ALICE { o n g o i n g ...}

By purpleangel23

841K 12.2K 2K

A girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she c... More

PROLOGUE
Chapter 1: It is still a Once upon a time
Chapter 2 : The Truth
Chapter 3 : Pagtakas
Chapter 4 : NO TRESPASSING
Chapter 5 : Where am I
Chapter 6 : Helping hand
Chapter 7 : What?
Chapter 8 : Dark Spell
Chapter 9 : Sha magic...
Chapter 10 : Metru Nui
Chapter 11 : Waiting for you
Chapter 12 : Omegas
Chapter 13 : Leprechaun
Chapter 14 : Blood
Chapter 15 : Fairies
Chapter 16 : Sphinx
Chapter 17 : Nokama
Chapter 18 : Counting Dance
Chapter 19 : Hurts
Chapter 20 : Dark Cave
Chapter 21 : Morbuzakh
Chapter 22 : Water Sprite
Chapter 23 : Invisible Cloth
Chapter 24 : Nightmare Jar
Chapter 25 : Little Punishment
Chapter 26 : Telepathy
Chapter 27 : Goblin and Dark Raven
Chapter 28 : Crystal Eye
Chapter 29 : Cyclops
Chapter 30 : Sylph
Chapter 31 : Jealous
Chapter 32 : Totema Famfight
Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1
Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2
Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3
Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion
Chapter 37 : Elitist (Grand Witch)
Chapter 38: Shadow Reaper
Chapter 39 : Cerberus
Chapter 40 : Red Mist
Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert
Chapter 42 : Cronos Game 1
Chapter 43 : Cronos Game 2
Chapter 44 : Cronos Game 3
Chapter 45 : Pegasus Necklace
Chapter 46 : Sanctuary Grave
Chapter 47 : Dim Ghost Ship
Chapter 49 : Princess Morbuzakh
Chapter 50 : Gargoyles
Chapter 51 : Trust and Acceptance
Chapter 52 : No Mana Zone
Chapter 53 : Kitty Punch
Chapter 54 : I'm not yet ready
Chapter 55 : Mortal World
Chapter 56 : Steps to Hope
Chapter 57: Steps to Hope I
Chapter 58 : Steps to Hope II
CHAPTER 59 : STEP TO HOPE III

Chapter 48 : Nation of Spirits

9.6K 160 20
By purpleangel23

ALICE P.O.V.

Napahawak ako sa aking mga braso dahil sa lamig ng aking nararamdaman. Nakatingin ang mga nagmumugto kong mata sa paligid dahil sa lubos kong pagkaiyak. Sana hindi ito mapansin ng mga ibang kasama ko.

Ang ganda ng paligid napupuno ng mapuputing at makakapal na ulap. Ang buwan naman napakalaki, ito ang nagsisilbing liwanag sa dilim ng buong paligid.

Pangatlong araw na namin itong paglalakbay at tuwing sasapit ang gabi hindi ako makatulog ng maayos dahil paulit ulit kong nakikita, bumabalik ang pangyayari na ipinakita sa akin ni Vhisola. Dun ko na hindi mapigilang umiyak para itong bangungot sa akin.

Nandito ako ngayon sa labas ng ship. Sa open air terrace ng ship.

Nagiisip-isip.

Nagdadasal at umaasa na hindi mangyari ang mga ipinakita niya.

Iniisip ko din kung pano ito mapipigilan. Pero pano? Hindi mo alam kung kelan mangyayari ang pangitaing yon sa hinaharap.

Huminga ako ng malalim para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

Medyo nagulat ako ng nakaramdam akong warmth sa aking balikat at nakita ko isang coat na pamilyar sa akin.

Hindi ko pa alam kung anong gagawin kong reaction ng makita ko siya pero dahil sa kanyang magandang ngiti. Ito na rin ang nagtulak sa akin para ngumiti din sa kanya.

“Malamig dito sa labas. Baka magkasakit ka niyan.”

“Hindi kasi ako makatulog kaya nagpahangin ako saglit. Papasok na sana ako pero dumating ka.”

“Napupuyat tuloy kita.”

“Huh?” napakunot yung kilay ko. Anong konek non sa sinabi ko?

“Lagi mo kasi akong iniisip.” Kahit biro lang yon ni Clyde. Tama yung sinabi niya.

Ayoko magpahalata kaya sasakyan ko nalang ang biro niya. “Tsh! Ang kapal mo din nuh.” Pinisil ko yung pisngi niya. “Porket malalim ang iniisp ko ikaw na agad yon?”   

“Bakit? sino pa ba iniisip mo? Si Eliot? Si Prince Tukmol? O baka naman si Zephyr?”

“Yun na agad ang nasaisip mo? Hindi ba pwedeng sina Lola at Lolo?”

“Ah... si Nathaniel.” Patungo-tungo niyang sinabi.

Medyo naasar na ako sa mga pinagsasabi niya. “Tsh! Ewan ko sayo. Bakit ba nandito ka rin sa labas?”

“Katulad mo din hindi makatulog. Kakaisip sayo.”

Sa sinabi niya ang lakas ng tubok ng puso ko. Calm down heart don’t palpitate so hard. Hindi ko mapigilan yung mga ngiti ko sa labi.

“Naniwala ka naman.” Sabay sabi niya ng ganun.

I glance at him. Nakita ko sa kanya ang mapangasar na gumuhit sa kanya labi.

Hinapas ko nga siya ng malakas sa balikat.

“Aray ah! Napapansin ko panay hampas mo na sa akin.”

“Nakakainis ka kasi.”

Nagaasaran lang kami hanggang sa napansin kong hinawakan niya ang dalawang kong malamig na kamay. Binubugahan niya ito ng kanyang warm na hininga para maibsan ang pagkalamig ng aking dalawang kamay.

Itinigil niya ito ng siya’y tumitig sa akin at nagsalita. “Pagkarating natin sa Spirits Nation, May pupuntahan tayong dalawa.”

Nagtaka ako. “Tayong dalawa lang?” Tumungo siya sa tanong ko. “Saan naman?”

“Basta. Nabasa ko yun sa isa sa mga libro ni Montblanc tungkol sa Spirits Nation. Sana nandun pa yon at sana sa araw na yon malaman ko na rin kung ano isasagot mo sa tanong ko Alice.”

Nagtaka ako sa sinabi ni Clyde dahil SLOW ako… hindi ko nagets ang sinabi niya.

“Isasagot ko? Ano bang tanong ang itatanong mo sa akin?”

Ngumiti siya sa akin. “Pagkadating nalang natin du---”

BUGSH! 

Hindi naituloy ni Clyde ang kanyang sasabihin ng may parang bumangga sa ship namin. Muntikan na akong matumba buti nalang napahawak ako sa railings ng ship at inalalayan ako ni Clyde.

“A-Anong ingay yon? May nabangga ba tayo?” tanong ko sa kanya.

Sa halip sagutin ni Clyde ang tanong ko, inusisa niya ang buong paligid. Kahit ako tumingin din sa paligid dahil kumapal ang kaulapan sa dinadaanan namin. Naglabasan ang mga ibang kasamahan namin.

“Ano yon? Ano yon?” matinis na tanong ni Sha sa aming lahat.

Napansin namin na tumakbo si Eliot sa dulo ng ship kaya pati kami napasunod sa kanya.

“Captain Asmos! Sail the ship to the sea!” sigaw ni Eliot.

Sa sigaw ni Eliot wala pang isang segundo narinig namin ang pagkalagutok ng ship para bumaba sa lawak ng katubigan.

“Eliot, Sino yung sinasabihan mo? Nasaan siya?” tanong ni Montblanc. Kahit kami nagtataka kung sino ang inuutusan niya.

Hindi na nagsalita si Eliot dahil lumabas ang tinutukoy niyang Captain Asmos. Isa siyang matandang mahahalintulad sa mga pirate ang suot at may hawak siyang tungkod.

Ang kinagulat ko, isa siyang multo.

“Aye! Aye! Captain Asmos is here!” bati niya sa amin.

“Waaaahh!!!” dahil sa sigaw ni Sha pati ako napasigaw at napahawak sa braso ni Clyde.

“Is-Isa-Isang---” napatigil si Sha sa kanyang pagkabulol ng may umugong at may bagay na malaki na dumaan sa itaas ng aming ship. Hindi lang yon may kung anong nilalang na hayop ang lumalangoy sa lawak ng katubigan at dahil don naapektuhan ang ship namin sa paglayag sa lawak ng katubigan.

“Sea dragon.” Montblanc slowly muttered.

Napahawak kaming lahat sa railing ng ship dahil dumami pa ang mga sea dragon na lumalangoy at nababangga ito sa aming ship.

Kapag nagtagal ito baka masira na ang ship sa lakas ng hampas ng alon at maipit kami sa laki ng mga sea dragon.

“Gumawa ka ng paraan para makaalis ang ship dito.” Sabi ni Clyde.

“Aye! Aye!” Sa paggalaw ng kanyang tungkod gumalaw din ang barko, para itong nagmistulang controller ng ship. Umiiwas kami sa mga Sea dragon na papalapit sa amin. Idinaan niya ito sa malalaki at mahahabang bisig ng sea dragon.

Hindi naman nagtagal at nakahinga kami ng maluwag ng makarating kami ng payapa sa parteng katubigan na walang mga sea dragon.

Nakita namin na iisa lang ang way na dinadaanan ng mga sea dragon at para silang naguunahan. Napansin ko naman ang maulap na kalangitan kung saan dati naming pinaglalayagan ng ship meron itong nilalang na hugis malalaking isda na may pakpak. Tumatalon ito mula sa tubig at sandaling lumilipad sa kalangitan parang mga flying fish sa mundo namin. Sa mundo ng mga mortal.

“Ano yung nasa taas?” tanong ko sa kanila.

“Orca, mga pagkain ng sea dragon.” Sabi ni Captain Asmos. Teka? Bakit nasa tabi ko siya? Kinilabutan tuloy ako.

“So… you’re the Captain of this ship.” Sabi ni Luke.

“Aye! Aye! Nagagalak akong makita ko kayo a-at makita niyo ko! Aye! Aye!” masayang sinabi ni Captain Asmos.

“Bakit hindi mo sinabing may ghost captain pala itong ship na ito!?” inis ni Luke.

“Nagtanong ka ba?” irap naman na sinabi ni Eliot. “at saka… kaya nga sinabing dim GHOST ship.”

“Uupakan na talaga kita bampira ka! May may-ari na pala itong ship tapos ito ang ibibigay mo sa amin!” inis na sinabi ni Luke.

“Ayergh! Sandali! Huwag kang masyadong hot.” Awat ni Captain Asmos kay Luke pero tumagos lang ito. Hindi naman naituloy ni Luke ang balak niyang sunggaban si Eliot. “I’m the Captain of this ship pero sa inyo ang ship na ito.” Napansin ko ang paghawak niya ng mahigpit sa kanyang tungkod.

Mukhang napipilitan lang siya sa kanyang sinasabi.

Ramdam ko ang pagmamahal niya sa ship na dating sa kanya. “Kung gusto niyo… ito na ang tungkod. Ito kasi ang nagpapacontrol sa buong ship.” Angat ni Captain Asmos sa tungkod na para bang ibinibigay niya ito sa amin.

“Hindi Captain Asmos.” tanggi ni Prince Azera. “Ikaw ang may kayang controlin ang ship kaya ikaw… ang magpapaandar ng ship hanggang makarating tayo sa Spirits Nation.”

Nakita ko kay Captain Asmos ang lawak ng ngiti kahit natatakpan ito ng kanyang malalagong balbas at bigote. “Aye! Aye!”

“Tsh! Pasalamat ka bampira napipigilan ko pa ang sarili ko.” Sa pagkakasabi ni Luke nagcross-arm siya at tumingin sa ibang direksyon.

“Sandali. Naririnig niyo ba ang naririnig ko?” napatigil ang lahat ng magtanong si Clyde.

“Ang alin Alco---” hindi itinuloy ni Prince Azera ng pinatigil siya ni Captain Asmos sa pagsasalita.

“Shhh… keep quite. It’s a mermaid song.” May ginawa siyang gestures sa hawak niyang tungkod para sa pagiging invisible ng ship. “Huwag kayong gagawa ng ingay hanggang sa makaalis tayo sa lugar na ito.”

Ginawa lang namin ang sinabi ni Captain Asmos. Hanggang sa pumasok kami sa isang makapal na fog at sa ilang saglit lang nakita namin ang mga mermaids.

Ang gaganda nila lalo na ang kanilang mga makukulay na buntot. Napaka-peaceful ng kanilang kanta.

“Ano ba mangayayari kapag nag-ingay tayo? Satingin ko naman mga harmless sila.” Sha muttered.

“Shh… Basta.” Napansin kong tuwang tuwa si Captain Asmos sa pakikinig ng mermaids song. May pikit effect pa itong nalalaman.

“Eh… hindi ko kasi kayang hindi magingay.” Sha muttered again.

“Tumahimik ka nalang Kuya Sha.” Saway ni Montblanc mukhang pati siya nakikinig sa magandang awitin ng mga Mermaids.

Nakatingin lang kami sa mga mermaids at nakikinig sa kanilang magandang himig.

“It’s their melody full moon gathering.” Sabi sa amin ni Captain Asmos.  

“A-ah guys…” hindi talaga mapigil ni Sha ang hindi magsalita.

“Shh…”

Saglit lang ang katahimikan.

“Guys!” dahil sa lakas ng sigaw ni Sha napahinto sa pagkanta ang mga mermaids at lumingon sa amin.

Dahil sa nainis si Captain Asmos nawala ang pagka-invisible ng ship.

Nagulat ang mga mermaids ng makita nila kami at hindi nagdalawang isip na umalis at nagkanya kanya ng langoy palayo.

“Sha naman!” angal ni Montblanc.

“Mamaya na yan.” Hinawakan ni Sha yung ulo ni Montblanc at ipinatingin sa kanya ang isang bagay. “Sa tingin ko kasi kailangan niyo makita ang nakikita ko. Ang nakikita ko kailangan niyong makita!”

Tinignan namin yung tinutukoy ni Sha. Nanlaki mata ko at natakot.

Nagiba ang ihip ng hangin at lumakas ang alon. Mukhang hindi payapa ang paglalakbay namin ngayon. May giant water spout ang papalapit sa amin.

“Kumapit kayo!” ginawa namin ang isinigaw ni Captain Asmos. Kahit anong iwas at layo ang gawin ni Captain Asmos hinihila parin kami papalipit sa water spout. “Masyadong malakas!”

“Aaaaaaahh!” hindi ko na napigilang sumigaw, unting unti natanggal ang mga bahagi ng Dim Ghost Ship dahil sa malakas na paghigop ng giant water spout.

Ang kinamangha ko sa ship. Natatagal ang mga bahagi ng ship pero bumabalik ang kaayusan nito sa dati.

Siguro kung ibang ship toh, Wala na… wasak at tuluyan ng nahigop toh.

“No! You can’t get the ship.” sigaw ni Captain Asmos. Buong lakas niyang kinontrol ito para hindi mahigop ng giant water spout. Umaangat na ang ship sa katubigan.

Naramdaman ko ang paghawak ni Clyde sa braso ko. “Alice! Jump!” napatingin ako sa ibaba. Ang taas hindi ko kaya. Sa sobrang kaba bigla akong nalula.

“I can’t Clyde!” napahawak ako ng mahigpit sa railings. Nakita ko sina Luke at Montblanc naunang tumalon sa ship.

“Talon! Hanggat kaya ko pang pigilan toh!” sigaw ni Prince Azera sa amin. He performs a spell that can protect and defense the ship.

Tatalon na sana ako pero merong isang bagay na nagpatigil sa akin. Isang bagay na kumapit sa railing ng ship para itong malagkit na lubid maihahalintulad ito sa sapot ng gagamba. Nang sinundan ko kung saan nanggagaling yung lubid nakita ko ang isang mermaid na hawak hawak ito.

Sunod-sunod ng nagpakawala ang ibang mga mermaid ng malagkit na lubid mula sa kanilang kamay at sabay sabay nila itong hinila.

“Ipagpatuloy mo lang ang pagprotekta sa Dim Ghost Ship at pagpigil diyan! May tumutulong sa atin!” sigaw ko kay Prince Azera.

“Huh? Sino?”

“Mga Mermaids!”

Nakita ko sina Luke at Montblanc tumutulong din sa paghila ng malagkit na lubid.

Lumabo ang paligid dahil sa lakas ng hangin kasama ang mga tubig na hinihigop ng Giant water spout.

Kumapit ako ng mahigpit sa aking kinakapitan at saka pumikit. Tanging malakas na hangin ang aking nararamdaman at malakas na ugong ang aking naririnig.

Ilang minuto din ang nagtagal hanggang sa tumahimik ang buong paligid at unti unting naging payapa ang katubigan. Sa aking pagdilat laking tuwa ko ng ayos lang ang lahat.

Nakita na namin ang liwanag ng buwan na nagbigay ng kapayapaan sa aming kinalalagyan.

“Nagawa natin! Yehay! Horaay for us! Buhay pa tayo!” sigaw ni Sha.

Laking pasasalamat namin dahil lumayo na ang Giant water sprout sa kinalalagyan namin. Nagpasalamat din kami sa mga mermaids kung hindi rin dahil sa tulong nila siguro nahigop na kami at ang masama hindi na kami makakaligtas.

Hindi lang pagtulong ang ginawa nila sa amin. Sila din ang nagturo at nagdala sa amin sa ligtas na lugar papunta sa Spirit Nation. Delikado daw ang maglakbay sa mga katulad naming walang alam at hindi kabisado ang lugar.

Habang naglalakabay unti unti kong nararamdaman ang lamig na dumadampi sa aking balat.

“Oh My Holy Hex… What happen to this place?” gulat na sinabi ni Captain Asmos.

The place is surrounded by blocks and spiky ice. Napakalungkot ng presensya ng lugar, ibang iba ito sa mga napuntahan naming mga nation.

So gloomy and you can really feel the sadness of the place.

SQUAK!

Sa pagdaan ng aming ship nabulabog ang mga ice crow. Mahahalintulad ito sa mga uwak pero ang kanilang feathers coated in ice.

“Ang dating masayang lugar nabalot na ng kalungkutan. Papasok palang tayo sa Spirit Nation sana hindi ganito kalungkot sa loob.” Sabi ni Clyde.

“Hey!” napatingin kami kay Montblanc kinakusap niya yung mga mermaids. “Spirit Nation ba talaga ang lugar na to? Baka namali tayo ng daan.” Kahit si Montblanc hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

Malaki ba talaga ang ipinagbago ng lugar na ito? Kumpara dati?

Tumungo lang yung mga serena, senyas na tama ang aming pinupuntahan.

Malayo palang natanaw namin ang isang ice cave mukhang sa sobrang tagal nabalot na ng yelo ang talagang daanan papasok sa Spirit Nation.

Huminto ang mga mermaids, nagpaalam na hanggang dito nalang sila sa pinaghintuan namin at sinabing pagkapasok namin sa ice cave na yon makakarating na kami sa dapat naming pupuntahan saka sila lumangoy paalis.

“Maraming salamat!” sigaw ni Montblanc sa mga serena ganun din si Prince Azera.

“Bye! Beautiful Mermaids! Hanggang sa muling pagkikita!” with flying kiss pang kasama ang pagpaalam ni Prince Azera. Kahit kelan talaga siya.

“Hanggang dito nalang siguro kayo.” Napatingin kami kay Eliot. “Hindi makakapasok ang Dim Ghost Ship sa cave dahil sa laki nito.”

“Walang publema. May paraan para maka---” pero hindi pinatapos ni Eliot ang sasabihin ni Captain Asmos.

“Ako nalang papasok magisa. Salamat sa pagdala sa akin dito.” Sumakay siya sa maliit na bangka. “Makakaalis na kayo.”

“Ingat ka Eliot.” Pagpapaalam ni Captain Asmos pero kami nakatingin lang sa kanya at pinagmasdan hanggang sa makapasok sa kweba.

Inumpisahan na ni Captain Asmos ang pagandar ng ship. “So! Saan na ang next destination natin.” pero pinahinto siya ni Prince Azera at Clyde.

“Bakit?” pagtatanong ni Captain Asmos. “Hindi pa ba tayo aalis?”

“Captain Asmos. Thanks for everything.” Ngumiti si Prince Azera. “Dim Ghost Ship is now all yours.” 

Nagulat si Captain Asmos sa sinabi ni Prince Azera. “But… this ship is---”

“Never mind Captain. Malaya ka na Captain Asmos. You can go where ever you want kasama ang iyong ship.”

Isa isa na kaming sumakay sa bangka at dahan dahan na itong binababa ni Prince Azera gamit ang kanyang water spells.

Ang tunay naming mission ay pumunta sa Spirit Nation at iligtas ang Archangel Princess. Hindi yon alam ni Captain Asmos at lalo na si Eliot.

“Nagenjoy kami sa ship mo Captain Asmos! Alagaan mo mabuti ang pinakamamahal mong ship.” Sigaw ni Montblanc at kumaway. “Ah! Ou nga pala! Sa akin nalang toh! Captain!” sabay taas ng libro.

Kumaway na din ako kay Captain Asmos para magpaalam. Nakita kong mangiyak ngiyak siya sa tuwa dahil siguro malaya na siya kasama ang kanyang pinakamamahal na ship. Kumuway din siya sa amin. “Aye! Aye!”

Pagkatapos non unting unti nang nawala sa aming paningin ang ship.

Nang nakapasok na kami sa ice cave gumamit si Montblanc ng light ball dahil medyo madilim ang kweba, sapat naman ang ilaw sa aming lahat. Nakakadagdag din kasi ang liwanag ng kulay asul na yelo sa paligid.

“Tsh! sayang yung ship, lalo na yung Pegasus necklace.” Buntong hininga ni Luke. Hanggang ngayon yun parin yung iniisip niya?

“Ano ba Luke! Ang mission natin ay para sa Archangel Princess hindi yung kung anu-ano ang iniisip mo.” bulyaw ni Montblanc.

Eh. Pakielam mo ba! Gusto kong isipin ang mga ganung bagay!”

“Heto na naman.” Buntong hininga ni Sha.

“Shh... tumigil kayo. Baka nakakalimutan niyong kakapasok lang ni Eliot dito. Kaya pwede ba. Tumahimik kayo kahit sandali lang.” sa suway ni Prince Azera tumahimik din ang dalawa.

Huminto ang bangka dahil ito na ang dead end ng ice cave. Napansin namin ang isang yelo na mukhang hagdan paitaas. Sa pagbaba namin sa bangka medyo madulas dahil sa nagyeyelong paligid.

“Mukhang ito ang lagusan palabas dito.” Sabi ni Montblanc.

“Natural saan pa ba lagusan. Lalangoy tayo paibaba?” bulayaw naman ni Luke.

“Sige mauna ka.”  

Tumigil lang silang dalawa ng tumingin si Prince Azera sa kanila.

Naunang umakyat sa mukhang hagdan si Prince Azera sumunod naman sina Luke, Montblanc kasama si Sha at nahuli naman kami ni Clyde.

Habang paakyat kami ng paakyat nakakarinig kami ng isang tunog na nakakarelax. Tunog ng isang pagbagsak ng tubig. Bumungad sa amin ang isang falls.

Sa pagdaan namin ng falls hindi kami nabasa. Panu nangyari yon?

Tinignan ko muli ito. Idinaan ko ang kamay ko dito pero laking gulat kong umiwas ang tubig sa kamay ko.

“Ang astig.” Amaze kong sinabi.

“Natuwa ka na niyan?” napatingin ako kay Clyde. “Isip bata.”    

Tsh! pasensya na walang ganyan kasi sa mundo namin. Nagpout lang ako sa sinabi niya at nagumpisa maglakad.

“Kahit papaano hindi naapektuhan ng yelo ang loob ng nation.”

Tama ang sinabi ni Montblanc. May konting bahid ng yelo ang lugar pero nangingibabaw parin ang pagkakalago ng mga halaman at puno.

“Kahit hindi naapektuhan. Malungkot parin ang lugar.” Sabi ni Prince Azera. Tama rin ang sinabi ng prinsepe ang tahimik ng lugar tanging huni lang ng kwago at kaluskos galing sa puno’t halaman ang naririnig namin.

Ibang iba ito sa itsura sa labas ng nation pero nandun parin ang presensya ng kalungkutan. “Dito muna tayo hanggang sa mag-umaga. Delikado kapag magpapatuloy tayo na ganitong madilim ang lugar.”  

Kanya kanya kaming kumuha ng pwesto pero hindi ganun magkakalayo. Tumabi sa akin si Prince Azera at ganun din si Clyde.

Napansin kong nagkatinginan silang dalawa at hindi naman naglaon nagiwasan din sila ng mga tingin.

Hindi na sila katulad dati na nagbabangayan. Natutuwa ako dahil nagkaintindihan na sila.

“Akalain mong makakatulog ang isang maharlika sa ganitong klaseng lugar.” Pasisimula ni Clyde.

Ay, mukhang nagkamali ako.

“Tsh! Bakit? porket prinsipe ako hindi ko kayang matulog sa ganitong lugar?” Umirap lang si Prince Azera kay Clyde pero bigla siyang napatayo sa kanyang inuupuan. “Ouch! What was that?”

Natawa kami sa reaction ng prinsipe dahil don nainis siya. “Montblanc! Give me your robe.”

Bigla akong napahikab, ngayon ko naramdaman ang antok ko. Napansin kong humawak si Clyde sa aking ulo para isandal sa kanyang balikat. “H-Hmm?”

“Huwag kanang sumatsat. Matulog ka na.” Ampness siya! Osige, sabi niya eh. Hindi ako hihinde.

Inayos ko ang ulo ko sa balikat niya para mas maging komportable. Feeling ko talga napakasafe ko kapag nasa tabi niya. “Clyde susulitin ko na ang kabaitan mo sa akin. Pwede ka bang kumata para sa akin?”

“Hindi ako mabait kaya AYOKO. Matulog ka na.” ang sungit talaga.

“Osige, ako nalang.” Prisinta ko.

 

I’ve been working hard so long

Seems like pain has been my only friend

My fragile heart’s been done so wrong

I wondered if I’d ever heal again.

“Kanta ba yan? Para kang tumutula.” Ngising sinabi ni Clyde.

“Tsh! Ikaw nga diyan hindi marunong kumanta.” Pangasar ko sa kanya at itinuloy ang pagkanta ko.

 

Ohh… just like all the seasons never stay the same

All around me I can feel a change

Hindi na ko muling inasar ni Clyde ng kumanta ulit ako. Tahimik ang paligid kahit binubulong ko lang ang pagkanta, rinig na rinig naman ito ng mga kasamahan ko.

 

I will break these chains that bind me, happiness will find me

Leave the past behind me, today my life begins…

 

Pahina ng pahina ang pagkanta ko at naramdaman ko na ang pagkabigat ng aking mga mata.

 

A whole new world is waiting it’s mine for the takin’

I know I can make it, today my life begins…

Hanggang sa napapikit na ako at nakatulog ng mahimbing.

=======

“Alice…” naalimpungatan ako sa bumulong sa akin. “Gising.” Napatingin ako sa gumigising sa akin.

Napakusot ako sa mata ko. “Bakit? Clyde?”

“Halika bilis. Baka hindi mo na makita ito.”

Napatingin ako sa mga kasamahan namin, mahimbing silang natutulog. Tumayo ako sa aking inuupuan. “Saan ba tayo pupunta?”

“Nakalimutan mo na ba yung pinagusapan natin? Tara.” Nagumpisa na maglakad si Clyde at hindi na ako nagdalawang isip na sumunod sa kanya.

Ano ba ang ipapakita niya?

May pagka-dim ang paligid. Sa tingin ko malapit ng sumikat ang araw.

Sumunod lang ako kay Clyde sa pagpasok sa mapunong lugar o masasabi kong gubat. Huminto siya, lumapit ako sa kanya para huminto din sa kanyang kinalalagyan.

Tumingin ako sa paligid. “Anong meron dito? Ordinaryong gubat lang naman toh.” Patanong ko sa kanya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay hinawakan niya ang mga kamay ko. “Pumikit ka.”

“Huh? Bakit?”

“Basta.”

Pumikit naman ako. Ilang sandali lang ang lumipas naaninag ko sa aking mata ang liwanag. “Ngayon naman dumilat ka.”

Sa aking pagdilat namangha ako sa aking nakikita. Napapaligiran kami ng mga butil at makukulay na tubig umaangat ito kasabay ng sunrise.   

Para kaming pinaliligiran ng nagkikislapan at makukulay na dyamante. “Clyde, ang ganda.”

Hinawakan ko ang isa sa mga ito pero hindi ito nanatili sa aking kamay dahil gumapang ito sa aking kamay at patuloy parin sa pagangat nito na dahan dahan.

Habang tumataas ito, nagsama-sama ang magkakaparehas na kulay. Sa pagtama ng liwanag ng araw mas naging pino ito at kumalat sa paligid na naging isang rainbow.

Napangiti ako sa aking nakikita parang nasa dulo kami ng rainbow. I realize. Ipinakikita ng lugar na ito… na anong man pasubok o delubyo na dumating may pagasa. Pagasang sumaya sa kabila ng kalungkutan na nararanasan.

Napatingin ako kay Clyde ng bahagya niyang pinisil ang aking kamay.

Kita ko sa kanyang mga mata ang saya. “Gusto ko, makita ang mga magagandang bagay at maramdaman ang masasayang pangyayari sa mundo na kasama ka Alice.” Magkatitigan kami ngayon. “Ganon ka din ba?”

Napangiti ako sa kanya. “Nang makilala kita Clyde. It’s a worst day for me.” Napakunot yung kilay niya. Natawa naman ako sa itsura niya. “But when I’m with you… It’s my happiest day for me.”

“Ibigsabihin ba niyan TAYO na?” Hay! Clyde! Ikaw lang naman hinihintay ko. Walang kasweet sweet ang lalaking to.    

Sa pagtungo ko. Halatang pinipigilan niya ang tuwa dahil siguro magigising ang mga kasamahan namin.

Hahalikan niya ang kamay ko pero ng makita ko ang aking kamay na may bahid ng dugo. Nawala agad ang sayang nararamdaman ko. “Aaaah!!” hindi ko naiwasang sumigaw at napabitaw ako kay Clyde sa takot.

“Alice bakit?” pagtatakang tanong niya.

Nang tignan ko ulit ang kamay ko wala ng dugo. Anong nangyayari sa akin? “Clyde…” Nagsimula na akong umiyak, napalitan ang aking saya ng takot. “Mahal kita Clyde pero hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko.”  

“Ba-bakit? hindi kita maitindihan.”

“Sa huling ipinakita sa akin ni Vhisola. I-ikaw Clyde.” Sumikip na ang dibdib ko hindi ko kayang sabihin at nagsimula na naman akong umiyak.

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Clyde. “Tahan na. Don’t worry no one can---”

“Hindi mo naiitindihan Clyde.” Ayoko masira ang saya ng nararamdaman ni Clyde sa oras na ito pero… hindi ko na kayang itago pa ang katotohanan. “Ako ang dahilan ng ikakapahamak mo” lumayo ako bahagya sa kanya. “at ng Archangel Princess.” Ito na siguro ang panahon para malaman niya ang lahat. Kung sino at ano talaga ako. Ayokong malaman pa niya ito sa iba.

Napahawak ako ng mahigpit sa aking kamay, ramdam ko ang pagbuhos ng luha ko sa aking pisngi. Malakas ang loob ko dahil alam kong maiitindhan ni Clyde ang kalagayan ko.

SANA… sa pagkasabi ko ng katotohanan. Hindi magbago ang nararamdaman niya para sa akin at mahalin parin ako ni Clyde.

“Anong ibig mong sabihin?”

Naramdaman ko agad ang pagkaseryoso ni Clyde.

Pumikit ako ng mariin. “I-isa…” bumilis ang pagtibok ng puso ko. Tibok ng kaba at pagkatakot.

 

 “I-isa akong Soul Eater.

++++++++

Wala akong maisip na magandang kanta kaya yun nalang ahahaha...

Thanks for the read... pasensya na kung late hehehe...

Salamat sa mga magagandang comment lalo na sa mga magvovote at pagsubaybay ng Alice.. ^__^ wish you like my UD today.

Have a nice day and Godbless ...

MWAUHXSS! (^__~)

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...