i. Jasmin and The Trouble

574 22 6
                                    

I am single for about 37 minutes. How?

Rex broke up with me carrying a stupid reason with him.

"I don't deserve you, Jasmin. You're too good for me."

Boys, boys, boys. Hindi na ba talaga siya makaisip ng mas magandang rason kung bakit gusto niyang makipaghiwalay?

I'm not a fan of you deserve someone better kind of break up.

Kung mahal mo ko, dapat gawin mo ang lahat para maging deserve mo ko. Kaya nga nanliligaw muna ang mga lalaki 'di ba? 'Yun ang paraan nila para masabing karapat-dapat sila. Kaya nga sinagot sila ng mga babae ay dahil gusto sila.

Nagiging dahilan na lang iyon ng ibang tao para makaiwas sila sa totoong rason kung bakit ka nila iiwanan. Ang totoo lang naman talaga ay ayaw na nilang mahalin ka. Hindi na nila kayang mag-effort para sa'yo. Sawa na sila. Inuulit ko, sawa na sila.

Tiningnan ko ang kamay kong namumula pa din hanggang ngayon dahil sa sampal na iniwan ko sa kanya. Sampal at isang ngiti ang naging ganti ko sa pakikipaghiwalay niya sa akin.

Siguro dapat umiiyak ako ngayon at dapat tinatanong ko na ang sarili ko kung bakit iniwan niya ko o kung anong mali sa akin.

Well, thank God iniwan na niya ko. And I'm very much aware that I'm not at fault. The only thing that I felt when he left me was relief.

Alam ko namang hindi na talaga kami magtatagal. Ilang linggo ko na siyang napapansin na walang gana kapag nagkikita kami. Hindi na rin siya katulad ng dati na palaging nagkukwento o kaya'y nag-te-text.

Hindi ako umalis. Hindi ako ang nakipag-break. Bakit? Dahil ayokong ako ang magsisi. Ayokong dumating ang araw na ako ang babalik.

Umupo ako sa ungos ng rooftop para mas lalong makita ang ganda ng Bataan tuwing gabi. Isa 'to sa mga dahilan kung bakit napili ko ang apartment na ito. Mayroon itong malawak at preskong rooftop. Kapag nasa rooftop ka, napapakita nito ang ganda ng probinsya lalo na kapag gabi. Napapalibutan ang mga daan ng iba't ibang ilaw na naging paborito kong tingnan tuwing gabi. Maliban doon, malaki din ang apartment. May dalawang kwarto at maliit na balkonahe. Hindi ako nagkamali na dito ako manirahan at mag-aral.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang maramdaman ang hangin na humahampas sa mukha ko.

Walong taon. Walong taon lang naman ang itinagal namin. Inabot siya ng walong taon bago niya napagtanto na hindi niya ko deserve.

"No...please." marahas kong naimulat ang mga mata ko at hinanap agad kung saan nanggagaling ang boses.

Don't tell me that someone is making out here?

Lalaki 'yun ah. Girl, you did a great job. Napasaya mo ang boyfriend mo. Huh.

"No!" nagulat ako sa pagsigaw nito. Mabuti na lang at nakahawak ako sa poste na malapit sa inuupuan ko kung hindi baka nahulog na ko.

May bahid ng takot sa tono ng boses nito. I'm sure na hindi na ito katulad ng iniisip ko.

Napagpasyahan kong hanapin ang may-ari ng boses. Dahil madilim na rin dito, nahirapan akong hanapin siya.

"Ah!" Nagulat ako nang gumalaw ang inaapakan ko. Hindi ko namalayan na ang hinahanap ko ay naaapakan ko na pala.

"Sorry, ayos ka lang ba?" Napagpasyahan kong buksan ang flashlight ng phone ko. Too late, Jasmin.

Nakita ko ang lalaking nakahiga sa tapat ng exit sign. Walang babae dito. Mali nga ang nasa isip ko.

Yakap niya ang mga tuhod niya at nanginginig siya. Tumatagaktak na din ang pawis nito.

Let Me Change YouWhere stories live. Discover now