Ang swerte ko raw sayo
Dahil hindi ka snob sabi ng kaklase ko na kaibigan mo
Sa totoo lang maswerte nga naman ako sayo
At ikaw yong nagustuhan ko
Dahil hindi masama ang pag-uugali mo
Hindi katulad ng mga ibang nagugustuhan ko
At natutuwa ako
Dahil hindi ka ilang sa mga katulad ko
Sobrang kahihiyan nga ang nararamdaman ko
Sa tuwing nahuhuli mo akong nakatingin sayo
Eh sa hindi ko talaga maiwasan
Na mapatingin sayo ng palagian
Kase ikaw nga naman po ang hinahangaan
At ang nagpapatibok ng puso ko ng panandalian