Cold-blooded Hunter (gxg) Mik...

By iM_jho19

76.4K 2.3K 812

Vampire-hunter A heartless hunter who kills vampire without mercy. A hunter who kill even a 5 years old girl... More

CH
chap. 1
chap. 2
chap. 3
chap. 4
chap. 5
chap. 6
chap. 7
chap. 8
chap. 9
chap. 10
chap. 11
chap. 12
chap. 13
chap. 15
chap. 16
chap. 17
chap. 18
chap. 19
chap. 20
chap. 21
chap. 22
A/N

chap. 14

2.8K 98 86
By iM_jho19

Nagkabalik din.

Thank you sa lahat! May new story ulit ako, pero hindi MikaSa o fanfic. Another vampire story.
Destined (gxg) . At gxg ulit po siya not futanari.
Flashback  (one-shot)gxg . Daan naman po kayo. Hehehe, thank you ulit...

_______________________________________________________________________


"Ma. Pa." Sabi ni Mika at nagmamadaling bumaba. Mabuti na lang at hindi niya nagamit ang bilis niya.

Habang ako ay napahinga ng malalim. Kinakabahan ako lalo na sa inasal ko. Wala man akong pinapakitang emosyon, pero alam ng nakakarinig sa tibok ng puso ko na kinakabahan ako. Lalo na ang pinsan ko na ang laki ng ngiti.

"It's okey babe." Rinig kong sabi ni Mika sa isip ko. Hindi na lang ako sumagit at naglakad na pababa ng hagdan.

Nagyakapan agad ang pamilya ni Mika. Ang mama at papa niya lang ang nandito kasi nasa ibang bansa pala nag-aaral ang iba niya pang kapatid.

"Sorry Ly. Mapilit kasi sila eh." Nakangiting sabi ni Kim na parang hindi naman talaga naghihingi ng sorry. Tiningnan ko lang siya at nilampasan. Pumunta ako sa tita ko at humalik sa pisngi nito.

"Si lolo?" Sabi ko kaagad kasi may hindi pa kami tapos pag-usapan ni lolo noong huli kong tawag.

"Mamaya, pupunta daw siya." Nakangiti ni titang sabi at hinawi ang buhok ko na nakatakip sa leeg ko kung saan ang mark ni Mika.

Hindi naman iyon kita ng ordinaryong tao kaya okey lang kahit itali ko buhok ko. Pero dahil meron ding binigay si Mika na kiss mark, kaya nilugay ko para takpan. Pero nakita iyon ni tita kaya mas lumapad ang ngiti niya at parang nanunukso ang mga mata nito.

Hindi ko na lang iyon pinansin at bumaling na din sa pamilya ni Mika. Kinabahan ako lalo, lalo na ng tumingin ang ama nito sa akin na napakaseryoso.

"Ikaw ba ang tumawag sa amin?" Seryoso nitong sabi. Nakakatakot siya pero mas malala pa dito ang kinaharap ko kaya kaya ko silang harapin.

"Ako nga po Mr. Reyes." Sabi ko at lumapit para makipagkamay. "Alyssa Valdez po." Tinanggap naman nito ang kamay ko at nakipagkamay at ganun din sana sa mama niya, pero hinila ako nito at nakipagbeso.

"Salamat sa ginawa mo sa anak ko miss Valdez. Babayaran ka namin sa lahat ng naitulong mo." Sabi ng ama nito.

Dahil sa sinabi niyang yun, tiningnan ko siya sa mga mata niya kung seryoso nga ba talaga siya. Hindi ko inakalang, ganito ang ugali ng ama niya. Namumuo ang galit sa loob ko.

Pero bago pa ako makapagsalita, humawak na si Mika sa braso ko. At naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng mumunting kuryente sa katawan ko.

Lumingon ako sa kanya at binaliwala muna yung kakaibang pakiramdam na yun. Nagtatanong ang mga mata ko na alam kong naiintindihan niya yun.

"Pa, wag naman kayo ganyan kay babe." Nakangiti nitong sabi na kinagulat ng hindi pa alam ang relasyon namin sa kwartong ito.

"Sabi sa inyo eh, sila na. Kaya, bayad-bayad din ha." Sabi ni Kim na kinalingon namin, ang lakas kasi ng boses habang ang kateam niya ay tawa ng tawa habang sila ni Den ay nanlulumong dumukot ng pera.

"What the-? Pinagpustahan niyo pa talaga relasyon namin?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mika habang ako ay nakatingin lang. Si Mika ang boses sa aming dalawa eh.

At ang magagaling niyang kaibigan ay tinawanan lang siya. Iba  tuloy ang pumasok sa isip ni Mika sa oras na yun, kaya hinawakan ko na rin siya ng mahigpit.

"At ano ang ibig nilang sabihin?" Ang dumadagundong na boses ng ama ni Mika ang nagpatahimik sa ingay nila.

Ramdam ko din ang kaba ni Mika kahit din naman ako. Pero, hindi ko, kahit minsan, hahayaang apakan ako o si Mika nino man.

"Kami po ng anak niyo." Diretso kong sabi. Ni minsan hindi ako kumurap ng sabihin ko yun.

Habang ang ama niya ay mas naging seryoso lalo. Ang talim ng tingin nito at parang susuntukin na ako kung hindi lang siya hinawakan ng asawa niya.

"Kailan ka pa naging tomboy Mika?" Sumbat nito sa anak habang ang talim ng tingin sa kanya. "At ito ba ang sabi mong may masamang nangyari sayo? Magkasama lang pala kayo at nagpapakasaya habang kami ay nag-aalala kasi akala namin napaano kana? Kailan ka pa natutong magsinungaling? Dahil sa kanya?" Sabi nito na habang humahaba ang sinasabi niya, lumalakas din ang boses niya. Dinuro pa ako nito habang boses niya lang ang maririnig sa paligid.

At dahil sa lakas non, hindi napigilan ni Mika magtakip ng tenga dahil hindi niya pa nga nakokontrol ang lakas ng pandinig niya. Bago pa sa kanya yun kaya naman mahihirapan siya mag-adjust.

"Hon, baka atakihin ka. Huminahon ka nga." Sabi ng asawa nito at inalalayan siyang maupo. Habang ako ay yakap si Mika na nasasaktan na ang pandinig. Tinago ko na rin ang mukha niya kasi nagbabago na din ang kulay ng mata niya.

"Bakit mo sa amin nagawa to Mika? Sa babae pa talaga? Siya lang ang ipapalit mo kay Kiefer?" Sabi pa ng ama nito na puno ng lason ang mga salita niya. Nasasaktan ako, pero mas nasasaktan si Mika. Kaya naman siya muna ang uunahin ko, ang mahal ko.

"Huminahon po kayo Sir." Si tita na ang nagsalita. "At hindi po kasalanan ang namamagitan sa kanila kung soulmate naman sila." Sabi pa nito na kinataka ng iba kasama namin habang ang ama nito ay hindi parin natitinag. Ang ina niya ay walang bakas ng galit kundi mas pag-aalala ang nandoon.

"At hindi po nag sinungaling si ate Aly. May masama po talagang nangyari kay ate Mika pero mahirap pong ipaliwanag sa inyo. Baka sabihin niyo pang baliw kami." Sabi naman ng inosenteng Sky. Kahit naman kasi maasar to, hindi ka nito iiwan sa ere kung may mangyari mang masama. "At tulad po ng sabi ni mom, hindi po kasalanan ang magmahal ng kapwa babae. Kasi po, dalawa din po ang nanay ko. At kahit minsan, hindi ko naramdamang may kulang sa pagkatao ko." Nakangiti nitong sabi na kinangiti din ng mama ni Mika. Pero ang ama niya ay seryoso parin.

"Hindi ako papayag." Tumayo na ito. "Umuwi na tayo Mika." Matigas nitong sabi at tumingin kay Mika na nakatago parin sa dibdib ko.

"Hindi po siya pwedeng ilayo sa akin. May masama pong mangyayari." Mahinahon kong sabi.

"At ano naman yun?" At matalim nito akong tiningnan. "Hindi ikaw ang magdedesisyon sa bagay na yun. Ako ang ama, kaya sa akin siya sasama." Lumapit ito para hawakan si Mika para kaladkarin sana. Pero...

"Wag mo tangkaing gawin yan. Kung gusto niyo pang mabuhay." Isa pang boses ang dumagundong na parang kulod sa buong kabahayan.

"Lo/lolo/ama." Sabay-sabay naming sabi nila tita at Sky ng makita kong sino ang nasa pintuan.

Nakatayo ito doon. May katandaan na si lolo, pero hindi naman kita yun sa tikas niya. Lalo na may dumaloy ding dugo ng bampira sa ugat niya dahil sa huli niyang asawa na ina ni tita Sarah na pumanaw na dahil pinaslang.

Napalingon din ang lahat sa pintuan kung saan nanggaling ang boses, napalaki ang mga mata nilang lahat ng makilala kung sino ang nagsalita.

Hindi na kataka-taka na nakilala nila ito. Isang kilalang tao si Lolo sa business world kaya halos lahat ay kilala siya. Maliban na lang kung taga bundok ka.

"Sir William." Sabi ng ama ni Mika.

Tango lang ang sinagot ni lolo dito at lumapit sa amin. Yumakap at humalik ang mag-ina kay lolo. Ngumiti lang ito ng kaunti at tumingin sa akin.

Lumawak ang ngiti nito pagkakita sa akin. Tama nga talaga siya. Sa kanya ako nagmana ng pagkaseryoso, pero sumobra lang ang sa akin.

"Apo." At lumapit na ito at niyakap kami ni Mika na hanggang ngayon ay nakayakap parin sa akin. Medyo nanigas pa si Mika na kinatawa ni lolo. "Okey lang apo." Bulong nito sa amin at kumalas na.

Suminyas siya sa likod niya at lumapit ang isa sa dalawang kasama niya. Hunter din ang mga ito. May dala itong itim na bag at binigay kay lolo.

Inabot niya ito sa akin. "Ano po ito?" Tanong ko at kinuha ang mabigat na bag gamit ang isa kong kamay. Ang bigat non pero kaya ko naman.

"Gamit mo yan. Binabalik na namin, kakailanganin mo lalo na't may nakabantay sa labas ng bahay mo." Pagkasabi niya non ay tumakbo si Sky para sumilip. At ng lumingon ito. Tinanguan niya kami.

"Anong nakabantay ang pinagsasabi niyo?" Nagtataka na ngayon ang ama ni Mika. At si lolo na rin ang sumagot.

"Lahat ng tao sa loob ng bahay na to, ay nasa panganib. Lahat kayo ay pwedeng mamatay, at ang nasa labas ay ang kaaway." At seryosong tumingin sa ama ni Mika. "Kaya hindi mo pwedeng ilayo si Mika. Makalabas man kayo dito, hindi kayo mabubuhay sa labas. Hindi silang ordinaryong tao kaya hindi lang dobleng ingat ang kailangan."

Sa sinabi ni lolo, dinig ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso nila. Na nagpapabaliw naman kay Mika kaya nilapag ko ang gamit at  inalalayan ko siyang maupo at hinagod ang likod niya para maginhawaan siya. Habang sinuksok niya ang ulo niya sa leegan ko.

Napansin ata iyon ni Sky kaya umalis ito at alam kong kukuha ng maiinom ni Mika.

Rinig ko ang paghinga ng malalim ni tita. "Nagpatawag na ako ng pwede nilang bantay. Nagpagawa na rin ako ng proteksyon nila." Sabi nito at bumaling sa iba pang player na nandoon. "Wag kayong aalis na mag-isa lang. Kailangan talaga kayong mag-ingat."

"Ano po ba ang kalaban natin tita?" Tanong naman ni Dennise. Alam kong na trained din siya ng yaya niya dahil na kwento nito minsan.

"Kagaya ko." Sabi ni tita na alam kong naintindihan ni Den kasi may alam din naman siya.

"Bampira po?" Inosenteng tanong ni Kim na nakatanggap ng batok kay Cyd. Napatawa naman ang ang iba pero napatigil ng mag sink in ata sa kanila ang sinabi ni Kim.

"Ang bunganga mo minsan, hindi talaga mapigilan." Sabi pa ni Cyd. Napabusangot naman at sorry ng sorry si Kim.

Huminga naman ng malalim si tita kasi ang ingay nila. Pero bago pa magalit si tita, tumikhim si Sky na nagpatahimik sa dalawa. Kilala na rin ata ni Kim si Sky kaya ginagalang niya ito.

Lumapit ito agad sa akin at inabot ang isang stainless na baunan na siguradong may laman na dugo. Alam ko hinaluan niya ng dugo niya para hindi na magcrave pa si Mika ng mas maraming dugo. Hindi naman kasi pwedeng bigyan ko siya ng dugo ko o uminom siya sa akin sa harapn nila.

Inabot ko ito at binigay kay Mika. Ininom agad iyon ni Mika ng walang sabi-sabi.

At ng maubos niya iyon. Doon na lang naging normal ang paghinga niya. Kinuha ko ang hawak niya at nilapag sa lamesa, wala na nga sigurong tira. Hinawakan ko ang mukha niya at pinaharap sa akin.

"Babe, okey kana?" Sabi ko na alam ko bakas ang pag-aalala ko. Tumango naman siya at sumandal sa balikat ko.

Wala akong pakialam kung nakatingin man sila basta okey si Mika. Wala akong pakialam sa galit ng ama niya mas iniisip ko ngayon ang problema namin. Ang mga tao sa labas, ang nag-utos dito.

"Bampira ka na din Mika?" Sigaw ni Kim na nagpabalik sa ulirat kong naglalakbay. Si Mika naman ay napadilat.

Alam kong walang nagsasalita kaya nagtaka akong tumingin kay Kim. Habang ito ay nakatingin lang sa baunan na natumba pala at lumabas ang kunting dugong tira.

"Sh*t!" Mura ko at nagmamadaling pinunasan ang natapunan. Napuno ng katahimikan ang buong silid hanggang sa natapos ako sa paglinis.

Napatingin ako sa kateam namin na gulat na gulat. Nanlalaki ang mga mata habang ang iba ay napatikom na lang ng bibig.

Ang mama niya ay napaiyak na habang ang ama niya ay hindi na alam kung ano ang mararamdaman. Hindi ito makatingin kung kanino man sa amin. Halos nakatingala pa ito na parang pinipigilan ang pag-iyak.

"Ano nangyari?" Sabi ng ama ni Mika na nagkatingin na sa akin ngayon, peeo napakahinahon na ng sabi nito.

"Ama, hindi po ata dapat malaman ito ng mga bata." Sabat ni tita at tumingin sa ama.

"Sangkot na sila sa gulong ito. Kailangan na din nilang pag-aralan kung paano iligtas ang sarili  nila." Seryosong sabi ni lolo at tiningnan sila. Mabuti na lang at hindi kompleto kundi mas mahirap ito.

"Ipaliwanag niyo kung ano ang nangyari?" Matigas na sabi ng ama ni Mika at naupo na.

Tumingin ako kay Mika at ng tumango siya ay ako na ang nagkwento. Mula noong napag-usapan naming makikipagkita siya sa ex niya, ginawa ng kapatid ng ex niya, ang nangyari kay Mika, ang pagpapalit anyo nito at ang mate nga niya ako na kinatulog niya ulit ng isang linggo kasama ako, at kung anong nilalangnang meron sa kwartong yun kasama na rin kami ni Lolo.

"Sorry mama, papa." Sabi ni Mika at lumapit na sa pamilya niya. Niyakap siya agad ng mga ito.

Niyakap din siya agad ng magulang niya, ang ina niya ay mas umiyak habang ang ama ay seryoso parin pero alam naming tanggap niya na.

Alam ko mahirap man sa una, pero papatunayan kong hindi nila kailangan mag-alala hangga't ako ang kasama ng anak nila.

Ang saya nila tingnan kaya napangiti ako sa isip ko na alam ko alam yun ni Mika.

"I'll take care of you babe. Hindi ko hahayaang saktan ka nila. Mahal na mahal po kita." Sabi ko sa isip ni Mika na kinangiti niya.

Continue Reading

You'll Also Like

816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
86.2K 2.9K 27
STORY DESCRIPTION: Parang isang minuto lang umiiyak pa ko sa sobrang pag-iisip sa babaeng pinakamamahal ko kase wala na sya sa mundo. Then, another m...
3.5M 138K 54
Veiled Diaries #2: Azcon-Zobel has always been one of the most influential families in Villa Terrazas but unlike the common image of powerful familie...
181K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...