Falling for the Seductress

By rizzie_writes

691K 16.4K 1.4K

Britney A 28 yr old, sexy and drop-dead gorgeous college professor. She is 5'8, has a slim ,hot body and a se... More

DISCLAIMER
knight
2. sleepless night..
3. close fight
4 At all cost
5. invited
6. The Beach
6. Desire
7. Such a baby
8. ignoring me
author's apology letter
9. Close
10. Closer we fall...
11. I missed you
12. You are Mine
13. The Seducing Game
AUTHOR'S PAPANSIN
13. The Panel
14. Who's jealous?
15. Inseparable
16. Where are you?
17. Changes
18. Chasing Abbigaile
19.The Seductress is Back
20. The Predator
21. Unrequited Love
22. Crazy Get To-get-her
23. At all Cost part2
24. Burying the Hatchet
25. Status: It's complicated
26. Caught in the Middle
27. Coming Home
28. Tease Me..
29. Crazy Love
30. Love and Sacrifice
32. Fate has spoken
Epilogue

31. Hope and Faith

12.9K 356 46
By rizzie_writes

BRIT'S POV

Four months and three weeks... it's been that long since the accident. Abbie's  injuries were healed.. she looks like she's just sleeping. Tinubuan na ng buhok ang part na shaved sa ulo nya at wala na ang mga sugat sa mukha nya at katawan pero naiwan ang mga peklat na dulot ng mga basag na salamin na sinalag nya para protektahan si Tatiana.Ngunit kasing tingkad ng mga markang iyon ang sakit sa puso ko.  Hindi pa din sya nagigising nang tuluyan... may episodes na nagrereact sya kapag nasasaktan kagaya ng paggalaw ng mata nyang nakapinid o pag angat  daliri pero other than that, hindi pa din sya conscious.

I never left her side. Nag stabilize na ang vital signs nya pero nakakabit pa din sya sa ventilator but this time, may butas na sya sa lalamunan na tinatawag na tracheostomy kung saan nakakabit ang tubo na tumutulong para makahinga sya. After she was stabilized, we managed to get a clearance , pulling some strings para itravel sya pauwi dito sa Pilipinas kung nasaan ang pamilya nya. Nakaadmit sya sa isang maliit na hospital kung saan ako ang bantay nya. Dala ko na lahat ng gamit ko and for two months, ito na ang naging bahay ko. I don't want to go home dahil bukod sa nangungulila ako, gusto kong pag gumising sya, ako pa din ang una nyang makita.


I never lose hope that she will wake up one day and everything will fall back to place. We'll get married and talk about raising our kids. I kept on hoping and praying..  I bargained with Tati.... that I will forgive her if she will set Abbie free and if she will allow us to leave her. I have no doubt with Tati's love for Abbie..she stayed by her side hanggang magdecide kaming iuwi na si Abbie without her. Sinisisi nya din ang sarili nya sa nangyari kaya naman mas naging madali para sa amin ang pag alis.

I rose from the small watcher's bed sa kabilang gilid ng hospital bed nya.. I grabbed the newspaper and scanned the articles sabay upo sa bandang paanan ng kama.

"Good morning Baby.. alam mo bang pinirmahan na ni Duterte yung bill na bawal na magyosi sa public place? Di na ko mamomroblema sa paninigarilyo mo.. " nakatawang sabi ko habang binubuklat buklat ang newspaper na hawak ko.


"Baby, magshoshowing na yung Beauty and the Beast.. gusto ko yun baby.. sana mapanood natin yun ano?", daldal ko. I stared at her unconscious form. I know dating would not be on the top of the list kapag nagising na sya.



"Ahm.. miss Brit.. ifeed ko lang si Mam..", paalam ng nurse na pumasok hawak ang bote ng gatas na ipapakain kay Abbie. Nilalagay ang pagkain nya sa tubo na nakakabit sa ilong nya.. tube feeding ang tawag nila doon. Bukod pa sa pagkain na ipinapasok sa ugat nya. Sa hitsura pa lamang ni Abbie ay mamamalas mo nang hindi nagagamit ang muscles nya.

"Sige lang.. "sang ayon ko sabay baba ng newspaper at matamang pinanood ang nurse sa pagsasuction at pagpapakain kay Abbie.

Tinulungan ko din syang buhatin si Abbie para iayos ang pwesto ng higa nya. She lost a lot of weight... napakapayat nya na kaya magaan.. pero alagang alaga namin si Abbie.. never ko syang pinayagang mangamoy ihi o dumi.. lagi ko syang binebed bath at pinupunasan.

***

Katatapos ko lang palitan ng diaper at hospital gown si Abbie nang dumating ang mga pinsan ko.

"Kamusta ate?",ika ni Miki.. may dala syang mga prutas at kung ano anong groceries na di naman makakain ni Abbie kundi para sa akin.


"Okay naman kami.. ganun pa din.. pero alam mo ba kahapon, nag rounds yung doctor..  biglang gumalaw si Abbie nung kinurot sya nung doctor!",tuwang tuwang kwento ko habang minamasahe ang braso ni Abbie, si Miki naman minamasahe sya sa binti.

"Talaga??! Chicks siguro yung doctor, nag react eh! Alam mo naman tong bestfriend ko,  magaganda lang pinapansin nyan!" Biro naman ni Miki.

"Ikaw Baby ah! May crush ka dun sa doktora??! Subukan mo lang lumandi sa iba, outside the kulambo ka!!!"baling ko kay Abbie sabay kurot sa pisngi nya ng may panggigigil.


Ganoon na lang ang gulat namin ni Miki nang biglang mag alarm ang cardiac monitor nya na parang bumilis ang puso nya. Nag angat baba din ang dibdib nya.  Agad na nag callbell ako sa nurse's station habang si Aki naman ay tumakbo doon para tumawag ng Doktor.

Pinalalabas kami ng mga nurse  pero nakita ko na umangat ang kamay ni Abbie na tila huhugutin ang tubo nya kaya agad kong sinapo ang kamay nya. Napatingin ako sa mukha nya at nakitang dumilat na sya.Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita kong muli ang kulay tsokolate nyang mga mata. Shock,fear, confusion..lahat yun nakita ko sa mga mata nya habang nakatitig sa akin at nagpapanic marahil dahil clueless sya sa status nya.

Agad na tinalian sya sa kamay ng mga nurse dahil mukhang gusto nyang pagtatanggalin lahat ng mga nakakabit sa kanya. Tinurukan sya ng pampakalma na agad namang tumalab. Inassess sya ng mga doktor at may mga ginawa na namang mga exams at kinuhanan din sya ng dugo. Hindi ko namalayang umiiyak na ako. Hawak ko pa din ang kanang kamay nya habang natutulog sya dala ng pampakalma.. kung dahil ba sa tuwa iyon o dahil naaawa ako sa nakita ko sa mga mata nya.. hindi ko na alam...

Nang masigurong tulog na tulog sya ay dinial ko ang number nila sa bahay at ininform sila Tatay na gising na sya.

Hinawakan kong muli at hinaplos ang kamay nya.. muling lumapit sina Aki at Miki.

Tinatanggalan ko sya ng tali sa kamay nang pumasok ang magkapatid.

"Sabi ng doktor,nagulat lang sya dahil conscious na sya. Hintayin daw resulta ng ibang exams tapos baka ikabit na sya sa oxygen tank na lang."inform ni Aki sa akin.

Natutuwang hinalikan ko sa noo si Abbie. Muli syang dumilat bagama't bakas ang sobrang antok na dulot ng gamot.. nanghihina pa din sya.

"Baby!!!Oh my God ...."naiiyak na bigkas ko sabay halik sa labi nya .. sa kamay.. sa noo..

I saw na bumubuka ang bibig nya pero nagtataka marahil dahil hindi sya makapagsalita. Maagap na kinuha ni Miki ang kamay nyang biglang kumapa sa leeg nya dahil baka hatakin nya ang tubo doon.


"Naaksidente ka.." at ikinuwento ko kung ano ang nangyari pati na rin kung gaano syang katagal na comatose.


"Kilala mo ba ako?"umiiyak na tanong ko.


Tumango sya at naramdaman kong hinila nya ang kamay ko at saka hinalikan ang likod ng palad ko.

Sumenyas syang nagugutom sya na syang ikinatawa nMin nina Miki..




"Hindi pa pwede bakla ka!Baka mapunta sa baga mo ang pagkain!magpalakas ka kaagad para makapagbuffet tayo!" Malakas na sabi ni Miki kay Abbie. Niyakap nya kaming dalawa ni Miki bagamat mahina pa sya.. at bigla naman kaming pinicturan ni Aki.


Maya maya pa ay dumating ang mga relatives ni Abbie kasama si Anne na nag cutting class pa sa sobrang excitement. Agad naman itong kinaltukan ni Abbie nang malaman nyang nag cutting ang kapatid. Napuno ng saya ang room ni Abbie.


Nang matapos ang visiting hours ay nagsiuwian na ang lahat at naiwan kaming dalawa ni Abbie. Pumasok ang doktor at tinanggal ang tubo nya sa ventilator at inilipat sa regular na oxygen dahil maganda na daw ang hinga nya. Iyon nga lang at sa trache pa din idinaan ang oxygen..may maliit na mask na inilagay doon.

Sa loob ng ilang buwan,iyon ang unang gabing nakatulog ako uli ng mahimbing. Hindi pumayag si Abbie na hindi ako tumabi sa kanya. Nakatulog akong nakaunan sa braso nya kahit na nakatracheostomy pa din sya. Panay ang halik at yakap nya sa akin kaya napalagay ako na ayos na sya.

Magkayakap kaming nakatulog na dalawa at walang umistorbo sa amin.

Nang gumising ako kinaumagahan, una kong tinignan kung gising na sya.. kinabahan ako nang makita kong tulog pa sya dahil baka nananaginip lang akong gumising na pala sya pero agad ding napawi ang takot ko nang makita syang dumilat at tumitig sa mga mata ko. Nagkangitian kaming dalawa sabay pikit uli. Nagpray kaming dalawa thanking Him for giving Abbie a second life.


I cried after we've prayed.. pinupunasan nya ang mga luha ko. I cannot believe na nagwork ang faith ko sa Kanya at kay Abbie.. I never lose hope noon pa man kaya naman napakasaya ko nang mga sandaling iyon. Wala na akong kasing saya..





***

^_^

Malapit na matapos.. konting kembot na lang ni Britney..

May gagawin din po akong new story.. it's Jae's love story naman.. sana po suportahan at abangan nio din..

Salamat!!!


Rizzie.


















Continue Reading

You'll Also Like

Clement By d

Romance

188K 8.2K 46
Hi crush! How to be urs? How to be us?** Este how to be u?**
271K 2.4K 5
She's Heather Bryant. An English Professor. Mataray at istrikto. She's Madison Hans. Nerd at laging nabubully sa school. Tahimik at matalino. When th...
161K 5.5K 41
This is my first time writing a story. This is a GxG story so if you're not comfortable then don't bother reading it. •Proper credits to the owners o...
83.1K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...