Dedication
Introduction
i. Jasmin and The Trouble

ii. Jasmin and The Stubborn

379 20 9
By longlostwriter

Lalo kong sinamaan ng tingin si Yawe nang makita ko ang mukha niya na sasabog na kakatawa. Nakahawak na ito sa bibig niya at malapit nang tumulo ang luha niya sa pagpipigil.

"Stop it, Yawe!" Hindi ko napigilan na ipadyak ang mga paa ko dahil sa galit kaya naman natawa na siya. Napayuko ito at hinampas ang table.

Lalong nag-init ang ulo ko at nagbabadya na umalis na lamang dito sa office niya.

"Wait!" Tumayo ito at lumapit sa akin. Tumatawa pa din ito pero medyo kalmado na 'di tulad kanina.

"Stop or I'll hit you." Mas tumawa ito lalo. Inirapan ko na lang siya at lumabas na ng office niya. Darn that doctor, alam niyang hindi ko magagawa iyon.

Mabilis akong umupo sa upuan ko na nasa gilid lang ng office ni Yawe. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at humingang malalim para mapakalma ko ang sarili ko.

Nang buksan ko ang mga mata ko, nakaupo si Yawe sa sofa sa tapat ko.

"Get out of my sight, Yawe." Humawak ito sa dibdib niya at nagkunwaring nasasaktan. "I don't have time with your shit."

"Awww," nakapangalumbaba itong tumingin sa akin habang ngumingisi, "you really should attend seminars on how to become a respectful assistant."

"Yeah, yeah." Binato ko sa kanya ang candy na nasa table ko. Para sana sa pasyente iyon pero sa galit ko, ibinato ko sa kanya. "Try to act professionally first, Doc."

Lalo itong napahagalpak ng tawa na halos mapahiga na siya sa sofa. Halos mabingi pa ko sa lakas ng tawa niya.

"Yawe," seryoso at iritadong pagtawag ko sa kanya, "if you don't stop.."

"Okay, I'll stop!" Huminga itong malalim pero pansin kong hirap siyang pigilan ang pagtawa niya. "Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa sinabi mo?"

"Yeah, right." Inirapan ko ito. "Kung totoo nga kitang kaibigan, hindi ka dapat matatawa."

"Jasmin," halata sa boses niya ang namumuong pagtawa niya,"I'll tell you what you've said to me."

Naningkit ang mata ko. Tumayo ito at naglakad palapit sa akin.

"Ang sabi mo sa akin ay na-late ka kanina dahil sa ex mo na tumawag sa'yo dahil pupunta raw siya sa apartment mo. Akala mo makikipagbalikan siya kaya naman pinaghanda mo pa siya ng pagkain. Bakit mo nga pala siya pinaghanda?" Umupo ito sa gilid ng table ko at tumingin sa akin. Nangislap ang mga mata nito. He thought it was interesting. Inirapan ko ito dahilan kung bakit siya napangisi.

"Ipinaghanda mo siya para mas lalo siyang maudyok na makipagbalikan sa'yo. Para saan?" Nakatitig lang ako sa kanya na parang pagod na kong magpaliwanag. "Para ikaw naman ang mag-reject sa kanya."

Napahampas ako sa table ko na nakapagpatayo sa kanya.

"Jas," mapaglaro ang boses nito. Hinila niya ang upuan ko palapit sa kanya. "Wait for the funny part."

"Nang magkita na kayo, kinuha lang niya ang mga tsinelas niya na naiwan sa apartment mo at umalis na." Nakahawak ito sa bibig niya at umiwas ng tingin sa akin. "It's not really funny. You assuming he wants you back. Not funny."

"Don't you dare, Yawe." Tiningnan ko itong masama kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Narinig ko na naman ang mapang-insultong tawa nito.

"I'm trying but it's hard!"

Nahinto kaming dalawa sa pag-aaway nang marinig namin ang doorbell.

"Talk to you later, Epic Ex." Kumindat pa ito bago pumasok sa opisina niya.

"Shut up!"

Tumayo ako sa upuan ko at dali-daling binuksan ang pintuan.

Nakangiti si Axel nang buksan ko ang pinto. Nakaipit ang mahaba nitong buhok. He looks really nice.

"Hi, Jasmin!" Tumango ako. Tatanungin ko sana kung siya lang bang mag-isa nang biglang lumabas si Aeron sa sasakyan na nasa harap ng clinic.

Gumilid ako para makapasok silang dalawa. Wala man lang reaksyon na ipinakita si Aeron.

Umupo sa sofa si Axel samantalang nakasandal lang si Aeron sa pader malapit sa sofa. Nakapamulsa ang kanang kamay habang ang isa naman ay nakapirmi lang sa gilid niya.

He is perfection. Ang buhok niya ay magulo na maayos. Hindi ko alam kung may ganoon bang style pero ganoon talaga ang masasabi mo sa buhok niya. Para itong inayos para lang gumulo. Anyway, it suits him.

"Aren't you happy to see me?" Nginitian ko ito pero tumingin lang siya sa akin at wala man lang binigay na reaksyon. Tumingin ako kay Axel na naka-thumbs down.

"Bad day." He mouthed. Tumango na lang ako.

Kinuha ko ang mga papel sa drawer ko at inabot kay Axel. Pinasagutan ko sa kaniya ang mga nakalagay doon at hiningi ang mga papeles galing sa dating doctor ng kapatid niya.

Buong oras na nagsusulat si Axel, nakatitig lang si Aeron sa harap. Hindi naman nakakunot ang noo niya. Siguro'y may iniisip lang ito.

"All done, Jas." Kinuha ko na ang papel at pumunta sa loob ng opisina ni Yawe. Seryoso na ang mukha nito habang nakasandal sa upuan niya. The doctor is back. Mabuti naman.

Inabot ko sa kanya ang basic info at mga papeles mula sa mga dating naging doctor ni Aeron. Pinasadahan niya ito ng tingin.

"Doc, siya 'yung sinasabi ko sa'yo." Nakatingin pa din ito sa papel habang tinatapik ng kabilang kamay niya ang table.

"Mukhang komplikado ang lalaking ito. Pati kay Dr. Pascual ay nanggaling na siya pero walang progress." Sinilip ko ang hawak niyang papel. Dr. Pascual is one of the famous psychologist here in Bataan. Naging instructor ko pa ito kaya naman alam ko kung gaano ito kagaling.

Ipinatawag na ni Yawe ang dalawa para pumasok sa opisina niya.

Hindi ako mapakali sa labas ng opisina.  Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. Nakasandal ako sa upuan ko at nakatingin sa pintuan ng opisina ni Yawe. Kahit kaunting kaluskos ay wala akong marinig mula sa loob. Dati naman ay wala akong issue sa pagiging soundproof ng opisina ni Yawe pero ngayon hinihiling ko na sana hindi na lang niya ginawang soundproof ito.

Napatayo ako sa upuan ko nang lumabas si Aeron sa opisina at nagtuloy-tuloy lumabas ng clinic.

"Aeron, come back here!" Tumingin ako sa loob ng opisina at nakita si Axel na nakatayo at namumula. Nang tingnan ko si Yawe, umiling lang ito sa akin.

"Susundan ko siya." Tumango si Axel sa akin at mahinang nagpasalamat.

Lumabas ako ng clinic at agad kong nakita si Aeron na naglalakad papunta sa kotse nila. Nang mapansin niya na sinusundan ko siya, binilisan niya ang paglalakad at binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Wait, Aeron," nilagay ko ang kamay ko sa pintuan para hindi ito tuluyan mabuksan. Mabilis naman itong binitawan ni Aeron at umatras. Hindi ko naman siya nahawakan pero hindi niya pa rin nagustuhan na malapit ako sa kanya. Matalim ang tingin niya sa akin.

"Aeron," ngumiti ako bilang pagpapakalma sana sa kanya pero lalo lang sumama ang tingin nito. Humakbang ako palapit kay Aeron pero dinoblehan lang niya ang pag-atras kaya naman nanatili na lang ako sa kinalulugaran ko, "Doctor Santiago can help you. I assure you that you can trust him."

"I don't need him."

Nakatingin si Aeron sa mga paa ko. Siguro'y iniisip niya na lalapitan ko siya. Napabuntong-hininga ako. Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya, ibinaling niya ang mga mata niya sa gilid ko para maiwasan ang mga mata ko. Humakbang ako sa gilid at pilit na hinuhuli ang mga mata niya. Ganoon ang paulit-ulit na ginawa naming dalawa hanggang sa napagod na siya at iritadong tumingin sa akin.

"Can you just get the fuck out of my sight?"

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. Walang mangyayari kung bawat sasabihin niya ay may sasabihin din ako. Lalo lang siyang magagalit sa akin.

"Go find someone else to piss off because I don't need another person to piss the hell out of me!"

"Aeron, I'm here to help." Humakbang ako palapit sa kanya. Nakatingin lang ito sa mga mata ko habang nakakunot ang noo. Siguro'y hindi niya napansin ang paghakbang ko kaya hindi niya nagawang lumayo.

Noong una ay inis ang nakikita ko sa mukha ni Aeron hanggang sa nawala ang pagkakunot ng noo niya at napailing ito sa akin. Paulit-ulit itong umiiling habang nakangisi.

"Do you think you can help me?" Tumingin ito sa gilid niya at patuloy na ngumingisi na parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari. "Do you think that I'll change just by visiting here?"

"I don't think we can help you," tumingin muli ito sa akin, "if you keep yourself from any change."

Siya lang naman talaga ang tanging dahilan kung bakit hindi siya nagbabago. Hindi niya hinahayaang tulungan siya ng iba. Kung hindi ko siya pipilitin, lalo lang niyang iisipin na hindi niya kayang magbago.

Dahil dito, nakaisip ako ng ideya. Umayos ako ng tayo at ngumiti sa kanya. Napansin niya siguro ang pag-iba ng ekspresyon ko kaya napakunot na naman ang noo nito at umatras.

"I will make sure na ako ang makakatulong sa'yo balang araw," ngumiti ako sa kanya na mas lalong nagbigay ng kaguluhan sa kanya,"at kapag nangyari iyon, hinding-hindi ka na makakatakas sa akin."

"Stop your nonsense!" Lumapit muli ito sa sasakyan niya. Dahil doon, nakapwesto na siya sa likod ko. "No one's buying your bullshit."

"I'll help you, Aeron!" Nakita ko ang pag-iba sa awra niya. Nawala na ang pagkunot ng noo niya. Alam kong nararamdaman niya ang pagiging pursigido kong mapabago siya dahil hindi na ulit ito nagsalita pa.

Agad itong pumasok sa sasakyan at hindi man lang ito lumingon sa akin bago isarado ang pintuan.

Umatras ako dahil mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Hindi ko na siya pinigilan pang umalis dahil alam kong nasabi ko na din naman ang mga dapat kong sabihin.

I just need to pass this exam and I'm good to go. Just wait, Mr. Davin.

A year later

Kontento akong napangiti habang pinagmamasdan ang kabuuan ng clinic. Hindi ito ganoon kalaki pero sakto lang ito sa panlasa ko. My mom sure knows what I want.

"Doctor Andrada." Nakapagdala ng kakaibang galak sa akin ang simpleng pagsabi ko ng pangalan ko.

"Oh no," napatingin ako sa gilid ko at lumawak ang ngiti ko, "kailangan ko na bang pagalingin ang bagong doktor na ito? Mukhang kinakausap na niya ang sarili niya."

"Augustus!" Tumakbo ako at niyakap ito. Ginantihan din naman niya ang pagyakap ko. Halos mabuhat pa ako nito sa sobrang higpit ng yakap niya. Ang alam ko, noong isang buwan pa dumating ito galing sa medical mission. Ngayon ko lang siya nakita dahil sa pagiging busy ko sa pagkuha ng lisensya ko.

"Partida," sumulpot si Yawe sa likod ni Augustus. Matangkad si August kaya naman hindi ko agad napansin na nasa likod niya si Yawe,"ako ang dating boss at may dalang wine pero wala akong yakap?"

Tinapat niya pa sa akin ang wine habang nakasimangot pa ito. Kumalas ako sa pagyayakap namin ni Augustus.

"Yakapin mo na nga, Jas, baka umiyak pa." Tumawa ako saglit at niyakap na din si Yawe. God, I missed my boys.

"Let's go?" Tumango ako at naglakad na kami papunta sa sasakyan nila na naka-park sa clinic ni Yawe. Walking distance lang ang mga clinic nila kaya naman hindi ko na dinala pa ang sasakyan ko. Babalikan ko na lang siguro ito mamaya pagkatapos ng dinner namin. Gusto kasi ni August na sama-sama muna kami sa sasakyan para makapag-bonding.

Nagkwentuhan kami habang naglalakad. Nalaman ko na sa ilang buwan kong pag-rereview para sa exam, marami na rin ang nangyari. May girlfriend na si Augustus. Ang kwento pa ni Yawe ay maliit daw ang girlfriend nito na siya namang nakatanggap ng sipa mula kay Augustus. Nalaman ko ring nagkabati na din si Yawe at ang tatay niya na ilang taon na niyang hindi nakakausap. I'm ecstatic to find out about these good things.

"Congratulations, Doc!" Napatakip ako ng bibig ko. Akala ko ay kakain lang kami sa isang restaurant pero hindi ko inakalang mag-aabala pa sila na ipaghanda ako.

May mga balloon sa sahig ng clinic ni Yawe. Nakadikit ang mga picture naming tatlo sa wall at sa taas ng table ko dati noong assistant pa ko ni Yawe ay may nakasabit na tarpaulin na may nakalagay na "Change their ways, Dra. Andrada!"

"Hey," nilapitan ako ni Augustus at inakbayan, "don't cry, newbie."

Agad kong pinunasan ang mukha ko. Hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako. Niyakap ko sila ulit at nagpasalamat.

"Come on, let's eat. I got hungry from all these things!" Nilapag ni Yawe ang container na nasa couch kanina. Nilabas niya ang mga tupperware.

"He did almost all of these just for you." Lumapad ulit ang ngiti ko. Mabilis akong lumapit kay Yawe at pinaghahalikan siya sa pisngi. Agad naman itong lumayo sa akin at nagtago sa likod ni August.

Hindi talaga gusto ni Yawe na hinahalikan siya. Kahit noong nasa kolehiyo pa kami ay palagi ko siyang napipikon dahil palagi ko siyang hinahalikan sa pisngi.

"God, Jasmin!" Umuusog si August kaya nasisilip ko si Yawe. Hinampas niya si August kaya humagalpak ng tawa ito.

"Oh please, Yawe," lumapit si August sa table at binuksan ang mga tupperware. Iba't ibang ulam ang laman ng mga tupperware. Lahat ay mga paborito kong pagkain. For sure, ang mommy ni August ang nagluto ng mga ito, "pagbigyan mo na si Jasmin."

Lumapit si Yawe sa table pero patingin-tingin ito sa akin na akala mo'y mapapaso kapag nilapitan ko. Kunwari akong sumimangot habang umuupo sa table.

"Fine, fine," lumapit sa akin si Yawe at tinapat sa akin ang pisngi niya, "just one kiss, Jas, that's what I can afford to give."

Hindi ko sinunod ang sinabi nito. Niyakap ko siya sa may leeg at pinaulanan ito ng halik sa pisngi. Hindi na rin naman ito pumalag pa pero pinisil niya ang tagiliran ko kaya natigilan ako.

"To you, Dra. Andrada." Tinaas ni Augustus ang hawak nitong plastic cup na may wine. Huminto kami ni Yawe sa pagkukulitan.

Tumayo ako at kumuha din ng plastic cup na may wine sa table. Ganoon din ang ginawa ni Yawe.

"To you, my idiots." Tinaas din ni Yawe ang plastic cup niya.

Napangiti ako. Thank you, Lord. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para biyayaan niyo ako ng ganitong mga kaibigan.

"To us, doctors."

I'm loving my life and how it works. I have two great friends and a lifetime job (hopefully).

Hindi ako nagkamali na piliin sila bilang mga kaibigan ko.

D'yan natapos ang gabi ko. Kwentuhan at tawanan. Sobrang saya ko dahil ngayong gabing ito ay maraming nangyari. Dumating ang mga magulang  Natapos na ang clinic ko at sinurpresa ako ng mga kaibigan ko. Talaga naman napakaperpekto ng gabing ito.

Or so I thought.

Habang nagda-drive ako pauwi sa apartment ko, may nakita akong lalaki sa gilid ng daan na pagewang-gewang kung maglakad.

Iginilid ko ng kaunti ang sasakyan ko at ibinaba ang bintana para makita ang lalaking naglalakad. Medyo binilisan ko ang pagmaneho para nasa harap niya ako.

Naka-hoodie ito kaya naman hindi ko maaninagan ang mukha niya at madilim pa dito sa nilalakaran niya.

Alam ko delikado ang buksan ko ang bintana dahil baka mamaya ay pakana lang pala ito ng mga nagnanakaw o kaya ay nang-ki-kidnap pero hindi ko naman ito pwedeng ipagsawalang-bahala. Ayoko namang mabalitaan ko na lang na may lalaking nahagip ng sasakyan dito. Makokonsensya ako 'pag nagkataon. Siguro'y agad ko na lang isasarado ang bintana kapag nararamdaman kong may gagawin itong masama.

Huminto ang lalaki kaya napahinto din ako. Umupo ito at sumandal sa poste. Nakatingala ang ulo nito na sumakto sa liwanag ng ilaw kaya naman nakita ko ang mukha nito.

Napasinghap ako nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking nakaupo. Dali-dali akong bumaba at nilapitan ito.

Pagkalapit ko palang sa kanya, napatakip na ko ng ilong dahil sa amoy ng alak. Nakapikit ito kaya siguro hindi pa niya nagagawang lumayo sa akin.

Wala naman masyadong nagbago kay Aeron maliban sa mas magulo niyang buhok na sigurado akong dahil sa paglalasing niya iyon. Lalong nagbigay sa kanya ng bad boy look ang buhok niya ngayon. Napunta ang tingin ko sa labi niya na may punit sa gilid. Siguro'y napaaway ito.

This should stop. He should stop.

"Hey," sumalampak na din ako sa harap niya. Sinigurado kong may tamang distansya sa amin dalawa para hindi siya mag-panic kapag nakita niyang ako ang nagsasalita, "you okay?" Dumb question.

Binuksan niya ang mga mata niya at saglit na tiningnan ako. Napasimangot ito at pumikit ulit.

"Never been."

"Of course."

Umusog ito pero nakasandal pa din siya sa poste. Sa gilid na siya ng poste naka-pwesto kaya naman ginaya ko na lang siya at sumandal din sa kabilang banda ng poste kaya naman magkatalikuran kami ngayon.

"Don't worry, I mean no harm. I'll just sit here with you."

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin na humampas sa pisngi ko.

"Girls suck." Sambit nito.

"I know," pagsang-ayon ko,"boys too. I mean, we're not perfect."

"I hate them." May pait kang maririnig sa pagsabi niya nito.

"Well, me too," mahina kong pagtugon, "sometimes."

Hindi na muli itong nagsalita. Rinig ko ang malalalim nitong paghinga.

Pinulot ko ang bato na nasa may paa ko at pinaglaruan ito.

"Just so you know," pagsira ko sa katahimikan naming dalawa, "I can help you now."

"You're still acting like you care." May talim sa boses nito.

"I do, Aeron."

"For how long?" Tumahimik ako. Alam ko na kahit anong idepensa ko sa sarili ko ay hindi din niya paniniwalaan. Masyadong sarado ang isip niya.

"Do you still remember what I said before?" Hindi ito sumagot kaya naman ako na ang nagsalita,"it is something like, hindi ka na makakatakas sa akin kapag naging doctor na ko."

"You're persistent, woman."

"And you're stubborn, mister."

Tumayo na ako at pinagpag ang suot kong pantalon. Naglakad ako at huminto sa harap niya.

"Yes or yes?" Tumingin lang ito sa akin ng ilang segundo bago nagpasyang tumayo. Naglakad ito at mukhang balak niyang iwan talaga ako dito.

"Aeron," naglakad na din ako para sundan siya. Muntik na itong masubsob at muntik ko na din siyang mahawakan at muntik ko nang ipahamak ang sarili ko kung nagkataon na hinawakan ko siya, "get in my car. Ihahatid na kita."

"No" pagewang-gewang ulit itong naglakad.

"Oh please," huminto na ako sa pagsunod sa kanya, "if you don't get yourself in the car, I'll make sure I'll do it myself and you won't like that, will you?"

Huminto ito sa paglalakad at humarap sa kinalulugaran ko. Tiningnan niya kong masama. I folded my arms and eyed him with the same intensity he's giving me.

"Fuck you."

"Oh, I know you wouldn't dare to." Kinindatan ko ito at naglakad na ako pabalik sa sasakyan ko. Nang tingnan ko ulit siya, nakasimangot na ito at masama pa din ang tingin sa akin.

Pumasok na din naman siya sa sasakyan. Sa likod siya pumwesto. Of course.

Buong byahe ay hindi ito nagsasalita. Nakatingin lang ito sa bintana habang nakasalampak sa tenga niya ang earphones nito.

"Would you look at that," napangisi ako nang huminto siya sa pintuan ng tinitirhan niya, "you are so ready with our session that you choose to live beside me. How sweet."

"Shut up," inirapan ako nito at binuksan ang pintuan, "blame my damn brother." At pinagsaraduhan na naman ako ng pintuan.

Napangiti ako. Dalawang linggo na akong nakabalik dito sa apartment ko pero ngayon ko lang nalaman na may kapitbahay na pala ako. To think na si Aeron pa.

"Hey, neighbor," pagsigaw ko, "can't wait to be friends with you!"

"Shut up!" Sigaw nito. Lalong lumapad ang ngiti ko.

This will be fun.

***

Tweet our official hashtag and I'll retweet it!

#llwletme

Continue Reading

You'll Also Like

176K 5.7K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
1.5M 34.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
3.3M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...