Bribing Mr. President

De CincoMedicatus

1.5M 22.3K 1.9K

"Nate, bribe me please." Mai multe

Bribing Mr. President
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 18

36.4K 451 22
De CincoMedicatus

Belated happy valentines day po sa inyo! Kamusta ang date? Hihi. Regarding sa dedications, sabihan niyo lang ako, okay? And I noticed na may naka follow na nga pero nagpalit ng usernames, tell me upfront para naman mabigyan ko kayo. Thanks!

Hi ganda atascha032912, this chap is for you. :)

 

x

CHAPTER 18

 

 

 

Kareeza’s POV

“Yui? Alam mo na ba ang news?” napaangat ako ng tingin sa kaklase ko sa programming. The last time I checked is hindi kami close ng babaeng ‘to. Aside from being seatmates ay wala na kaming koneksyon sa isa’t-isa. Umiling ako sa kanya bilang tugon sa tanong niya.

“Oh! Pansin ko kasi na kaibigan mo si Siobhan. I thought narinig mo na ang balita.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ng kaklase ko lalo pa’t damay ang pangalan ni Hanz.

“Why? Is there something that I need to know?” Umupo agad ako paharap sa kanya pagkatapos kong ayosin ang mga gamit ko kasama na ang laptop ko.

Nagulat ako ng humarap siya sa’kin at inilapit ang bibig niya sa tenga ko. “His father died. Car crash daw.” Bulong niya pa na siyang dahilan ng pamimilog ng mga mata ko.

Bahagya akong lumayo sa kanya. Ang weird ng babaeng ‘to. “If this is some sort of a prank, miss errr.” Ano nga ulit ang pangalan niya?

“Bakit? Kailan pa naging biro ang kamatayan, Yui?” Napalunok ako sa sinabi niya.

Oo. Tama siya. Ang mga ganong bagay, hindi dapat binibiro. Kaya nga halos tulala ako at wala sa sarili habang nagdidiskusyon ang IT instructor namin sa harapan. Mabuti nalang at hindi yun kapansin pansin kung hindi lagot na naman ako. Napabuntong hininga nalang ako habang nililigpit ang mga gamit ko. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayan na tapos na ang klase. Wala na rin ang sa upoan niya ang seatmate kong nagbalita sa’kin kanina. Damn. Paano ko nakaligtaan ang ganong klaseng balita? Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Siobhan.

Kaya pala hindi ko na siya nakikita nitong mga nakaraang araw. Akala ko ako lang yung busy dahil sa amin ni Nate pero hindi pala. Napailing nalang ako. Ang sama sama kong kaibigan. Ni hindi ko man lang napansin na may pinagdadaanan pala ang kaibigan ko.

“Hey..” Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang paghatak ni Nate sa’kin.

Darn it! Ganon ako ka-preoccupied!

“Hey.” Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa’kin. Pansin niya siguro ang pagiging matamlay ko.

“May problema ba?” Umiling lang ako sa kanya at ngumiti.

Ayoko namang sabihin sa kanya na nag-aalala ako kay Hanz dahil malamang magagalit na naman ‘to. Alam at pansin ko kung gaano siya kabanas sa presensya ni Hanz kaya mas mabuti na sigurong ilihim nalang.

Lunch time na ng napagdesisyonan namin ni Nate na kumain sa may canteen. Hindi ko nalang ininda ang mga taong nakatingin sa’min. Alam ko naman kung ano ang gusto nila.

Gusto nilang magkamali ako. Naghihintay lang talaga sila ng tamang pagkakataon.

Napailing nalang ako. Grabe. Wala ba silang pinagkakaabalahan sa buhay nila at buhay ko ang inaatupag at pinagdidiskitahan nila? Should I feel proud now and flattered?

“Okay that’s it. Tell me what’s your problem.” Seryosong tanong ni Nate sa’kin. Nilapag nito ang dalawang kubyertos sa mesa bago humarap sa’kin. Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Narinig ko siyang bumuntong hininga. “You were quite the entire time, babe. Ano ba’ng iniisip mo? Is it about last week? Nagsisisi ka na ba?” Nag-aalalang tanong niya.

“W-what?” Pabalik kong tanong sa kanya. Is he referring to the? Err. Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. Nagulat pa ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

“Tell me. Are you regretting that---uh, night?” Bahagya ko siyang hinampas sa balikat at nag-iwas ulit ng tingin. Darn it, Nate! Seriously? Dito ba talaga natin pag-uusapan yan?

“H-hindi ah! Tumigil ka, Nate ah!” Ngumisi siya sa reaksyon ko. Pakshet! Sobrang pula ko na siguro.

Napatingin ako sa kanya nang binitawan niya ang kamay ko at sumandal sa upoan. Nakangisi siya sa’kin at kalaunan, humagalpak na ito sa tawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Grr. Last week pa siya ah! Panay ang tukso niya sa’kin.

Patuloy pa rin siya sa pagtawa kaya pinaulanan ko siya ng matatalim na tingin. Dammit! Nasa canteen kami for Pete’s sake!

Nang humupa na ang tawa niya saka lang siya kumain ulit. Iniirapan ko nalang sa tuwing napapahinto ito sa pagkain at ngumingisi. Minsan pa nga umiiling ito at tumitingin sa kawalan. Kung hindi ako nagkakamali, inaalala niya lahat ang nangyari sa’min! Nakakainis!

“Dammit, Kareeza.” Ngumisi ito at tumingin sa’kin. “I so freaking love you.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya para itago ang kilig na nararamdaman ko. Ang init init na ng pisngi ko at gustong-gusto ko ng sungalngalin ang taong naging dahilan nito.

Akala ko hindi na kami matatapos sa pagkain ng lunch dahil sa panunukso niya sa’kin. Napangiti nalang ako habang kinakawayan si Nate. Hinatid niya kasi ako sa classroom ko kung saan kaklase ko si Micaela. Napailing nalang ako habang tinatahak ang daan papunta sa upoan ko. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Nate.

Dati kasi masyado lang itong tahimik at suplado. Err. Oo, suplado parin naman siya pero iba na talaga ngayon. It’s like he’s coming out from that shell. Ang napakatahimik na Nate Corpuz, may sweet bones din palang tinatago. Akala ko isang malaking epic fail ang relasyon namin pero hindi pala.

“Besty!” Kumaway ako sa papalapit na si Micaela. Ngumisi siya sa’kin bago umupo at ayosin ang salamin niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ang haggard niya ata ngayon?

“Anyare sa’yo?” Di ko na napigilang magtanong sa kanya. Napairap nalang ako ng may nilabas siyang isang pack ng Milo at kinain ito. Ang hilig talagang mang-inggit ng babaeng ‘to.

“Galing kasi ako sa bahay nina Siobhan. Have you heard the news already?” Nawala ang pagtaas ng kilay ko dahil sa tanong niya. Nag-attend siya ng vigil? Bakit hindi man lang niya ako sinabihan? Tss. Tumango nalang ako sa sinabi niya. Kumusta na kaya si Siobhan?

“Oo. Ba’t di mo ako tinext man lang?” Bumuntong hininga ulit ako saka prenteng sumandal sa upoan. “Akala ko masyado lang siyang busy lately kaya hindi ko siya nakikita nitong mga nakaraang araw.”

“Masyado ka pa kasing bangag kay Nate kaya hindi na muna kita inabala.” Sinamaan ko siya ng tingin. Tingnan mo nga ‘tong babaeng ‘to! Ang seryoso ng pinag-uusapan namin tapos.. Tsk.

“Oh get a grip, besty! Nakita ko naman si Siobhan kanina, pumasok na siya. You can talk to him if you want.” Tumango nalang ako sa kanya. Nakakainis talaga. Ba’t ang hina ko pagdating sa mga balitang yan? Nagkibit balikat nalang ako malalim na huminga. Hinding hindi ako uuwi hangga’t hindi ko nakakausap si Siobhan.

NATAPOS ang klase na pinapagalitan kami ni Micaela. Walang hiya talaga ‘tong babaeng ‘to! Dinadamay na naman ako sa pagiging lukaret niya! Akala ko nga makakaligtas ako sa kanya ngayong araw na ‘to pero damn! Kahit nasa loob kami ng classroom, hindi niya pinalampas ang pang-uusisa niya sa’min ni Nate.

“Nakailang round nga?” Yan ang palaging tanong niya kaya parati ko siyang nasasapak! Nagalit tuloy ang instructor namin sa isang minor subject. Grabe.  Kung makapagsalita ang taong ‘to parang hindi babae!

“Besty, ano nga!” Inirapan ko lang siya bago lumabas ng classroom. Kabanas talaga ‘tong babaeng ‘to! Nasa public place lang kaya kami tapos kung makapagsalita parang wala lang sa kanya. Pakshet talaga. Kailan pa kaya naging green ‘tong bestfriend ko?

“Tumigil ka, Micaela ah! Kanina ka pa!” saway ko sa kanya pero imbes tumigil ito ay tumatawa lang ito ng malakas. Eh ako namang si gaga, nakikitawa narin sa kabaliwan ng babaeng ‘to.

Panay ang iling ko sa bawat banat ni Micaela sa’kin. Tukso parin siya ng tukso sa’kin hanggang sa nakarating na kami sa main ground ng school. Ang kapal na talaga ng mukha ng babaeng ‘to. Hindi na kasi marunong mahiya eh.

Tili parin ng tili si Micaela nang mamataan ko si Siobhan na naglalakad mag-isa sa isang field.

“Hanz!” Sigaw ko sa kanya at dali-daling tumakbo dun sa field. Napatingin din si Hanz sa gawi ko at kumaway. I heard Micaela’s voice - calling me - pero hindi ko na ‘yun pinansin.

Unti unting humina ang takbo ko nang makita ko na ang pangingitim ng ibabang parte ng mga mata niya. Mas lalo tuloy akong nakokonsensya. Siobhan is my friend pero wala man lang akong kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kanya.

“H-hanz..” Ngumiti ako sa kanya nang makalapit na ako sa pwesto niya. Nakatignin lang siya sa’kin na para bang hinihintay niya akong magsalita pa. Umiling nalang ako at pumikit. Nakokonsensya na talaga ako. Nangingilid narin ang mga luha sa mga mata ko. “C-condolence. I..I’m sorry!” Agad ko siyang niyakap which I thought, caught him off guard. Napahagulhol nalang ako nang niyakap niya rin ako pabalik.

Damn! Ang sama kong kaibigan.

Ramdam ko kasi kung gaano kasakit mawalan ng tatay – kahit pa na hindi talaga literal na nawala si Popsy sa’kin. Popsy was so cold to me in the past kaya feeling ko nawalan na talaga ako ng ama.

“Hey, it’s okay…” Bumitaw si Hanz sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. Kita mo ‘tong lalaking ‘to! Imbes na siya ang kino-comfort ko, siya pa ‘tong may ganang mag-alala at mag-comfort sa’kin.

“Grabe! Kung hindi ko kayo kilala malamang iisipin kong may relasyon kayo.” Hingal na sabi ni Micaela – tumatakbo kasi ito papunta sa pwesto namin. Tiningnan ko siya ng pagkasama-sama. Ano ba’ng nalaklak ng babaeng ‘to at panay salita ng mga walang kwentang bagay?

Napailing nalang ako habang sumesenyas sa kanila na umupo sa gilid ng damuhan ng field. Malawak ang field ng school kaya dito halos nagpa-practice ang mga soccer players ng school. Minsan naman dito rin nag-eensayo ang mga cheer dancers.

Tahimik lang kaming nakaupo sa damuhan. Pareho kaming nakatingin sa kawalanan.

“Pupunta ka ba sa after party ng University Week, Kareeza?” Biglang tanong ni Hanz. Bahagyang kumunot ang noo ko bago tumango. Nakita ko siyang pumikit at umiling.

“Wa’g kang pumunta.” Napatingin ako kay Micaela na nakatingin kay Hanz. I don’t get it. Bakit hindi ako pupunta? Natahimik ako ng wala sa oras. Hindi ko maintindihan kasi. Hindi ko mapigilang hindi kabahan.

Napatigil nalang ako sa pag-iisip ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ni Siobhan. Saglit pa itong tumingin sa screen ng phone niya bago nilipat ang tingin sa’min – I mean, sa akin.

“I need to go.” Umangat ang tingin ko sa nakatayong si Siobhan. Medyo kumunot pa nga ang noo ko dahil sa sinag ng araw. Bumuntong hininga lang ito bago lumakad palayo sa’min. Nagkibit balikat nalang ako bago inilabas ang cellphone sa bag ko. Baka nag-text na si Nate.

“Kareeza..” Napaangat ulit ako ng tingin. Akala ko umalis na siya?

“Please. Wa’g kang pumunta.” Kumunot na ng tuloyan ang mga noo ko habang pinagmamasdan ang palayong si Siobhan.

“Weird.” Nalipat ang tingin ko kay Micaela. Nakakunot na din ang noo nito habang nakatingin kay Hanz. Huminga ako ng malalim at napapikit.

Oo nga. Weird.

Continuă lectura

O să-ți placă și

10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
13K 665 63
Status: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda alwa...
814K 28K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022