May I? (A RICCI RIVERO FANFIC...

By Cevania

4.7K 74 4

It's been a week since Hera's school year ended. Hera and her company are having a good time wasting their mo... More

Chapter 2: The Camera Says "Smile"
Chapter 3: Your Gorgeous Tour Guide
Chapter 4: Two Voices, One Feeling
Chapter 5: 10 Years From Now
Chapter 6: Sleep Well, Dyosa
Chapter 7: Neither Johnny Depp nor Younger Leonardo DiCaprio
Chapter 8: Magic Karton
Chapter 9: Maybe It's Time
Chapter 10: A Hardcore Dosage of Headache
Chapter 11: Not a Piece of Cake
Chapter 12: Golden Necklace
Chapter 13: That Kiss
Chapter 14: Workmates

Chapter 1: First Meet?

935 9 1
By Cevania

"HERA? HERA?"

"HERAAAAAA!"

I managed to check my friends' message after I opened my eyes from a straight 10 hours of sleeping.

"What?" Matipid kong reply sa group chat namin na 24/7 na active at maingay.

And these people inside this gc are my intimate and closest friends and I love them so much.

"Ricci will be here in DAVAO!" Reply ni Miho.

"Omg! Really! Bakit naman daw? Pupuntahan na niya 'ko rito?!" Paga-assume pa ni Kourtney.

Oh, he was my crush until one day I just stopped crushing and fangirling on him. Nonsense, 'di ba?

"Talaga ba? Ano bang gagawin niya rito?" Reply ko.

"Drill daw. Sama ka?" It's Kourtney with her unsure feedback.

"Nah, busy ako."

"Goddess, kakatapos lang ng klase natin. Summer class ka ba? My gosh haha!" Pang-iinis ni Greta.

"Excuse me? May mas importante lang kasi akong gagawin ngayon." Kahit wala naman talaga akong gagawin.

Biglang sumulpot si Jax at nag reply. "Hmm. Sige, basta ininvite ka na namin ha."

"Chat u later guys. Bye."
Huminga ako nang malalim at sandaling humiga ulit.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang pagmumukha ni kuya Harvey.

"Huy, pangit. Kain na."

"Whoa, himala ha. Anong pinakain sa 'yo?" Wika ko habang nakatunganga lang sa kisame.

Eh kasi pinapabayaan niya lang ako rito at minsan lang siya matubuan ng pake.

"Kain na kasi-"

Nabigla ako nang hinila ni kuya ang isa kong paa mula sa kama.

"ANO BA?!!"

Kahit na anong pagpupumiglas ko ay hindi parin niya binitawan ang paa ko hanggang sa bumagsak ako sa carpet.

"OO NA! KAKAIN NA 'KO! BWISIT KA AT YUNG GIRLFRIEND MONG MUKHANG-"

"MUKHANG TIKBALANG." Kuya continued, sabay tawa namin nang malakas.

"Eh parang 'di mo naman love 'yang tikbalang na iyan eh. Pera lang ata-"

Binuksan niya ang pintuan para sa akin at biglang nagseryoso.

"Liligawan ko ba siya kung 'di ko siya mahal? And FYI lang ha, hindi naman siya ganon. Lakas mo nga maka demand sa babes ko."

"Sabagay, mabait naman siya. Ah, kuya pakisabi sa kanya tungkol sa nirequest kong treat, hinihintay ko na."

"Ano nga ba 'yon? 3in1 na kape?" Sabay tawa niya.

Pero ang korni naman

"Tanga! Choco moist cake 'yon! Dalawang layers. Dapat yung masarap."

"Ako nalang kaya bibili niyan. Baka mahirapan pa girlfriend ko dahil SAYO."

"Nooooo! Gusto ko siya ang bumili. Gusto ko galing sa puso ng pinakamamahal kong future SISTER-IN-LAW."

"Alright spoiled ugly brat."

Oh, my parents are not around, as usual. Wala rin si yaya, so si kuya pala ang nagluto for us.
He made pancakes filled with butter and maple syrup, omelette and a hot coffee of course.

I'm Hera Zalerio, 18 and this is my ugly brother Harvey, 21. Actually, may kuya pa kami but he died from an accident last month. Now, I am missing Harrison so much.

Grabe, parang kahapon lang na masaya pa kami ni Kuya Harry eh.

Siya ang tagahatid sa 'kin kahit na pinapagalitan ako ni kuyang Harvey bakulaw kasi raw matanda na ako partida, sa skype niya 'yan sinasabi ha.

He loved and protected me since I was born. Charot

"Ba't ka nakatunganga? Hindi ba masarap luto ko?"

"Oo, hindi masarap. Pero salamat sa effort, ha." I lied.

"Sige kain ka lang. Jog muna 'ko ha." While he's lacing up his shoes.

"Sure."

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik agad si kuya.

"You called that an exercise?" Pagtataas ko ng kilay kay kuya.

"Nandito friends mo oh."

"Hi Goddess! Ba't nakapambahay ka pa?" Wika ni Greta sabay slice sa pagkain ko.

Sinulyapan ko ang kuya ko pero nakalabas na pala siya.

"I told you guys, I'm not going."

"Sige naaaa please?" Whoa, Jax? Begging?

"Anong nakain mo Jax?" It's Kourtney while opening a book from my mom's shelf.

"I ate my boyfriend last night pero.. obviously nagjo-joke lang ako."

"Wait, ba't niyo ba ako pinipilit?" Pagmamatigas ko.

"Guys, kahit crush ko siya dati 'di niyo na ako mapipilit." I continued.

"Ano ka ba! Naka move on na rin kami no? Pupunta rin naman kasi si Jarred."

Si Jarred, ex ni Rina. Niloko kasi ni Jarred ang tropa ko and now he's hooking up with some hoe but why am I giving a thing?

"How'd you know?"

"I have sources."

"Ang gwapo talaga ng kuya mo Rah, parang gusto ko nang tumira dito forever."

Hays, here's Greta na patay na patay sa kuya ko na halos araw-araw na nagpapapansin sa kuya kong bakulaw.

"Ew!"

"You should prepare na."

"Daliiii baka 'di na tayo makaabot kay Ricci mahal ko."

Si Kourtney, ang pinaka baliw pagdating sa mga boys. Yup, she's crazy for Ricci.

"Okay, I'll be back." Paalam ko sa kanila.

After kong naligo at nagtoothbrush, nakatunganga na ako sa harap ng nakabukas kong cabinet.

Simpleng shirt, jeans at sneakers lang muna, wala naman akong pinapa impress eh. Charot

"Let's go." Didiretso na sana ako palabas ngunit may humila sa buhok ko.

"Uy ano 'yan?!" Si Greta na taga reklamo sa mga sinusuot ko.

"What?"

"Wala ka na bang ibang maayos na damit diyan?"

"It's literally fine Greta."

"Hindi eh."

Hindi na ako makatanggi and now I am wearing lacy top, highwaisted tattered jeans and white sneakers.

Kourtney and Miho arranged my hair. Greta was about to apply some hard lipcream but thankfully I stopped her.

"Lip tint lang, we're not attending some ball, right?"

"Ready na tayo. Let's g-"

"Hep! 'San kayo pupunta?" Si kuya na nakaabang sa may hagdanan.

"Obvious naman kuya Harvs na mag ma-mall kami diba?" Excuse ni Jax.

"Saang mall? Hatid ko na kayo."

Nagtinginan kaming magbabarkada habang si kuya ay bumaba na upang mai ready na ang sasakyan.

"Ano na?"

"Magpahatid na lang kaya tayo sa mismong pupuntahan natin? And, stop lying, he's Patrick Jane." I said.

"Hindi naman masama ang gagawin natin ah. We're just gonna check our 'friend'."

"Guys, kuya's not an idiot okay? And no biggie, we're just gonna watch some guys practicing and done."

"Nananaginip ba ako? Kasi sasakay ako sa sasakyan ng mapapangasawa ko." Wika ni Greta na halatang naeexcite na.

Sa landi nitong si Greta ay umupo siya sa front seat at kami naman sa likod.

We told him the place and here's me, praying that he won't make a violent reaction.

After a few seconds..

"I chi-cheer niyo ba mga syota niyo 'don?" Tanong ni kuya.

"Uh, no kuya Harvs. Si Kourtney kasi may crush na taga Manila and now she's grabbing the chance, you know."

Jax is a good speaker.

"Okay, basta crush lang ha. Walang bf-bf."

Nagtinginan kami magkakaibigan except for Greta na kinikilig sa harapan.

"Wow kuya, hiyang hiya naman ako sa mga naging girlfriends mo ha?"

Kuya chuckled and said "Sa dami na ng naging syota ko, si Verna lang ang minahal ko."

Humiyaw ang mga kaibigan ko at binalot na ng kadiliman ang sasakyan sa ingay nila Kourtney.

"May pusong mamon pala 'tong si Kuya Harvey ah, diba Greta, na nasa harapan?"

Nag-ingay muli sina Jax at Rina.

"Huy, huwag nga kayong maingay." Pagsaway pa ni Greta kahit na halatang halos mamamatay na siya sa kilig.

"Kuya Harvs may gf na kayo? Sino si Verna?" Si Jax at ang makapal niyang labi at mukha.

"Yup." Tipid nitong sagot.

"Ano po surname niya?" Sabay na nagtanong sina Rina at Miho.

"Baka kulamin kayo kapag binulabog niyo."

"Curious lang naman kami kuya Harvs."

"Secret." Sagot nito..

"Eeeeeh!!! Sige naaaaa. May mamamatay sa curiosity dito."

Oo, his girl's name is Verna Secret. Parang baliw no?

"Ano ngaaaaa?"

"Sinabi ko na sayo." His serious slash joking face really annoys me.

Ayaw talagang maniwala ng mga gagang 'to.

After few minutes of chikahan..

"Nandito na tayo."

He stopped the car right in front of the said school. Bumaba na kami, nagpasalamat at nagpaalam sa kanya.

"K bye." Tipid kong paalam at nagsimula nang maglakad.

"Huy spoiled brat."

"What?!"

"Here. Mabuti nalang may nakaipit pa sa boxers ko." He gave me crumpled 1 thousand bill.

"Uh, no thank you. Kadiri ka."

"Joke lang! Eto na baon mo spoiled brat."

"May pera ako pero thanks ha." I grabbed the money.

"Bye kuya and stop calling me spoiled brat because you're the one who's spoiling me. Ingat ka."

"K bye ugly kid." And he drove his ass away.

Bwisit na mga babaeng iyon iniwan ako. Hindi ko pa naman kabisado 'tong university na 'to.

I entered the place after showing my I.D. at oo may tao pero not that crowded.

"Excuse me, 'san dito ang gym?" Tanong ko sa isang babae na nakasuot ng damit na hindi pasa sa dress code ng paaralan, ba't ba siya nakalusot? Well, I don't care and yes, I saw the chart awhile ago.

"Right there." She smiled at me after pointing the way to my destination.

"Thanks."

Ilang minuto na akong palakad-lakad dito pero wala paring gym na nagpapakita.

I hate scammers and slut-looking people, joke.

Ang tanga ko naman, sana nagtanong na lang ako sa guard.

Medyo wala nang tao sa lugar na 'to and all I can see are empty classrooms and labs. Naglakad pa ako hanggang sa may narinig na akong ingay at sa pagmamadali ko ay may nabangga ako.

He was about to contact someone until I bumped myself into him at biglang nag blangko ang paningin ko after that incident.

"Ow, sh-!"

Leche ba't ba kasi ang tanga ko.

"Are you okay, miss?"

"Miss?"

My eyes are seeing his blurry figure and I'm trying to figure out something.

Who's this guy?

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
18.8K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
81.5K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...