My Dream Husband.(Book 1: Pro...

By MsLadyMom

74.8K 2K 52

Eveory Erion, isang babaeng naniniwala sa prince at fairy godmother. Kaya nga para sa kanya ang first crush n... More

Author's Note.
Kiss
Best of Friends
Nose
Wedding
Honeymoon
Sweet Morning
Home
Fallen
True Feeling
Love
Positive
Back
Fear
Assurance
Face-off
Untill The End
A/N

Wall

3.2K 98 3
By MsLadyMom

Halata sa gulat na mukha ng mga kaibigan niya ang biglang pagsulpot niya sa harapan ng apartment nito.

"Eve, anong problema? At napasugod ka sa kainitan ng araw?" Si Regine ang nagbukas ng pinto, hindi niya ito pinansin. Nilagpasan niya ito at saka umupo agad sa sofa, lumabas naman mula sa kusina si Judie na may nakasalpak pangchocolate bar sa bibig.

"Wha-mm-t u-mm-p?" Hindi niya naintindihan ang sinabi ni Judie, sabay namam tumayo ang dalawa sa harapan niya . Si Judie na nagtataka pero ngumunguya pa rin ng chocolate at si Regine na nakahalukipkip habang nakataas ang isang kilay.

"Anong problema? Kasi konti na lang maniniwala na akong nagsisimula ka ng mag-adik." Nagtaka naman siya na napatingin kay Regine.

"Ha?"

"Eto tignan mo yang ngiti mo. Abot hanggang langit, nakakatakot ka Eve, para kang high." Napatingin naman siya sa maliit na salamin na hinarap sa kanya ni Judie,kung saan nito iyon nakuha ay hindi niya alam.

Sinibat naman niya ang sariling repleksyon sa salamin, at confirm! Nakangiti siya at alam niyang hindi pekeng ngiti ang nasa mukha niya kundi ngiting nagmumula sa puso niya.

Saka niya naisip ang sinabi ni Wencell. Napatayo siya at nagulat pa ang mga kaibigan niya ng bigla niyang yakapin ng sabay ang dalawa.

"Woh, iba na yan" Natatawang sabi ni Judie. Huminga siya ng malalim para masabi ng tuwid ang gusto niyang sabihin.

"Wencell confessed his feeling." Ngiting-ngiti niyang sabi at parang timang ang dalawang kaibigan na halos sabay pa na nanlaki ang mga mata.

"What?/Talaga?" Sabay na sabi pa ni Regine at Judie. Tumango-tango siya , nakita niya na napangiti ng malapad si Regine, samantalang si Judie ay mabilis siyang hinitak siya saka pinaupo sa mahabang sofa at saka pinagitnaan ng dalawa.

"Dali magkuwento ka? Pano? Kelan siya umamin?" Si Judie ang pilit na nangulit sa kanya na ikuwento ang lahat, pinuno niya muna ng hanging ang baga bago huminga ng malalim.

Nagsimula siyang magkuwento kung pano siya niyaya ni Wencell na kumain, hanggang sa dumating siya sa part na alam niyang pulang-pula siya. Sandali siyang huminto at gusto niyang matawa sa itsura ng dalawa niyang kasama kung siya ay pulang-pula , si Regine naman ay parang naeskandalo sa kuwento niya, samantalang si Judie ay ngising-ngisi na akala mo ay nag-iimagine ng kakaiba.

"That's gross ! So pano siya umamin?" Kahit parang humindik ang itsura ni Regine ay nagawa pa rin itong magtanong sa kanya. Nagsimula ulit siya magkuwento hanggang sa sinabi nito, alam niyang daig niya pa ang kamatis sa sobrang pula pero ang dalawa niyang kasama ay speechless lang at nakakatawa ang mga itsura dahil sa parehong nakanganga ang dalawa.

"Hoy? Ano kinaya niyo ba?" Natatawa niyang tanong.

"Ang hot naman, ang astig naman nun. You made love with an erotic confession. " Hinampas niya ng unan sa mukha si Judie, mukha kasi itong nagpapantasya ng gising.

"Aray ! Sadista nito." Natawa naman silang tatlo.

"So umamin na si Wencell. Ikaw ba umamin na?" Napatingin naman siya kay Regine, kung may hindi siya masabi kay Wencell ay sa mga kaibigan niya iyon madalas nasasabi, katulad na lamang ng totoong feelings niya kay Wencell.

"Hi-hindi." Pag-amin niya .

"What ? " si Regine

"Bakit?" Si Judie.

"Hindi ko kasi akalain na sa ganoon siya aamin. Masyado kasi akong na overwhelmed, kaya nga mabilis akong nagbihis at gusto ko may makausap. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina." Naisubsob niya ang mukha sa unan na hawak niya. Saka sumigaw doon para ilabas ang kilig na naipon kanina pa.

"Umalis ka lang? Ganun? Ano yan para kang kagaya ng mga kiss and tell. " Saka muling dumukot sa bulsa si Judie ng chocolate nito. Napaisip naman siya sa ginawa kanina, dahil sa hindi na gumana ng maayos ang utak niya ay bigla na lang siyang umalis at kahit nga ng pigilan siya nito ay hindi siya nagpaawat. Sukat sa naisip na nasabi niya kanina kay Wencell ay napakagat na lang siya sa ibabang bahagi ng lapi.

"Gosh! I think I made a mistake." Sabay na napalingon sa kanya ang kaibigan.

"Ha? Ano?" Si Regine na tumayo na sa harapan niya.

"Mali kasi ata ang sinabi ko sa kanya . Sinabi ko kasing 'I'm sorry, I need to go and don't follow me." Hinintay niya ang reaksyon ng dalawa, napasibangot siya ng maunang magreact si Judie at tinawanan siya nito.

"Ang galing mo Eve, bigyan ng jacket yan . Ang lupit mo , para mong sinabi na, I'm sorry kasi hindi tayo pareho ng feeling, I need to go kasi hindi ko kayang makita ka at last don't follow me because there will never gonna change in my mind , I don't like you and that's it . PERIOD." Nanlambot naman siya sa naging komento ni Judie, OA man ito madalas sa lahat ng sinasabi pero kinakabahan pa rin siya na baka nga minasama ni Wencell ang sinabi niya.

"Anong gagawin ko?" Kay Regine naman siya tumingi.

"Malay ko, mukha bang may alam ako sa ganyan? " Napatirik pa ang isang kilay nito. Hopeless na pabuga siya ng hangin.

"Wag kang mag-alala,konting giling ng balakang at bukaka lang ng-- Aray ! Ang sama niyong dalawa sakin." Sumibangot pa si Judie , sabay kasi nilang nahampas ito ni Regine kaya kahit hindi niya gusto ay napabalatak siya ng tawa at sandali niyang nakalimutan ang nagawa sa asawa niya.

Napatigil lang sila sa pagtatawanan ng marinig na may sunod-sunod na katok na nagmula sa pinto.

"Hala? Baka si Wencell yan. " Bigla siyang kinabahan na baka nga ang asawa niya ang dumating. Nakita niyang binuksan ni Judie ang pinto at para bang naalala niya na ang ganong eksena.

Sa bar.

Pigil ang hininga niya ng makita ang pagpasok ni Wencell, hindi na niya nga narinig ang sinabi nito kay Judie bago ito pumasok.

Seryosong nakatitig lang ito sa kanya habang papalapit sa pwesto niya, para naman siyang aatakihin sa puso dahil sa kaba.

"Sige maiwan ko muna kayo, ipaghahanda ko lang kayo ng miryenda." Si Regine ang unang um-exist.

"Ay, may nakalimutan pala akong gawin. Sige maiwan ko muna kayo, feel at home ." Sumunod naman si Judie pero sa kuwarto ito tumungo.

Wala naman siyang maapuhap na sabihin sa nakatayong asawa, mukhang nasaktan naman ito dahil ni hindi niya magawang batiin ito.

"I was worried . You didn't answer all my calls and texts, so I come here to fecth you. " Nahihimigan niya ng pait ang boses ng asawa, pinilit niyang pakalmahin ang nagwawalang puso dahil sa presensiya ng asawa.

Mabilis niyang tinignan ang cellphone niya napakagat na lang siya ng labi ng makita ang 16 missed call and 21 text at lahat iyon ay galing kay Wencell.

"Sorry, nakasilent pala. Hindi ko napansin." Hindi niya matignan ito, dahil sa tuwing nakikita niya ang mga mata nito ay parang pilyang naglalaro sa utak niya ang pagko-confess nito habang nasa isang mainit silang pagsasalo.

"Are we good?" Napatingin siya sa asawa pero nag-iwas siya muli ng mata. Ayaw niya kasing makita nito ang pamumula ng mukha niya.

Katahimikan ang sandaling namayani sa kanila. Hindi niya kasi alam kung ok lang ba sila o ano, dahil kahit ayaw niya ay nakakaramdam siya ng pagkailang sa asawa.

Narinig niya ang pagbuntunghininga nito.

"We should go home. " Sabi na lang nito.

"Sige, teka magpapaalam lang ako kila Regine." Hindi na niya hinintay ang pagsagot ni Wencell at saka tinungo si Regine. Nagpaalam siya dito, sumunod ay umakyat siya para magpaalam na rin kay Judie. Kapwa nagbigay lang ito ng simpleng 'bye at ingat' .

Nagpaalam na rin si Wencell na iniwan niya sa loob at mabilis na sumakay siya sa kotse nitong nakagarahe sa harapan ng apartment nila Regine.

Hindi man niya aminin sa sarili ay masaya siya na nalaman niyang mahal siya ng asawa niya pero may takot pa rin sa puso niya lalo at alam niyang nagsimula sila dahil sa isang 'promising marriage' kahit gustong gusto niyang aminin na mahal niya rin ito ay kinakain naman siya ng sariling takot na baka nasabi lang nito iyon dahil bukod sa asawa niya na ito, ay si Wencell din ang nakauna sa kanya.

And probably the last.

Napapikit siya dahil sa halo-halong emosyon. Naramdaman na lang niya ang pagsakay ni Wencell sa driver seat. Tinignan niya ito, at parang may kung anong dumukot sa puso niya ng makitang seryoso lang itong nakatingin sa harapan at ni hindi siya tinapunan ng tingin saka pinaandar ang kotse.

Pakiramdam ni Eveory ay nagkaroon ng malaking harang ang pagitan nilang dalawa ni Wencell.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 88.1K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
585K 7.6K 49
Would you enjoy the pleasure you felt from someone you've just met? "He did it before, I'm sure this time he'll take me forever" -Andrea Ann Villaluz...
101K 2.3K 29
spg_ for 18 years and above.
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...