The Gangster's Princess (COMP...

By Ellisire

125K 2.1K 85

April is a cold girl. She hates noise. She even hates her sisters because they're too loud. But deep inside s... More

The Gangster'S PRINCESS
TGP 1
TGP 2
TGP 3
TGP 4
TGP 5
TGP 6
TGP 7
TGP 8
TGP 9
TGP 10
TGP 11
TGP 12
TGP 13
TGP 14
TGP 15
TGP 16
TGP 18
TGP 19
TGP 20
TGP 21
TGP 22
TGP 23
TGP 24
TGP 25
TGP 26
TGP 27
TGP 28
TGP 29
TGP 30
TGP 31
TGP 32
TGP 33
TGP 34
TGP 35
TGP 36
TGP 37
TGP 38
TGP 39
TGP 40
TGP 41
TGP 42
TGP 43
TGP 44
TGP 45
TG5 46 (Author's Note)

TGP 17

2.3K 44 1
By Ellisire

April's POV

Habang kumakain kami ng matiwasay ay biglang nagring yung cellphone ni Aira.

"Hello, dad?" Sabi niya sa kausap niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Sige po. Opo. Opo. Opo. Opo. Bye." Tumingin siya sa akin at sinabing "Kailangan na nating umuwi." Sabi ni Aira kaya nagtakbuhan na kami papunta sa room namin at mag-impake na.

"Akala ko ba pinayagan na tayo? Bat' pinapauwi na tayo?" Tanong ko kay Aira.

"Birthday daw kasi ng anak nung isang partner nila daddy sa business, ayun, kailangan daw natin um-attend." Pagpapaliwanag ni Aira. "At kailangan daw natin ng date." Dagdag niya pa.

"What? Bat' kailangan pa ng date? San ako hahanap nun?" Sabi ko habang nag-iimpake pa din.

"Ewan ko. Baka kasi kayo na ni Edward, diba April?" Sarcastic na sabi sa akin ni Aira.

"April, kinakalimutan mo na kaagad ako?" Pagdadrama ni Edward pero hindi ko na siya pinansin at inirapan ko na lang siya.

"Natawagan niyo na ba yung pilot?" Tanong ko sa kanila.

"Oo ate. Nasa airport na nga daw siya eh." Sagot sa akin ni Abby at tumango na lang ako.

Natapos na kaming mag-impake at lumabas na kami kaagad sa building, pero bago kami umalis ay nagpaalam muna kami sa mga leader at sinabi nilang ibibigay na lang nila samin yung trophy namin sa HQ ng gang.

**

Matapos ang ilang oras na byahe ay nakabalik na kami sa Pilipinas at dumeretso na kami sa bahay at sinalubong naman kami kaagad nina mama at papa.

"Girls, I'm sorry kung nabitin ko kayo sa bakasyon niyo. Biglaan din kasi yung invitation sa atin kaya hindi ko nasabi sa inyo kaagad. Kanina ko nga lang din nalaman." Sabi sa amin ni papa.

"Okay lang po." Sabi naming tatlo sa kanila.

"Sino mga date niyo? Sila Zack?" Tanong ni mama sa amin.

"Opo." Sagot naman ni Abby.

"Eh pano ka April? Sino ka date mo?" Tanong sa akin ni papa.

"Si Edward po. Boyfriend ko." Nahihiyang sabi ko kila mama.

Tinignan lang ako ni mama tapos ngumiti siya sa akin. "Omg anak! Di ako makapaniwalang magkaka-boyfriend ka! Yieeeee! Kinikilig ako emeged." Sabi sa akin ni mama at natawa naman si papa.

"Ma, para kang bata." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Masama bang kiligin sa loveteam niyo? Ako kaya president ng EdRil loveteam." Sabi sa akin ni mama saka ako kinindatan.

"Oh mamaya na kayo mag loveteam loveteam dyan. Magbihis na kayo at baka malate pa tayo sa party. Nasa living room na yung mga mag-aayos sa inyo at yung dress niyo naman nasa kwarto na. Tawagin niyo na lang yung mag-aayos sa inyo kapag ready na kayo, okay?" Sabi ni papa sa amin at inakay na niya si mama paakyat sa kwarto nila.

Nagpunta na ako sa kwarto ko at naligo na. pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng polo at short at saka pinatawag yung mag-aayos sa akin.

"Hello po ma'am." Bati sa akin nung dalawang bakla.

"Hi, my name is peanut." Nakangiting sabi sakin nung bakla na blonde yung buhok.

"And my name is butter." Nakangiting sabi din sakin nung bakla na kulay brown naman yung buhok.

"April." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Simula na tayo?" Tanong sa akin ni peanut at tumango naman ako.

Narinig kong nagring yung phone ko kay kinuha ko ito at nakita kong nagre-request ng video call si Edward.

"Miss mo agad ako?" pangbungad na tanong ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag niya.

"Oo." Nakangiti niyang sabi sa akin. Wow ha, wala man lang deny-deny.

"Edi wow. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ano isusuot mo?" Tanong niya sa akin.

"Di ko pa nakikita. Bakit ba?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Wala lang. Hahaha. Anong oras nga pala ako pupunta diyan?" tanong niya sa akin.

"6. Bye." Sabi ko at binabaan na siya. Nakakaistorbo eh, saka baka mamaya agawin siya sakin ni peanut at butter mahirap na. Binabakudan ko lang kung ano yung akin. *smirk*

"Girl, infairness ha, ang yummy ng fafa mo. Pakilala mo naman ako." Nakangiting sabi sa akin ni butter.

"In your dreams. He's mine." Nakangiti kong sabi kay butter.

"Nako April pagpasensyahan mo na yang si Butter ha? Alam mo naman na endangered na yung mga gwapo sa mundo kaya ganon ang reaction tuwing may gwapo. Hahahaha." Sarap niyang sagutin ng 'close ba tayo?' pasalamat siya good mood ako.

"Hayaan niyo, magpapadami kami ng lahi ni Edward." Sabi ko sa kanila sabay kindat at nagtawanan naman kaming tatlo.

I never imagine na makakapag-socialize ako ng ganung kabilis sa ibang tao. Those three idiots changed me a lot in a short period of time. And I'm thankful for that.

After two hours ay natapos na din silang ayusan ako, tumingin ako sa salamin at wala naman masyadong nagbago.

Pagkatapos nun ay nag thank you na ako sa kanila at nagbihis na.

Color black yung dress ko, Patube siya and it is ombre. White from the top then it is slowly turning to Black.

It is above my knee kaya ayos lang din yung length. Sinuot ko na din yung black heels na nakaready at may mga jewels siyang puti. Bat kailangang heels pa, ma? Kapag naman hindi ko isinuot magsasayang lang din ako ng oras dahil panigurado matatalo lang ako kay mama. Kinuha ko na din yung black and white na sling bag na nasa kama ko na katabi ng dress at heels ko. Kinuha ko na yung phone, earphones, wallet at panyo ko at nilagay ko na sa sling bag.

Bumaba na ako at nakita kong nandun sa si Edward, he's wearing a black coat with a gray t-shirt inside and he didn't close the coat and a black pants with a black shoes. Tapos ang gulo pa ng buhok niya at naka nerdy glasses pa siya. Woah lord, maraming salamat po at ibinigay mo sa akin ang isang sobrang gwapong nilalang na katulad ni Edward.

"Woah April." Sabi ni Edward sa akin kaya napatingin sila Zack at Kysler sa akin.

Nginitian ko lang siya at nagpauloy nang bumaba sa hagdan, mamaya na ko magpapacute. Baka magpaguong-gulong ako dito hagdan. Masaktan pa ko, oo sanay na ko masaktan, pero may limitasyon din naman ako.

Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan ay hinubad ko muna yung heels ko dahil ang sakit na ng paa ko.

Naglakad ako papunta sa kanila at nginitian sila.

"April, ANG BAIT MO PALA KAPAG NA MAKE-UP-AN KA NA?" Biglang sabi ni Zack kaya napasimangot ako. Akala ko pa naman ico-compliment ako. Hays.

"Bat' mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi ni Edward.

"Kasi usually, sisimangutan mo kami, first time atang ngitian mo kami eh. Hahaha." Sabi ni Zack at nagtawanan naman silang tatlo, tas ako inirapan ko lang sila.

"Nginitian lang kita mabait na ko? Sige tignan natin." Sabi ko kay Zack sabay smirk kaya nawala yung ngiti niya. Ang saya niya lang pagtripan. Hahahaha.

"Bat kaya kailangan pa ng date? Hassle lang eh." Sabi ko habang pinapatong yung paa ko sa lamesita sa harap ko.

"April, naka dress ka." Bulong sa akin ni Edward.

"Ano naman? May cycling naman ako saka wala namang tao sa harap ko. Don't worry." Sabi ko saka ngumiti at saka ko siya siniko.

Sunod naman na bumaba ay si Aira, she's wearing a pink cocktail dress with a pink heels and a pink purse. So girlyy.

"Waaaah. Ang ganda ng baby ko!!" Sigaw ni Zack kaya napangiti si Aira. Habang bumababa si Aira ay bigla siyang natapilok dahil nakatingin siya kay Zack imblis na sa hagdan.

"OH!" Sigaw naming lahat at nanakbo papalapit sa kanya si Zack. Ang sweet naman *insert sarcastic tone here*

"Okay ka lang?" Natatawa kong tanong kay Aira.

"Okay lang. Sanay na naman akong masaktan." Natatawa niya ding sabi sakin.

"Landi mo kasi. Hahaha." Sabi ko sa kanya at natawa din naman siya sa sinabi ko. Baliw talaga 'to.

"April picturan mo kami ni Zack." Sabi niya at saka nagpose na kaagad.

"Asan ipang pipicture ko?" Poker face kong tanong sa kanya. Alangan namang sa cellphone ko pa sila picturan?

Ibinigay na niya sakin yung phone niya at saka nagpose na naman sila. Yung pose nila magkaholding hands sila tas ang layo sa isa't-isa. Sila ba talaga?

"Kami naman picturan niyo." Sabi ni Edward at binigay kay Aira yung cellphone niya at hinila naman ako.

"Eh ayoko! Ikaw na lang." Sabi ko at aalis na dapat ako pero hinila niya ko sa bewang ko kaya nakaharap ako sa kanya ngayon at parang nakayakap ako sa kanya.

"Guys!" Tawag samin ni Aira kaya kami napatingin sa kanya at saka niya kami bigla kinuhaan ng picture.

"Ayusin mo Aira!" Demanding na sabi ni Edward sa kanya.

"Arte mo ha! Isa pa." Sabi ni Aira at nagpose naman si Edward pero sinimangutan ko lang siya. Ayaw ko nga magpicture eh.

Yung pose namin ganun pa din, yung dalawa kong kamay nakakapit sa balikat niya, isa sa likod at isa sa harap tas siya nakahawak pa din sa bewang ko.

"Bilis na kasi isang smile mo lang." Nakangiti niyang sabi sa akin pero lalo ko lang siyang sinimangutan kaya tumawa niya.

"Isa lang ha. sasapakin na kita eh." Sabi ko sa kanya at saka tumingin agad sa camera at ngumiti.

"Edward sa cellphone ka tumingin wag kay April!" sabi ni Aira kaya namula ako. Ewan kilig ba 'tong nararamdaman ko? Parang gusto kong magtatalon at tumili. Hindi ko alam kung bakit.

"Game na! One, two, three, smile!" Sabi ni Aira kaya naman ngumiti ako na parang wala nang bukas.

"Okay na." Sabi ni Aira at agad naman akong lumayo kay Edward. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ang sakit ng panga ko." Sabi ko habang minamasahe ko yung panga ko. Nangalay siya kakangiti. Kawawa naman  yung  panga ko.

"Wala pang 10 seconds na ngumiti ka masakit na panga mo? Grabe." Sabi ni Aira sakin pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa kusina. Nagugutom ako.

Tinignan ko yung usual place na pinaglalagyan ni mama ng burger pag gumagawa siya at luckily may burger siyang ginawa. Kumuha ako ng dalawa at kumuha na din ako ng tatlong zest-o orange sa ref at bumalik na sa sala.

Pagbalik ko sa sala ay nasa baba na din sila mama at papa at nagpipictorial na din silang dalawa. Tss. Naka blue na dress sa mama with a blue purse and blue sandals.

Kailangan partner partner ang kulay ano ba kayo guys.

"April para kanino yan?" Sabi ni Aira sakin nung makita niya ako.

"Huh? Para sakin. Bakit?" Sabi ko sa kanya ng nalilito.

"Magugulo make-up mo!" Sabi niya sakin.

"Wala naman akong pake sa make-up. Gusto ko lang kumain." Sabi ko at umupo na ako sa tabi ni Edward at nagsimula nang kumain.

"Takaw mo nak." Sabi sa akin ni mama kaya sinimangutan ko lang siya.

Habang kumakain ako ng burger ay bumaba si Abby at siya ay naka white cocktail dress na may black sandals at walang dala na bag.

"Lagi na lang ikaw huling bumababa." Natatawang sabi ni Kysler sa kanya at inantay siya sa pinakababa ng hagdan.

"Ang gentleman palibhasa nandito sila mama at papa." Pabulong kong sabi habang kumakain. Pero narinig yata nilang lahat dahil nagtinginan sila sakin.

"Inggit ka lang April kasi hindi naging gentleman sayo si Edward pagbaba mo ng hagdan." Pang-aasar ni Aira sakin. Pano niya nalaman?

"Hindi naman niya ko kailangang alalayan kasi kaya ko naman sarili ko, hindi tulad nung isa dyan na kailangan pang alalayan kasi natapilok. Ang landi kasi." Natatawa kong sabi saka ko siya inirapan. Kala niya huh.

"Tse!" Sabi niya at sinimangutan lang ako.

"Tara na at baka mag-rumble pa kayo dyan." Yaya ni papa at lumabas na kami ng bahay at nakita kong may limousine na naghihintay sa amin sa labas.

Naunang pumasok sila mama at papa, sunod sila Aira at sunod naman sila Abby at panghuli kami ni Edward.

Pagpasok ko ay maliwanag sa loob at madaming pagkain, pero busog na ako kaya hindi na ako kumain.

"Anak oh, magpunas ka ng mukha." Sabi ni mama at saka iniabot sa akin yung wipes.

"Hala baka masira make-up mo April?" Nag-aalalang tanong ni Aira sakin.

"Waterproof make-up ko dudong." Sabi ko sa kanya saka ngumiti. "Hindi ko naman makita kung saan eh." Pagrereklamo ko.

"Akin na nga." Sabi ni Edward sakin at inagaw yung wipes. Tss. Okay lang. sanay na kong inaagawan. Hinawakan niya ko sa baba at hinarap yung mukha ko sa kanya at nagsimulang punasan yung bibig ko.

"OMG ANG SWEEET!" Tili ni mama kaya napatalon kaming dalawa ni Edward.

"Ma!" Gulat kong sabi sa kanya.

"Sorry. Na carried away lang." Sabi niya saka nagpeace sign. Seryoso, ma? Anong nakain mo?

"Okay na ba?" Tanong ko kay Edward at tinuro yung mukha ko.

"Hindi pa masyado. May konting butil pa ng tinapay." Natatawa niyang sabi.

"Mamaya na lang kakain ulit ako." Sabi ko sa kanya at saka inabot yung churros na nasa harap ko.

"Nak, may dragon ba sa tiyan mo?" Natatawang sabi sa akin ni papa.

"Pa, masarap kumain. Dapat hindi tayo nagsasayang ng blessing. Dapat ubusin lahat ng pagkain." Nakangiti kong sabi sa kanya at pinagpatuloy yung pagkain ko.

After 10 minutes ay naubos ko nang kainin yung 20 sticks ng churros kaya isang buong pizza naman yung kinakain ko ngayon, OMG ANG SARAP!!

"Gusto niyo?" Pag-aalok ko sa kanila.

"Wag na. Mukhang kulang pa nga sayo lahat ng pagkain dito. Hahaha." Sabi ni Zack sakin pero nagbelat lang ako sa kanya. Ang sarap kaya.

Nasa last piece na ako ng Pizza at hindi pa din ako busog. Kukunin ko pa dapat yung fries na nakahanda kaso sabi nung driver nandito na daw kami.

"HALA! HINDI PA KO NAKAKAPAGPUNAS NG MUKHA!" Natataranta kong sabi sa kanila at nagtawanan naman sila.

Lumabas na sila ng limo at kami na lang ni Edward yung nandito sa loob.

"MA! PENGE AKONG WIPES." Ibinato naman sa akin ni mama yung isang lagayan ng wipes niya at pumasok na sila sa loob. Bat' nila ako iniwan dito?

"Ma'am kailangan niyo na pong bumaba. May mga kotse din po kasing magbababa ng ibang guests." Sabi nung driver. Sinimangutan ko lang siya at lumabas na sa limo. Buti na lang madilim na.

Hinatak ko sa Edward papunta sa lugar kung saan walang tao at humarap ako sa kanya.

"Punasan mo nga ulit yung mukha ko." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Bat' ka nakasimangot?" Natatawa niyang tanong sakin.

"Sila mama kasi iniwan tayo, tas yung driver pa pinababa na kaagad tayo. Nakakahiya kaya maglakad ng may bahid ng katakawan yung mukha mo." Sabi ko sa kanya at saka lalong sumimangot.

"May kasama ka namang pogi. Wag ka na mahiya." Sabi niya sakin at saka ako kinindatan. Inirapan ko lang siya. Medyo humangin ah?

"Ayan, okay na. Maganda ka na ulit." Sabi niya at ngumiti sa akin.

"Salamat. Tara na." sabi ko at hinila na siya papasok sa entrance.

Habang nakapila kami ay nakita ko yung mga babae ay nagtitinginan sa kanya at ngumingiti. Siya naman nginingitian din niya pabalik. ABA ANG LANDI AH!

Ang ginawa ko ay tinanggal ko yung pagkakakapit niya sa kamay ko at saka tumalikod sa kanya.

"Uy, may problema ba?" Tanong niya sa akin at saka hinawakan ulit yung kamay ko.

"Kung makikipaglandian ka wag sa harapan ko." Sabi ko sa kanya saka nagcross arms. Sira na yung mood ko.

Nung turn ko na ay sinabi ko yung pangalan ko at sinabi sa akin nung babae kung anong table ako kaya nagpunta na kaagad ako dun. Naglakad ako nang parang siga kaya maraming nakatingin sakin pero inirapan ko lang sila. Nung nahanap ko na sila mama ay umupo na kaagad ako sa upuan.

"Oh bat ka nakasimangot?" tanong sa akin ni Aira pero hindi ko siya pinansin at tumingin na lang sa paligid ko.

Maganda naman yung lugar, malaki at halatang mayayaman yung mga tao dito. Tumabi sa akin si Edward at Inirapan ko lang siya. Naiinis pa din ako dun sa ginawa niya kanina.

Walang pagkain sa lamesa kaya nagbukas na lang ako ng social media accounts ko. Kesa naman panoodin ko si Edward na makipaglandian sa ibang tao. In his face! Di ko 'to deserve.

Pinakaunang bumungad sakin ay yung picture naming dalawa ni Edward kanina sa bahay. Yung pose namin dito yung ako nakasimangot sa kanya tapos siya tumatawa.

"So this is what it feels like to have your world in your arms, huh?"

Yan yung nakalagay na caption sa picture and it is 5 minutes ago. And within 5 minutes meron na kaagad 1k likes yung picture. Seriously Edward? Talk about being famous.

"Ano 'to? Bat' mo inupload?" Sabi ko sa kanya habang pinapakita yung picture.

"Is there a problem with showing off?" Nakasmirk niya pang sabi sa akin.

"May kasalanan ka pa wag kang ano diyan." Sabi ko sa kanya saka ko siya inirapan.

Nilapit naman niya lalo yung upuan niya sakin at hinawakan yung kamay ko.

"Ano bang kasalanan ko? Wala naman akong ginagawa ah?" Natatawa niyang sabi sa akin. Anong nakakatawa? Bwisit 'to ah.

"Kung makipagngitian ka sa mga babaeng nagpapacute sayo kanina akala mo wala kang girlfriend." Naaasar ko pa ding sabi sa kanya.

"Hahaha. Kahit naman na magpacute sila sakin hanggang pagpapacute lang naman sila eh, eh ikaw? Hanggang kamatayan ikaw yung mahal ko." Sabi ni Edward sakin saka niya ko kinindatan kaya natawa ako.

"Ang corny mo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Kinikilig ka naman." Nakasmirk niyang sabi sakin.

"You wish." Sabi ko sa kanya saka din nagsmirk. Akala niya siya lang ha.

Maya-maya pa ay bigla nang namatay yung ilaw at bumukas na yung spotlight at tumapat sa stage.

Nandun sa stage ang isang lalaki, around 40's siguro.

''Thank you, family and friends for attending my daughter's 18th birthday, let us enjoy the night and have some fun!" sabi niya sa mic at nagpalakpakan naman yung ibang tao, maliban sakin. I'm getting bored. Kelan ba kasi sila magse-serve ng pagkain para hindi na ko magutom?

Nung matapos yung palakpakan ay bumaba na sa hagdan yung may birthday, she's wearing a pink gown at nakakulot lang yung buhok niya, she's pretty, but not as pretty as me. *smirk hindi ko na tinuon yung atensyon ko sa kanya dahil hindi naman ako interesado, tinignan ko na lang ulit yung facebook account ko at nagulat ako dahil ang dami nang nagf-friend request sa akin at nagm-message. Okay anong nangyayari? Sino tong mga taong 'to?

"Wag mo na lang pansinin yan. Mga fans lang natin yan." Bulong sakin ni Edward at saka nagsmirk.

Kaya ayaw kong nagu-upload ng pictures eh. Yung tahimik kong buhay nagugulo.

Imblis na mga tunay na kaibigan ko na lang yung makakakita ng mga post ko may mga makakakita pang aliens. Its not that na hindi ako sikat, its just that PURO JEJEMON NAG-AADD SAKIN!! May nag-message pa sakin na turn on ko daw notifs ko kapsg nag-popost siya! Like who does that? #Stressed

Nag log out na lang kaagad ako sa facebook at binuksan naman yung twitter account ko, at ganon din sa twitter ko. Bigla ding lobo ng followers ko, usually kada araw 50+ lang yung bago kong follower. Samantalang ngayon nasa 1,000 na. Tss. Ayaw ko nang tignan yung instagram ko, feeling ko ganon din yung nangyari tulad sa facebook at twitter ko.

Nagtweet na lang ako dahil wala akong magawa. "Bored af" yan lang yung tinweet ko at wala pang isang minuto may sampu kaagad na nagfavorite. Seriously, tigilan niyo ako!!

"Kayo po ba ni kuya Edward?"

"Kelan pa po?"

"Wah grabe ang ganda mo po."

"Sobrang cool mo po."

"Ang swerte mo po kay kuya Edward."

Iilan lang yan sa mga sagot nila sa tweet ko. Ang layo diba? Dahil wala akong magawa ay sinagot ko yung mga tanong nila.

"Uhmm, nagsasalita ako eh, pwede ba guys sakin muna yung attention ko?" May narinig akong nagsabi, hindi ko na lang pinansin baka yung sa katabing table lang namin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagce-cellphone hanggang sa siniko ako ni Edward.

"Ano?" Galit ko pang sabi sa kanya pero nakatingin lang siya sa harapan kaya napatingin din ako sa harap. Anong meron?

Pagharap ko ay nakita kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Anong problema nila? Nakita kong nakatingin sakin yung babaeng may birthday kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"You're April Torren, right?" Mataray niyang tanong sakin. What's her problem?

"Yeah." Cold kong sagot sa kanya.

"Alam mo ba na party ko 'to? So please, give me some respect. Makinig ka naman habang nagsasalita ako. Buti pa yung katabi mong lalaki nakikinig sakin kahit nakatingin siya sayo. I like him." Sabi niya pa sakin habang naka smirk tas kumindat kay Edward.

OKAY SHE HIT A DAMN NERVE.

"First of all, wala akong pakielam kung kaninong party 'to, pangalawa, wala naman akong mapapala kung makikinig ako sa sinasabi dahil wala naman akong alam tungkol sa buhay mo. Ni hindi ko nga alam na nag-eexist ka at nakaka flatter na kilala mo ko kahit hindi kita kilala, and third, eyes off my boy, slut." Sabi ko sa kanya kaya nagtawanan yung ibang guest at yung iba naman pumalakpak. Maski sila mama at papa napatawa.

"OUT OF MY PLACE! NOW!" Sigaw nung babae.

"Buti naman, ilang oras na ng buhay ko yung nasayang sa lugar na 'to." Sabi ko habang tumatayo. Nung makatayo ako ay nginitian ko siya ng pang-asar at saka naglakad palabas like a boss.

"Mukhang may nagselos kay birthday girl kanina ah?" Sabi ni Edward at saka hinawakan yung kamay ko.

"I'm not the jealous type. I'm territorial, and what's mine is mine." Sabi ko sa kanya at saka nagsmirk.

I hope I served that btch the taste of her own medicine.

Continue Reading

You'll Also Like

42.1K 1.2K 24
Forcing someone to love us is not good. If they truly loves you they will take you wholeheartedly. Johara met a stranger that she needs to accompany...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
126M 4.3M 144
**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they...
44.4M 889K 63
Completed [REVISING 4/55] READ AT YOUR OWN RISK || The new transferee, Adrienne Xyra Saavedra, never wanted to have a complicated life. She just want...