Delusion

By toneyteee

1.3K 333 58

"A mind-boggling test of love and trust." More

Delusion
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
end

Chapter 5

115 36 1
By toneyteee

Chapter 5: Missing

Ilang araw ang nakalipas at mas lalo kaming naging busy sa school. Sobra sobrang effort ang ibinibigay namin para sa Musical Play. Kakatapos lang namin mag practice kanina.

"Casey, pagkatapos mong kumain pumunta kana agad sa gym" ani Tracy at umalis.

Pinagpatuloy ko ang pagkain. Pagod na ako kahit na kalahating araw pa lang ang nagugugol ko sa school.

"Asaan ang damit mo?" lumapit si Eunice saakin. She's now wearing a floral dress and a stiletto.

I smiled at her. "Nasa paper bag" nginuso ko ang paper bag na nasa aking gilid.

Kinuha niya ito at tinignan ang laman. Mag kakaroon kami ng pictorial para sa gagawing poster sa musical play. Mag fi-film pa kami ng teaser at gusto nila itong i-post upang mapanood ng lahat. Ito ang naging plano nila para i-promote ang musical play namin.

"Magbihis ka na dali" excited na sabi niya at hinila ako patayo sa aking upuan.

Umiling na lang ako. Paglabas namin ay pinagtinginan na agad kami ng mga tao. I avoided their gaze. I looked at Eunice who's smiling brightly. Ngumisi ako. She really loves attention.

Eunice helped me with my clothes. I'm really thankful that she's with me right now. She's outside the cubicle, waiting for me.

"I don't want to go outside" I said as I finished fixing myself. Inilugay ko ang buhok ko sa pagkakatali.

I heard her smirk. "Dali na!" aniya.

Pinasadahan kong muli ang aking suot at lumabas na din pagkatapos. I watched her reaction.

Ngumiti siya ng malawak at pumapalpak.

"Bagay sa'yo! Ang ganda mo!" aniya at inikot ako upang tignan ang kabuuan ng aking damit.

I looked at myself in front of the mirror inside the comfort room. I'm wearing a sleeveless croptop with a denim longsleeve jacket. I matched it with a short high waisted skirt and a black stiletto. I'm happy with how I look but I'm worried about what people would say about me.

"Hindi ba nakakahiya?" Eunice rolled her eyes.

"Hindi no" aniya at tinulak na ako palabas ng C.R.

We headed straight to the gym. Andoon sila Tracy na hindi magkandaugaga. Nakaupo sa isang sulok ang iba kong mga babaeng kaklase at isa isa silang inaayusan nila Katie. Eunice and I went to their place. I sat beside Kim and smiled at her.

"Nice outfit" aniya at ngumiti. I smiled back at her. I took a deep breath and looked at my classmates who were doing their own stuffs.

Inaayos nila ang magiging set-up ng photoshoot. Nakahanda doon ang camera sa harap. Nakita ko ang green na background at ang mga ilaw nanakapaligid. Hindi ko maiwasang mapahanga sa pagkakaisa na mayroon kami ngayon.

If there is teamwork, a good leader, and hardworking members there's no doubt that we will achieve our goal.

"Dala mo ba ang cellphone ko?" I asked Eunice who's seating right beside me.

"Hindi" aniya ng hindi man lang inalis ang tingin sa kanyang phone.

Kinagat ko ang aking labi at tumayo. I went to Tracy. I need to get my phone. Eunice seems to be busy and I don't want to bother her.

Kinalabit ko si Tracy "Punta lang ako sa room. I'll just get my phone" she nodded and faced our classmates again.

I idolize her. What she's doing is hard. Being a leader is a responsibility. Everyone is looking forward to every actions, every decisions you make. The whole musical play is in her hands, and we're here to help her out. We'll do our best in this Musical Play we're about to present in front of all the students in our school.

I believe eveyone is born to be a leader. It's just down to a certain situation wherein that 'leadership' awakens inside of someone. To me, leadership is something needed for an individual to guide others to something beneficial to all.

Naglalakad ako patungo sa hallway. Ang daming tao dahil lunch time pa. Hindi ko maiwasang mahiya dahil tinitignan nila ako. I'm concious about how I look like. Dineretsyo ko na lang ang tingin ko sa daan.

Halos mapahinto ako ng makita ko si Eren na naglalakad din sa hallway. It's been weeks since the last time we talked. Magkakasalubong kami. Inaayos niya ang kanyang buhok habang naglalakad. Kumunot ang kanyang noo ng mamataan ako.

I want to stop walking. Gustong umurong ng paa ko't tumalikod pero kapag ginawa ko yun ay mahahalata naman niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko.

Nang malapit na ako sakanya ay halos hindi na ako makahinga. I'm not looking at his side, I just can't. I'm afraid to see his expression, his face.

Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto. Walang tao sa room. All of them are at the gym. Sumandal ako dito at pinakaramdaman ang aking puso. Sobrang bilis ng tibok. Ayaw niyang tumigil. Humugot ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

"Shit!" muntikan na akong mahulog ng biglang buksan ang pinto.

"Sorry" malamig na boses ang narinig ko. The voice is too familiar.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko saaking harapan si Eren. He's bitting his lips while looking at me. Tumango ako sakanya't tumalikod.

Oh shit. Why is he here?

I went to my place to find my phone. I can hear his footsteps from behind. What is he doing?

"Why are you wearing those clothes?" I can sense the irritation in his voice. I faced him and saw him standing beside the teacher's table in front.

I examined my clothes before answering him."For pictorial"

Umismid siya't tinignan ako. Iniwas ko ang tingin niya't hinarapan ang aking desk. Where's my phone? Hinalungkat ko na ang bag ko at isa isang inalis ang mga gamit. My bag is so messy!

Bakit ba siya andito? I want to ask him but I'm not brave enough. Tignan ko nga lang siya ay natatakot na ako. Tanungin pa kaya siya ng ganon?

"Anong hinahanap mo?" nagulat ako ng makita ko siya saaking harapan at nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa mga gamit kong nagkalat.

Tinignan ko siya sandali. "Cellphone ko..."

He nodded. Binasa niya ang kanyang labi at tumingin saakin. Sa pagkakataong ito'y hindi ko iniwas ang aking tingin at tinignan siyang mabuti.

"Why are you here?" Finally, I said it.

He smiled at me as he get my notebook. He browses my notes. I'm waiting for his answer but it seems that he won't response. Nang mapansin niyang hinahantay ko ang kanyang sagot ay tumingin siya saakin at tinagilid ang ulo.

"Bakit? Ayaw mo ba ako dito? " aniya

Napaawang ang aking bibig. Ngumisi siya't kinuha ang bag saaking kamay. Kinalkal niya ito. Pinabayaan ko na lamang siya at pinagmasdan. I really love his eyes and his lips. Even his nose. Everything about him.

"Where did you put your phone the last time you had it?" aniya at binaba ang bag ko. Probably, it's not there.

"Hiniram nila Eunice" Pumunta ako sa pwesto ni Eunice at tinignan ang kanyang bag.

Wala dito.

"What's your phone number?" Inilabas niya ang kanyang phone at tinignan ako.

"H-huh?" Shit. Ano daw? Tama ba ang pagkakarinig ko?

He stared at me for a while. "Your phone number. I'll try to contact it." aniya sa isang casual na tono at binalik ang tingin sa phone.

"Ahhhh" Shit naman, Casey! Ano ba sa tingin mo? Tumango ako at binigay ang aking phone number.

Nag ring bigla ang phone ko at narinig ko ang pamilyar na ring tone. Palihim akong napangiti. Ibig sabihin, tama lang pala ang numero na meron ako sakanya. Pinakakinggan kong mabuti kung saan nanggagaling ang tunog.

Wise men say

Only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?

"Andoon ata banda sa harap" Tumuro siya habang seryoso pa din ang itsura. I walked carefully. You should act nicely especially if your crush is here, remember that Casey.

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be

Take my hand,

Take my whole life, too

For I can't help falling in love with you

Lumapit ako doon. Bakit naman napunta dito ang banda ang phone ko?

Eren went to my side. My eyebrows froaned when I realized where the sound was coming from. Kinuha ko ang bag ni Syd.

Bakit andito phone ko?

"That's Syd's bag right? Bakit nasa kanya?" napalingon ako sa aking likod at nagulat ako ng makita ko siya na sobrang lapit saakin. Nakatingin siya sa bag ngunit unti-unti niya itong binawi upang tignan ako. Halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya saakin.

Kinagat ko ng bahagya ang aking labi.

"I don't know" I stepped backwards. I closed my eyes for awhile. Shit. Calm down, Casey. Calm down.

Tinignan niya lang ako ng masama at tumalikod saakin. Umamba siyang aalis ngunit huminto siya upang harapin ako.

"Let's go..." aniya.

Kusa atang naglakad ang mga paa ko papunta sakanya. My brain isn't working. It's my heart who wants this.
Paglabas namin ay mas maraming tao sa hallway. Nauuna akong maglakad pero nasa likod ko si Eren. I can hear some giggles coming from a group of girls. I think they're freshmen. I walk confidently as I could. I need to show them who they are against with.

I'm really wishing that time would slow down for this moment. I want to enjoy this rare moment. To memorize every inch of it.

"Ganda mo, Casey" Nakipag-apir saakin si kuya Matt ng makita ako sa hallway. Mas matanda siya saakin ng isang baitang. Tumawa lang ako sakanya't pinalo siya ng marahan sa braso.

"Bola pa kuya Matt!" we laughed.

"I'm just stating a fact" aniya at umiling.

"How are you?" tanong ko.

Ngumiti siya saakin "I'm still as handsome as before" he winked.

I pinched his arms slightly. Yabang!

Tumawa lang kaming dalawa. I heard a loud cough. I looked at my back and saw Eren who's staring me seriously.
Parehas kami na napatigil sa pagtawa.

Ohshit.

"Sige Casey, una na ako. Next time na lang" he smiled. Pinasadahan niya muna kami ng tingin Eren bago umalis.

I continued walking. Bakit ba nakasunod siya saakin? Kahit kanina ay di niya din ako sinagot. He's so hard to read. He's mysterious yet I like it.

Bumilis na ng bahagya ang kanyang paglakad. Magkasabay na kami ngayon habang naglalakad. Sobrang lapit niya saakin kaya naman amoy na amoy ko na ang pabango niya. My nose loves his manly scent. If I could just sniff him all day, I would.

"Tssss" narinig ko ang mahina niyang ismid. I looked at him and saw his annoyed face. Tinignan niya ako pagkatapos kaya naman iniwas ko na ang tingin ko sakanya.

We continued walking. Ang buong akala ko ay pupunta siya sa Math Lab dahil may review sila sa Math Contest ngunit nagkamali ako.

Sinamahan niya ako hanggang sa makarating kami sa Gym. Nadatnan ko doon sa labas si Eunice. Her eyes became wide the moment she saw us.

Ngumisi siya saakin at tumalikod. I heard her calling Tracy.

Lumingon ako kay Eren. "Thanks nga pala..." aniya ko. Tinignan niya ako ng mabuti. He's not saying anything. He's standing there, not doing anything.

"Casey!!!" Tinignan ko kung saan nanggaling ang boses at namataan ko si Syd na tumakbo papunta saakin. His white long sleeves is a little bit messy.

"Kanina ka pa hinahanap" hinawakan niya ang aking braso. He's panting as he reach me. Napatingin siya saaking harap.

Eren and Syd's eyes met.

"Eren." Syd said in a cold voice. Tumingin saakin si Eren at sa kamay ni Syd na nasa braso ko.

He nodded at Syd and started walking.


Leaving me. Leaving us.

Continue Reading

You'll Also Like

384K 28.6K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
413K 23.4K 42
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
3.9M 162K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
173K 3.8K 25
"I only fuck girls who want to be fucked, flipped over and banged, Sunshine and..." "And that's what I want, daddy. Exactly what I want from you." * ...