Dating My Sister's Idol (The...

By jglaiza

1.9M 46.6K 3K

The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siy... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Epilogue
Special Chapter

Sixteen

33.7K 913 81
By jglaiza

Chapter 16
Wait

**

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Nag-inat ako habang nakapikit. Hirap na hirap akong buksan ang mga mata ko dahil sa sobrang antok.

Hindi na naman ako nakatulog agad kagabi. Pagkatapos sabihin ni Hero sa akin kahapon na gusto niya ako, hindi na iyon nawala sa isip ko. Ilang beses kong inisip ang sinabi niya sa akin. Ilang beses kong inisip kung paano nangyaring nagustuhan niya agad ako sa loob ng maikling panahon.

It's too fast. Ilang beses pa lang naman kaming nagkita. Oo, nagkakausap kami pero hindi naman madalas. Kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung paano nangyaring nagustuhan niya ako agad. Maiintindihan ko pa kung friends lang, eh. But he said he likes me more than that.

Hindi ko naman alam kung paano ko siya kakausapin tungkol doon. Nahihiya ako.

I shook my head and forced myself to stand. Papikit-pikit na lumapit ako sa pinto at saka ko iyon binuksan. Ibinukas ko ang isang mata ko para makita kung sino ang naroon. Nakita ko si Mommy.

"Yes, Mom?" I asked using my morning voice.

"Hindi ka pa nakaayos? Kagigising mo lang ba?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot. "Akala ko kanina ka pa gising at hindi ka lang bumababa. Anyway, nandito si Hero. May usapan daw kayo?"

Biglang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang pangalan ni Hero. Realization suddenly hit me. Shucks! Oo nga pala! Magmo-movie marathon nga pala kami ngayon!

Tumikhim ako. "Yes, Mommy. Meron po. Nasaan po siya?"

Bago pa makasagot si Mommy ay bigla na lang nagpakita si Hero na nasa likod pala niya. Ngumiti siya at kumaway sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.

Shit! Hindi pa ako nakakapag-ayos! Hindi pa ako nakakapaghilamos at toothbrush! Tapos... tapos... tapos naka-pajama lang ako at manipis na sando. With no bra on!

Mabilis kong isinara ang pinto bago pa man niya makita nang mabuti ang itsura ko.

"Sorry, Mom, Hero! Uh... susunod na lang po ako sa baba," sigaw ko sa kanila habang nakasandal sa pinto. Napapikit ako dahil sa labis na kahihiyan.

"Oh, okay," dinig kong sabi ni Mommy. Narinig ko pa ang sinabi niya kay Hero bago sila umalis. "Pasensya ka na. Mukhang nagpuyat na naman yata siya kagabi kapapanood ng Korean drama kaya na-late siya ng gising."

Ugh! Buti nga sana kung dahil sa K-drama kaya ako napuyat, eh. Kaso hindi! Dahil kay Hero kaya ako napuyat.

I sighed. Mabilis akong pumunta sa banyo para makaligo na at makapag-ayos. Pero pagpasok ko sa loob ng banyo ay muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang itsura ko.

Gulo-gulo ang buhok ko at may muta pa ako. May nakita pa akong tuyong laway sa gilid ng labi ko. Tapos nakita ni Hero kanina na ganito ang itsura ko? Could this day get any worse? Umaga pa lang pero minamalas na ako! Ano na lang ang sasabihin niya? Sigurado akong na-turn off na siya sa akin dahil sa itsura ko. Nakakainis!

But I can't do anything about it. Wala na. Nakita na niya, eh.

Napailing na lang ako at nagpasyang maligo na lang. Kailangan ko pang bilisan dahil naghihintay si Hero sa baba. And speaking of Hero, paano ko pala siya pakikitunguhan pagkatapos ng sinabi niya sa akin kahapon? Nahihiya na tuloy akong magsalita dahil pakiramdam ko ay may masasabi akong hindi niya magugustuhan. Paano kapag nangyari iyon? Baka pagsisihan niya na nagkagusto siya sa akin.

Pero... kung ako ang tatanungin, ano bang nararamdaman ko para kay Hero? He told me he likes me. What about me? Do I feel the same way towards him? O hindi pa ako dumadating sa point na gusto ko na rin siya ng higit pa sa kaibigan?

Ah! Ewan! Ayoko nang mag-isip! Sumasakit lang ang ulo ko. Saka ko na iisipin iyon. For now, kailangan ko muna siyang pakitunguhan ng normal. I don't want to be awkward around him.

Pagkatapos kong maligo nang mabilis at mag-ayos, bumaba na ako dala ang laptop ko. Naabutan ko si Hero na nanonood ng TV habang nakapangalumbaba sa sofa. Nang makita niya akong pababa ay pinatay niya ang TV saka siya tumayo. I apologetically smiled.

"Sorry. Nakalimutan kong manonood nga pala tayo ngayon. Medyo napuyat din kasi ako kagabi kaya late na akong nagising," sabi ko habang inilalapag ang laptop ko sa ibabaw ng maliit na mesa.

"It's okay. Kararating ko lang naman noong nagising ka," aniya. "By the way, I brought pizza. Dinala ng Mommy mo sa kusina."

"Okay. I'll just get it. Okay lang ba kung dito na tayo manood?"

"Yeah, sure."

Pumunta na muna ako sa kusina para kunin ang pizza na dala niya. Nagulat pa ako nang makitang dalawang boxes iyon. Ang dami, ha? Maubos kaya namin iyon?

Kinuha ko na lang iyon saka ako bumalik sa sala. Naabutan ko si Hero doon na nakaupo sa sahig habang tinitingnan ang laptop kong nasa ibabaw ng mesa. Tinitingnan niya ang folder ko kung saan nakalagay lahat ng movies na mayroon ako. Inilapag ko ang pizza sa ibabaw ng sofa na nasa likod niya pagkatapos ay bumalik ulit ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

Nang makuha ko na lahat ng kailangan namin, tumabi na ako sa kanya sa sahig. Sumandal ako sa upuan ng sofa na nasa likod namin at saka ko tiningnan ang ginagawa niya.

"You have a lot of movies," he said. "So, what should we watch first?"

Bago pa ako makasagot ay biglang dumaan si Mommy sa gilid namin na may dalang bag at nakaayos. Napakunot-noo ako. May pupuntahan ba siya?

"Kids, aalis lang ako. Makikipagkita lang ako sa mga kaibigan ko. Kayo na ang bahala rito, ha? Aalis ba kayo mamaya?" tanong niya.

"No, Mom. Magmo-movie marathon lang po kami," sagot ko.

"Okay. Just call me if something happened. Nandiyan naman si Manang. Aalis na ako," aniya bago bumaling kay Hero. "Hero, feel at home. Ilang beses ka nang nakapunta rito kaya huwag ka nang mahiya."

"Sige po, Tita. Thank you po. Ingat po kayo," paalala naman ni Hero.

"Bye, Mom," paalam ko naman. Pagkatapos no'n ay umalis na nga si Mommy. Bumaling ako kay Hero. "Anong gusto mong unahin?"

"You choose. Okay naman sa akin ang kahit ano," aniya.

Tumango ako at pumili na lang ng kahit anong Disney movie. I chose The Lion King first. Mga ilang sandali lang ay tahimik na kaming nanonood.

Tahimik lang kaming nanonood habang kumakain ng pizza. Paminsan-minsan ay pasimple kong tinitingnan si Hero para makita kung nabo-bored na ba siya o hindi. At hindi ko maiwasang mapangiti dahil nakikita kong naka-focus siya sa pinapanood niya. Ni hindi siya mukhang inaantok.

Of course! Sino ba naman ang aantukin kapag Disney movie ang pinapanood? Well, maliban na lang kung puyat na puyat siya nang nagdaang gabi, maiintindihan ko pa. But no. He's really focused. He doesn't look bored and he doesn't look sleepy.

Nakakatatlong movie na kami nang maisipan naming tumigil na muna para mag-lunch. Nalipasan na naman kasi kami ng gutom dahil sa panonood namin. Kung hindi pa ipinaalala ng katulong namin kung anong oras na ay hindi pa kami kakain.

Nagpunta kami sa dining room para kumain. Nakahanda na roon ang mga pagkaing niluto ng katulong namin kanina. Kasalukuyan kaming kumakain nang bigla kong maisipang tanungin siya tungkol sa tatlong movie na pinanood namin.

"So, what can you say about the movies that we watched?" I asked.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nilunok niya muna ang kinakain niya bago siya sumagot.

"The movies are nice. Hindi nakaka-boring. I was actually hooked. Tama ka nga. Disney animated movies are the best. I'm looking forward for other movies as well. Kapag hindi natin natapos ngayon, pakopya na lang ako. I'll watch it on my free time," he replied.

Napangiti ako nang malawak. "Sabi sa'yo, eh. Hinding-hindi nakakasawang panoorin lahat ng iyon. Pwede mo pang ulit-ulitin."

"Yeah," he said. Nagulat ako nang tumikhim siya hudyat na may sasabihin siya. "Hey, I know this is random but uh... can I see your room?"

Natigilan ako sa pagkain nang marinig ko ang tanong niya. He wants to see my room? Bakit naman kaya?

"Why? There's nothing special in my room," I said.

"I'm just curious. Gusto kong malaman kung ano bang mga pinagkakaabalahan mo."

I chuckled. "Wala naman, eh. I told you, mahilig lang akong manood ng K-drama o manood ng movies o makinig ng music kapag wala akong ginagawa. But okay. I'll let you see my room later."

Ngumiti siya nang marinig ang sagot ko. Nagpatuloy na kami sa pagkain ng tahimik. Paminsan-minsan ay nag-uusap kami ng kung ano-ano.

Sa gitna ng pag-uusap namin ay bigla akong kinabahan nang maisip ang sinabi niya sa akin kahapon. Habang kumakain kami ay hindi na nawala ang kaba ko sa tuwing nag-o-open siya ng topic. Pakiramdam ko kasi, babanggitin niya ang sinabi niya kahapon. I'm not ready. I don't even know what to say.

Nang matapos kaming kumain ay dinala ko na muna siya sa kwarto ko. Hinayaan kong bukas ang pinto dahil baka kung anong isipin ng mga katulong namin kapag isinara ko.

Inilibot ni Hero ang tingin niya sa buong kwarto ko. Well, my room's not that big. Sakto lang. I have my own bathroom inside. Mayroon akong malaking closet kung saan nakalagay ang mga damit at sapatos ko. Mayroon din akong bookshelf kung saan nakalagay ang mga libro ko. Mayroon din akong malaking cabinet kung saan naka-arrange ang mga albums ng idols ko pati na rin ang iba ko pang mga gamit. Mayroon din akong dresser kung saan ako madalas magpaganda.

Mayroon din akong maliit na terrace kung saan mayroong isang single table and chair. Doon ako madalas nakapwesto kapag nagbabasa ako at nanonood ng K-drama.

"You're really a fangirl, huh?" dinig kong sabi niya habang tinitingnan ang mga albums ng mga idols ko. Kinuha niya ang isang album ng BTS doon at tiningnan. "Nakapunta ka na ba sa nga concerts ng idols mo?"

"Of course. Since I have the money and the energy, hinding-hindi na ako papayag na hindi ko mapupuntahan ang concert ng idol ko. Noon kasi, hindi ako nakakapunta dahil busy ako sa pag-aaral at wala naman akong pera. Actually, hindi ako marunong mag-ipon noon kaya hindi ako nakakapunta. But since I have money now, ayoko nang maging 'Team Bahay' ulit," sagot ko.

Napakunot-noo siya. "Team bahay?"

Tumango ako. "Yes. Team bahay. Kapag wala kang pera at hindi ka makapunta ng concert, team bahay ka. 'Yong iba pa nga, team office dahil may mga trabaho sa araw ng concert."

Napatango-tango siya. Ibinalik niya sa lalagyan ang album na kinuha niya kanina saka siya bumaling sa mga libro ko.

"You love reading?" he asked while looking at my books. Kumuha siya ng isa doon.

"Yes."

"You didn't tell me that," he said before looking at me. "Nabasa mo na ba lahat ng librong nandito?"

Umiling ako. "Nah. Hindi pa naman lahat. May trabaho kasi ako kaya hindi ako makapagbasa madalas."

Napatango-tango siya bago niya ibinalik sa lalagyan ang librong hawak niya. Bumaling siyang muli sa akin pero mabilis din niyang itinuon ang tingin niya sa kama ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Are you sleepy?" I asked when I saw him lie on my bed.

"No. I just want to feel your bed," he said before sniffing it. Nakadapa siya sa kama ko habang inaamoy-amoy niya iyon. "Your bed smells like you. I want to lie in here forever."

Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng ngiti. Napailing-iling na lang ako.

I let him lie on my bed for a while. Mahaba pa naman ang oras kaya mamaya na siguro kami manonood ulit. Baka gusto niyang matulog muna.

"If you want, you can sleep first," I said. Hindi siya sumagot kaya akala ko ay nakatulog na siya.

Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa gilid ng kama ko habang nakayuko. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya sa akin na para bang may sasabihin siya.

"Brianna, I want you to know that what I said yesterday is true," he said. I froze.

"Huh?" was all I could say.

"I know it's fast but I really like you, Bree. Sa maikling panahon na nakasama kita, nagustuhan na kita. You might think I'm crazy but I'm not. I really like you."

I bit my lower lip. My heart starts beating faster again.

"How can you be so sure of that, Hero? Tulad ng sinabi mo, maikling panahon pa lang tayong nagkakasama. Paano mo nasabing gusto mo na ako?" tanong ko.

"Because I care for you. Halos hindi na nga mabuo ang araw ko ng hindi kita nakakausap. Hindi mo ba napapansin? Kahit na busy ako, chinachat kita. Minsan nga, kahit na alam kong nasa trabaho ka at busy ka, nagte-text pa rin ako. Nagbabakasakali kasi ako na baka mag-reply ka. You're always on my mind, Bree. I really love being with you. I like you. Gustong-gusto kita. Iyon ang nararamdaman ko. Wala na akong pakialam kung gaano kabilis ang mga pangyayari. Nandito na, eh. Naramdaman ko na. Ano pa bang magagawa ko?"

Hindi ako nakapagsalita. I seriously don't know what to say. May biglang sumagi sa isip ko na hindi ko alam kung dapat ko bang tanungin.

Pero parang nakakahiyang itanong sa kanya ang tanong na nasa isip ko dahil baka ma-offend ko siya.

I cleared my throat. "Hero, are you doing this to make the issue true? Sinasabi mo lang ba na gusto mo ako dahil gusto mong mas mapaniwala ang mga fans sa ginagawa mo?"

He looked surprised by my question. Halatang hindi niya inaasahan ang tanong kong iyon. I don't even know if it's necessary to ask that question. But one thing's for sure. He looked hurt.

"I'm not like that, Bree. Oo, nagpapanggap ako na nililigawan kita. Pero hindi ko ginagawa ito para totohanin ang issue. I'm doing this because I really like you. Gustong-gusto talaga kita. And I want to court you for real... not for show, but for real."

Hindi na naman ako nakasagot. I don't know what to say. Iniisip kong baka nagbibiro lang siya pero hindi. He really looks serious. And I can see a lot of emotions in his eyes that I can't recognize.

Nang makita niyang hindi ako sumasagot ay tumayo siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong humakbang siya palapit sa akin. Nahigit ko ang hininga ko.

"I don't want us to be friends forever, Bree. I want us to be more than that. Hindi naman kita pipiliting sumagot ngayon. I'll wait for you. But I want you to know that what I feel for you is real. Hindi ito biro lang o pagpapanggap. I really like you."

"Don't you think it's too fast to say that?" I asked.

Napapikit siya na para bang nafru-frustrate siya. Nang idilat niya ang mga mata niya ay diretso siyang tumingin sa akin.

"I know. That's why we'll take it slow. I'll court you first. You don't have to answer me now. I want you to be sure of your feelings first. Kasi ako, siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko. Ilang beses ko nang itinanggi ito sa sarili ko pero wala, eh. Sa'yo pa rin ako bumagsak," aniya.

Saglit akong nag-isip. Well, there's no harm in trying, right? Besides, he said we'll take it slow. Wala namang masama kung susubukan ko.

Napalunok ako. "Are you willing to wait, then?"

Napangiti siya nang marinig niya ang sinabi ko. Tumango siya.

"I am willing to wait, Brianna. We can get to know each other more first. I'll court you," he said. "I want to court you because that's what you deserve. Kung hindi mo kayang paniwalaan ang sinabi kong gusto kita, then I'll prove it to you. I'll do everything to win your heart."

Continue Reading

You'll Also Like

64.5K 2.4K 59
Summer Nadine went to Japan to forget the pain of a heartbreak. Until he bumps to someone who will help her forget the pain in a short period of time...
443K 21.9K 53
Cheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022
5.1M 100K 42
Magkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siy...