Perfect Distraction

By rusz-avhin

6K 81 124

This is a story of Mia Concepcion and Kid Fuentebella. Two different people. Two different state of heart. Tw... More

Intro ni Author :)
1. Nakamove On
2. Temptation
3. One Night Stand
4. Own You
5. Dumb Ways To Die
6. I Want More
8. Pa-sweet
9. SHOWER...
10. Pride
11. Worried
12. Ang Simula
13. Surprise!!!
14. Problema
15. Hinala
16. Palalim ng Palalim
17. Away
18. That guy!
19. Nagseselos sino kay kanino? 🤣
20. Imbitasyon
21. Apat na Lamesa
22. Mission
23. Anong meron kay Laine?
24. Paalam
25. Natuto
26. Walang Natapos
27. Imbitasyon
28. Pag Uwi
29. Malapit Lang
30. Dalaw
31. Posas 😂😂😂
32. Wakas

7. Okay Again

185 2 2
By rusz-avhin

Mia:

Anak ng pating namang buhay 'to o!

Pang-ilang ulit ko nang nabibitawan ang mop ngayong araw.

Distract na distract ako ng maraming bagay.

Una ay ang hindi pagpapakita ni Kid ng ilang araw.

Pangalawa, ang pagpunta ni Eric kanina dito sa Del Fierro building. Mag-usap raw kami mamaya. Kung para saan? Gusto niya lang raw na maayos ang lahat sa pagitan namin bago sila ikasal ni Shanella.

Ang galing di ba?!

Hindi niya raw ako titigilan hangga't hindi kami nakakapag-usap ng maayos.

"Sa wakas maikakasal na ang anak ko sa disenteng babae." parinig ni Aling Nenita sa kabilang pasilyo. Alam niya na nandito ako sa bandang dulo kanina pa.

"Talaga? Nakuu..pero sayang naman sila ni Mia."sabad ng kachismisan niya.

Pucha! Wag niya naman sanang sagarin ang pasensya ko ulit at ayaw kong nambabastos ng matanda.

"Buti nga at napunta sa matinong babae si Eric ano? Aba'y dapat lang na doon siya mapunta kay Shanella eh bukod sa magandang background eh matino rin ang trabaho. Hindi katulad ng iba dyan..ginagamit ang ganda para manloko ng iba."

Gigil kong hinawakan ang mop bago nagtungo sa cr. Wala ako sa mood makipag-away.

Tang'na! Ako pa ang nanloloko?
Pinagpaguran ko sa legal na paraan ang ibinibigay kong ambag sa bahay nila. Hindi iyon galing sa kung ano.

Bwisit! Ganoon agad ang tingin sa akin? MARUMI? Dahil lang nagtatrabaho ako bilang Marlboro Girl ng ilang beses sa loob ng isang linggo?

Ilang ulit ng pumasok sa isip kong magresign sa Del Fierro. Pati sa Marlboro Girls. Maghanap ulit ng ibang trabaho.

Pero nanghihinayang ako sa dami ng benepisyo sa Del Fierro, bago dito marami na rin akong napasukan at dito lang ang maraming benepisyo sa mga high school graduate lang na maituturing na gaya ko.

Sayang rin ang laki ng kita sa MG.

Wala pa yatang fifty thousand ang naiipon ko sa savings ko sa banko...para sana iyon sa ambag ko sa kasal namin ni Eric noon.

Sa panahon ngayon, napakaliit lang na halaga niyon at napakadaling maubos.
Saan lang makakarating iyon?

Natutukso na rin akong tanggapin ang offer na pagpapaaral ni Nay Cate pero nangingibabaw pa rin ang hiya ko.

Lumaki akong walang inaasahan kundi ang sarili ko kaya hindi kaya ng pride kong umasa sa tulong ng iba.

Tumunog ang cellphone ko at nagulat pa ako na si Eric iyon.

Sabagay bukod kay Sunny ay si Eric at ang manager namin sa MG lang ang may alam ng number ko. Ni hindi naman kami nagkuhanan ng number ni Kid.

Pucha Mia! KID na naman! Magtino ka nga!
Laro niya lang iyon. Wag ka ng umasa sa higit pa!

"Hello Mia? Nandito na ako sa labas ng Del Fierro. Hintayin kita..please."

Napatingin ako sa wall clock ng cr. Out ko na pala.

"Sige. Mag-a-out lang ako." Huminga ako ng malalim. Maganda na rin siguro na kahit paano ay maayos kaming magtatapos ni Eric. Matagal rin kaming naging magkaibigan bago nagkaroon ng relasyon.

Nakakahinayang..pero ganoon siguro talaga. Walang forever ika nga nila.

Paglabas ko ng building ay nasa labas nga si Eric. May kotse siyang dala. Napataas ang kilay ko.

Tila nahihiya siyang napakamot sa batok.
"Ahm..b-bigay ng parents ni Shanella. Ayoko ngang tanggapin..pero ipinilit nila."

Hindi ako kumibo. Iginiya niya ako sa pintuan at ipinagbukas ng pintuan.

Inihinto niya sa first class restaurant. Paminsan-minsan ay ginagawa naman niya ito noong kami pa.

Umorder siya ng pagkain para sa aming dalawa. Parang gusto kong maiyak nang orderan niya ako ng halo-halo sa dessert.

Paborito ko kasi iyon. Ngayong wala na kami, wala na sigurong gagawa ng ganito para sa akin. Eric knows everything about me.

Malungkot niya akong nginitian.
"Hindi ko inaasahan na sa ganito tayo mauuwi. Mia, believe me..sa'yo ko na pingarap lahat-lahat, alam mo yan. Napakalaking pagkakamali ang nagawa ko sa'yo..I'm sorry."

Bakit ganoon? Kahit paulit-ulit mong marinig ang paghingi niya ng tawad..masakit pa rin?

"Pwede mo akong tanungin, Mia. Kahit ano na gumugulo sa'yo. Kahit ano na gusto mong malaman. M-Makakatulong iyon pareho sa atin."

Huminga ako ng malalim. Nagsisikip ang dibdib ko sa bigat ng nararamdaman ko.
"Mahal mo na ba siya?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Marahil inaasahan niyang itanong ko ay bakit, paano..kailan..

Sino ba ako para husgahan siya sa pagkakamali niya? Tulad niya ay natukso rin ako kay Kid. Ang pinagkaiba lang..wala na kami noong may mangyari sa amin ni Kid. At akala ko si Eric siya. Pagbalibaliktarin man natin..mali pa rin dahil wala naman kaming relasyon ni Kid.

Tumango siya. "H-hindi ko alam kung kailan nagsimula, Mia."

Hindi ko alam kung ikinatuwa ko ba iyon o ano. Basta natagpuan ko ang sarili kong ngumingiti at naiiyak sa harapan niya.

Nababaliw na yata ako.

"A-alam ba niya Eric?" makahulugan kong tanong.

Umiling siya. "H-Hindi ko pa kayang ipagtapat. At isa pa..umaasa ako Mia..na magiging tuwid na ang gusto ko."nahihiya siyang yumuko.

"Eric..kung talagang mahal ka niya..matatanggap ka nya sa lahat-lahat k-katulad kung paano kita---"natigil ako sa pagsasalita nang mamataan si Kid na papalapit sa gawi namin.

Kanina pa ba sya? Bakit siya nandito?
Sinubukan kong lumingon sa likod ko para icheck kung doon ba sya papunta pero bakante ang likuran namin.

Muntik pa akong mapatalon ng marinig ko ang boses niya at makitang nasa harapan na namin siya. Just an inch away.

"Do you mind if I will fetch my girl, Eric?"
Palangiti si Kid kaya naman hindi ako sanay na madilim ang mukha niya ngayon.

Tila nanibago rin si Eric sa timbre ni Kid bagamat wala akong matandaang naging normal silang mag-usap.

"Siya ang tanungin mo, Kid."
bahagya pang umiling si Eric.

Bumaling sa akin ang lukot niyang mukha.

"Kid..ahm..nag-uusap pa kami ni Eric."
kaswal na sabi ko. Nakakaasar siya ha. Bigla-bigla na lang susulpot na para bang wala siyang kasalanan?

Kasalanan Mia? Nahihibang ka na ba talaga? Hindi niya kasalanan kung naghihintay kang parang tanga sa pagsulpot nya.

Bwisit na konsensya! Manumbat pa!

"Nag-uusap rin tayo, Mia." patag niyang sabi at para bang ako ang may kasalanan kung bakit sya nakatayo sa harapan namin.

Nakipagsukatan ako ng titig pero iba ang bantang hatid ng mga mata niya. Para bang anumang oras ay kakaladkarin nya na ako palabas.

"E-Eric..sige. Okay na tayo. Goodluck and God bless---" hindi ko na natapos dahil iniangat na ni Kid ang braso ko at inakay na ako palayo.

"Ano ba, Kid?!" piksi ko nang makalabas kami.

"Seriously Mia? You're okay with that brute again? Are you out of your mind?" he whispered hardly.

"Wala akong nakikitang masama kung maging okay man ulit kami."

"Then what? He'll fucking leave you again? And you'll gonna get yourself drunk and find some other man huh? Fuck it, Mia. I won't let you be with him again. I won't let you be with someone else either."

Natigalgal ako sa sinabi niya.
Nakainom ba siya? "Ano bang sinasabi mo? Hindi na magiging kami ulit. Okay na kami dahil maayos siyang humingi ng tawad at makasalanan lang rin akong tao para ipagkait ang kapatawarang hinihingi niya.
At kung maglalasing man ako ulit at makahanap ng ibang lalaki wala ka na doon." Shit ka. Pikon na pikon na ako sa mga sinasabi niya.

Lahat sila..Ganun naman ang tingin nila sa akin eh. Mababang uri. Napakarami talagang judgemental sa mundo.

"Oo makapal ako magmake up..oo cheap lang ang mga gamit ko..oo nagtatrabaho ako sa MG bukod sa pagiging janitress..pero ibig sabihin agad noon pokpok na ako? Tsk." halos makagat ko ang labi ko pagkasabi ko niyon para wag maiyak. Tang'na.

"Say it again..?! Damn it!" kita ang pag igting ng panga niya.

Napailing ako. "Alin? Yung cheap ako? Yung pokpok ako? Seryoso? Kailangan paulit-ulit?"

Kinabig niya ang baywang ko palapit sa kanya. Nakasandal na siya sa kotse niya at ramdam ko ang impact ng pagbunggo ko sa dibdib niya. "Wala na ako doon? You'll find someone else at wala na ako doon? Damn that! Mia..no, that won't happen believe me."

Sasagot sana ako pero nailapat niya na ang mga kamay niya sa mukha ko at sinimulan niya akong halikan. Pucha!





Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 4.1K 4
Sex Partners? Check. No strings attached? Check. No feelings involved? Mmmm...... Check on Troy's side but for Sandra, does she feel the same? Espe...
193K 5.9K 20
Walang kahirap-hirap na nilundag ni Polly si Ian Jack at mahigpit itong niyakap mula sa likuran nito. "Bakit naman hindi mo sinabing pupuntahan mo pa...
33.2M 19.1K 5
"I want you to share my bed within that three months," walang kakurap kurap nitong sabi. Kailangan ko na titigan siya ng matagal. O kurutin ang saril...
107K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...