The Bestman's Girlfriend

By xianrandal

5.1M 54.1K 1.7K

What if.... Somebody will be claiming in front of your family that she is your girlfriend? You never met her... More

The Bestman's Girlfriend (Book 1 & 2)
Explanation
2 Sign-up
3 Job Interview
4 First Day
5 Games
6 Yemma Dominez
7 Ruel
8 Tita Lourdes
9 Ruel's Charm
10 Girls
11 Irog & Boyfriend
12 Ruel and Candice
13 Mga Hirit
14 Pasabay
15 Bistado
16 The Dance
17 Ligaw
18 Ligaw Pa Rin
19 Compostela Valley
20 Dyanne
21 Wrong Timing
22 Ruel's Plan
23 Outing
24 Official
25
26 Spongebob
27 Conference
28 Hotel
29 Lock the Room
30 Thalia
31 Second or Third Chance
32 Dinner
33 Tom
34 The Decision
BOOK 1 - End
BOOK II-1
Book II-2 The Meeting
Book II-3
Book II-4
Book II - 5
Book II-6
BOOK II-7
Book II-8
Book II-9
Book II-10
Book II-11
BOOK II-12
Book II - END
When A Beki Falls In-Love
RUEL'S CHARM
MarXie
Facebook Accounts

1 The Dare

174K 1.9K 46
By xianrandal

1

"Sige na friend. Kung talagang matapang ka, pasok ka sa kasalang yan, magpakilala ka sa bestman."

As usual, Candice and her friends strike again!

Wala na namang magawa!

Nagtritrip na naman...

At sa malas pa eh napagtripan ang nagaganap na kasalan sa San Pedro Cathedral, Davao City.

"Girl, ang weird ng trip mo ngayon."

"Actually, nakita kong bumama yung bestman kanina, super gwapo, girl. Yung mga tipo mong matangkad, singkit and mata, nakakatunaw kung tumingin."

Kanina pa ang magbabarkada na nakatambay sa labas ng simbahan. Teka, bakit nga ba sila nandun? Actually, kahit naman gaano ka weird ang mga trip nila kung minsan eh nakukuha pa rin nilang magdasal at magsimba. Nagkataon lang na may kasalan palang magaganap ngayon.

"Sige na girl, attend tayo, tutal naka pink ka naman at may silver accent ka pa, tamang-tama sa motif nila."

"Wala ako sa mood ngayon Kathryn. Saka, enrolment na naman. Maggagraduate na lang ako pero di ko pa nasasabi kay Kuya na hindi Business Administration ang kinuha ko."

Nalungkot ang dalaga.

"Kaya nga eh, if magagawa mo itong dare namin ngayon, tutulungan ka namin na magsabi kay Kuya Carlos ng secret mo."

"Isa ka pa Loise!"

"Ay sige na nga, duwag ka na yata ngayon. wala na yung dating charisma ni Candice Manlotoc."

"Okay, dare!" Ayaw na ayaw niyang pinagsasabihan ng ganun. Duh! Siya na yata ang pinaka adventurous na tao sa mundo. Kahit nga ang Mount Apo eh naakyat niya na ng ilang beses. Puro dangerous sports din ang alam niyang gawin.

"Go GirL!" Sabay pa na cheer ng dalawa.

Ano ba ang makukuha niya kapag nagawa niya ang dare? Wala lang. Nakasanayan na siguro nilang magkakaibigan na mantrip.

Umupo siya sa simbahan. Kasama ng ilang guests. Tama nga, tumerno ang suot niya sa motif nila.

Bigla parang nalungkot siya...Siya kaya kailan ikakasal?

Hinanap niya ngayon ang bestman...Yun lang ang dare di ba, makipagkilala...Mamaya, madali na lang gawin yun.

 

"Yun oh! Ikaw pala ang bestman."  Siyempre, kausap niya ang sarili niya, wala naman kasi siyang kakilala roon maliban sa dalawang baliw niya na kaibigan.

 

"Gwapo nga, tama ang lukaret na Kathryn."

Weird pero parang biglang kaba yung naramdaman niya ng tumingin ito sa lugar niya. Biglang kumunot ang noo nito. Sumingkit pang lalo ang mga mata.

Lumingon si Candice. Sa kanya nga talaga nakatingin. Bumalik ang mga mata niya sa bestman. Sa ibang direksiyo na ito nakatingin...

Candice! This would be fun! Sabi niya.

Natapos ang kasalan. Sinubukan niyang lumapit subalit hindi siya makassingit sa dami ng bisita. Nang biglang mag announce ang emcee na may available na mga sasakyan going to reception.

Why not go there?

Yun nga, namalayan na lang ni Candice na nasa loob na siya ng reception ng newlywed. Nakikingiti sa mga hindi niya kilalang bisita.

Hinanap niya ang bestman. "Nasaan na ba ito at ng maka exit na."

Biglang naiihi siya. Kailangan niya na yatang maghanap ng comfort room, siguro bigo siya sa challenge ngayon araw. So she decided that after that eh susunod na siya sa mall kung saan nandon sina Kathryn and Loise.

"Ouch!"

"Hey Lady, watch out." That deep voice awaken her thoughts.

The BEstman!

Mas matangkad pala ito kapag nasa harap mo na.....at mas gwapo!

"Next time tumingin ka sa dinaraanan mo."

Suplado! Ni hindi nakatawa at seryoso ng sabihin yun. Hindi ba alam ng kaharap niya na masakit ang pagkakabangga sa kanya?

"Duh! Pwdeng mag sorry ka muna?"

Mas lalong kumunot ang noo nito, salubong ang mga kilay at sumingkit pang lalo ang mga mata....

"Ako pa ngayon ang dapat magsorry?"

Biglang umalsa ang dugo ni Candice. Mukhang antipatiko at napaka ungentelman pala ng kaharap niya.

Sasagot pa sana siya ng biglang lumapit sa kanila ang alam niyang newlywed couple....

"Aron, dear brother, andito ka lang pala. Who is she?"

"Alexie, sorry I...

Bigla ang kapilyahang naisip ni Candice. He cut what Aron would have to say...

"Hi Alexie, congratulations." Biglang beso sa dalaga at shake hands sa gwapong groom na hindi niya kilala.

"I'm Candice...your brother's girlfriend."

"Girlfriend?!"

Nagchrorus pa ang tatlo.

Tinignan niya si bestman. Wala ng mata.

"Sweetie, sorry, I Guess it's time that they will know what's going on between us. Napag usapan na natin ito di ba?"

She gave the sweetest smile to the best man. Then hold his hand. Rough hand she should say...

**********************

Toinks! Bakit ba nasabi ng dalaga yun. Candice is sometimes crazy that she doesn’t know what she's doing.

Tulala pa ring nakatingin ang bagong kasal sa kanya. Maya - maya lang nakita niya ng ngumiti ng ubod tamis ang bagong bride.

"Kuya naman! Oo nga, hindi ka na bata para ilihim pa sa amin na may girlfriend  ka na. The fact na matagal ng hinihintay ni Mama na may ipapakilala ka sa kanya."

"Pare, ang galing mong magtago ng sikreto ah." Si Marcus, alam niyang kung hindi lang ito ang groom ngayon ay sandamakmak na na pang - aasar ang ginawa nito. Mabuti na lang at wala sa paligid ang isa pa nilang kabarkada na si Ruel.

"Teka, wait, this CANDICE?" sabay tingin sa dalaga. Ewan ba niya pero ang cute ng facial expression.

"Hep! Sweetie, ok lang kaya sa kanila. Wag ka nang mahiya."

Hawak pa rin nito ang kamay ng binata. Biglang hinawakan ni Alexie ang kamay ni Candice. Hinila ito papalapit sa presidential table.  Papalapit...papalapit..

Gustong tumakbo ng dalaga. Huli na ang lahat, nasa harap na sila ng parents ng bagong kasal. 

"Mama, Papa, I'd like you to meet Candice, Aron's girlfriend."

Wala ng choice si Candice kundi ngumiti at ano bang ginagawa ng Filipina kapag pinakilala sa magulang ng minamahal. Sabi ng lola niya sa kanya eh kailangang laging nagmamano. At yun nga ang ginawa ng dalaga.

"Pleased to meet you, Iha. Maupo ka."

Heto na, wala na talagang atrasan Candice. She had no choice but to sit beside them. Si Aron naman ay naupo rin sa harap nila. Umalis naman ang newlywed upang mag table hopping.

"Aron, Iho. Nakakatampo ka, may nobya ka na pala pero ngayon mo lang naipakilala sa amin. This must be a serious relationship ha." Tukso ng ina nito.

Nakonsiyensiya si Candice, bakit kasi umabot pa sa ganito ang kalokohan niya. Mukahang napakabait pa naman ng mga tao sa harap niya.

Paano na to?

 **************************************************

"Ma, sorry po, but something is wrong here."

"Iho, okay  lang. Naintindihan namin if hindi ka pa ready na ipakilala si Candice. Nakakahiya naman sa nobya mo na ganyan ang inaasta mo ngayon." Ang Papa niya.

"What's your family name, Candice dear. Pagpasensiyahan mo na itong binata namin."

Manlotoc po, Ma'am."

"Ano ka ba, call us Tito and Tita. Manlotoc, kaanu-ano mo si Luis Manlotoc?"

Mas lalo yatang kinabahan si Candice. Mukhang magkakilala pa sila ng Papa niya.

"Father ko po, Ti-Tita."

"Nice! What a small world. Your Mom and I were good friends nung nabubuhay pa siya. Kumusta na nga pala ang Papa mo?"

"Okay naman po Tita. Busy sila ni Kuya sa business."

Naiihi na ang dalaga, nakalimutan niya kanina na pupunta siyang comfort room, and now because of this conversation, parang gusto niyang tumakbo at i rewind ang lahat.

Tila naramdaman iyon nang binata. 

"Ah, Ma, Pa, ieexcuse ko muna si Candice ha, pupunta kasi siyang powder room kanina ng nasalubong namin si Alex. Alam mo naman yun, na excite bigla."

"Ah, sige Aron. After that, mingle with the other guests ng maipakilala mo si Candice. Mamaya na kami magkuwentuhan."

"Thank you po." Nakahinga ng maluwag ang dalaga.

Now Aron got a chance to talk to her...

Lagot!

....................................................

Now Aron got a chance to confront this "Candice My Girlfriend" raw.

"What the hell are you saying, lady? I don't even know you." 

Alam ni Candice na galit ang kaharap, namumula nga kahit ang tenga nito. Pero in fairness, ang gwapo pa rin ng kaharap. But actually, she doesn’t know what to do and say now. Di yata gumagana ang powers nya.

Nasa isang part sila kung saan hindi nakikita ng mga guests.

Aron is getting impatient now. Anong akala ng babaeng ito, madali siyang lokohin? Na okay  lang ang ginawa niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa Mama niya, sa kapatid niyang ubod ng kulit, at sa kaibigan na alam niyang maya-maya pa ay ipagsasabi na nito kay Ruel ang nangyari. Makukutusan niya itong kutong lupa na to sa inis. 

"Ah, poging suplado, Aron right?" At nag peace sign pa si Candice. "Magpapaliwanag ako, pero utang na loob, ihing-ihi na talaga ako."

Totoo naman ang sinasabi ng dalaga. Kanina pa niya gustong pumunta ng comfort room...

Tinitigan ni Aron si Candice..Mukha namang nagsasabi ito ng totoo. The fact that she was about to go to the comfort room nung makita niya ito kanina.

"Promise, mag eexplain ako, basta pa ihi na oh!"

"Damn! Sige, maghihintay ako rito sa labas." Akala mo makakatakas ka ha, sa isip ng binata.

"Yah, if you like, sama ka pa eh." at nag peace sign ito ulit.

Bumuntong hininga ang binata. Tila pinapahaba pa nito ang pasensiya.

"Oo na!" at tumakbo na si Candice sa CR.

Habang nasa loob ay mabilis na gumagana ang utak ng dalaga, paano nga niya ba tatakasan ang binata. Kanina pa nagtetext ang mga kaibigan niya. Hinihintay siya ng mga ito sa SM mall, paborito nilang tambayan ang isang coffe shop roon.

Sililip niya ang binata, mukhang seryoso itong nag aabang sa kanya. Walang balak umalis at mukhang naiinip na rin ito.

Samantala, kanina pa nagbabantay si Aron. Alam niyang may binabalak si Candice, naiinip na siya sa labas nang biglang dumating si Yaya Sabel.

"Aron, ano at narito ka? Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Alexie at Marcus."

"Yaya, ah, may hinihintay po ako."

"Dito sa labas ng CR. Naku, halika na nga iho."

Yun na yun ang hinihintay ni Candice, ang sandaling pagkalingat ni Aron. Sabay parang pusa na tumakbo sa labas. Aba, sanay yata ang dalaga sa mga ganitong pagkakataon.

..................................................

Ang suwerte pa rin ni Candice dahil tiyempong may taxi ng lumabas siya sa reception. Sakay nun ang isang guest ng newlywed. 

"Manong, bilis po, may hinahabol po akong appointment." Kinakabahan pa rin ang dalaga.

"Shit!" Hahabulin pa sana ni Aron ang taxi subalit humarurot na itong umalis.

Kitang-kita naman ni Candice ang facial expression ni Aron. Galit ito. Mahal talaga siya ng langit at nakatakas siya sa super awkward na sitwasyong yun.

"Damn that lady! Magkikita pa rin tayo. Sisiguraduhin ko by that time hinding-hindi ka na makakawala sa akin." Wala pang taong nagbiro sa kanya ng ganun, of all events sa kasal pa man din ng kapatid niya.

The only problem now is the long explanation that he will give to his family. This must be a happy occasion pero binigyan siya ng problema ng babaeng yun. 

But something weird he cannot explain, bakit tingin niya ay makakasundo ng Mama at Papa niya ang kanyang "so-called-girlfriend Candice Manlotoc na yun! Natawa siya sa sarili niya.

 **************

"That was tough! Akala ko ay patay na ako dun!" Tuwang-tuwa si Candice dahil natakasan niya si Aron. But at the same time, she is so guilty of what she did. She knew that she's a brat sometimes but dun naman sa talagang deserving makatikim ng katarayan niya. But Aron Miguel and his family.....haaaaayyyyy...

Papunta na siya ngayon sa mall kung saan sila magkikita ng mga kaibigan niya. Bigla naman kasing nawala ang mga ito sa eksena kanina.

Then she remembered the bestman. Ang guwapo talaga nito. Bakit sa ganitong pagkakataon pa kasi sila nagtagpo. Magkakakilala pala ang pamilya niya at ang pamilya nito. Naku! Paano ba ito? Saka na lang niya iisipin yun.

"Girl, ang tagal mo ha. Saka hindi ka nagrereply sa mga text namin. Hindi mo rin sinasagot ang calls ko. Akala namin kinidnap ka na ni bestman."

"Girl, I had an adventure, ang hirap tumakas kanina." Candice shared what had happened.

"What's the name of the bestman, girl?"

Candice bites his burger, her favorite. Kahit puno pa ang bibig ay nagsalita ito.

"Aron Miguel Almensor, if I got it right."

"Aron Miguel Almensor!" Sabay pang ulit ng makukulit niyang friends.

"Duh, bingi lang Kathryn, ikaw rin Loise."

"Candice, saang bundok ka ba ng Maragusan galing at hindi mo siya kilala? I knew it, kaya pala sa church kanina, he's very familiar."

"Duh Kathryn, kung kilala ko eh di wala na sanang dare."

"He's super-duper hot girl!" Si Loise

"So?"

"Anong so ka diyan. Ang dami kayang babaeng humahabol sa kanya. The most eligible businessman bachelor in Davao! Crush nga siya ng ate ko." Si Kathryn ulit.

"Hmp! Playboy ganun?" Kahit kailan ay wala talagang appeal sa kanya ang lalaki gaano man ito kaguwapo kapag playboy.

"Uh, kinda. Habulin eh."

"Tigilan na nga ninyo ako, I gotta a problem pa."

"What is that?"

"Girls, I was able to tell him my complete name." Himutok ng dalaga.

“As in with family name, Candice?"

"Yup."

"Patay ka gurl, mukhang  you and that hunk will meet again."

Continue Reading

You'll Also Like

188K 3.8K 80
Dahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle...
22.6K 899 43
Embrace Me: Book 2 I have been living with lies whole my fucking life.
119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
20.9K 679 32
From "You're Mine, Period.", here's Razam Arterio's very own love story.. Hope you enjoy guyseussss!!