I Feel For You (boyXboy) - PU...

By YorTzekai

665K 13.2K 1.3K

BOYXBOY GAY YAOI BROMANCE -Si Uriel Delgado ay isang 25 years old bachelor na sadyang kilala at hinahangaan n... More

I Feel For You (boyXboy)
Mission no.01
Mission no.02
Mission no.03
Mission no.04
Mission no.05
Mission no.06
Mission no.07
Mission no.08
Mission no.09
Mission no.10
Mission no.11
Mission no.12
Mission no.13
Mission no.14
Mission no.15
Mission no.16
Mission no.17
Mission no.18
Mission no.19
Mission no.20 HE's INLOVE WITH A SEAFAIRY a collab with iLoveOnomatopoeia
Mission no.21 SPECIAL CHAPTER
Mission no.22
Mission no.23
Mission no.24
Mission no.25
Mission no.26
Mission no.27
Mission no.28
Mission no.29
Mission no.30 PRE-FINALE!
GRAND FINALE <3
READ: SOON TO BE PUBLISHED!
READ:: HOW TO ORDER "I FEEL FOR YOU" PAPERBACK!
NOW PUBLISHED!!

EPILOGUE: VALENTINES SPECIAL

13.5K 319 73
By YorTzekai

This is dedicated to our idol Onomatopoeia. Onoma Congrats sayo at sa AMSM for being one of wattpad's most read story. And HAPPY BIRTHDAY to you! Please continue writing and inspiring people :)

at sa lahat,HAPPY VALENTINES po! =)

-----

"Ulit! Tanda mo na Manang nandadaya ka pa!" ang natatawang sabi ko dito.

"Pandaraya na bang matatawag yon?" ang naguguluhang sabi naman ni Manang.

"Ay hindi! Unggoy ungguyan nilalaro natin,bakit may Joker sa baraha mo?" ang pagsabat naman ni Ate Jewel.

"Hindi ba kasali yon? Nako,hindi naman kasi ako marunong ng ganito,pinagbigyan ko lang kayo." sagot naman ni Manang.

"Wala naman kasing kapares ang Joker no?!" ang sabi naman ni Ate Jewel.

"Ang mabuti pa,magluto na lang tayo ng meryenda. Padating na siguro si Dhie." ang sabi ko na lang at niligpit na namin ang mga baraha.

Limang buwan na ang nakakaraan mula ng ikasal kami ni kuya Uriel. At mas lalo kaming sumaya. Though,may mga adjustments na,kailangan ko ng magpaka mabuting may bahay,habang sya ay nag focus sa sarili nyang kumpanya. Kung babalikan ko yung mga nangyari sa nakaraan,masasabi kong worth it ang lahat ng hirap at sakit.

Umakyat na muna ako sa kwarto,gusto ko kasi munang umidlip. Hindi pa ako nakakatulog ng maayos mula kagabi dahil sa kakaisip ng gagawin kong surprise para sa kanya bukas. Sa valentines day,yun ang unang valentines day namin kaya I want it to be special,kaso hanggang ngayon wala pa din akong maisip.

Malapit na akong makatulog ng biglang tumunog ang cellphone ko,when I lookf at it,tumatawag si Leer kaya agad ko ding sinagot.

"Anong balak mo bukas Ji?" ang agad nitong bungad. Wala kasi sya dito ngayon,nasa isang misyon,and I wonder kung paano nya napapayag si Kii?

"To be honest with you,wala pa akong maisip. Parang lahat na kasi ata ng pag surpresa sa bawat isa ay nagawa na namin. Naubusan na ako ng idea,kung wala akong maisip,edi candle light dinner na lang dito sa bahay."

"Bigyan mo ng sobrang romantic and wild sex." ani Leer kaya agad ko syang minura.

"Gago! Anong akala mo sa akin? Sex expert? Besides,nagawa na din ata namin lahat eh." ang sabi ko at hininaan ko ang boses ko,baka kasi may makarinig.

"Hahahaha! Pero seriously,you dont have to worry,simple lang kasi yan,kung ano ang sinasabi ng puso mo,yon ang sundin mo,and it will surely captivate kuya." sabi pa ni Leer kaya napaisip ako. Tama sya,dapat ganun nga.

Kaya ayon,matapos naming mag usap ni Leer ay bumaba na ako. Pero until now,wala pa din si kuya Uriel.

"Ah,baka overtime,mas mabuti na yon para makapag handa ako ng mabuti." ang pagkausap ko pa sa sarili habang naglalakad papunta sa kusina. Nadidinig ko si Manang at si ate Jewel na nag uusap kaya nagdalawang isip ako. Dapat walang ibang makakakita sa gagawin ko. Pero ang tanong,san ako gagawa?

Aha?! Alam ko na!

Agad kong kinuha ang phone ko at nagtext sa mga dapat kong itext saka ako lumabas ng bahay.

"Winji-chan! Approve ako,I will help you,pero not in my house,baka umepal na naman yung kulugong si Chibikii." ang agad namang salubong sa akin ni Kii.

"Sige,punta na lang tayo kina Kloyy." ang natatawa ko namang sabi.

"Okay lang ba yon? Baka dumating mga--" tinakpan ko agad ang bibig nya. Baka maidaldal nya eh,hindi pa nga nagsisimula ang story ni Kloyy,diba author? Hindi gaya sa kanila ni Leer,pero ewan lang hihi.

Sumakay na kami ng taxi at naabutan namin si Kloyy na nagdidilig ng mga halaman.

Really? Pwede pa lang magdilig ng halaman kahit alas quatro na ng hapon?

"Oy! Mabuti at dumating kayo!" ang agad nyang sabi ng mapansin kaming nakatingin sa kanya.

"So,anong gagawin natin?" ang agad na tanong ni Kloyy ng makapasok kami sa bahay nya.

"Gagawa tayo ng Cookies and chocolates!" ang masaya kong sagot at pumalakpak pa. Tinaasan ako ng dalawa ng kilay. "Anong problema?"

"Nakakaloka kang bakla ka,inabala mo kami para dyan?" ani Kloyy sa akin.

"Kung maka bakla ka parang hindi din kayong dalawa bakla ah?"

"Pwede naman sigurong mag buy na lang tayo. I know a chocolate store and its so kawaii!" ang sabi naman ni Kii.

"Kawaii your face! My god,kaibigan ko ba talaga kayo? Ayokong bumili! I want it special,kaya sa ayaw at sa gusto nyo tutulungan nyo ako kung ayaw nyong sabihin ko kay author na huwag ng ituloy ang stories nyo!" ang sabi ko sa kanilang ganyan na ikinalaki ng mga mata nila kaya napangisi ako.

"Walang ganyan bai! Tutulong na kami." ang sabi ni Kloyy.

"Kurek! Where's the ingredients? Lets make a cookies and chocolates!" ang outburst naman ni Kii.

"Yan ganyan nga. Tara na sa kusina niyo Nicolo."

"Makapag banggit naman ng totoong pangalan wagas!" ang reklamo naman ni Kloyy.

"O sige,hindi gagawin ang story mo."

"Tara na ihahanda ko na. Hindi ka naman mabiro Winji!"

"Bake! Bake! Lets bake!" paulit ulit na sabi ni Kii. Napaka hyper talaga ng baklitang ito,parang ako lang dati. Naalala ko pa nung nagpanggap akong pusa huwag lang mahuli na sinisilipan ko si kuya Uriel.

Mabuti na lang talaga at may mga gamit si Kloyy,kung hindi,hindi ko na alam ang gagawin.

"Hoy Kii! Nakailang choco chip ka na?!" ang pagsita ko dito,maya't maya kasi ngumunguya.

"Nakakataba yan. Sige ka,iiwanan ka ni Leer." ang pagsabat pa ni Kloyy kaya napatigil sa pag nguya si Kii.

"Ang sarap kasi eh! Tsaka patapos na naman tayo ah?" ani Kii at uminom ng tubig.

Tinikman ko yung mga naluto na naming cookies. At napapalakpak ako. Perfect! Ito na lang ang regalo ko kay kuya Uriel.

"Oh,ito yung dalawang cookies na naglalaman ng bracelet mo para sa kanya. Huwag lang sanang malunok ni kuya Uriel." ani Kloyy at ihinalo na ang mga ito sa mga na-baked na.

Nagpasalamat na kami ni Kii at umuwi. Ng makauwi naman ay hindi pa ako nakakapasok sa bahay ng makita ko si Keejay na nakasandal sa kotse nya.

Anong ginagawa nya dito?

Agad na din akong lumapit at ngumiti.

"Winji! Mabuti naman at naabutan pa kita." nakangiti nyang sabi.

"Hindi ba dapat ako ang nagsasabi nyan? Gabi na oh? Dapat nagtext ka." nakangiti ko namang sabi. "Tara sa loob."

"Hindi na. Dumaan lang talaga ako dito para ibigay to sayo." aniya sabay bukas sa pinto ng backseat ng kotse nya at inilabas ang regalo nya para sa akin. Nalaglag sa semento ang panga ko.

Isang lifesize stufftoy na Picachu!

"Wow! Picachu!" ani ko at niyakap ito.

"Advance happy valentines Winji. I love you." at hindi ko napaghandaan ang mabilisan nyang paghalik sa aking labi. Ilang beses pa ako napakurap,namalayan ko na lang na nakasakay na sya sa kotse nya ng tumunog na ang makina. "Goodnight Winji!" at umalis na sya.

Pinagkibit balikat ko na lang ito at pumasok na sa loob. Tiniis kong buhatin ang malaking Picachu hanggang sa living room. Nandun sina Manang,Mang Tony at Ate Jewel.

"Gagabihin daw si Sir,niyaya daw silang dalawa ni Gradd na uminum nung Serene." ang sabi agad ni Manang.

"Ganun po ba?" ang biglang malungkot kong sabi. Bakit hindi sya mismo sa akin nagsabi at kailangan pang ipadaan kay Manang?

"Ang laking Jiglipuff naman nyan! Tulungan na kita." ani ate Jewel.

"Picachu! Hindi Jiglipuff. Bigay ni Keejay yan ate. Pakidala sa dati kong kwarto." ang sabi ko at nauna ng umakyat,pagdating sa dulo ng hagdan ay. "Manang,may naiwan akong box sa labas,pakikuha at pakilagay sa ref."

Pagpasok sa kwarto namin ni kuya Uriel ay pabalibag kong hinagis ang aking sarili sa kama.

Sobrang nakakatampo. Wala na nga sya ng magising ako,ngayong matutulog na lang,wala pa din sya. Nakakainis,bahala sya dyan. Kainin nyang mag isa yung chocolate cookies.

Sa sobrang inis ko ay natulog na talaga ako. Bahala na,ituturing ko na lang na normal na araw bukas,na normal na araw ang February 14.

Nagising na ako kinabukasan. Nakayakap na sa akin si kuya Uriel. Napaka gwapo talaga ng animal na to,napaka bait at maintindihin pa kaya mahal na mahal ko. Pero hindi naman porket mahal ko eh hindi na pwedeng magtampo? Hindi ganon yon. Tampo tampo din pag may time.

Tumayo na ako at dumiretso sa CR. Maliligo muna ako bago bumaba at kumain,gutom na gutom na ako,hindi kasi ako nakakain kagabi sa sobrang inis at tampo ko.

Nang matapos akong maligo,at paglabas ko ng banyo ay wala na sya sa kama.

"Nasan na naman yon?" inis kong turan. Nagbihis na ako at nagmamadaling bumaba.

And to my surprise,walang katao tao.

"Nasan sila?" taka kong tanong sa sarili at napatingin sa grandfather clock. "Alas dos na ng hapon?"

Halos mapatalon pa ako ng biglang may bumusina sa labas kaya minabuti ko na lang na lumabas para makita kung sino man yung engkantong panay pagbusina ng sasakyan.

"Sakay na bhie,malayo pa ang pupuntahan natin." ang sabi ng nakangiti kong asawa na nasa harapan ng kotse nya.

"At san naman tayo pupunta?" ang taas kilay kong tanong.

"Huwag ng matanong bhie. Tara." at hinila na nya ako papasok sa front seat.

Habang nasa byahe ay panay ang tanong ko kay kuya Uriel kung saan ba talaga kami pupunta. At panay din ang deny nya. Lalo tuloy akong nainis,idagdag pa na kinikindatan at nginingisihan nya pa ako na parang wala syang kasalanan.

"Matutulog na lang ako kesa kausapin ka! Tse! I hate you!" inis kong sabi saka sumandal at pumikit,tumawa pa ang impakto.

"Mabuti pa nga bhie,masyadong mahaba ang byahe. Sleep tight,I love you."

Hindi na ako sumagot at itinuon ko na lang ang sarili sa pagtulog. Para mamaya pag nagising ako,baka wala na ang tampo at inis ko.

Pero bigla kong naisip. Nakita kaya nya yung mga chocolate cookies? Nagustuhan nya kaya?

Nagising ako sa mahihinang tapik at mabilis na halik sa aking labi.

"Gising na bhie,nandito na tayo." malambing na sabi ni kuya Uriel. Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong madilim na sa paligid.

"Nasan tayo?" ang agad kong tanong at tiningnan ulit ang labas. Nasa mga kakahuyan kami. Anong ginagawa namin dito?

"Secret. Tara na. Pero bago yun,ilalagay ko muna to." nakangisi nyang sabi. Hindi man lang ako nakapalag ng lagyan nya ako ng blind fold.

"Ano to?"

"Tara ng lumabas. Aalalayan kita." malambing nyang sabi,pero nagmatigas pa rin ako.

"Ayoko nga! Gubat yan! Baka may multo!" ang sabi ko naman.

"C'mon bhie,walang multo dyan,trust me."

"Hindi! May multo nga sa manhole,sa gubat pa kaya?" sabi ko at tumawa pa sya. He's so mean.

"Tara na." aniya at sa isang iglap inaalalayan na nya ako palabas sa kotse.

"Pag ito hindi ko nagustuhan. Patay ka sa akin Mr.Uriel Delgado." ang pagbabanta ko pa.

"Trust me bhie. Basta ako ang kasama mo,youre always safe Mr.Winji Guttierez Delgado." aniya na ikinangiti ko.

Nagsimula na kaming maglakad. Panay ang reklamo ko at panay din naman ang tawa nya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal naglakad,basta kinikilabutan ako sa mga tunog sa paligid.

"Malayo pa ba?" ang tanong ko at bigla kaming tumigil.

"Nandito na tayo." sagot nya at naramdaman kong pumunta sya sa likod ko at tinanggal ang blindfold.

Tumambad sa akin ang isang daanan na may mga kandila sa gilid papunta sa isang lake. At sa lake ay mayroong floating cottage na may mga kandila din na nagsisilbing ilaw.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang bilis ng kabog ng puso ko. Napaka ganda,isang lake sa gitna ng kagubatan.

"Do you like it?" ang bulong ni kuya Uriel sa aking tenga at niyakap ako mula sa likuran. Kinilig ako na hindi ko mawari.

"Like it? No,I love it!" ani ko at humarap sa kanya. Nakita ko sa mga mata nya ang satisfaction.

"Mabuti naman. Pero wala pa yan sa talagang sorpresa ko. Tara sa floating cottage." mabilis nya akong hinalikan sa labi at naglakad na kami papunta sa lake. Inalalayan nya akong sumakay dito. Namangha ako dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Pakiramdam ko ay gusto ko ng umiyak sa sobrang tuwa.

Naupo kami sa nakahandang candle light dinner. Nakita ko sa ibabaw yung box ng chocolate cookies.

"Nagustuhan ko ang sorpresa mo para sa akin." aniya at binuksan ito,nandun yung gold bracelet. Kinuha ko iyon at isinuot sa kanya.

"Simple nga lang iyan,hindi ko mapapantayan itong ginawa mo. Pero its the thought that counts naman diba? I baked that with love." ang nahihiya kong sabi.

"Yeah. Pero sapat na sa akin ito. Sapat na sa akin ang pagmamahal mo. Gusto ko lang na maging espesyal ang araw na ito. Ang unang Valentines day natin bilang mag asawa." ang sagot nya. Kitang kita ko sa mga mata nya kung ano ang kanyang sinasabi. Hindi ko napigilang maluha,ganito pala yon,yung akala mong masaya ka na ay mas may sasaya pa.

"I love you bhie,Happy Valentines."

"I love you too,Happy Valentines." ang sagot ko at ako na mismo ang humalik sa kanya.

♪ I feel for you

I mean I truely love you.

In my heart and in my soul,

you are my love,you are my all.

I feel for you.

I mean I always love you.

Because to me,you are dream,

come true.♪

Natigil kami sa paghahalikan dahil sa kanta.

"Teka,boses ni Kloyy yun ah?" ang gulat kong reaksyon.

"Tingnan mo sila oh." ang turo nya sa likuran ko. Nang tumayo kami para tingnan ang tinuturo nya ay para akong tanga na umiiyak at ngumingiti.

Sina Manang,Mang Tony,Ate Jewel,Keejay,Leer,Kii,Kloyy,Eros,Maru,Kray,Joross may mga hawak na lantern. At mas namangha ako ng paliparin nila ito sa ere. Nagmistulang mga bituin ang mga ito,at ang mga ilaw nito ay nag re-reflect sa lake,kasama ng liwanag ng buwan. It was so perfect,it was so romantic.

"Sobrang pinasaya mo ako dhie!" ang sabi ko at niyakap sya. Hindi ko talaga maipaliwanag,basta,sobrang saya ko.

"Masaya ako at napasaya kita. Yun ang misyon ko. Mahal na mahal kasi kita. I'll do anything para sumaya ka. Thats what I feel for you."

-

HAPPY VALENTINES!

Continue Reading

You'll Also Like

301K 7K 22
BOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung...
4.1K 134 13
Falling in love with a person who is your f*ck b*ddy is hard because you'll never know if it's love or just lust. Kailangan ba talagang sumugal pagda...
567K 13.9K 32
BOYXBOY YAOI BROMANCE - Si Khalil Pantoja ay isang probinsyano,nakatira sa isang probinsya sa north cebu,ang Calamboa,kahit isa syang binabae ay masi...
1.3M 30.1K 40
Lumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maint...
Wattpad App - Unlock exclusive features