WANTED GIRLFRIEND (GIMME 5)

Da romellemartinez

37K 1K 118

Gimme 5? Sikat na boyband group dito sa Pilipinas. Nash? John? Brace? Joaquin? Grae? Limang lalaking di alam... Altro

WANTED GIRLFRIEND (GIMME 5)
Author's Note
Prologue
Chapter 1 (chenelar meets kj president)
Chapter 2 (WARLALU NABA ITO?)
Chapter 3 (First love ni brace)
Chapter 4 (Ady's haters)
Chapter 5 (meet Beverly Peralta)
Author's Note
Chapter 6 (Ady's Haters part 2)
AUTHOR'S NOTE (again
Chapter 7 (boom joaquin✌️)
Chapter 8 (This is it PANSIT HAHA.)
Chapter 9 (Meet ady's cousin)
Chapter 10 (Arquiza meets Delcarmen)
Chapter 11 (gelace moment)
Chapter 12 (Gimme 4 & Ady's Plan + a biglaang date)
Chap 13 - McDo Fries
Chap 14 - First Kiss
Chapter 15 -FALLING INLOVE?
Chapter 16- Beverae ♥
Chapter 17 -wanted girlfriend</3 part 1
Author's Note
Chapter 18- Romquin moment♥
Chapter 19-Cool off </3
Chapter 20 - <3 or </3
Chapter 21- Pano maging masaya?
Chapter 22 -MEET MAICA ❤️
Chapter 23- Move on na nga ba si brace?
Chapter 24- Medyo Bitter :p
Chapter 25-I miss you pot :(
Chapter 26- Gimme5
Chapter 27- Joaquin's PLAN ft. GIMME 4, Gel & Maica
Chapter 28- Joaquin's Plan part 2
Chapter 29- Mababalik pa ba ang GelAce?
Chapter 30- Ano ba tayo?
Chapter 31- GELACE
Chapter 32- hangout & rehearsal
Chapter 33- Enchanted Kingdom Part 1
Chapter 34- RomQuin & GelAce moment at the VAN!
Chapter 35- EK Part 2
Chapter 36- meet someone (:
Chapter 37- she's back!
Chapter 38- Hit and Run?
Chapter 40- Flight
Chapter 41 - Worst Nightmare.

Chapter 39- Hospital.

81 3 0
Da romellemartinez

Joaquin Reyes' Point Of View

"Sana, sana okay lang siya. Please I am begging Lord. Please tulungan mo yung mahal ko. Please. Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya. Binago niya yung estilo ng buhay ko. Hindi mo siya pwedeng kunin."- Kanina pa ako iyak ng iyak. Sobrang nagsisisi kung bakit hindi ko hinabol si Ady nung tumakbo siya palayo Sobrang sakit malaman na yung taong mahal ko eh 50-50. Pero alam ko, alam ko na lalaban siya.

Nandito na kami sa ospital. Sobrang sinisisi ko yung sarili ko. Kung alam ko lang na yun ang sasabihin ni Raine sakin edi sana nakapunta agad ako sa ospital. Naisip ko kasi na baka kukulitin niya nanaman ako na pumunta sa bahay nila dahil mag uusap kami. Pero ayoko ng makipagusap pa. Ginugulo niya lang yung isip at puso ko.

"Doc, doc! Kamusta po ang lagay niya? Gumising na ba siya? Okay na ba siya? Doc? Doc, sabihin mo sakin kung anong nangyari sa mahal ko Doc. Bakit puro dugo yang damit mo Doc? Sabihin mo sakin!!!"- hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humagulgol na ako sa doctor sa harap ko. Ayokong marinig ang masamang balita. Alam kong buhay pa siya. Magpapakasal pa kami.

"We all did our best...she's a fighter. Actually, lahat ng na hi-hit and run at na de-dead on arrival ay hindi na nakakayanan. Pero Ady's a fighter. Pero I am sorry to say, Ady is in comatose right now.."-iyak dito, iyak duon. Ayan lang ang naririnig ko ngayon dito sa room kung nasaan si Ady. Hindi ko alam, hindi ko alam kung dapat akong matuwa? Kasi comatose sya at di pa siya bumibigay? Pero, ganun rin yun. Buhay siya pero parang patay rin siya. Sobrang sakit. Hindi ko na alam yung gagawin ko.

"Tita, sorry po." -sabi ko sa mama niya

"You don't need to say sorry anak. Walang may kasalanan. Yung driver lang. malakas yang anak ko alam mo yan. Sa tagal ng pagsasama niyo lahat nilalabanan niya. Sobrang strong niya."-sabi sakin ni Tita habang umiiyak

"Tita, alam ko pong kaya ni Ady yan. Sabay sabay po tayong mananalig sa Ama na gabayan niya palagi si Ady. Hinding hindi po tayo susuko tita. Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Iintayin ko pong magising siya."

"Alam mo joaquin, salamat, salamat kasi hindi ka katulad ng unang nanligaw sakanya. Naging inspirasyon ka ng Anak ko. Kaya ang laking pasasalamat ko sayo. Dahil pag wala kami, ikaw ang nanjan para damayan siya. Palagi ka niyang kinwekwento samin ng Daddy niya. Sobrang proud siya sa narating mo. Kaya sana, huwag mo siyang iiwanan. Wag mong ibalik ang buhay ng anak ko noong nasawi siya. Ayokong nakikita si Ady na nahihirapan. Kung pwedeng ako nalang ang nasa ganyang sitwasyon, sana ako nalang sana hindi nalang siya."-Hindi ko na napigilan. Tumulo na ang luha sa mga mata ko. Sobrang tatag ni Ady. Sobrang nakakabilib siya. Hinding hindi ko siya iiwan.

"Sige anak, uuwi muna kami kukuha kami ng gamit. Iwan ka muna namin jan."-pagpapaalam ni Tito

Naiwan kaming dalawa ni Ady dito. Sinabi ko sa mga kaibigan namin na umuwi na muna sila at bukas nalang ulit dumalaw kasi alam kong pagod sila. Ang sakit sakit parin. Hindi ko na alam gagawin ko.

"Baby, kapit lang ha? Wag mo kong iiwan. Marami pa tayong plans. Diba sabay pa tayong gagraduate? Pareho tayong  magiging Cum Laude diba? Sabay tayong kukuha ng Licensure Exam pag tapos ng Masteral sa college diba? Magpapakasal pa tayo diba? Magkakaroon ng tatlong mga anak at magpapatayo ng malaking bahay. Gusto mo yun diba? Iikutin panatin ang buong mundo. Wag ka munang susuko. Mahal na mahal kita."- naiiyak nanaman ako. hinaplos ko yung buhok niya. Lumapit ako sa tenga niya

"Mahal na mahal kita Ady, wag kang mawawala sakin."-Bulong ko sakanya at kiniss ko siya sa forehead niya.

"Dito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Kung pwede nga lang, na ako nalang yung nanjan sa sitwasyon mo eh. Please baby fight lang."- hindi ko na kaya. Sasabog na yung puso ko sa sakit na nararamdaman ko. Biglang may kumatok sa pinto, si Raine pala.

"Hi."-bati niya

"Di kapa ba uuwi? Gabi na."-dagdag niya

"Dito nalang muna ako magpapalipas ng gabi. Ayokong iwan si Ady."-sabi ko. Nilapitan niya ako

"Red, pwede tayong mag usap? Kahit onting oras lang."-sabi nya. Makikipagusap pa ba ako sakanya? Baka saktan nya nanaman ako. Pero sabi nga You'll never know.

"Sige. San tayo mag uusap?"

"Dito nalang siguro. Para marinig din ni Ady yung sasabihin ko sayo." -sabi niya. Pumayag naman ako. Umupo kami sa may couch sa tapat ni Ady

Puro katahimikan. Nabibingi na ako sa sobrang katahimikan.

"First, sorry."-nabasag na yung katahimikan

"For what?"

"For leaving you, leaving you for no reason. Alam kong nasaktan kita sa ginawa ko. I was wrong for not telling you the truth.--"

"Yes. All this time you're wrong."

"Pwede? Pwedeng ako muna? Wag kang sumatsat? pano natin matatapos tong pag uusap na to kung di mo ako patatapusin at kung puro ka dada jan?"-asar na sabi ni Raine ngumisi nalang ako at nag patuloy siya

"Red, I'm sorry. Sorry kung nasaktan kita, kung iniwan kita. Iniwan kita at di ko sinabi sayo na pupunta akong America para sa family ko. pati narin kay Andre. You know andre right? He's now my boyfriend. Hindi ako bumalik dito para guluhin ka. Bumalik ako dito para magbakasyon at para magkaroon narin tayo ng closure. Alam kong 5 years na yung nakalipas magmula ng magkahiwalay tayo. Pero I just want to make sure things. Kaya red, I hope we can be friends...again. Wala ng balikan na magaganap. I know you're now happy with her. And I'm happy also. So ayun lang." -sabi niya sakin.

"Ikaw? Wala ka bang sasabihin?" -hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Pero eto nadin yung time. Di ko na papalagpasin pa.

"Okay okay, malinaw na lahat sakin. Masaya na ako sakanya. Siya yung tipong babae na napakastrong. Na kayang panindigan lahat ng pangako niya. Binago ako ni Ady. And siguro nga, thankful pa ako na iniwan mo ako. Kasi nalaman ko na hindi talaga tayo meant to be. Yes we can be friends. Pero, alam mo? Balak niya akong iwanan. Pero alam kong hindi nya masabi sakin kasi ayaw niya ko masaktan. Ang tagal ng pangungulit ko kay Ady para lang sabihin ko sakanya na hindi na kita mahal. Masaya ako, pag nakikita kita. Pero mas masaya ako sakanya. Sana nga, hinabol ko nalang siya nung tumakbo siya palayo sakin. I'm very wrong raine. I'm so stupid. Masyado kong tinaasan yung ego ko. Tignan mo nangyari. Wala. na comatose yung papakasalan ko."-bumagsak nanaman yung luha ko.

"Red, wala kang mali. Actually, nagkausap pa kami ni Ady bago siya maaksidente. Nag promise siya sakin na hindi ka niya iiwan. Sinabi nya sakin na kahit sasabog na yung puso nya sa sakit, she will never give up on you. Mahal na mahal ka rin naman niya. I'm so happy to see you with her Red. Let's just pray for her fast recovery. I'm going home na sa friday. Kasi inaantay na ko ni Andre." -sabi niya

"So, bago matapos tong gabing to, Friends?"

"Friends!" -smile niya sakin at niyakap niya ko. *friendly hug*

"Oo nga pala. hatid mo ako sa airport sa friday ha."-sabi niya

"Hala. Hindi pwede. Walang bantay kay Ady."

"Siya nag sabi sakin na magpahatid ako sayo. Syempre kailangan kong sundin gusto niya. Lalo na't ganyan lagay niya. Promise is a promise red. Para kay Ady gawin mo." -sabi niya sakin.

"Oo oo sige. para sa kanya gagawin ko lahat matuwa lang siya. Sana lang ay gumising na siya."-tulo nanaman ang mga luha ko. Nakailang iyak na ako.

"Sige na red mauuna na ako. sa friday ha."

"Oo sige. Mag ingat ka."-di ko na siya hinatid sa lobby dahil walang kasama si Ady.

Hindi ko talaga kayang nahihirapan siya. Kahit na palagi ko siyang nasasaktan dahil sa pang aabuso ko sakanya, kahit kailan hindi ko naisip iwanan at palitan si Ady. alam kong mahal na mahal niya rin ako. Minsan nga ay natitiis ko pa siya. Pero siya, kahit anong gawin niya, hindi niya ako matiis. Mataas pride niya pero mas mataas yung pride ko. Sinusubukan ko namang baguhin ugali ko para matuwa siya pero ang hirap. Nasanay din ako na palagi akong pinapaboran ni ady kaya nagiging ganito ako. Natatakot akong dumating yung araw na sasabihin niya sakin na pagod na siya sa pag intindi sakin. ayokong dumating yung araw na hinahanap nya na yung saya na hindi ko naibibigay. Ayokong dumating yung araw na, may lalaking nanjan na para sakanya para itama lahat ng mali ko, para mahalin siya, para pahalagahan siya. Ayoko....hindi ko kaya. Guguho ang mundo ko. Kaya simula ngayon, I will treat her right. Ibibigay ko sakanya yung love & loyalty na gusto niyang ibigay ko sakanya. Ipaparamdam ko sakanya palagi na hindi siya worthless. na karapatdapat siyang pagbabaan ng pride, mahalin, alagaan. Dahil ganun siya sakin, kahit madali siyang mainis sa mga pang aasar ko. Hindi nya parin ako natitiis. Sinasabi nya pa sakin na palagi niya akong iniisip. Sobrang swerte ko sakanya. Gusto ko maging fair kami. Gusto ko maramdaman niyang swerte rin siya sakin. Kaya sana, sana sooner or later, gumising na siya.

"Goodnight baby. tandaan mo palagi na andito lang ako para sayo. Gumising kana ha. Iintayin kita. Sasamahan pa kita sa paris, sa singapore, sa new york, sa san fransisco, sa taiwan sa thailand at marami pang iba diba? Dito lang ako lagi sa tabi mo. I love you baby goodnight. mukang masarap naman yung tulog mo." -Hanggang kailan koba kakausapin yung sarili ko? Miss na miss na miss ko na yung ngiti niya, yung tingin niya sakin. Yung boses niya pag magsasalita siya na parang palaging galit. Yung sintunadong boses niya kapag kumakanta siya. Hanggang kailan ako mag hihintay? Hindi ako mapapagod basta para sakanya...
---

Sorry may pinagdadaanan lang po lol.

Goodnight po 😊😊.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

150K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
60.8K 3.2K 25
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
Game Over Da beeyotch

Storie d'amore

761K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.5M 157K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...