Lost and Found

By peachxvision

300K 13.1K 6.4K

Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng un... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 3

12.8K 606 197
By peachxvision

In general, masaya ako. Slightly interested ako kay Theo dahil ewan ko ba, nagpapakita kasi siya ng motibo. Ako naman, bilis tumibok ng puso kong first time makaramdam ng ganito.

Normal school days. Aral, uwi—pero this time, may halong inspirasyon.

"Uuwi ka na?"

Hirap itago ng ngiti lalo na pag siya yung nagtatanong. Alam ko namang walang halong malisya yung pagtanong niya. Pero para sa kin, ang saya lang na may isang taong nagtatanong sa kin kung uuwi na ba ako.

"Oo eh. Andyan na kasi yung service."

"Kaya hindi kita maaya eh."

"Maaya saan?"

"Maaya kumain sa labas. Gala lang."

TAMA BA YUNG RINIG KO?!

"Next time, ipapaalam ko."

Hindi ko matago yung ngiti ko hanggang sa lumabas siya ng classroom. Kinikilig ako. So ano... Ibig sabihin, gusto niya akong ayain sa labas?

Pag-uwi ko sa bahay, kinausap ko yung nanay at tatay ko na hindi muna ako sasabay ng service this year. Nagulat yung nanay at tatay ko malamang, at hindi sila pumayag noong una. Though, naconvince ko sila dahil sa dami ng ginagawa ngayong graduating na ako. Ang sabi nila, since bayad na kami for the whole month, next month na lang daw.

Okay lang, makakapaghintay ako.

Tumingin ako sa salamin ulit. Uy, parang nag gloglow ako. Haha! First time kong nagtagal sa salamin ng sobrang tagal. Napatitig ako, nagpowder, nag lip gloss (first time).

"Anak, ano ba!" Sabay bukas ni mama ng pinto. Nadatnan niya akong nakatingin sa salamin. "Malapit na dumating yung service mo."

"Ma, ipitan mo naman ako. Yung half pony tapos tirintas."

"Wala namang lason yung niluto ko, anong naisipan mo at nag-ayos ka?"

"Ma naman eh!"

"Sige na. Mag blower ka muna at basang basa yang buhok mo. Bilisan mo."

Siyempre ako naman, kuha agad ng blower. Pagtuyo, tinawag ko na si mama para ayusin yung buhok ko. Nasa kalagitnaan pa lang ng pagtali ng buhok, biglang bumusina yung service. Eh di siyempre sumigaw na rin si papa para bumaba na kami.

Pagdating ng classroom, nag-ayos ako. Ang unang nakapansin sa kin si Eli, yung class president namin na matalino at may itsura. Lesbian siya, butch type. As in parehong babae at lalaki nagkakagusto sa kanya. To be fair, crush ko siya noon dahil ang ganda na ang pogi pa. Hanggang sa naging mainstream ang maging crush siya, at alam naman natin na the more the karibal, the lesser chances of winning.

"Asan si Tasha?"

Inirapan ko lang siya.

"Ang sama mo."

"Anong nakain mo?"

"Yung apple ni snow white."

"Kain ka ulit non bukas."

"Behlat."

Aaminin ko namang flattered ako. I mean, coming sa Crush ng Classroom di'ba? Nga lang...

May isa pa kasi akong inaasahang tao na magsabi ng mga salitang 'yon.

Nga lang, nag-umpisa na yung unang klase, wala pa rin siya.

Naiinis ako dahil utang na loob naman! Ngayong nag-ayos ako, saka pa siya absent. Nag-ayos nga ako dahil sa kanya tapos ganon, nakakaasar.

Bandang recess, tumungo na lang ako. Ewan, nalungkot na lang ako bigla kasi wala naman siya. Siya pa naman tong dahilan kung bat ako nag-ayos.

Hay.

"Uy. Anong ginawa niyo sa English at AP?"

Pagkarinig ko ng boses niya, inangat ko agad yung ulo ko.

At iyon...

Ang lapit niya sa mukha ko.

Bigla siyang napatigil pagkakita sa kin. Ako naman, parang vinacuum yung hininga. Hindi ako prepared na ganito kalapit yung mukha niya.

"Ano... Ano—"

"Bat ngayon ka lang?" Tanong ko para lang gumaan yung paligid. "Buti walang ginawa sa English at AP. Discuss lang."

"Buti." Tas tumigil siya, at umupo sa harap ko.

"Bakit?"

Kinagat niya yung hinlalaki niya.

"Bagay sa'yo."

Hindi ko alam kung bakit may dating yung pagkagat niya sa daliri niya at yung sinabi niya sa kin. Tipong kumislap yung paligid at ramdam ko yung kaba at saya sa puso ko.

"Salamat."

"Di nga... Anong meron? May date ka?"

Ikaw, pwede?

"Anong date ka dyan? Wala. Inayusan lang ako ng nanay ko kanina. Pinagtripan ako."

Liar! Gusto ko sana isigaw yon sa sarili ko pero nasabi ko na.

"Bagay sa'yo ang half pony."

"Oo na, oo na."

"Seryoso ako. Gusto kong ganyan yung tali ng buhok mo."

Pigilan niyo yung ngiti ko please.

"Eh pinagtripan nga lang ako ng nanay ko."

"Anong number ng nanay mo? Sabihan ko pagtripan ka ulit."

"Baliw."

Nakakainis dahil nahuhulog ako sa mga salita niya.

"Seryoso bang wala talaga kayong ginawa sa English at AP?"

"Oo nga! Kulit nito."

"De, yung totoo ayoko lang umalis dito."

"Ha?"

"Para matitigan pa kita."

"Alam mo, Theo, sanay na ako sa mga pagagaganyan mo. Maghanap ka ng ibang lolokohin—"

Pero kahit ata anong gawin ko...

"Totoo naman. Ang ganda mo ngayon."

Lechugas.

Alam na niya kung paano ako mahuhulog ulit.

"Mag recess ka na nga! Gutom lang yan eh!"

"Ayaw mo sumama?"

"Nagrecess na ako."

"Libre kita."

"Bakit?"

"Wala lang. Masama ba?"

Hindi ako nakatanggi, or to be more correct, ayoko tumanggi.

"Alam mo ba kung bat ako nalate?" Out of the blue niyang sinabi. "Nabungo aso namin ng isang biker."

"Hala! Wait, may aso kayo? Bat di ko nakita last time?"

"Tinali ni mama sa likod."

"Ano na? Napadala niyo na sa vet?"

"Oo. Hindi na nga pumasok si ma at pa eh."

"Paano? Kamusta?"

"Pilay. Hindi ko alam kung papauwiin nila o sa vet lang." At dahil nasa canteen na kami, bumili na siya ng pagkain. "Kuya, dalawa nga po nito."

Pinagmasdan ko lang siyang bumili ng pagkain niya. Akala ko, para sa kanya talaga yung dalawang yon. Turns out na akin pala yung isa.

"Okay lang ako."

"Sa'yo yan. Binili ko talaga para sa'yo."

"Hindi ko naman sinabing bilhin mo."

"Hindi nga. Gusto ko lang bilhan ka. Masama ba yon?"

Masama yon kasi medyo pa-fall.

"Akin na nga," sabay kuha ng chocolate. "Halika na, malapit na mag class."

Saktong nag bell kaya nagmadali na kaming dalawa papuntang classroom. Truth be told, masaya talaga ako. Kahit likod lang yung nakikita ko sa kanya, the fact na malapit lang kami sa isa't isa sa class, okay na ako doon.

Bandang uwian, assigned yung row namin bilang cleaners. Sayang, hindi pa nga niya natutuloy yung kwento niya pero mukhang mauuna na siyang umuwi.

"Uwi ka na?"

"Hintayin kita, pwede ba yon?"

"Bakit?"

"Wala lang."

Yung 'wala lang' niya sobrang 'meron' naman sa 'kin.

"Sasabay ako sa second trip ng service namin eh."

"Hindi ba pwedeng hindi ka na sumabay?"

"Hindi eh."

"Ihahatid kita sa bahay niyo."

Napataas ako ng kilay with matching pakitago-yung-kilig look.

"Ayan ka nanaman sa moves mo ha."

"O gusto mo sa 'min ka muna. Pagluto kita ulit ng tor—"

"Tash," bigla namang tawag sa 'kin ni Eli. "Pabura ng mga nakasulat sa board."

Nakakainis naman tong si Eli! Medyo wrong timing. Pero gets ko naman kasi nga cleaner ako ngayon. Fine.

Tumango lang ako kay Eli tapos tumingin ulit kay Theo.

"Hindi na. Mauna ka na umuwi."

"Bukas?"

"Ang kulit mo. Hindi nga pwede. May service pa ako."

"Sabado?"

"Baka di ako payagan. Gipit sa allowance.

"Next week?"

"Ang kulit mo."

"Next month?"

"Aynako!"

Ngumiti na lang ako.

Nakakainis ka. Gusto ko sana sabihin yon. Nakakainis siya dahil ang kulit niya tapos ang sweet niya na parang alam niya kung saan ako bibigay.

Hinihintay ko yung sagot niya pero nakatingin lang siya sa kin.

"Uy?"

Tipong napa pitik na ako sa kanya.

Bigla siyang ngumiti.

"Bukas, mag half pony ka ulit."

"Ha?"

Tapos...

Ewan.

Bigla niyang hinawi yung buhok ko.

"Gusto kong ganyan ka lagi."

Natulala ako sa sinabi niya. Nga lang, alam kong kailangan kong kumalma at baka bigla na lang ako magwala sa saya dahil sa sinabi niya.

"Mag C-CR ako. Wag kang magulo."

Nauna akong tumayo sa kanya at pumuntang CR. Bwisit, bwisit, bwisit! Hindi ko maitago yung ngiti ko. As in nagkulong lang ako sa cubicle para ngumiti at kagatin yung panyo ko dahil kinikilig ako nang matindi.

"O, kinikilig ka?"

Gulat ako paglabas ko, andon si Eli.

"Pinagsasasabi mo dyan?" Yon na lang nasabi ko habang inaayos yung buhok ko sa salamin.

"Nakita ko lang, reaksiyon mo sa kanya versus reaksiyon mo sa 'kin."

"Sinundan mo ko hanggang dito para sabihin yon?"

"Curious lang."

"Wala."

"Weh, wala talaga?"

"Eli! Ano ba!"

"Eh kasi unang beses kitang nakitang ganyan. Bigla kang... Nag glow?"

"Eh ano ngayon? Masama kung ngayon lang ako nagkagusto? Bawal ba? Nagkakagusto din naman yung mga normal na taong tulad ko."

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan? So ano ako, abnormal?"

"Pero ano..."

"Ano?"

"Pwedeng wag mo sabihin... Kahit kanino?"

"Sure." Sabay akbay.

Habang pabalik ng classroom, tense ako. Kasi may nakakaalam na may gusto talaga ako kay Theo. Though pagbalik ko, hindi ko na siya makita.

Actually, wala ng natira bukod sa 'min ni Eli.

"Yan tuloy, umalis na siya."

Kinuha ko yung pambura at magbubura sana sa board.

"Alam mo ba kung anong binubura mo?" Sabay sabi ni Eli. "Focus. Ang daling makita."

"Ng alin"

"Yang nasa board."

"Ha?"

Nag step back ako at nakita yung note na kamuntikan ko na burahin. Maliit lang kasi tapos naka halo pa doon sa mga sinulat ng teacher namin kanina.

Mantika, kita kits bukas. Mag half pony ka ulit, pwede? Bagay sa'yo. Ingat.

Hindi ko talaga maiwasang ngumiti.

"Nakakadiri kayo." Binato ako ni Eli ng chalk.

"Hoy!"

"Tingnan mo, binato ka na ng chalk, nakangiti ka pa rin."

"Ikaw kaya sulatan ng crush mo niyan."

"Mag-aminan na kayo. Pinatatagal niyo pa."

"Ganon agad? Getting to know na muna, pwede?"

"Getting to know ba yan? Landian portion yan. Tapos na ang getting to know nung nagpakilala siya sa klase."

"Bahala ka nga."

Kinuha ko yung phone ko at pinicture-an yung note ni Theo.

"Adik."

"Hoy Elinna Gladys, promise secret to ha?"

"Wag mo nga akong tawaging Elinna!"

"Maganda naman ang Elinna sa babae."

"Gusto mo ng chalk? Alam mo namang hindi ako—"

"Oo na, oo na. Basta, promise mo sa 'kin, wag mo to sasabihin, okay?"

"Pramis. Maging babae man ako."

Hinatid ako ni Eli hanggang sa service habang kwinekwento ko yung nangyari sa 'min ni Theo. Napatingin ako sa phone ko, wala siyang text. Ayoko naman na ako yung mauuna. Baka sabihing clingy ako masyado o ano.

Hahayaan ko lang lumipas at maging hinog kung ano mang meron kami.

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
2.1M 137K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
627K 13.4K 22
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin; makuha...
440K 1.4K 3
TEACHER'S LOVE (UNDER REVISION) Love Trilogy #1 Teacher Series #1 [COMPLETED] Mali sa tingin ng iba ang pagmamahalan ng isang guro at estudyante pero...