To Die with Love (Hard Fall S...

By Maria_CarCat

3.2M 85K 7.8K

Are you willing to do everything just to... DIE WITH LOVE? Contains Matured Scenes. read at your own risk. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue

Chapter 13

52K 1.5K 111
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



"Ma'm here's your coffee po" sabi sa akin ng isang staff.

Bahagya akong tumango sa kanya dahilan para tuluyan niya ng ipasok ang halos magpapangatlong tasa ko na ng kape. "Ma'm dito din po ba ihahatid yung dinner niyo?" Tanong nito sa akin bago siya tuluyang umalis.

Mariin akong napapikit. "Yes...please" sabi ko na lamang. Hindi na uubra ang pagiging chossy ngayon dahil kung hindi ako kakain ay mamamatay ako sa gutom.

Dahil nalalapit na ang peak season ay paunti unti ay nagiging busy na din ako sa mga office works. Lalo na at si kuya matteo ang kausap ko tungkol sa magiging project ng resort sa nalalapit na summer para lalo kaming makahatak ng bakasyunista.

"I'll check your proposal as soon as possible" paninigurado niya sa akin na ikinatango ko na lamang.

Maya maya ay may kumatok. "Come in" sabi ko dahil sigurado naman akong yan na yung pagkain na pinahatid ko dito.

"Palagay na lang diyan sa table, thank you" sabi ko without looking at him.

Pero nagulat ako ng lumapit pa ito mismo sa harapan ng table ko. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tingalain ito. At ganuon na lamang ang gulat ko ng makita ko si kuya yohan na nakatayo sa aking harapan.

"What are you doing here?" Tamad na tanong ko sa kanya ng hindi pinapahalata sa kanya na nagulat ako dahil sa pagpunta niya dito sa aking office.

"I just want to check on you, baka hindi ka nanaman kumain" seryosong sabi niya na ikinataas ng isang kilay ko.

"Im fine...as you can see busy ako, kaya naman balikan mo na yung fiance mo, baka hinahanap ka na niya ngayon, i bet" mapangasar pang sabi ko tungkol sa fiance niya kuno!

Imbes na magalit ay tinaasan lamang din ako nito ng kilay. "Come magdinner tayo" yaya niya sa akin na ikinagulat ko.

"Are you kidding me?" Di makapaniwalang sabi ko sa kanya.

"Im serious, come on" medyo pagalit na utos niya na sa akin ngayon kaya naman napanganga na lamang ako.

"And how about jane?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.

"She's sleeping, happy now? So pwede na ba tayong magdinner?" Naiinip na naiinis na tanong niya sa akin kaya naman napanguso na lamang ako.

"Saan?" Tamad na lang din na tanong ko sa kanya.

Akala ko ay may sasabihin itong lugar o sa kung saan ang kaso ay mas lalo akong nagulat ng may inilapag itong dalawang tupper ware sa aking lamesa.

"Ano yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Pagkain natural...come on let's eat ako ang nagluto niyan" sabi niya pa sa akin bago niya hinila ang isa pang upuan palapit sa aking table.

Wala na akong ibang nagawa lalo na at walang sabi sabi niyang isinara ang aking laptop. "Your too skinny, para ka tuloy may sakit" pangaasar pa niya sa akin na ikinairap ko na lamang.

Hindi ko talaga mapapagkailang magaling siyang magluto. Kung magpapatuloy ito ay hindi na ako magtatala kung madadagdagan ako ng timbang.

"Hindi ka ba niya hahanapin, paano kung magising siya?" Tanong ko habang wala akong tigil sa pagnguya.

"Ayokong pinaguusapan natin siya, pag magkasama tayo theresa" seryosong sabi niya na ikinangisi ko na lamang.

"Ang sungit ha" mahinang pangaasar ko pa dahil baka mamaya ay mabadtrip nanaman ito sa akin.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago niya ako tinanong kung ano ang kailangan kong gawin bukas.

"Pupunta ako sa kabilang isla para icheck yung mga new establishments duon...you know, competitors" kwento ko.

Sandali ako nitong tinitigan bago siya napatango magisa. "I'll go with you" desedidong saad niya kaya naman kahit papaano ay natuwa ako.

"Totoo?" Parang batang sabi ko sa kanya, dahil sa totoo lang ay ayoko din namang pumunta duon magisa.

"Yeah..." tipid na sabi niya kaya naman hindi ako nakuntento.

"Sure ba yan? Parang labas naman sa ilong eh!" Pangungulit ko sa kanya.

I feel a relief in an instance, dahil para bang bumabalik kami sa dati. Yung kulitan, yung walang ilangan. Yung mga panahong akala ko ay hindi na mauulit pa pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa amin.

"Sinabi ng Oo, ang kulit mo nakakairita ka na ah!" Nakabusangot na sabi nito na may kasama pang pagkamot sa kanyang batok kaya naman napanguso na lamang ako para maitago ang nagbabadyang ngiti sa aking labi.

"Promise yan! Wala ng bawian ha..." paninigurado at pangungulit ko pa din sa kanya kaya naman mas lalo siyang nainis na mas lalo ko lamang ikinatawa.

Maaga akong nagising kinabukasan, sa totoo lang ay ni hindi nga ata ako nakatulog ng maayos dahil sa excitement na nararamdaman ko. Hindi ko kasi maiwasang umasa na baka pwede ng maibalik yung dati naming pagsasama ni kuya yohan.

Inayos ko ang beach shoulder bag na dadalhin ko. Naka two piece ako na pinatungan ko lamang ng isang manipis na beach dress. Nagdala na din ako ng beach hat at ang pinakaimportante sa lahat ay ang camera ko.

Mabilis akong bumaba sa hall para hintayin si kuya yohan. Gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay may magbago sa pakikitungo niya sa akin. Na mawala sa isip niya ang sinasabi niyang paghihiganti sa akin.

Naiintindihan kong masyadong nasaktan si kuya yohan sa pagkawala ni lolo kaya naman hindi ko rin naman siya masisisi. Pero hindi rin naman pupwede na hahayaan ko na lamang na ganito kami.

"Good morning theresa"

Mabilis na nawala ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko ang malumanay pero ang nakakairitang boses ni jane. Ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa braso ni kuya yohan na ngayon ay naka gray na sando lamang ay khaki shorts.

Literal na gusto kong maiyak dahil sa aking nakita. Umusa kasi akong kaming dalawa lang. Pero ang tanga tanga ko pala talaga para isiping sasamahan niya...ako, na kaming dalawa lamang talaga.

"Nag breakfast ka na ba? Sayang nagluto si yohan kanina..." pangiinggit pa niya sa akin without her, even knowing.

"Yeah, tapos na" sagot ko na lamang at mabilis na nagiwas ng tingin sa kanilang dalawa. Mga walanghiya sila!

Dumating ang bangka na magdadala sa amin papaunta sa kabilang isla. Hindi naman kami masyadong nahirapan sa paglalayag dahil maayos ang alon sa dagat. Sobrang presko din ng hangin.

"What?" Medyo iritadong sambit ni kuya yohan kaya naman hindi sinasadyang napatingin ako sa kanilang gawi.

Kanina ko pa nilalabanan ang aking sarili pa lamang hindi ko magawang lumingon sa kanilang gawi, pero mukhang may balak pa ata silang naglandian sa aking harapan kaya naman halos umapoy na ang parte ng tubig na tinititigan ko dahil sa aking sobrang pagkainis.

"Takot ako" maarteng sumbong nito kay kuya yohan. Actually ay hindi nama talaga maarte ang boses niya, malumanay ito at aaakalain mong boses ng anghel. Pero sa itsura niyang iyan? Oo mukha siyang mabait at matinong babae, hindi maipagkakaila dahil nanggaling siya sa mayamang pamilya. Pero ang mga kagaya niya, nasa loob ang kulo ng mga iyan.

"You can seat there...wag kana lang gumalaw" i sense irritation in his voice, pero nakakainggit nga lang dahil despite of all that ramdam ko yung concern niya para kay jane.

"Ikaw hindi ka uupo? Malayo pa tayo..." malambing na sabi nito.

Konting konti na lamang ay parang nararamdaman ko ng hindi ako makakatagal na kasama silang dalawa lalo na at ganyan sila. At mas lalo na sa ginagawa ni kuya yohan na tumititig sa akin sa tuwing may ginagawa sa kanya si jane.

For what? Para pagaralan ang mga magiging reaction ko? Damn that asshole!.

Kagaya ng napagdesisyonan ko ay umupo na lamang ako at tsaka nagpasak ng earphones sa magkabilang tenga. Ayokong makarinig ng kung anong mula sa kanilang dalawa kaya naman mas gugustuhin ko na lamang na makinig ng radio sa kesa sa landian nila.

Paminsan minsan ay kumukuha din ako ng mga litrato. After a month or so, pag naayos ko na yung trabaho ko sa hotel at resort ay balak ko ng umpisang ipractice yung field na napili ko.

Nang dumating sa kabilang pampang ay kaagad akong nanibago. Malapit kasi kami mga rock formations kaya naman hindi maiiwasa masugat ang aming mga paa.

"Oh gahd...it hurt's" mahina man ay maarte pa ding sambit ni jane na sobra ko talagang kinaiinisan.

"Good morning po" bati sa akin ng iilan.

Nginitian ko na lamang siya tsaka tinanguan. "Are you alright?" Biglang sambit ni kuya yohan habang sa akin nakatingin.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi, pero buti na lang at hindi na lamang ako nagsalita dahil bigla nanaman kasing sumulpot sa tabi niya ang kanyang fiance.

"May problema?" Tanong niya sa aming dalawa habang nagpapalipat lipat ang kanyang mga tingin sa amin.

Gusto ko sana siyang sigawa at sabihing oo! Ikaw! Pero hindi ko gagawin iyon dahil masyadong nakakababa ng dignidad.

Damn it theresa! Ang pakikipagsex mo sa fiance niya ay ganuon din. Parang gusto kong batukan ang aking sarili dahil sa aking mga naiisip.

Kahit papaano ay may ng tour din sa amin. Ayos na din pala ang lugar na ito, hindi nga lang ganuon ka well establish pero papunta na rin naman duon.

Diniretso kami ng nagpakilala na si mang arthur sa isang open villa para sa aming magiging lunch. Hindi kagaya sa resort namin ng pwede kang pumili sa menu ng aming restaurant.

"Marami rin po ba ang mga tourista na pumupunta dito?" Tanong ni kuya yohan sa kanya.

"Naku hindi po sir, medyo madalang...karamihan po dito ay mga locals" sagot niya pa sa amin.

Duon na lamang ako natawa sa aking sarili. Meaning there's no competitors here. Mukhang mga natives sila ng lugar, sila sila lang din ata ang nagtututlungan para dito.

"Mang arthur if you want, pwede po namin kayong tulungan dito sa isla niyo. Kung gusto niyo po ay itoutour din namin kayo sa resort namin" proposal ko kahit alam kong parang medyo naging mabilis.

"Naku, salamat po siguradong makakatulong iyan para sa amin" sabi niya na ikinangiti ko na lamang.

Halos lahat ng pagkain na sinerve sa amin ay seafoods na kwento niya ay sila pa daw ang nanghuli.

"Sisisid ka?" Tanong sa akin ni kuya yohan pagkatapos kumain.

"Yah..." tamad na lamang na sagot ko sa kanya.

Nasabi kasi ni mang arthur na maganda ang ilalim ng pampang nila dito. Gusto ko lang din sanang makita kaya naman ng sinabi niyang pwede naman kaming sumisid ay nagokay ako.

"Wag na tayo yohan...baka delikado diyan" pangengealam ni jane.

The hell with her, kung delikado pala dito eh anong gagawin ko. Masyadong self protective! Buti na lamang din talaga at hindi ako pinanganak na mayaman, baka konting kibot lang ay maparanoid na din ako kagaya niya. No thanks na lang.

"F*ck!" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mahihinang mura na naririnig ko. Basta ang alam ko lang ay ready na akong sumisid with my white two piece swimsuit.

Sanay naman ako. Laking probinsya yata ito! Dahan dahan ang naging lakad ko papaunta sa may pampang. Ayokong lumingon dahil alam kong nakatingin sila...nakatingin siya.

"Ingat ka theresa" sigaw ni jane dahio para wala sa sarili akong napalingon. Epal talaga kahit kailan.

Nakasalubong ko tuloy ang mga seryosong tingin sa akin ni kuya yohan at ang kanyang nakakunot na noo habang diretsong nakatingin sa akin.

Sumisid ako, at duon ko nakita ang sinasabing ganda ni mang arthur. Malinis ang ilalim nito na para bang alagang alaga talaga kaya naman bilib na bilib talaga ako sa kanya.

This one can be a good bussiness too. I may be a bit selfish for thinking about that pero kung papayag sila ay tutulungan namin silang mapalago ang isla na ito at irecommend din sa aming mga magiging bakasyunista.

Hindi ko rin kaya ang magtagal sa ilalim ng matagal, marunong lamang ako pero hindi ako sanay. Kaya naman sa pagangat ko ay napatingin ako sa may pampang. Wala na duon sina kuya yohan at jane. Nakaramdam tuloy ako ng pagkadismaya.

"F*ck theresa..." pagalit ko sa sarili ko ng halos gusto kong maiyak.

Hindi ba siya concern sa akin? I thought duon lang siya at maghihintay hanggang sa bumalik ako. Dahil sa nagyari ay lumangoy na lamang ako papunta duon sa nakita kong parang rock formation, duon na lamang muna ako magpapahinga.

Wala pa man din ako sa kalagitnaan ay may naramdaman na akong kung anong parang humihila sa aking paa. Natakot ako kaya naman mas binilisan ko lalo. Pero halos mapahiyaw ako ng may yumakap sa aking bewang.

"Damn it!" Sigaw ko sa kanya pero tinawanan lamang ako nito.

"Ang tagal mo sa baba, nagalala ako sayo" sabi niya sa akin na parang ayoko namang paniwalaan.

"Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka na duon" pagtataboy ko sa kanya.

Akala ko ay aalis na ito, pero hindi pa pala, sinundan niya ako hanggang duon.

"I will talk to her...papauwiin ko na siya ng manila" sabi niya sa akin na ikinatigil ko.

That's in favor with me pero anong rason niya?

"Why? Bakit ayaw mo rin ba siya dito...tell bakit ganyan ka sa kanya kuya yohan" naguguluhang tanong ko din sa kanya.


Mariin itong napapikit bago napahilamos sa kanyang mukha.
"Not now theresa..." sabi niya sa akin.

Natahimik lamang ako. I want to know, pero nakakainis lang dahil ayaw niyang sabihin sa akin.

"Then do me a favor too..." pagpigil niya.

"What is it?" Panghahamon ko din.

"Ayokong nandito yung kaibigan...paalisin mo siya" sabi niya na ikinagulat ko.

"Sinong kaibigan? Si seth?" Excited na tanong ko dahil pakiramdam ko ay dumating na ito sa aming resort.

Dahil sa sayang pumipinta na marahil ngayon sa aking mukha ay para mas lalong nainis si kuya yohan.

"Damn it! That asshole is now on my resort!" Frustrated na sambit niya pero halos ikatalon ko.

"Ayoko siya dito, do you hear me?" Parang pagbabanta pa niya.

"Pero bisita ko siya" laban ko sa kanya.

"No...your mine at ayoko ng kahati, try me theresa...try me" panghahamon na may kasamang pagbabanta niya.








(Maria_CarCat)






Continue Reading

You'll Also Like

942K 32.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.8M 42.2K 22
Mahal ko siya pero sumusuko na siya... Palagi kong sinasabing andito lang ako pero di siya naniniwala, ayaw niyang ipagkatiwala yung puso niya hangga...
11K 451 14
Despite those cold eyes, her sharp tongue and a bitchy attitude, Radella is a soft-hearted person. She's one of those women who believes that chivalr...
1.9M 50.7K 46
Barkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya alam kung paano magmahal? He grew up with l...