Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 8

9.1K 465 119
By peachxvision

Kakabigay lang ng results ng periodical exam. At dahil normal akong tao, may mga pinasa ako at may nabagsak. Isa lang naman nabagsak ko, values ed pa. Eh paano, di naman ako nagreview non kasi akala ko multiple choice. Nanlaki na lang mata ko nang nakita kong may identification at enumeration.

"Hello, bat kasi maglalagay ng identification at enumeration dito?" Nagrereklamo ako kay Theo habang tinatago yung mga exam ko. "Paano mamumuo yung higher order thinking skills natin kung puro ganito lang."

"Thinking nga wala ako eh. Higher order thinking skills pa kaya?"

Nagtawanan kaming dalawa. Siya, Physics, Calculus, at Social Studies binagsak niya. Eh at least siya nakapasa ng val ed. Nag-aral daw kasi siya. Nang-asar pa eh.

"Alam mo ba kung anong kulay ng buhay?" Bigla niyang tinanong habang nag-aayos ako ng gamit.

"Ano?"

"Fuchsia."

"Sige nga, spell!"

"Malutong na F-U-C-H-S-I-A. Fuchsiang buhay to."

"Sus, okay lang 'yan. At least fuchsia. Mas malala kapag red siguro ang buhay."

"Ikaw, kulay red."

Napatigil ako, "ha?"

"Di ba nangyari sayo yung nag-a-assign ka ng kulay sa mga tao?"

"Di pa naman. Sige, si Sean?"

"Green."

"Baste?"

"Green din."

"Paul?"

"Yellow."

"Hala, bat ganon?"

"Ewan ko. Hindi nga lang sa kulay eh. Pati sa hayop."

"Ano ako?"

Lumayo siya nang onti, "Hmm... Aso."

"Nye, ang generic naman. Curious ako kung bakit pula. Ano meaning ng mga kulay sa'yo?"

Kahit ang gusto ko lang naman marinig ay red is the color of love kaya mahal na niya ako. HAHA. Utang na loob—kinikilabutan ako sa mga pinag-iiisip ko.

"Ewan, di ko din alam eh. Basta parang may kulay na automatic na lumalabas."

"Walang explanation?"

"Wala."

"Meron yan. Di mo lang ma-explain."

"Pero alam kong masarap mahalin mga red eh."

Ayan nanaman siya. Gantihan ba ng banat ang gusto nito? "O, eh di masarap pala ako mahalin?"

Ngayon ko lang nagagamit yung Newton's third law of motion: for every action, there is an equal and opposite reaction...pero sa pag-ibig. Chos.

"Nararamdaman mo ba?"

Mali, dapat pala ang tanong ko, eh bakit di mo gawin?

Binato ko siya ng papel bago pa man ako kiligin, "maghanap ka nga ng kausap mo. Pinagprapraktisan mo nanaman ako eh."

"Pwede ba yon? Yung pinagprapraktisan yung talagang aapplyan?"

"Bwisit ka talaga." Di ko mapigilan yung ngiti ko, at nakikita ko rin naman na nakangiti din siya kaya mas lalong utang-na-loob-what-good-have-I-done-to-deserve-this-blessing yung feeling."Ikaw feeling ko... Black ka."

"Bakit?"

"Wala lang. Parang bagay sa'yo."

"Black yung mga di ko masyado gustong kasama."

"Eh malas mo, black yung mga gusto kong kasama."

Teka.

TEKA.

Nadulas ba ako na gusto ko siyang kasama?!

Ngumiti lang siya.

"Wag kang racist."

Ay pizza and potatoes. Ngayon pa siya nag manhid-manhidan kung kailan direkta yung pagkasabi ko.

Tinuloy ko lang yung pag-aayos ng gamit at hinayaan siya.

Nagsabi siya na hindi kami magsasabay sa uwian dahil magkikita-kita daw sila ng dati niyang mga kaklase, yung one batch before kami. Okay lang naman since nagpasama si Allen at Eli bumili ng mga cartolina para sa group activity namin bukas.

"Bakit kailangan kasama pa ako?" Napairap ako since mamamatay na ako sa mga antic sa sobrang tamis nila. "Ano ako dito, chaperon?"

"Pagbigyan mo na kami," sabi ni Eli habang hawak yung kamay ni Allen. "Alam mo naman yung issue."

"Eh bat niyo ko dinadamay? Nako, ewan ko sa inyo."

"Bago kami mag explain, i-explain mo muna kung ano yung kalandian niyo ni Theo kanina."

"Gags naman to maka word na 'kalandian' ano."

"Eh totoo naman."

"Sure ka bang wala kayong thing ni Theo?" Tanong ni Allen. "Kasi sobrang mukhang kayo."

"Hindi nga."

"Wag ka na kasi mag deny," sabi ni Eli na may tonong nang-aasar pa.

"Eh buti sana kung may idedeny ako kaso wala."

"Kung hindi yan landian, hindi ko na alam kung ano."

"Wala kang balak aminin or something?" Nakakatuwa yung mga tanong ni Allen. Pang showbiz.

"Wala naman akong aaminin. Isa pa, bakit ako yung unang aamin? Ayoko. Baka mamaya landian lang pala talaga 'to tapos masyado kong binibigyan ng meaning di'ba? Ayoko ng one-sided love."

"Paano magiging two-sided kung di mo aaminin?"

"Magiging two-sided kung aamin siya."

"Paano kung 'yan din yung iniisip niya?"

"Paano kung hindi?"

"Ang galing ng baby ko," kinurot ni Eli yung pisngi ni Allen tapos hinigpitan niya yung paghawak ng kamay niya. "Galing ng mga tanong mo. Sakto lang talaga na Psych ka eh."

At dahil natatakot ako sa mga kung ano pang itanong ni Allen, iniba ko na yung topic, "Psych yung course na kinuha mo?"

End of conversation tungkol kay Theo.

Kung yung mga kaibigan ko worried sa love life ko, eh ano pa kaya ako? Siyempre iniisip ko din kung aamin ba ako na crush ko siya, pero paano kung biglang one-sided nga? Paano kung masyado kong dinadamdam yung mga salita niya tapos trip lang pala niya talaga akong sabihan ng mga ganong salita di ba?

Ayokong mag "level-up" katulad ng sinasabi nila kung alam kong may dead end bigla. Gusto ko sana, sigurado.

Pagkatapos namin bumili ng cartolina at mga marker pens, kumain kami ng kwek kwek saglit tapos naghiwa-hiwalay na kami. Pagkatalikod ko, itong 20-20 vision ko para kay Theo (na 50-75 sa totoong buhay pero dahil si Theo ang pinag-uusapan nagiging 20-20) biglang um-effect. Nakita ko siya sa may Ministop sa labas.

Pupunta na sana kaso...

Biglang may lumabas na babae.

Ah. Siya pala si "Bea." Familiar nga yung mukha niya.

Gusto kong tingnan kung maghoholding hands ba sila, pero hindi naman. Hinawakan lang ni Theo yung likod niya para siguro i-guide.

Tumalikod ako at sumakay ng tricycle.

Napatanong ako. Si Bea kaya, anong kulay niya? Red din kaya?

Kumikirot.

Sana kanina pa ako umuwi.

Pagkauwi ko nagka-urge ako na magbihis ng pang-exercise at i-on yung player kung saan nakalagay yung pang zumba ni mama. Nagsasasayaw ako para lang di ko 'yon maisip. Nagulat nga si mama at papa pagdating kasi bigla daw ako nag exercise.

Natawa nga ako nang tinanong kung may boyfriend na daw ako. Luh, iyon agad? Di ba pwedeng gusto ko lang ng healthy living? Minsan nakakaloka din sina mama.

Ayoko mag-isip.

Ayoko mag-isip.

Ayoko mag-isip.

Pagkatapos ng trenta minutong pag-eehersisyo, tiningnan ko yung phone ko. Nagulat ako sa 37 missed calls at eight messages.

TORTA

Tapos na. Gawa mo? Online ka?

18:42

Oy

18:53

Sabi nina Eli kanina pa daw kayo naghiwalay eh.

18:56

Oy

18:57

OOOOOY

18:58

?

18:59

Natasha?

19:00

NAG-AALALA AKO BAKIT DI MO SINASAGOT YUNG CELLPHONE MO

19:23

Hindi ko alam kung bakit merong sweet sa gawain 'yon. Dahil ba tinext niya ako kaagad pagkatapos nung pinuntahan niya? Dahil binanggit niya yung pangalan ko? Dahil ba nag-aalala siya sa 'kin at kitang-kita naman 'yon sa 37 missed calls at all caps niyang text?

Napangiti ako.

Isang iglap, nawala na lahat ng iniisip ko.

Sa kalagitnaan ng mga iniisip ko, biglang nagring yung cellphone ko. Iniisip ko kung sasagutin ko ba. Wag muna siguro? Para mag-alala siya nang onti...

HALA. Munggo—munggo short for munggago short for mukhang gago—naman ako. Bakit ko siya pag-aalalahanin? Ano ako, pacute? pakipot? Natasha, umayos ka. Ano, nawala ka na sa sarili mo ngayon?

Sasagutin ko na sana pero biglang nawala.

Naghintay ako kasi akala ko tatawag siya ulit. Pero lumipas na yung ten minutes di pa siya tumatawag. Magsusulat na sana ako ng message nang nagring ulit yung cellphone ko.

This time, sinagot ko na.

"Hello?" Pabulong ko pa sinabi.

"Hello?! Oy, asan ka ba? Bakit di mo sinasagot yung—"

"Chill ka lang. Nasa bahay ako. Nagzumba."

"O?! Putek, akala ko kung ano na nangyari sa'yo eh nasa tapat na ako ng bahay niyo."

"Ha?! Anong ginagawa mo sa tapat ng bahay namin?!"

Sumilip ako sa bintana and lo and behold, andon si Theo.

Bumaba ako at sinabi kina mama na magpapaload lang ako. Pero alam naman ng langit at lupa at impyerno at purgatoryo kung saan ako pupunta.

"Bakit ka andito?! Andito na sina mama!" Hinila ko siya palayo sa bahay namin.

"Eh kasi bakit di mo sinasagot yung mga tawag?!"

"Nagzuzumba ako kanina!"

"Nagzuzumba?!"

"Di ba halata sa damit ko?!"

Doon ko lang narealize na hindi pa pala ako nagpapalit ng damit at mukha akong gura-guranit. Na baka ang baho ko at amoy pawis. Bigla akong nahiya para sa sarili ko, na hindi ako kasing ganda ng Bea na 'yon, at pawis-pawis ako na humarap sa kanya.

"Shemay—alis ka na nga," tinulak ko siya. Nakita ko siyang sumimangot.

"Pinapaalis mo na ako agad?"

Jahe, ang cute niya.

"Eh pawis ako oh!"

"Ano naman?"

"Parang ewan 'to. Anong ano naman?! Kakazumba ko nga lang!"

"Cute mo nga eh. Bakit ka nagzuzumba? Di ka naman mataba."

"Mataba agad pag nazuzumba?" Lumapit siya sa 'kin pero lumayo ako, "ano ba! Nananadya pa 'to eh."

"Bakit ba?"

"Basta! Tingnan mo nga itsura ko!"

"Anong meron?"

"Nagmamantika ako!"

"Mantika ka naman talaga eh."

"Naman eh!"

"Cute mo no," kukurutin niya sana yung pisngi ko pero hinampas ko.

"Sige na, alis ka na."

"Bakit ba? Kakakita ko lang sa'yo eh."

"Nagkita naman tayo kanina ah."

"Bakit nagzumba?"

"Sige na!" Tinutulak ko yung likod niya pero nagpapabigat siya. "Baka makita pa tayo nina mama eh!"

"Ano naman?"

"Anong ano naman?!"

"Eh bakit ka nga nag zumba?"

"Ang kulit mo!"

"Nagpapapayat ka ba?"

"Hindi nga!"

"Eh bakit?"

"Wala lang! Ayoko lang mag-isip!"

"Mag-isip tungkol sa?"

"Basta!"

Bigla siyang tumigil. Eh ako naman tong tatanga-tanga, biglang nadulas yung mga kamay ko sa likod niya.

Sa loob ng isa o dalawang segundo, nadikit yung ulo ko sa may likod niya.

Hala. Bakit ang bango niya?

"S—sorry!" Yon na lang nasabi ko. Bakit ako nauutal?

"Kasama ko nga pala yung mga dati kong kabatch kanina."

"Sinabi mo nga."

Hindi ko alam kung bakit kaharap namin ang isa't isa. Tipong nakatayo lang kaming dalawa sa ilalim ng street light. Yung isang kamay niya, hawak yung strap ng back pack niya. Yung isa, nakalagay sa bulsa niya.

"Andon si Bea."

"O? Yung crush mo 'yon di ba?"

Natawa siya. Yung parang tawa na bulong lang sa hangin.

"Dati."

Nag flicker yung street light.

Putek. Napapangiti ako.

"O, bat ka napapangit?" Bigla niyang hinawakan nang saglit baba ko na parang nanunukso. Umiwas naman ako.

"Pake mo ba? Eh nangingiti ako eh. In denial ka kasi."

"Anong in denial?"

"Na dati mo siyang crush pero hanggang ngayon pa rin naman." Ano bang gusto kong ipaglaban sa mga sinasabi ko? "Crush mo pa rin 'yon ano?"

Bakit ba ang hilig kong magtanong ng mga tanong na yung sagot ayaw ko naman malaman?

"Hindi na nga. Pinagpipilitan eh hindi nga."

"O sige na—"

"Bakit ka nga nagzumba?"

Kasi nakita ko kayo ni Bea—yung dati mong crush—at ayokong mag-isip ng kung anu-ano. Pero natural, hindi ko 'yon sasabihin.

"Gusto ko nga lang. Nafeel ko lang."

"Eh bat di mo sinasagot yung tawag ko?"

"Kasi nagzuzumba ako."

Napabuntong hininga siya, "o sige na. Sorry."

"Para sa?"

"Wala, ang OA ko ata."

Medyo, pero go lang kahit OA ka forever. Sweet nga eh. At least iyon yung nasa isip ko pero di ko 'yon sasabihin.

"Eh nag-alala ka lang naman. O sige na, masyado na matagal baka hanapin ako ni mama."

"Sorry ulit."

"Wala kang dapat ipag-sorry, okay? Magtext ka na lang pag pauwi ka na."

"Sige."

Ngumiti siya sa 'kin tapos tinaas yung kamay niya. Bakit parang triple yung dating niya noong ginawa niya 'yon.

"Th—Theo!"

WHAT?! BAKIT KO SIYA TINAWAG?! Hoy, self, anong sasabihin mo?!

At dahil tinawag ko siya, bigla siyang lumingon.

Pizza—anong sasabihin ko?!

"Pag nagkacrush ka ulit... sabihin mo sa 'kin ah?"

Pota—toes! Anong sinabi ko?! UTANG NA LOOB MAHABAGING LANGIT ILIBING NIYO NA PO AKO NGAYON DIN.

Naglakad siya nang paatras tapos kumaway.

"Kahit ikaw pa unang makaalam!"

Sinigaw niya 'yon tapos tumalikod na.

Tumalikod na rin ako at naglakad papunta sa bahay namin. Madami akong tanong. Pero sa ngayon, kahit yung sagot na lang sa paano ko matatanggal yung ngiting to yung kailangan ko malaman.

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 1.3K 188
Aeri Miyawaki loves to have her daily morning walk. During her walk, a car stopped and asked for directions. Aeri was left speechless when the person...
1.2M 36.8K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
1.7M 78.9K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
1.1K 99 9
This is the script version of Modernong Superhero. Short script lang po ito. Novel version siya dati. Date Started: April 14, 2020 Date Ended: April...