Flares of Dawn (Jillian Fuent...

By letmebed1

3.9M 62.1K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... More

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 29

59.5K 866 92
By letmebed1

Jillian Fuentes

NALALAPIT na ang pagpunta ni Pam sa bahay. Ramdam ni Wendy na nagseselos ang babe ko kaso hindi rin niya matanggihan yong isa dahil kaibigan niya ito. Sakin, wala namang problema kung dalawin ni Pam si Wendy, unang una kilala ko naman siya. Medyo maharot pero alam naman niya kung gaano ko kamahal si Anne. Ang problema ko ngayon ay madalas na tahimik ang babe ko, parang laging wala sa mood pag papasok ng klase at kahit sa paghatid ko sa kanyang trabaho. Hindi ko na lang masyadong kinukulit dahil baka umusok yong ilong masapok pa niya ako.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan saka ko siya inalalayan sa pagbaba.

"Sunduin na lang ulit kita mamaya babe." ngumiti ako saka humalik sa pisngi niya.

Tumango lang siya saka pinisil yong palad ko, ang tahimik niya. Tatalikod na sana siya nong pigilan ko. Hindi ko binitawan yong kamay niya.

"Babe, wag namang ganito oh. Di mo ko pinapansin eh."

Bumuntong hininga siya saka tumitig sa mga mata ko.

"Lilipas din 'to bakulaw."

Alam kong si Pam pa rin ang dahilan ng pananahimik niya. Ang problema wala pa si Pam ganito na siya, pano pa kaya pag dumating yon? Mas lalong hindi ako papansinin neto. Hay!

"Sige babe, basta wag kang lalandi sa boss mo ah. Pupunta lang muna ako sa bar ni Yana. Andon kasi si Wendy eh."

"Okay, basta wag ka ring lalandi don. Kilala kita Jillian! Tigilan mo ang pagiging childish mo pag may kaharap kang ibang babae! Subukan mong magpacute sa iba buburahin ko yang mukha mo!"

Ayon at tumalikod na siya. Grabe talaga ang kasweetan ng babe ko. Nakakatakot. Wiiw! Ni hindi man lang ako nakahalik sa labi niya kahit dampi lang. Kapag nagseselos talaga siya kulang na lang punitin niya tong pagmumukha ko. 

Pagpasok niya ng restaurant nagbiyahe na ako papuntang bar ni Yana. Pagdating ko nakita ko agad si Wendy na kumakanta sa stage, napangiti ako dahil mukhang masaya naman siya sa ginagawa niya. Kung ako mahilig sa sports siya naman sa music.

"Jill!" tawag ni Yana sakin. Andito si Jo at ang iba, nakakapagtaka lang wala si Jean. Baka nambababae na naman yon. Pero may isang tao na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon dito.

"Musta Jill? Long time, no see." si Arvie.

Tinapik niya ang balikat ko, ganon na rin ang ginawa ko saka ako bumeso sa iba. Pasulpot-sulpot talaga ang taong to. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya kung bakit gustong gusto siya ng mga kaibigan ko. Ako kasi talagang pumapalag yong kaloob-looban ko sa kanya. Kapag nakikita ko siya parang gusto kong bigyan ng isang suntok yong pagmumukha niya. Lalo na pag naalala kong nayakap niya ang babe ko nong minsang mawala siya sa gubat. Pag naalala kong si Arvie ang kayakap ng babe ko sa kama kulang na lang dukutin ko yong dila niya sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"Jill, magaling pala ang Sis mong kumanta. Kanina ko pa siya pinapanuod. Nakaka-in-love yong boses niya." sabi ni Arvie.

Hinila ko ang upuan saka umupo sa tapat niya. Tumabi naman si Frances sa akin habang umiinom ng lemon juice.

"Yan ang talent niya ang pagkanta." maiksing sagot ko saka ako sumenyas ng maiinom kay Jo na nasa counter.

"Hmm musta pala si Anne?" tanong niya.

Naningkit agad yong mata ko, buti na lang medyo naka yuko ako kaya sigurado akong hindi niya iyon napansin. Tingin ko miss na niya ang babe ko, pero sorry na lang siya. Akin lang si Anne!

"Okay, naman siya. Nasa work."

"Sipag talaga niya, humahanga ako sa pagtyatyaga niya sa pag-aaral habang nagtatrabaho siya. Swerte mo talaga sa kanya."

Syempre naman!

"Swerte ko talaga, dahil bukod sa maganda na siya masipag pa. Masarap pa magluto." pagyayabang ko sa kanya.

"Oo, nga eh. Minsan pinatikim na niya ako ng luto niya."

Ano daw?!

Pinatikim na ng babe ko si Arvie ng niluto niya?!

Kelan yon?!

Bat hindi ko alam?!!

Kulang na lang durugin ko tong basong hawak ko sa sinabi niya. Syete! Pilit ko na lang itinatago yong sobrang pagkaasar ko sa taong to! Nakakasira siya ng mood!

Hindi ko na siya nagawang sagutin, ni ayaw ko ngang lingunin yong pagmumukha niya! Naaasar ako! Asar na asar!

"Jill, tapos ng kumanta si Wendy." si Frances.

Narinig ko na lang na nagpalakpakan ang ang mga tao. Papalapit na ang Sis ko dito sa table namin, tatayo sana ako para bigyan siya ng mauupuan kaso naunahan na ako ni Arvie.

Bakit ba napaka-epal ng taong to!

"Wendy ang galing mo talaga. Humahanga ako sa boses mo."

Tumirik agad yong mga mata ko sa sinabi ni Arvie. Pumapapel talaga eh!

"Thank you ha." sagot naman ni Wendy.

Naniwala naman agad! Hmp!

"Jillian, baka gusto mong kumanta? Duet tayo?"

"Huh?!" nagulat ako sa tanong ng Sis ko. "Ayoko nga!" agad kong sagot sa kanya.

"Eh di wag!" sagot naman niya sakin.

"Tayong dalawa na lang Wendy. Mamaya duet tayo! Game ako sa kantahan."

Nagcrossed-legs na lang ako saka tumingin sa ibang direksyon dahil nakakairita na talaga ang isang to. Feeling close naman sa kapatid ko!

"Wala ka bang zonrox diyan?" bulong ko kay Frances.

"Bakit maglalaba ka ba?" bulong din niya.

"Hindi, ipapainom ko sa epal na Arvie na yan!"

Biglang natawa si Frances.

"Ang init talaga ng dugo mo sa kanya no?"

"Epal kasi eh! Sarap durugin ng pagmumukha niya!"

"Aysus! Napaka-brutal mo talaga Jill."

"Bakit ba gustong gusto niyo yan?!"

"Okay naman siya eh, mabait naman at kahit papaano marunong makisama."

Tumahimik na lang ako. Mula nong una kong makilala si Arvie kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya. Lalo na ngayon, parang tuwang tuwa si Wendy na nakikipagkwentuhan sa kanya!

Eto pa ang masaklap!

Napapatawa niya ang Sis ko! Abnormal din tong si Wendy eh! Pag ako kausap lagi akong binubulyawan pag si Arvie tuwang tuwa siya. Hmp! Asar!

Pabagsak kong nilapag yong baso na hawak ko. Pinagtinginan tuloy ako.

"Sorry, lasing na ata ako." sabi ko.

"Lasing eh ice tea lang yang iniinom mo!" si Wendy.

Inirapan ko lang siya saka tumayo at nagtungong banyo. Naghilamos ako saka sumugod kung saan naruroon si Jo.

"Oh Jill, eto try mo tong bagong alak ni Yana...ahhh aray ano ba!"

Hinawakan ko agad yong kwelyo niya saka hinila.

"Kelan pinatikim ng babe ko si Arvie ng niluto niya?!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Ahh araayyyy! Malay ko ba! Bitawan mo nga ako!!!"

"Sinabi ko sa inyo ni Jean na babantayan niyo ang babe ko! At wag na wag palalapitin ang Arvie na yon sa kanya!"

Talagang nanginginig na ako sa inis.

"Tsk! Bitawan mo ako Jill ano ba!!! Binabantayan ko naman eh! Hindi ko alam kung paano nakalusot si Arvie!"

"Ayokong mapapalapit pa yong Arvie na yon kay Anne, at lalong lalo na ayokong pinagluluto siya ng babe ko! Pag nangyari ulit yon patay kayong dalawa ni Jean sakin!"

"Oo na! Pwede ba bitawan mo na ako!!!"

"Hoy, Jill ano na naman ba yan ha?!" nakapamaywang si Ellaine habang pinandidilatan ako ng mata.

Bigla kong tinulak si Jo saka pumasok sa loob ng counter. Umupo ako dito sa sahig, naiinis na ako!

"Tumayo ka nga diyan! Para kang tanga! Anong problema mo bakit para kang papatay ng tao?" sinipa ni Atasha tong paa ko kaya bigla akong tumayo.

"Naiinis ako!"

"Bakit?"

Sinabi ko kay Atasha kung bakit ako nagkakaganito.

"Sus yon lang pala."

"Yon lang?!" sigaw ko din sa kanya kaso bigla na lang humarang sa harap ko si Yana.

"Hoy Jill kung gusto mong magwala don ka sa labas kung ayaw mong isubsob ko yang pagmumukha mo sa kumukulong mantika!" dinuro ni Yana tong pagmumukha ko kaya wala akong nagawa.

Nabubwisit talaga ako! Lumapit agad ako kay Wendy.

"Uwi na tayo." sabi ko sa kanya.

"Mauna ka na."

Kung makasagot akala mo alam na umuwing mag-isa.

"Dali na!" kinalabit ko siya sa balikat.

"Ayoko!"

Bumuntong hininga ako. Ang tigas din ng ulo eh! Asar!

"Frances! Hatid mo si Wendy sa bahay ha!"

"Yes boss!" kumaway siya sa akin.

Lumabas na ako ng bar saka sumakay ng kotse. Nagdrive na ako papuntang work ng babe ko. Kahit alam kong matagal akong maghihintay sa paglabas niya okay lang, kesa naman nakikita ko yong pagmumukha ng Arvie na yon!

Ilang oras din akong nandito sa parking lot ng restaurant, labas-masok sa kotse, pero nong makita kong lumabas ang babe ko sa work niya. Hinintay ko na lang siya dito sa sasakyan. Hindi na ako bumaba pa, binuksan ko na lang ang pinto nito.

"Bakit nakasimangot ka?" agad na tanong niya. Himala, siya ang unang namansin.

Pinaandar ko na ang sasakyan saka diretsong byahe pauwi ng apartment niya. Hindi ako umiimik. Pipigilan kong wag siyang kausapin para maramdaman niyang naiinis ako!

Hanggang sa makauwi kami at  pumasok ng apartment niya.

"Pag di mo ako inimik Miss Jillian Fuentes hindi kita papansinin ng isang linggo!"

"Asar!!!"

Biglang bagsak ng balikat ko.

"Sige mula bukas wag mo na akong kakausapin, wag mo din akong ihahatid at susunduin sa trabaho naintindihan mo?!"

Naloko na!

"Magsasalita na ako babe!"

"Wag na! Ayoko ng kausap!"

"Nagseselos lang naman ako dahil sabi ni Arvie pinagluto mo daw siya noon! Bakit mo siya pinagluto?!" sigaw ko.

"Ano?! At kelan ko naman daw siya pinagluto, aber?!"

"Malay ko! Basta ang sabi niya pinagluto mo daw siya!"

"Naniwala ka naman?!"

"Masasabi ba niya yon kung hindi mo siya pinagluto?!"

Kanina pa mainit ang ulo ko at halatang galit na din siya pero nagmamatigas ako. Dapat hindi sa lahat ng pagkakataon pwede niyang paganahin ang pagkamasungit niya!

"Asan ba yang Arvie na yan?! Sige iharap mo siya sakin para malaman mo kung totoong pinagluto ko siya!"

Napakamot ako bigla sa ulo.

"Ang gusto ko lang malaman kung totoo!"

"Never ko siyang pinagluto!"

"Ano ba talaga?!"

"Sa tingin mo ba magsisinungaling ako sayo?!"

Imposible nga namang magsinungaling ang babe ko. Pero bakit naman sasabihin ni Arvie sakin yon?!

"Hindi naman babe gusto ko lang naman malaman kung...."

Nakataas na ang kilay niya. Talo na naman ako neto! Asar!

"Okay, para matahimik ka Miss Jillian Fuentes..."

"Jillian lang babe!"

"Si Arvie ang nagluto para sakin. Pinagluto niya ako ng bicol express. Pero never ko siyang pinagluto ano!"

"Ano?! Pinagluto ka niya?! Ta's kinain mo naman?!"

"Anong masama don Miss Jillian Fuentes?! Alangan namang tanggihan ko, eh nong time na yon ay busy ka sa pag-iwas sa akin."

"Aissshh Jillian lang kasi!! Ibig sabihin pag hindi tayo okay pumapayag ka na ipagluto ng iba?!"

"Hay, tigilan mo ako Miss Jillian Fuentes! Pagod ako sa trabaho kaya kung gusto mo akong awayin sige i-schedule na lang natin kung kelan hindi ako pagod. Pwede?"

Kulang na lang magpapadyak ako sa inis! Tawagin ba ako sa buong pangalan ko at tama bang i-schedule namin ang away namin asar!

"Babe...ayokong mag-away tayo."

Pumasok siya ng kwarto at sumunod naman ako.

"Eh ano yang ginagawa mo sakin ngayon? Hindi bat inaaway mo ako? Naniniwala ka kay Arvie at hindi sa akin?"

"Hindi sa ganon babe. Naniniwala ako sayo."

"Hmp! Maliligo na nga lang ako! Tumabi ka nga diyan!" tinulak ba naman ako.

"Uhh babe saglit!" pinigilan ko siya nong papunta na siya ng banyo.

"Ano?!"

"Masarap ba yong luto niya?"

Humalukipkip siya.

"Oo masarap, magaling siyang magluto eh."

"Gustong gusto mo naman!"sigaw ko ulit sa kanya kaso inirapan lang niya ako saka tinalikuran.

Hay! Asar! Bwisit na Arvie na yon! Masasapak ko talaga yon eh! Gaguhin ba naman ako!

"Makikita mo Miss Anne Del Rio magpapraktis akong magluto at kapag natuto ako, sisiguraduhin kong masasarapan ka!"

Diretso lang siya sa pagpasok ng banyo. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Asar naman eh.

"Babe?!" kinatok ko ng kinatok tong pinto ng CR. Hindi kasi ako mapakali, baka tuluyan siyang magalit sakin.

"Babe?" kinatok ko ulit at narinig ko ang pagpihit niya ng doorknob.

"Ano ba? Hindi ka ba titigil? Naliligo ako." sumilip lang siya.

"Sorry na babe....?"

Halatang napabuntong hininga siya.

"Sige na, wait mo na lang ako sa kwarto."

"Okay babe."

Sumunod naman ako sa sinabi niya.

Saglit! Wait ko daw siya sa kwarto?

Ibig sabihin ba non....?

Napangiti ako bigla saka biglang naexcite!

....

Continue Reading

You'll Also Like

978K 22.9K 62
Professor Series 1 Where are you professor lazano Maia Rae Ashford - Masiyahing scholarship ng CU (Cansino University) pero dahil sa professor niyang...
5.9M 93.5K 17
Pagmamahal? Kailan mo matatawag na pagmamahal ang nararamdaman mo? Kapag ba masaya ka tuwing kasama siya? Pero paano kapag yung kasiyahan na nadarama...
279K 7.6K 46
[COMPLETED] Series III I Feel the raindrops dripping on my skin while standing in front of my Daddy's tomb. I'm Hope Kristen Ramirez, daughter of the...
1M 31.8K 37
1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're no...