Mnemosyne's Tale

By AnakniRizal

5.4M 165K 33K

Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's... More

Foreword
The Prophecy
/1/ Warning
/2/ Curiosity
/3/ Invitation
/4/ Too Late
/5/ Consequences
/6/ Pitfall
/7/ Voices
/8/ Sanity
/9/ Offer
/10/ Changes
/11/ Lessons
/12/ Fiasco
/13/ Goodbye
/14/ He Can See the Future
/15/ Friday Night
/16/ Peculiars
/17/ Three Men
/18/ The Zealot's Lure
/19/ Sweet Dreams
/20/ Despite Uncertainty
/21/ Searching For Answers
/23/ Looking Within
/24/ Escape and Arrival
/25/ Facing Death
/26/ The Secret History
/27/ Order of the Black Sun
/28/ The Woman Who Led Victory
/29/ Her Unexpected Return
/30/ Severe Decisions
/31/ Surrender
/32/ The Future Arrives
/33/ It's All Determined
/34/ End
Epilogue
Thank You!
Mnemosyne's Tale TO BE PUBLISHED

/22/ Lurking Evil

88.6K 3.5K 680
By AnakniRizal


"A-ANO ka?" Nanginginig niyang tanong sa akin habang hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ng aking dalawang mata. She's still glowing and it looks like she's unconscious about it.

Gusto ko sanang sabihin, ako rin ang dapat na magtanong sa'yo ng bagay na 'yan, anong klaseng tao ka?

Mas napagmasdan kong maigi ang kanyang pisikal na anyo. Mas matangkad lang ako sa kanya ng isang dangkal, hanggang baywang ang kulay tsokolate niyang buhok, maputla ang kanyang balat, at tingin ko'y hindi rin nagkakalayo ang aming edad. Kapansin-pansin din ang kulay abo niyang mga mata. Isa siyang magandang dilag.

Napalunok ako nang sunud-sunod. Naalala ko ang batang babae na hinabol ko kanina, sinadya niya ba akong dalhin sa lugar na 'to para makita ang babaeng kaharap ko ngayon? Anong pahiwatig nito? Atsaka ko biglang naalala, naghahanap nga pala ng mga kakaibang nilalang ang Memoire, kay tagal na kaming nabigo at heto nasa harapan ko na ang isa!

"Huminahon ka, miss," sabi ko sa kanya. "Hindi ako masamang tao."

Unti-unting nawala ang pagkabahala sa kanyang itsura at nakahinga ako ng maluwag.

"Sino ang mga lalaking 'yon? At bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya at napatingin siya sa sahig.

"H-hindi ko sila kilala, may isang babae ang nangako sa'kin na magbibigay ng trabaho subalit nalaman ko na lang na ibebenta kami," napatingin siya sa akin at tila may naalala bigla. "M-may mga kasama ako! T-tulungan natin sila."

Bigla niya akong hinawakan sa braso at nangungusap ang kanyang mga mata na may bakas ng takot. Mukhang hindi talaga niya alam na nakikita ko ang aura na bumabalot sa kanyang katawan. Hindi kaagad ako nakasagot, tila biglang nablangko ang aking isip.

"P-pakiusap, Sigrid!" nagulat ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" 'di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Maliban na lang kung katulad ko siya... katulad kong kaya niyang basahin ang isip ng isang tao.

Binitawan niya ako at bahagyang napaatras siya, maging siya'y nagulat din sa kanyang sinabi. Hindi siya makasagot, at sa pagkakataong ito ay kinailangan kong basahin ang kanyang isip.

Subalit...Imposible! Hindi ko mabasa ang kanyang isip! Isa rin siyang Telepath katulad namin ni Memo?

"Miss," tawag ko sa kanya. "Miss, sandali!"

Bigla siyang tumakbo palayo, umakyat siya sa upper deck at wala akong nagawa kundi tumakbo rin para habulin siya. Mukhang nakaramdam siya na sinubukan kong basahin ang kanyang isip. Kailangan ko siyang makausap para malinawan ako.

Natanaw ko siyang tumatakbo at ilang sandali pa'y nakita kong nabangga siya ng isang lalaki kaya naabutan ko siya.

"Isagani!" siya ang nakabangga sa babae at nakaalalay siya rito dahil muntik na itong sumubsob sa sahig.

"Sigrid?" may bakas ng pagtataka sa kanyang mukha, napatingin siya sa babaeng hawak at muli siyang tumingin sa akin. "Kanina pa kita hinahanap, anong—" Walang anu-ano'y kumaripas ulit ng takbo ang babae.

"Ang babaeng 'yon! Kailangan ko siyang makausap!" sigaw ko kay Isagani bago ulit ako kumaripas ng takbo.

Napadpad kami sa may boat deck at wala na siyang matatakbuhan. Nakita ko sila Ruri, Rare, Annie, at Kero 'di kalayuan na nakatanaw sa dagat, naagaw namin ang atensyon nila kaya lumapit sila sa amin.

"Miss, pakiusap, mag-usap tayo," tawag ko sa babae at humarap siya sa'kin, may takot pa rin sa kanyang mukha.

"Sigrid, what's going on?" tanong ni Rare nang makalapit sila sa'kin.

"Sino ang babaeng 'yan?" sinundan 'yon ni Annie.

"She's a Peculiar, like us," I said to them and I heard their gasps. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"P-Peculiar? Paano mo nasabing katulad natin siya?" si Ruri naman ang nagtanong.

"She has a violet aura," sagot ko. "And I think she's also a Telepath like me."

"Aura? Wala naman ah!" sabi ni Kero. Mukhang ako lang talaga ang nakakakita ng aura na 'yon.

"Sigrid!" dumating na rin si Isagani. "Anong nangyayari?"

Hindi ko siya sinagot at humakbang ako palapit sa babae.

"Gusto lang kitang makausap, tungkol sa kapangyarihan mo," dahan-dahan kong sabi sa kanya subalit hindi pa rin nawawala ang pagkabahal sa kanyang mukha. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"H-halimaw ka rin ba?" natigilan ako nang sabihin niya 'yon. "K-katulad ko?"

"Hindi ako halimaw," sagot ko sa kanya. "At hindi ka halimaw. May mga tawag sa uri natin, isa tayong Peculiar."

"P-Peculiar?" ulit niya.

Malapit na ako sa kanya nang bigla siyang naalarma.

"Huwag kang lalapit!" may halong takot ang kanyang utos.

"Guys?" boses 'yon ni Kero. Sabay-sabay kaming napatingin sa naglilikha ng ingay, nakita namin ang mga upuan 'di kalayuan na gumagalaw at unti-unting umaangat sa sahig.

"Kero? Ginagalaw mo ba 'yon?" tanong ni Annie.

"Hindi ako 'yon!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa babae. Siya rin ang may kagagawan nang paggalaw nito?! Mabuti na lamang at kami-kami lang ang tao rito sa boat deck at walang ibang normal na tao ang nakakakita sa amin.

"Hindi ka namin sasaktan!" sabi ko. "Hayaan mo kaming magpaliwanag."

Tumigil din ang paggalaw ng upuan. Nakita ko na hinihingal siya, dahil ba 'yon sa paggamit ng kanyang kapangyarihan? Maya-maya'y bigla siyang bumagsak sa sahig kaya kaagad ko siyang dinaluhan.

"Miss!" inalalayan ko siyang tumayo at naglakad kami patungo sa upuan. Inutusan kong kumuha ng tubig na maiinom si Kero para mahimasmasan ang babae. Nang makakalma siya'y muli ko siyang tinanong.

"Ayos ka lang ba?" tumango siya. Nakatayo sila Isagani, Rare, Ruri, Annie, at Kero habang nakatingin sa aming dalawa. "Anong pangalan mo?"

"P-Patrizia Rosencruz. Zia ang tawag nila sa akin."

"Zia, alam kong katulad ka namin, isang nilalang na hindi pangkaraniwan. Pwede bang malaman namin kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon ka?" tanong ko sa kanya.

Saglit na tumitig sa kawalan si Zia bago siya sumagot, "H-hindi ko rin maipaliwanag kung ano ako, ang alam ko lang... sinabi sa akin ng aking namayapang ina na hindi basta tao ang aming ninuno, at ang dugong nanalantay sa akin ay isang sumpa."

Tumingin ako sa mga kasama ko at nakitang nakikinig lang sila sa amin.

"Paano mo nagawa ang mga bagay na 'yon kanina?" tinutukoy ko ang pag-alam niya sa aking pangalan at ang paggalaw ng mga upuan.

Umiling si Zia, "P-paano? Ang alam ko lang ay hindi rin kayo mga ordinaryong tao," tumingin siya sa mga kasama ko, "nararamdaman ko ang bawat kapangyarihan na mayroon kayo at hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit at paano."

Nararamdaman niya ang kapangyarihan namin? Ngayon lang ako naka-engkwentro ng katulad niya, at kung malalaman ito ng Memoire ay tiyak na matutuwa ang mga 'to sa balitang may nahanap na rin kami sawakas sa loob ng mahabang panahon.

"We're not still sure if she's really one us," sabat ni Rare habang nakahalukipkip, hindi siya kumbinsido sa mga narinig niya.

"Rare, tsansa na natin 'to para ipakita sa Memoire na may nahanap tayo!" sabi naman ni Kero.

"We need to test her—"

Bigla kaming nagulat nang itaas ni Zia ang kanyang palad at lumabas mula roon ang isang apoy. Napaatras sila at ako naman ay nanatiling nakaupo sa tabi ni Zia habang namamanghang nakatingin sa kanyang palad.

"What the hell?" reaksyon ni Rare habang hindi rin makapaniwala sa nakikita.

Ibinaba ni Zia ang kanyang kamay at nawala na rin ang apoy sa kanyang palad.

"How did you do that?!" si Rare na hindi na mapakali ngayon.

"She's a Peculiar!" masayang bulalas ni Ruri. "She's one of us!"

"Kung ganoon, anong kapangyarihan ang mayroon ka?" nagsalita na si Isagani at umiling lamang si Zia.

She doesn't have an idea about her power, but I only thought of one possibility.

"Zia can copy our powers." Sabi ko at napatingin sila sa akin.

"Paano ka nakasisiguro?" nakapamewang na tanong ni Annie.

"By this time, we're sure that she's like us. Hindi lang ako sigurado kung ano ang extent ng kapangyarihan niya. I'm sure she can read my mind, she copied Kero and Rare's powers." Sabi ko.

"Then, we need to take her to Memoire para malaman natin." Si Isagani.

"May mga kasama ako na nadakip din! Kailangan ko silang tulungang makaalis!" maluha-luhang sabi ni Zia at humarap siya sa'kin. "Pakiusap, tulungan mo ako na maitakas din sila. Ibebenta sila at gagawing alipin!"

Napaisip ako sandali.

"Zia, gagawin ko ang hiling mo sa isang kundisyon." Sabi ko.

"A-ano 'yon?"

"Sasama ka sa amin sa Memoire."

*****

PUMAYAG si Zia sa naging kundisyon ko. Hindi naman na naging mahirap sa amin na iligtas ang mga kasama niya mula sa mga masasamang loob, binura ko rin ang mga alaala nila pagkatapos. Hindi na kami natuloy sa isla kung saan dapat kami magbabakasyon, bumalik kami sa headquarters para ipaalam ang mabuting balita.

Wala ng ibang pamilyang nabubuhay si Zia at halos sampung taon na siyang namumuhay mag-isa. Kumagat siya isang trabaho upang buhayin ang sarili subalit nauwi iyon sa panloloko, sa kabutihang palad ay naligtas ko siya. Sumama siya sa amin at pumayag na maging kasapi ng Memoire dahil wala na siyang ibang mapupuntahan pa at ito ang unang pagkakataon mayroon siyang nakatagpo na katulad niyang may kakaibang abilidad.

Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay bigla kong nakita kay Zia ang aking sarili, noong mga panahong sunud-sunod na kapahamakan ang nangyari sa akin hanggang sa wala na akong ibang mapupuntahan—lumitaw si Memo at sumama rin ako sa kanya noon dahil walang ibang nakakaunawa sa katulad ko.

Umaga na kami nakarating sa HQ ng Memoire, at kaagad kaming nagpatawag ng meeting mga nakatataas na kaagad naman nilang pinaunlakan. Hindi pa kami nakapagpapahinga nang pumunta kami sa conference room kung saan naghihintay sila Dr.Morie, Don Vittorio, at Memo.

Ako ang nagpaliwanag ng buong pangyayari at upang mas maniwala sila na totoong Peculiar si Zia ay ipinamalas nito ang kakayahan. Like the usual, she copied Rare and Kero's power, this time she also vanished like Ruri.

Nagpalakpakan ang tatlong founder matapos ang tila pagtatanghal ni Zia sa kanila. Manghang-mangha sila maliban kay Memo na hindi mo nababasa kung ano ang nasa isip.

"She can copy powers of those Peculiars around her? That's interesting and amazing." Komento ni Don Vittorio.

"Well, we have to test her abilities to see her potential," sabi naman ni Dr.Morie.

"Proceed," Sabi ni Don Vittorio at humarap siya sa amin. "Good job to all of you. Alam kong pagod kayo sa maagang biyahe. You can go now."

"Except you, Sigrid," nagulat kami nang magsalita na rin sawakas si Memo. "I believe na kailangan mo pang mas ipaliwanag sa amin kung paano mo natukoy na Peculiar si Zia." Matalas ang tingin niya sa'kin at doon pa lang ay kinutuban na ako ng hindi maganda.

Sumulyap sa akin si Isagani bago sila lumabas ng silid. At nang maiwan ako'y humarap ako sa kanila, ang tatlong founder ng Memoire.

Subalit lumipas ang isang minuto at nakaramdam na ako ng masama. Hindi gumagalaw sila Don Vittorio at Dr. Morie, parehas lang silang nakatitig sa kawalan.

"What the hell are you doing, Memo?" Matigas kong tanong sa kanya. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa at tumayo siya sa kinauupuan.

"Relax, naka-freeze lang sila at ibabalik ko rin sila sa normal maya-maya." Sabi niya at medyo lumapit siya sa akin.

"Stop this. Ano bang gusto mong mangyari?" inis kong tanong sa kanya dahil hindi ako natutuwa.

"Oh, even though you're frowning you're still like a goddess," pang-aasar niya sa'kin. "Do you really think na hahayaan kitang sabihin sa kanilang dalawa kung paano mo natukoy na Peculiar si Zia?"

"What do you mean?" nakakunot kong tanong.

"Hindi ka ba nag-iisip, Sigrid? Akala ko ba matalino ka?" he grinned devilishly. "Sa oras na malaman nila na nakikita mo ang aura ng isang Peculiar ay hindi ka na nila titigilan. They will use your power forever and I can't let your power to waste for that."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig.

"How did you know?!"

Mas lumapad ang ngisi niya at kinilabutan ako nang maramdaman ko ang aura niya, it was so big and dark... His aura is nothing compared to Zia, at ngayon ko lang ito nakita!

"Mukhang unti-unti nang lumalabas ang totoo mong kapangyarihan, Ravi."

Napasinghap ako nang tawagin ako ni Memo sa pangalang 'yon. Alam din niya! Ngunit paano?

"Consider this as a help from me, Sigrid. Memoire doesn't need to know about your power."

"M-Memo," nanginginig na ang buong katawan ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. "S-sino ka ba talaga? At anong... anong totoo mong intensyon? You changed since you established Memoire!"

"Malalaman mo rin sa kung sino ako sa oras na malaman mo kung sino ka. Sinabi ko na sa'yo noon 'di ba? We're fated to meet in many life times. We are the gods of the atom and we already lived a thousand times. This is probably the last, but I'll make sure the victory will be mine."

Hindi ko lubos na maintindihan ang huli niyang mga sinabi.

"And my real agenda? Memoire is just my tool; they have the technology, money, and resources. But I on the other hand... have the control of Peculiars."

Naubusan na 'ata ako ng mga salita dahil walang lumalabas sa mga bibig ko kahit na parang sasabog na ang aking isip.

"Hindi pa huli ang lahat, Sigrid, you and I are special, we are beyond Peculiar! Come with me, and let's conquer the universe. Together we will be powerful and invincible!" I can see madness in his eyes. Inilahad niya ang kamay subalit tinitigan ko lang 'yon. Tiningnan ko ulit sila Don Vittorio at Dr.Morie na hindi pa rin gumagalaw dahil kontrolado sila ni Memo.

"Sigrid," narinig kong pagtawag niya sa akin. "We will lead all the Peculiars to create a world for them. We won't be obscured anymore and we will create a new civilization!"

"No, you're mad!" sigaw ko sa kanya. "The world is created for all people, at hindi tayo diyos para kontrolin sila!" Tumawa lamang siya at huminto rin.

"You're working tirelessly for Memoire, anong kaibahan mo sa'kin? You're willing to give them Peculiars that they'll also use in the future."

"Hindi tayo magkaparehas!" pero naisip ko ang sinabi niyang 'yon. Anong kaibahan ko sa kanya kung pinaglilingkuran ko ang organisasyong naglalayon na gumamit sa mga taong katulad ko?

"Well, then, Sigrid, bibigyan kita ng oras para mag-isip."

"How about them?"

Kumunot siya sa sinabi ko.

"Don't you care for them at all? Si Isagani, Kero, Annie, Ruri, at Rare!" sigaw ko sa kanya. "They trust you, Memo! We followed you here because we trust you! Or are they just another 'tools' of yours?"

"I intend to control them as well when the right time comes," walang pusong sagot niya sa akin habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ko mapigilang maluha sa mga narinig ko sa kanya. This is too much. Hinihiling ko na sana... sana hindi na lang pala kami pinanganak ng ganito. Gusto ko na lang mamuhay ng normal, pero alam kong imposible 'yon para sa amin.

"One last thing, Sigrid," nagsalita ulit siya. "Don't you ever get in my way or else..."

Biglang pumasok sa loob ang tatlong na security ng Memoire na tinatawag nilang Sentinels. They're all wearing formal suits and they're all armed and highly trained assassins. Naglalakad sila na parang robot at walang dudang kontrolado ni Memo ang mga isip nila.

Huminto ang Sentinels sa likuran nila Dr.Morie at Don Vittorio, naglabas sila ng baril at tinutok 'yon sa kanila.

"Memo, stop it!"

"Hindi lang sila ang kaya kong kontrolin, Sigrid. Remember that I am stronger than you."

Alam ko na ang gusto niyang iparating. Kung magiging hadlang ako sa mga plano niya'y may maaari siyang gawing hindi maganda hindi lang sa kanila pati na rin sa mga taong mahal ko.

I'm sure of one thing right now, Memo is evil and if nobody stops him... he will conquer the world.


Continue Reading

You'll Also Like

252K 4.7K 19
Alas syete ng umaga, sa may Avenida, Maynila... Pakapal nang pakapal ang di-pangkaraniwang hamog na bumalot sa labas ng 7-eleven. Hamog na hindi n...
ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

242K 12.4K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
7.1M 276K 46
Standalone novel || After hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming dan...
1.1M 4.6K 6
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...