Lost and Found

peachxvision द्वारा

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. अधिक

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 7

8.8K 455 128
peachxvision द्वारा

Gabi-gabi since nag-install ako ng laro niya, araw-araw na rin kami naglalaro. Minsan, kahit hindi siya naglalaro, naglalaro pa rin ako para ma-enhance yung skills ko. Para naman pag naglaro kami, maayos-ayos akong kakampi or kalaban.

"Yung totoo," sabi ni Eli habang naglalakad kami papuntang faculty. "Ano ba talaga kayo?"

"Friends."

"Friends? Buong klase ang alam eh kayo."

"Eh kayo ni Allen, alam ba ng buong klase na kayo na?"

"Wag mo i-divert sa amin yung usapan. Chismis lang 'yon. Best friends lang kami."

"Eli, hindi ako tanga. Nakita ko kayo last Saturday na magkaholding hands tapos nagkiss kayo sa lips. Best friends?"

"Nasa bahay lang ako noong Saturday. Baka iba yung nakita mo."

"Sabi na nga ba sasabihin mo 'yan eh."

Kinuha ko yung phone ko. Dahil alam kong sasabihin 'yon sa akin ni Eli, kinuhanan ko sila ng picture.

"O," inirapan ko siya. "Hindi ikaw 'yan?"

Hindi na siya nakapagsalita. Alam ko naman kung bakit nila tinatago. Iwas chismis, siyempre, girl to girl relationship yung kanila.

"Wag mo na lang sabihin, please?" bumuntong hininga si Eli. "Kung ako lang, ayos lang naman sa 'kin sabihin na kami. Pero si Allen yung may ayaw."

"Bakit?"

"Yung religion niya, una sa lahat. Siyempre, parents niya, 'di ba?"

Sensitive din ang topic tungkol sa religion kaya ayoko na mag dive in. Hindi rin naman ako usisera tulad ng ibang tao.

"Basta," tinapik ko yung likod ni Eli. "Kung saan ka masaya. May utak naman na kayo."

"Okay lang sa'yo relationship namin?"

"Whether okay lang sa akin or hindi, desisyon niyo 'yan, Eli. Hindi ako makikialam."

"Shit," napangiti si Eli. "Ang gaan pala sa pakiramdam."

"Ng?"

"Yung may masabihan ng tungkol sa amin."

"So ako ba ang unang nakakaalam ng tungkol sa inyo?"

"Yup. Eh yung sa inyo ni Theo, ako ba unang nakaalam?"

"Walang kami okay?"

"Lungkot naman 'non."

Natawa ako. "Ikaw nga nalungkot, ako pa kaya?"

"Wala kang balak i-level up?"

"Ano bang i-lelevel up? Hanggang dito na lang ata kami. Ano bang tawag sa greater than best friends but less than lovers?"

"Mga nag tatanga-tangahan?"

"Bwisit naman 'to eh."

Natawa na lang siya. Maganda rin naman sa pakiramdam na may nasasabihan ako tungkol sa frustrations ko.

Pagdating ng lunch, excited akong kuhanin yung baon ko sa loob ng bag. Nagbaon kasi ako dahil tortang talong yung niluto ni mama.

"O," lumingon si Theo sa 'kin. "Di ka maglulunch sa canteen?"

"Hindi, may baon ako."

"Sana sinabi mo para nagbaon din ako."

"Eh, hindi naman kailangan sabihin sa'yo."

"Gusto kitang kasama kumain sana," nag sad face siya na parang nagpapacute.

"Sige, samahan na kita sa canteen."

"Wag na."

"Wag ka ngang pa-cute dyan. Sasamahan na nga kita eh."

"Kahit dito na lang, basta subuan mo ako."

"Ayan ka nanaman. Pa-flirt ka nanaman. Sabi ko sa'yo 'di ba? Alagaan mo yung—"

"Feelings mo?" Tinitigan niya ako at ngumiti. "Iniingatan ko naman ah..." Tapos biglang sabi ng:

"Ikaw ata 'tong di nag-iingat eh."

Bigla akong natameme. Nag slow motion lahat ng bagay. Natatakot ako na marinig yung heartbeat ko mula sa kung saan siya naka upo. Lumunok na lang ako ng laway kasabay ng paglunok ko sa isang subo ng baon ko.

"Kumain ka na nga. Baka magutom ka na niyan."

Sa loob-loob ko, naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko ba 'yon sinabi? Parang linyang pang girlfriend naman yung sinabi ko.

"Sige, balik ako agad."

Umalis si Theo at tinuloy ko yung pagkain ko. Nagbasa na lang ako ng notes para sa susunod naming subject nang bigla siyang dumating na may paper plate, naka plastic na ulam at kanin, at plastic spoon and fork.

"Bakit hindi ka pa sa canteen kumain?" Tanong ko kahit medyo alam ko naman yung sagot pero gusto ko pa rin marinig.

"'Di ba sabi ko gusto kong kumain kasabay ka? Kaya bukas, magdadala na rin ako ng baon. Tapos share tayo ng ulam."

True enough, may dala siyang baon the next day. And the next day. And the next day. Minsan, nagkakapalit kami ng ulam, minsan naman share kami. May time na siya yung nagpreprepare ng baon para sa aming dalawa, tapos may time na ako yung nagpreprepare para sa aming dalawa.

"Tangina?" nagmura lang naman si Eli. Nagulat nga yung mga freshmen na katabi namin habang hinihintay namin yung order namin na gulaman. "Naghahanda ng pagkain para sa isa't isa? Hindi pa ba kayo?"

"Hindi pa nga."

"Pero mas madalas ikaw na nagdadala ng baon."

"Okay lang naman 'yon sa 'kin. Marami namang pagkain sa bahay."

"Una, natuto kang maglaro ng laro niya. Tapos ngayon, naghahanda ka na ng pagkain para sa kanya. Patay na patay ka talaga doon ano?"

"Hoy ano ba, may makarinig sa'yo eh! Ganon lang siguro talaga kapag gusto mo yung isang tao, 'di ba?"

"Bahala ka nga dyan."

Doon ko lang narealize na sa bawat araw na lumilipas, parang mas lalo nga ata akong umaasa na meron kaming something. Although, gets ko naman na wala—na baka iniisip din niya yung iniisip ko na wag muna. Ayoko rin aminin sa kanya na gusto ko talaga siya, pero alam namin na nasa flirting stage kami.

Wow, flirting stage. Saan ko naman natutunan 'yon?

Pero kahit ganito lang naman muna kami, masaya naman ako. Di naman ako nagmamadali. Eh kesa madaliin ko tapos maging tulad lang kami na away-bati on-off di ba?

"Oy," tinapik ako ni Theo. "Iniisip mo?"

Dismissal na 'non. Hinihintay ko siya lumabas ng classroom noong mga oras na 'yon. May meeting pa siya nung grupo niya sa AP eh, kaya nagdesisyon akong umupo muna sa isa sa mga bench sa grounds.

"Kung saan ako makakakain ng torta mamaya."

"Di ka ba nagsasawa sa torta?"

"Sa pagkain ba o sa'yo?"

Luh, punyemas, anong kalandian naman ang pinairal ko sa sinabi ko?!

Natawa lang naman si Theo tapos nag-isip. Sarap sabihin na, putek, kapag nagpakita ng motibo, pwedeng wag magmanhid-manhidan?

"Sa pagkain."

"Hindi? Hindi ko naman kasi araw-araw inuulam 'yon eh."

"Eh sa 'kin?"

"Sawa na."

"Weh?!" Nagulat siya, yung parang gulat na joke sa sinabi ko. Natawa pa nga ako sa itsura niya.

"Sawa na akong paglaruan mo feelings ko."

Tumahimik siguro ng limang segundo. Ayoko ng ganon. Ayoko ng pinaghihintay ako ng sagot. Pero alam ko naman yung susunod kong sasabihin.

"Chos."

Chos. (n.) the word you stick to a set of words you really meant so it will seem like a joke. See also: charot

Tapos natawa ako, pero di siya natatawa kaya pinalo ko siya sa braso.

"Oy, wag seryoso sa life! Sapakin kita eh."

Tumingin siya sa 'kin, yung nakakatunaw. Na ano ba, sasabihin na ba niya na di naman niya pinaglalaruan feelings ko at totoo yung feelings niya para sa 'kin tapos itatanong na ba niya ako kung pwede na ba maging kami?!

Natatawa ako sa train of thought na nangyari sa loob ng tatlong segundong katahimikan. Pero deep inside, umasa naman ako na ganon.

"Ikaw nga dyan pinaglalaruan feelings ko!"

"Anong pinagsasasabi mo dyan?! Paano naman nangyari 'yon?!"

"Eh kanina na lang, nang tinanong mo 'yon. Pizza, tumigil puso ko saglit."

"Bakit titigil?"

"Ewan."

Uy. May potential. "Ewan" sagot niya eh.

"Nasaktan ka?" Nakangiti kong tanong, parang nanunukso.

"Eh paano kung oo?"

Eh di masaya. Para matamaan ka naman tapos maging official na tayo. Chos. Di ko nga alam kung meron tayong "pre-official" kung meron man 'non eh.

"Aba malay ko sa'yo."

"Pinaglalaruan ko ba talaga?"

"Hala ka! Wag ka ngang seryoso sa buhay! Jinojoke ka lang eh!"

Biglang umihip yung hangin, "Eh sabihin mo na lang kasi kung masakit."

Nagulat ako sa mga sinabi niya, "Paano kung masakit na nga?"

"Eh di lalayo ako."

"Lalayo para?"

"Para di ka masaktan..."

"Ngayon pa lang na andito ka, masakit na. Yung lalayo ka pa kaya?"

Tumahimik kaming dalawa.

Sobrang tahimik, biglang naramdaman na lang namin yung pagyugyog ng mga balikat namin.

Tapos tumawa kami. Umupo ulit siya sa tabi ko saka kinurot yung pisngi ko.

"Kadiri!" Binato ko siya ng bag ko na di naman umabot sa kanya. "Audition kaya tayo?! Yuck narinig mo ba pinagsasasabi natin kanina?!"

"Takte, iba pala kapag sinasabi mga linyang pang TV."

"Tapos tayo talaga nagsasabi no?"

"Halika na nga," kinuha niya yung bag ko. "Hatid na kita."

"Akin na 'yang bag ko. Kaya ko naman."

"Alam kong kaya mo. Pero gusto ko lang."

Hinayaan ko siya dahil choice niya. Choice ko din na hayaan siya. Isa pa, parang gawaing pang mag bf-gf 'yon, pero okay na ako sa ganito.

Habang naglalakad kami, di ko maiwasang mag-isip. Yung nagkwekwento siya pero yung utak ko lumilipad sa nangyari kanina.

Iniisip ko kung iniisip ba niyang may laman yung bitawan ng mga sinabi namin kanina...

Kahit tinawanan lang namin.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

6.6M 219K 194
(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance
36.3K 1.8K 48
TL Series #2 • Frinz Alfonse Payne's Story • An online story that started with a deal. A deal that both of them would benefit from each other. The...
2M 72.2K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...