First Love, Last Love [PUBLIS...

By psychedelic26

614K 11.9K 494

WATTY'S 2017: Riveting Reads Awardee PUBLISHED under Lifebooks BFF Series #2: Matilda O. Romualdez Mati is si... More

Author's Note #1
PROLOGUE
1: Happy Where I Am
2: Think Differently
3: A Little Soul
Author's Note #2
4: When Heaven Calls
5: I Found You
6: Lost Star, Found
7: This Town
8: The Other Side of a Man
9: Parenting 101
10: Closer
11: Safe and Sound
12: Fight or Flight
13: Change of Heart
14: Gravity
15: Kiss Me
16: Miracles and Heartbreaks
17: Passion
18: King and Queen of Hearts
19: Happy Hour
20: Lucky
21: Are We Sure?
22: A Gentleman's Dignity
23: First Love
24: No Matter What
25: Almost There
26: Wake Up Where You Are
EXTRA CHAPTER: Shameless Plug!
27.1: You and Me
27.2: You and Me
28: Family
29: Dive
30: Last Love
EPILOGUE
First Love, Last Love: Author's Note
First Love, Last Love: SPECIAL CHAPTER
First Love, Last Love: SPECIAL CHAPTER 2
Last Trip to Happiness: Chapter 1
Last Trip to Happiness: Chapter 2
Author's Note #3
Last Trip to Happiness: Chapter 4
Last Trip to Happiness: Chapter 5
Last Trip to Happiness: Chapter 6
Last Trip to Happiness: EPILOGUE
[CLOSED!]120K READS GIVEAWAY! (July 22-August 2, 2017)
THIS STORY WAS PUBLISHED!!!!
Sneak Peek: Playing with Fire

Last Trip to Happiness: Chapter 3

7.7K 143 11
By psychedelic26


"AY WAIT! Ano ba to? Bakit ko pa kasi kailangan matuto na mag-drive? Gagawin mo ba akong driver?" Naiinis na si Airi dahil sa pangungulit sa kanya ni Carson na matutong mag-drive kaya naman heto sila sa isang almost deserted strip of road at nagtuturuan. "Tsaka wala ka bang mas mura na sasakyan? Bakit ito pa ang kailangan kong pag-aralan. Baka mabangga to!"

"Huwag ka kasing mag-panic! You can do it! Besides, ito na ang nadala ko. Hahayaan ba naman kitang bumangga?" Tanong sa kanya ni Carson. Tama nga naman, he won't let her crash. Nag-fixate kasi ata sa kanya ang loko na to at mukhang ang buong buhay niya ay gusto nitong ayusin kahit it costs him a lot.

"Kasi naman! Ang mahal nitong sasakyan na to. Nakakatakot paandarin! Paano kapag di ako makapag-brake? Paano kapag magasgasan ko? Nako, madadagdagan nanaman ang utang ko sayo." Lahat kasi ng itinutulong nito sa kanya ay binibilang niya talaga. She intends on paying him back lalo na kapag natapos niya na yung librong pinapasulat ni Carson sa kanya.

"Ikaw lang naman kasi ang naglilista, natutuwa lang naman akong tulungan ka at tsaka masaya ka naman kasama kaya pwede na." He looks so unimpressed. Aba! Pwede lang pala ah. Ang sakit naman nun, mukhang pinagtityagaan lang pala siya.

"Wow, mukhang di ka impressed ah. Kulang pa ba ang entertainment ko para sayo?"

"Medyo di na kasi nakakatawa yung mga jokes mo, try mo naman mag-juggle." Natatawa na ito, ang lokong to talaga ang hilig siyang pagtripan.

"Ewan ko sayo! Paano na ba uli to?" At inistart na ni Airi uli ang sasakyan. "Oh, ayan bakit ayaw naman umandar?"

"Kasi di mo inalis sa neutral, mababaliw na ako sa pagtuturo sayo." Sabi naman ni Carson.

"Arte nito, sabi kasi sayo mahirap akong turuan eh." She laughed. "Ayan, susuko ka din."

"Oo nga pala, baka magulat ka na may sasakyan kayo sa bahay niyo. Pinaiwan ko muna doon yung isa kong kotse." He said casually as if isang kaha lang ng posporo ang iniwan niya.

"Ano? Bakit? Pineperahan ka lang nila eh. Wag mong i-spoil. Paano kapag wala na tayo? Diba? Hindi ko kayang ibigay ang luho nila ano!" Nagpapanic nanaman siya kasi hindi niya talaga kaya na sabayan ang luho ng magulang nila lalo na kapag wala na si Carson.

"Matagal pa naman yun, I'll make sure na you can provide kapag umalis ako." He smiled and somehow a part of her felt a certain kind of pain nang marinig niya iyon. Aalis din si Carson, iiwan din siya nito. Sino nga ba naman siya diba?

"Pero ang dami mo na sa kanilang binibigay!" Sabi niya kay Carson.

"Hayaan mo sila I got that car a few years back," how can he be so chill in this situation? Malamang ay nagreklamo nanaman ang nanay niya na pagod na ito sa pagco-commute. Madalas na silang pinapasundo ni Carson ay kulang pa din sa mga ito. "Besides, tingnan mo I got you away from them dahil doon. Now you have time to write. Diba?"

"Ganoon ba kahalaga na matapos ko yung librong yun?" She asked. Binigyan kasi siya ni Carson ng isang writing project. He wanted to publish the travel guide that she made for him. Na-flatter naman siya kasi at least magagamit na niya ang kurso niya talaga.

"Of course! That's good money and you're stressed." He smiled bago bumaling uli sa daan. "O, focus ka na uli. Paandarin mo na. Ikaw na dapat mag-drive pauwi ah!"

"What? No! I can't do that! Ayokong maging headline no!" She feared for her safety pero lalo na ang kay Carson.

It has been a month since they started pretending at mukhang okay naman ang relationship nila. It is beneficial for both of them. She gets out of the house more, gets to do the things she love and hear less about her uselessness at home. Although at times hindi talaga siya makakatakas. Hindi niya naman tinatakasan yung responsibilidad eh gusto niya lang huminga without anyone batting an eye. She still gives most of her salary, does most of the hard labor chores at home and receives all the harsh judgments from her family. Ganoon pa din naman, yun nga lang may Carson na nagliligtas sa kanya. He visits often and spoils her family kahit na labag sa loob ni Airi. She's found a good friend in him.

On the other hand, siya naman ang tumutulong kay Carson sa mga blind dates nito. Siya yung 'real girlfriend' na pinapakilala nito sa mga babae na pilit pinapadate sa kanya ng nanay nito. She now knows na the girl who did that before is the same girl that he was pining for noong nasa Baguio ito. She knows that Mati is still working with him in the hospital pero hindi niya pa ito nakikilala. He also drags her to every possible place that he can drag her to, ginawa na siya nitong personal travel buddy at mukhang ngayon ay gusto na din siyang gawin nitong personal driver.

"Alam mo, sa listahan ko ay baon na baon na ako sa utang sayo. Kahit buhay ko di enough para bayaran yun." Sabi ni Airi.

"How much do you value your life?" He sounded so serious, patay!

"Enough, just right." She sighed, heto nanaman sila. Pagagalitan nanaman siya nito tungkol sa self love, self worth and self care. Makailang beses na itong naglitanya sa kanya tungkol doon na medyo memorize na niya ang bawat linya.

"Airi—" magsisimula na sana ito bago niya napigilan.

"Okay, sorry. Mahal ako! Mahal! Kaya kulang pa yung mga binibigay mo para tumbasan yun." With conviction niya pa sinabi para hindi na ito humirit pa. "Huwag ka na mag-lecture please?"

"May ginawa nanaman ba yung monster este yung mother mo sayo?" He asked.

"Wala, same as always lang." She sighed, wala naman na atang magbabago pa dun eh.

Lately ay dumadalas din yung physical harm nito sa kanya. Makailang beses na siyang binato nito ng plato o kaya naman ay sinampal. Nauubos na din naman ang pasensya sa katawan niya lalo na at hindi niya alam ang pinanggagalingan ng galit nito. Lagi din nitong sinasabihan ang ate Aiko niya na agawin na si Carson mula sa kanya. Utang na loob na lang talaga ang nagpapatagal sa kanya sa pamilyang yun.

"Just be sure na hindi ka nila sinasaktan physically, alright?" May pagka-protective din itong si Carson sa kanya. Minsan nga ay nakita nito yung isang sugat niya dahil sa pagpupulot nung nabasag na plato na ibinato sa kanya ng Mama niya. Hindi ito tumigil hanggang hindi siya nagsasalita about it. She insisted na noong naghuhugas siya ng plato ay nakahulog siya ng isa at nabasag sa may paanan niya kaya nagkaroon siya ng sugat sa hita.

"Opo sir," natatawa niyang sabi dito. She knows how he is kaya she keeps some things from him. He can't fight all her battles for her.

Buong araw na busy si Airi sa pagsusulat noong travel guide na pinagagawa sa kanya ni Carson, para lang makapagsulat ay pinasundo siya nito sa driver para ihatid din lang sa isang coffee shop. Kung mag-stay kasi siya sa bahay ay wala siyang magagawa kasi mas lumalalim ata ang galit ng Mama niya sa kanya. She just lets it pass hanggang kaya niya kaysa naman masagot niya ito o masaktan din.

Pasado alas sais na siya ng gabi nakauwi noon, hindi na siya nagpasundo kasi madali lang naman umuwi mula doon sa coffee shop na tinigilan niya. Habang naglalakad ay nakasalubong niya ang ilang kapitbahay nila.

"Airi! Kamusta ka?" Tanong nung isang matandang babae na nakaupo sa harap ng tindahan.

"Ayos lang naman po." Ngumiti pa siya kasi mababait naman ang mga kapitbahay niyang mga to.

"Balita ko may nobyo na ang ate Aiko mo ah, yung palaging andyan sa inyo. Kaswerte niya! Binigyan pa nga daw ang Papa mo ng sasakyan eh." Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi naman sa nangaakin siya o nagmamalaki pero hindi naman ang ate Aiko niya ang pinupuntahan doon ni Carson.

"Ay hindi po, boyfriend ko po iyon. Si Carson po."

"Ganun ba? Mali ata ang rinig ko sa Mama mo." Sabi na lang nung babae sa kanya.

Ano ba ang problema ng nanay niya at pati si Carson ay pilit na ibinibigay nito kay Aiko. She is not in any place to do that kasi si Carson na lang ang meron siya balak pang agawin. Mula kasi noong tumira na si Yuki sa Baguio ay pakiramdam niya mag-isa na lang talaga siya. Noong matapos makipagkwentuhan ang mga kapitbahay nila sa kanya ay umuwi na siya only to find out na wala palang tao doon. Mukhang naliwaliw nanaman ang mga ito.

Instead na makapagpahinga ay sinimulan na niyang maglinis ng bahay ay maglaba ng ilang mga damit doon. Sanay na siya sa ganitong routine kahit na pagod ang katawan niya sa trabaho. Wala naman kasi siyang choice kung hindi ang gawin ang mga iyon. Nagluto na din siya ng ulam para naman wala nang masabi sa kanya kapag bumalik na ang mga ito.

"Airi!" Rinig niyang sigaw ng Mama niya noong pumasok ito sa bahay. Mukhang mainit nanaman nag ulo nito. Ano nanaman kaya ang ginawa niya maliban sa mabuhay?

"Po?" Hindi na siya nakalapit pa dito kasi sinugod na siya nito agad at pinagsasampal. Kumpara kasi sa kanya ay malaking babae ang nanay niya at mabigat talaga ang kamay. Halos kalbuhin din siya nito sa sabunot. Hindi na nga niya maramdaman ang mukha niya dahil sa lakas ng mga sampal nito. Mukhang hindi pa nakuntento ay hinigpitan pa nito ang hawak sa braso niya, it felt like she wanted to crush her bones.

"Oy, tigilan mo na nga yan. Mapapagod ka lang." Sabi lang ng tatay niya noong makapasok din ito. Ang ate Aiko naman niya ay lumapit lang at tila nanunuod. What is wrong with these people?

"Yan kasi, nakikipagtsismisan ka pa sa labas. Pinahiya mo pa si Mama at pinagmukhang sinungaling." Parang walang pakialam na sabi ng ate niya.

"Wala akong alam sa sinasabi ninyo." Hindi pa din tumitigil sa paghampas sa kanya ang Mama niya. "Ma, tama na po!"

"Walang hiya kang babae ka! Bakit sinabi mo na ikaw ang nobya ni Carson sa mga kapitbahay?" Nangagalaiti nitong sigaw sa kanya.

"Bakit Ma? Anong mali dun? Hindi ba boyfriend ko naman talaga siya? Bakit mo sinasabi na kay Ate? Pati siya kukunin niyo sa akin?" Hindi na niya napigilan ang sarili na sagutin ito.

"Tingin mo bagay siya sayo? Ang taas mo naman atang mangarap! Ano bang ginawa mo dun at humaling na humaling sayo? Anong kapalit ng lahat ng binibigay niya?" She felt so humiliated sa sinabi nito.

"Ma, yun na lang ang akin. Si Carson na lang ayaw mo pa akong hayaan. Ano bang problema at parang galit na galit ka sa akin?" Parang nagkakarerahan ang mga luha niya sa pagpatak. Maliban sa physical na sakit na nararamdaman niya ay ang sama-sama ng loob niya.

"Wala kang kwenta, nagsisisi ako na inampon kita! Sana hinayaan na lang kita doon sa ampunan na mabulok!" Binitiwan na siya nito at umalis ng dining area. Noong bumalik ito ay dala-dala ang mga gamit niya. "Lumayas ka na! Hindi ka namin kailangan dito."

Walang anu-ano ay tumayo siya at pinulot ang mga damit niya na nagkalat sa sahig. Dumiretso siya sa kwartoat nilagay ang lahat ng iyon sa isang maleta. Lahat ng gamit niya kinuha niya, hindi naman kasi iyon ganoon kadami kasi wala naman siyang pantustos ng luho at si Carson lang ang huling namili para sa kanya. Wala siyang itinira na kahit ano. Hanggang kaya niyang bitbitin ay dinala niya. She has reached the end of her patience at kung hindi siya aalis ay baka may magawa pa siyang masama.

Airi left that night at nagpunta siya sa isang low cost hotel at doon muna nagstay. She looks like a battered wife ang kaso nga lang ay battered daughter siya. Ramdam na ramdam pa din niya nag hapdi ng mukha, braso, at anit niya. She can't understand kung bakit kailangan pa mangyari sa kanya to? Kung kailan akala niya nalagpasan na niya ang pagsubok parang doon naman ito babalik at mas matindi. She slept that night crying her heart out, bahala na kung saan siya pulutin. Bahala na.

It has been two days mula noong lumayas siya sa bahay nila and Carson has been calling her non-stop. Hindi naman niya ito makausap kasi malamang ay gusto nitong makipagkita sa kanya and she still can't do that kasi halatang-halata pa din ang mga pasa sa braso at pisngi niya. Madali kasi siyang pasain at matagal mawala yun kaya hindi niya muna sinasagot ang mga tawag ng binata. Unlike Carson ay mukhang wala naman na talagang paki sa kanya ang pamilya niya kasi hindi man lang siya tinatawagan o tinitext man lang.

Instead of moping around ay nagsulat na lang siya uli wala pa atang araw sa langit, wala na din naman magagawa ang pagmumukmok niya dito. Nagulat na lang siya ng biglang may kumatok sa pintuan niya ng malakas. Wala pa atang alas siete ng umaga noon. Hindi naman niya masilip kung sino yun kasi walang peephole at ni walang chain lock ang pintuan kaya binuksan na lang niya ng kaunti ang pinto at laking gulat na lang niya ng makita niya si Carson.

"Oh thank goodness you're safe," niyakap siya nito ng mahigpit na hindi na niya napigilan pang umiyak uli. Akala niya okay na siya pero hindi pa pala. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? You had me worried sick."

Nakasuot pa ito ng doctor's coat kaya mukhang papunta pa lang ito sa trabaho. Nahiya naman siya na naabala niya pa ito ng ganoon. Hindi naman na kasi ito problema dapat ni Carson kaya naman hindi na niya ipinaalam dito. She plans on seeing him pero kapag wala na yung mga pasa niya na bluish red pa din ang kulay.

"I'm sorry," bumitaw siya sa yakap ng lalaki. "Sorry kasi ayaw na kitang abalahin pa."

"Ano bang—" at mukhang noon lang nito napansin ang mga pasa niya. "Who did those to you?"

"Wala, wag mo nang intindihin to." She tried to hide her bruises pero to no avail. She felt his hands over them in an instant, checking them.

"Sabi nila sa inyo na you ran away," he said. "With another man."

She can't even believe na aabot pa ang mga ito sa ganoong level. All they needed to say was that she left pero hindi! Kailangan ay yung masisira pa ang pangalan niya. She hated how she stuck around for that long, tinitiis ang sama ng loob, mga paninigaw, panlalait, at pananakit. Those people aren't her family, they are strangers.

"No! Pinalayas nila ako after I learned na ang alam ng mga tao sa paligid namin na si Ate Aiko ang girlfriend mo. Nagalit si Mama na sinabi ko yung totoo and she hit me. Hindi ako makapagpakita sayo kasi ang dami ko pang pasa. Ayokong mag-alala ka pa." Nahihiya siya na ang buhay niya ay parang isang open book na lang para kay Carson. She hated how she feels so fragile, siguro naubos na yung lakas niya over the years.

"Halika dadalhin kita sa ospital and we'll file charges sa nanay mo. She can't do this to you!" Galit na galit ito. He grabbed her suitcase at ilan pang mga gamit na andoon.

"Wait Carson! No! Wag! Please! Ayokong lumaki pa to, okay na akong nakaalis ako." She practically begged him on her knees na huwag magsumbong sa pulis. Hindi niya kaya kung makulong man ang nanay niya dahil dito.

"Why are you so kind? Sinaktan ka na niya. Be angry!"

"I was pero wala naman maitutulong sa akin yun. I'm free now yun ang mahalaga." Nakaluhod pa din siya sa harap nito. Madami man siyang pinagdaanan ay hindi siya aabot sa pagpapakulong sa kinalakihan niyang ina.

"Naiinis ako minsan sa kabaitan mong yan. You are too kind and forgiving. They abuse you because of it." Ibinaba nito ang suitcase niya at tinulungan siyang tumayo. "Don't let them hurt you again. Okay?"

Tumango-tango na lang siya at muling umupo sa kama. She's a mess and she only has Carson to save her. Dati sabi niya sa sarili niya na hindi niya kailangan ng prince charming na magliligtas sa kanya pero right now it's very clear na yun ang kailangan niya. She needs someone to save her or at least help her save herself.

"Paano mo ako nakita?" She wondered kasi wala namang may alam kung nasaan siya.

"I had someone look for you mula kahapon, kaninang alas sais ay tinawagan ako to tell me na andito ka so I rushed immediately to go here." Inilibot nito ang tingin sa loob ng maliit na kwarto, looking disappointed by her choice of accomodations. "Please pack your things."

"Ha! Bakit? Ayaw kong umuwi!" She felt fear creep under her skin, hindi niya alam na pwede pala siyang matakot ng ganito.

"Of course I won't take you home pero sasama ka sa akin. You can't stay here like this baka kung ano o sino ang biglang pumasok na lang dito. Nag-iisa ka pa naman. I have spare rooms at home, you can stay in one of them." Tumayo na ito at dinampot na uli ang suitcase niya.

"Bakit ang bait-bait mo sa akin?" She had to ask, hindi niya alam kung anong gusto niyang sagot pero gusto niyang malaman.

"Hindi ko alam, there's just this force that pushes me to help you." He said.

"Make me do anything so I can pay you back. Hindi na kaya ng konsensya ko na ganito ako ka-dependent sa tulong mo." She wanted to beg for it again. Hindi na tama na bigay na lang ito ng bigay sa kanya.

"Well then, help me forget Mati." Parang biglang nagtahimik ang buong lugar dahil sa sinabi nito.

"Ha? Ano? Kasi—"

"I wasn't talking about anything sexual kaya huwag kang matameme diyan. Pretend to be my fiancee so that my parents will stop sending me to blind dates." Ah, yun naman pala. Kinabahan siya bigla dahil sa sinabing iyon ni Carson. She wants to help him pero hindi yung sa ganoong paraan.

"Of course, kahit ano. Sa dami ng utang ko sayo kung yun lang naman pala kaya ko yun!" She is definitely livelier kasi alam niyang finally ay may magagawa na siya para kay Carson. She's helping him finally with something that mattered.

"Wala ka na bang ibang gamit?" He said. Bago lumapit sa kanya at ipinatong sa balikat niya ang coat na suot nito. "Let's get you of this place. Alright?"

"Who would have thought na kahit sobrang suplada ko noon sayo ay ikaw pa pala yung taong tutulong sa akin ng ganito. Di bale, maybe one day I can repay you." She smiled.

"Simulan natin by building you up, ipapakita natin na kaya mong tumayo on your own." He said.

********

HINDI NIYA ALAM kung ano ang driving force kung bakit feeling niya kailangang-kailangan niyang alagaan si Airi. He knows that she's not a fragile little girl na kailangan niyang bantayan palagi pero yun ang ginagawa niya. He just can't help it. She's stuck in a family that doesn't care about her or her well-being. Imbes na maging mabuting mga magulang dito ay ang mga ito pa ang nananakit sa kanya. He's never felt this much need to take care of someone.

"I fixed your room," bungad niya dito. She's been staying been staying in a rundown old hotel. It wasn't a place one should ever go to lalo na at nasa isang delikadong parte din ito ng Maynila. "I put all your things there. May naiwan ka pa ba sa inyo?"

"Ah, wala naman." She kept on looking around as if amazed by the place she's in.

Kanina ay isinama na niya ito sa kwarto pero sinabihan niyang dito na lang muna siya sa sala. Looking at her ay hindi niya mapigilan na maawa, although some of her bruises are not noticeable at may ilan ka pa ding mapapansin. Her porcelain skin did not do a good job in hiding them. Yun ngang nasa pisngi nito ay mukhanh make up lang ang nagpapaputla. He wanted to sue Airi's mother pero ayaw ng dalaga, she's too kind for her own good.

"Feel at home. Sabihan mo lang ako kung ayaw mo dun sa kwarto na inayos ko." He chose the one nearest his for some reason he can't really understand. Alam naman niya na si Airi ang bagong babae na tumutulong sa kanya na iwasan lahat nung mga babaeng pinapa-date nanaman sa kanya ng nanay niya pero may kakaiba talaga. There's this unexplainable force thay's pulling him to her.

"Wait, kailangan ko lang talaga uli na itanong," huminga ito ng malalim bago humarap sa kanya. "Hahayaan mo talaga akong tumira dito?"

"Oo naman, ayaw mo ba dito?"

"Anong ayaw? Ang ganda nga nitong bahay mo!" She looked so happy and he just adored seeing that expression on her face. "Sige, pupunta muna ako dun sa kwarto na sinasabi mo. Thank you talaga ah!"

"Wala nga pala akong maid dito sa bahay kaya kung nagugutom ka you can order food na lang. Nasa pintuan ng fridge yung numbers." He was about to leave ng magsalita uli si Airi.

"I can cook for you! I can clean too! Yun man lang ang dagdag bayad ko sa pagtira dito." Ang cute talaga ng isang to. She never wants to get anything for free. She always tries to pay back everything he gave her kahit na through favors lang. Airi's definitely not someone who's after his net worth or after him at all.

"Well, we can buy supplies and stocks later kung gusto mo. Tubig, juice at beers lang kasi ang laman ng fridge kaya wala ka ding maluluto. Kahit ata asin wala akong stock." He never really learned to cook or do much household chores kaya may lingguhan na pumupuntang tagalinis dito para hindi siya mamuhay kasama ng alikabok at agiw.

"Di bale! Magaling akong magluto kaya di ka magugutom ever!" And she happily left and went to her room.

For the first time parang mas nagmukhang bahay ang lugar na ito. He has never seen this place as a home before, this is just a place he goes back to from work, gigising, liligo at aalis para magtrabaho. The moment Airi stepped inside ay parang nagliwanag ang lugar. Maybe this place did need a new person inside para naman hindi ganoon katahimik at kalungkot. Surely, Airi will bring in that little spark.

He decide na huwag na lang munang pumasok kaya naman before lunch ay inaya niya na si Airi na mamili na sa grocery. She covered up para naman maitago ang mga pasa niya especially those in her arms, yung nasa pisngi naman niya ay nilagyan nito ng make up para hindi na masyadong halata. She said that she wouldn't like to hear any comments about those bruises lalo na at kasama niya nga si Carson. She was always too cautious about others, na nakakalimutan na nito ang sarili.

He's somewhat excited to feel a little more domesticated. Never niya pang nagawa ito kasi lumaki naman siya na gigising na lang at kakain, he doesn't need to actually know how to get the food on the table. In fairness, he learned a lot lalo na sa pamimili ng mga ingredients. Nagulat ata si Airi na hindi pa talaga siya nakakapamili at all kaya inilibot siya nito sa buong grocery store. Nagtanong pa ito sa kanya kung ano ang mga pagkain na gusto niyang kinakain at yun daw ang lulutuin nito.

Noong makatapos silang mamili sa grocery ay dumaan muna sila sa isang jewelry store sa mall kung saan sila namili. He chose a very simple diamond ring para ipasuot kay Airi. As usual, she refused the crap out of it lalo na noong malaman nito ang presyo pero he insisted kaya they ended up buying it. Ayaw pa nga nitong isuot iyon kasi baka daw mawala niya.

Noong makabalik sila ng bahay ay nagsimula nang mag-ayos doon si Airi. They were busy in the kitchen, well si Airi lang naman at nakikigulo lang siya ng may marinig siyang nagdo-doorbell kaya mabilis niya iyong pinuntahan pero nakita na lang niyang papasok na ang nanay niya. He hasn't actually told his parents tungkol anything about Airi and about their relationship. Ang plano kasi talaga ay gamitin niyang diversion si Airi so that his mother stops fixing him up with girls. Pero the arrangement was mostly for Airi na gusto niyang ilayo sa mga magulang nito. It was an impulse decision.

"Carson! Carson!" Dire-diretso ang pasok nito sa bahay. Noong makita siya nito agad itong ngumiti at akmang sasalubungin siyang yakap habang papasok ng dining area.

"Ma? What are you doing here?" He asked.

"What is that smell? Nagluluto ka ba Carson?" Hindi pa nito nakikita si Airi kasi nagpunta ito sa kusina para kumuha ng mga plato.

"Wait Ma, may sasabihin muna ako." Sinubukan niyanh pigilan itong pumasok sa dining area knowing that Airi will walk in any minute now. Ayaw niya din naman na magulat ito kasi hindi niya alam kung papaano ito magre-react sa ganitong living arrangement.

"Ay nako kang bata ka! Ang gulo mo doon na tayo sa dining mag-usap. Kanina pa ako tumatawag—" napatigil ito noong makita niya si na naglalakad patungo sa lamesa Airi. Kahit si Airi ay napatigil noong mapansin na may bisita sila. "Nakakaistorbo ba ako?"

"Ay nako ma'am! Hindi po, hindi po!" Parang sinisilihan si Airi sa pagkakatayo nito. Hindi siya mapakali na medyo pumapadyak-padyak pa. Maybe she's asking the ground to open up like she did one time dahil sa hiya.

"Airi, chill ka lang," sabi niya bago siya tuluyang lumapit kay Airi. He held her hand at pinigilan niya na lang matawa dahil ang lamig-lamig ng kamay nito. "She's my girlfriend Ma. Airi, meet my mom."

"Nice to meet you po," yumuko ito ng kaunti as a sign of respect at laking gulat na lang nilang dalawa noong biglang sunggabin ng nanay ni Carson si Airi at yakapin ito ng mahigpit with a beaming smile on her face. Mabuti na lang at tago ang mga pasa nito kundo ay baka magkagulo sa bahay niya ngayon.

"Airi! Nice to meet you! I'm Cecilia! You can call me Tita or Mama!"

"Ma, baka hindi na makahinga si Airi!" Pilit niyang inilayo ang mama niya kay Airi na parang litong-lito pa din sa naging reception ng Mama niya sa balita.

"Kumain na po ba kayo?" Nakangiti namang tanong ni Airi noong maka-recover na sa initial shock.

"Hindi pa nga eh, I went here to take him out for lunch pero apparently may nagpapakain naman pala sa kanya dito." Mukhang kinikilig na ewan ang nanay niya kaya hindi na lang masyadong makapag-react si Carson.

"Sabay na po kayo ni Carson na kumain," itinuro nito ang la mesa as if acting as a host in a restaurant.

"Sabay-sabay na tayong tatlo ija." Sabi ng nanay ni Carson.

"Okay po, kukuha lang po ako ng isa pang plato po." At mabilis na naglakad pabalik si Airi sa kusina.

"Ma, may surprise pa ako sayo. Pagbalik niya tingnan mo yung kamay niya. Okay?" Since andito naman na sila ay lulubusin na niya. Sayang nga lang at wala ang kanyang Papa doon. It could have been a complete occassion.

"Bakit? Anong meron?" Mukhang hindi pa nito agad na-gets ang ibig niyang sabihin. He just watched as her mother carefully waited for Airi hanggang sa makabalik ito dala ang plato. "Oh my good Lord!"

Mabuti na lang at mailapag na ni Airi ang plato kung hindi ay sure siya na nagliliparan na ang mga bubog ngayon dahil na mabilis na pagyakap uli ng mama niya kay Airi. Kung makikita siya ng ibang tao ay hindi aakalain ng mga ito na ito ay si Cecilia Fortalejo, ang prominent head ng Pharmaceutical branch ng Fortalejo Industries. She just looked so happy na may parte sa utak ni Carson na nagu-guilty dahil sa kasinungalingan na ito. He just needs more time to be alone at hindi yun naiintindihan ng nanay niya kaya he needs Airi to help him pero looking at it hindi na ata siya sigurado kung para pa ba sa kanya talaga yung relasyon na to. Everything in his world is starting to revolve around Airi and he sees no problem with it.

********

WHO WOULD HAVE thought that after a couple of weeks ay babalik pa uli siya sa dati niyang bahay. Walang sugat na nagamot and stepping inside this house just made her feel worse again. Habang nakatingin sa kanya ang kinalakihang ina na nakangiti ng plastic ay sadyang kinikilabutan siya. She could still somehow feel the pain she felt noong gabi na pinalayas siya nito.

"Hindi ba kayo masyadong nagmamadali?" Tanong ng tatay niya kay Carson.

"Simula pa lang po noong makilala ko si Airi I knew that she is the girl I want to marry. Alam po namin na dapat nauna ang kasal before we live together pero masaya naman po kami sa ganito." He smiled at her.

"Pero diba wala pa namna kayong one year? Sure ka na ba? Kasi diba, baka may iba pa diyan na para sayo." Halatang-halata na ang ate niya kaya medyo pigil na pigil siya sa pagtawa.

"Oo nga naman ijo, bata pa naman yang si Airi kaya okay lang na huwag muna kayong magpakasal agad." Nakidawdaw pa ang nanay-nanayan niya.

"Mahal ko po siya, hindi naman na magbabago yun. If only he really did baka nag-cartwheel na siya sa saya dito.

"Aba, may singsing ka na pala!" Sabi ng nanay jpniya sabay hila ng kamay niya.

"I wanted to give her something bigger pero ayaw niya." Bumuntong-hininga pa si Carson. "Di bale, when she becomes my wife she can have anything that she wants. Siya ang magiging bagong madam ng Fortalejo Industries."

Halatang-halata sa mga mukha ng mga ito ang panghihinayang na siya ang magiging asawa kuno ni Carson, na malaki ang posibilidad na siya ang maging panibagong madam ng malaking kompanya na yun. Dagli siyang tiningnan ng nanay niya bago inirapan noong hindi nakatingin si Carson.

Si Carson ang nagplano nito, he wanted to piss off her parents and sister. Sabi niya nga ay kung hindi mo sila makakasuhan makaganti ka man lang. she knows that its wrong to take revenge pero dun man lang ay makalamang siya. Alam niyang nagpupuyos na ngayon sa galit at irita ang nanay niya lalo na ang kanyang Ate na masama ang tingin sa kanya ngayon. Iyon lang naman ang goal, ang umalis siya na nasa kanya ang huling halakhak. She knows that its pointless pero sometimes things like these make you feel better.

"Are you alright?" Tanong sa kanya ni Carson noong makauwi sila sa bahay.

"Oo naman," she sighed. Ang laki pa din kasi ng panghihinayang niya sa kanyang pamilya. "Well, not really."

"You know what can mak eyou feel a little bit better?" Tanong sa kanya ni Carson.

"Ano naman yan?"

"Labas tayo uli, let's go out and drink." Ano naman kaya ang alam nito sa inuman na enjoy? Baka sa mga sosyal na bar pa siya nito dalhin.

"Ayoko, last time nung sinabi mo na mag-food trip tayo dinala mo ako sa sobrang mahal na restaurant. Di nga ako nabusog dun eh!" She said, ang hirap naman kasi nung yayamanin na tao na di alam kung saan yung legit na enjoyable na spot. Minsan konting pera lang sapat na!

"Eh that's all I know na you haven't tried. Tsaka kahit saan naman tayo uminom ayus lang eh. Alcohol tastes the same everywhere." Tumayo ito sa harap niya.

"Gusto ko yung may videoke para mas masaya." Alam kaya nito kung ano yung videoke?

"Wala akong alam na ganung place, do you?" Ang hirap talaga ng ganito, ano lang ang alam nito?

"Hindi ka pa nakakapag-videoke? Hala ka! Tara, ikaw ata ang kailangan lumabas." Tumayo na din siya at hinatak ito. Okay na itong mga suot nila. Di namn judgmental yung mga tao sa pupuntahan nila kaya kahit pormal o jologs pa ang pormahan okay lang.

Noong makarating sila ay masaya na ang atmosphere sa lugar, may mga nag-iinuman at yung iba naman ay mga busy na nagkukwentuhan. Tamang chill lang talaga sa ganitong lugar at friendly naman ang mga tao. Hinila niya si Carson papunta sa bakanteng upuan sa may bandang harap.

"Good evening ma'am may order na po ba kayo?" Sabi nung waitress na lumapit sa kanila.

"Dalawang bucket ng beer tapos fries!" Sabi ni Airi.

"Yun lang ang oorderin mo? You won't even be wasted enough to forget by the end of the last bottle!" Ang yabang talaga kahit kailan ng isang to. "Isang bote ng Chivas Regal din miss."

"Oy, sino ang magdidrive kapag pati ikaw nalasing? Di ko pa kaya i-drive yanh nuknukan sa mahal mong sasakyan na yan!"

"Edi tatawag ng driver pero I doubt that I will get drunk because I have a pretty good alcohol tolerance." He said bago binuksan ang bote ng alak sa harap nito. "So how does this work? Paano ka makakakanta dun sa harap?"

"Ibibigay ko lang yung number ng kanta na gusto ko tapos pipindutin ko dito sa tablet tapos ilalagay ko yung pangalan ko para sure na akin na yung kanta." She loves this place, ilang beses na niyang nakasama doon ang ilang co-tutors niya sa Tutorial center.

"So kakantahinmo yung song in front?"

"Oo! Para masaya, panoorin mo sila." Turo niya dun sa magbabarkada na umakyat sa stage.

"Lahat sila kakanta?"

"Oo, tapos paminsan-minsan may host dun sa taas na mismong tatawag dun sa kakanta."

Nakakailang bote na siya ng beer ng marinig niyang tawagin ang pangalan niya ng isa sa mga host na nakatayo sa stage. Hindi pa naman siya lasing pero ramdam na niya ang kaunting tama ng alak lalo na at binibigyan din siya ni Carson ng shots ng Chivas. Masama talagang naghahalo ang alak.

"Oh, hello Ms. Airi!" Masayang bati sa kanya nung babaeng host na sumalubong sa kanya. "Palakpakan naman tayo para kay Ms. Airi!"

"Thank you! Thank you!" Nag-bow pa talaga siya sa mga andoon sa harap ng stage. Kitang-kita niya pa ang pagtawa ni Carson sa may bandang gilid na harap ng stage.

"May kasama ka ba ngayon dito?" Tanong naman nung lalaking host.

"Oh yes! Ayun oh!"

"Ay ang pogi naman niyan! Ano mo siya?" Sabi nung babaeng host.

"Fianceè!" Itinaas niya pa ang kamay niya na may suot na singsing.

"Aba sosyal! Sorry sa mga umasa diyan kay pogi! Taken na pala!" Natatawang sabi nung host na babae. "Dedicated ba sa kanya tong kantang kakantahin mo?"

"Syempre naman para sa pinaka-poging lalaki sa balat ng lupa!" And she intentionally tried to wink at him, bahala na kunh mukha bang kindat yung nagawa niya.

Mahal na mahal...
'Yan ang damdamin na sa'yo'y nararamdaman kung 'di mo alam?
Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan o, bakit ganyan?
At maging sa 'king pagtulog laging alaala ka
Nais makapiling; nais makayakap sa t'wina.

Todo perform talaga siya ng kanta niya sa stage habang may mga nagchi-cheer sa kanyang pagkanta. Bata pa lang siya ay hobby na talaga niya ang pagkanta kaya nadala niya hanggang sa tumanda siya. It makes her carefree, throwing caution to the wind.

Nang dahil sa 'yo...
Ang puso kong ito ay natutong magmahal sadya bang ganyan?
Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan, oh wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw,
Huwag sanang sasaktan,
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal.

Hindi niya alam kung bakit parang may sariling buhay ang mga paa niya at agad-agad itong naglakad papalapit kay Carson na mukhang enjoy na enjoy naman sa performance niya. Umupo pa siya sa tabi nito while pretending to serenade him. He took, her hand and kissed it habang siya ay tuloy lang sa pagkanta. Lahat ay enjoy na enjoy sa performance niya kasi rinig na rinig niya ang cheers ng mga ito.

Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!

Noong papatapos na ang kanta ay muli siyang bumalik sa stage para maibalik niya din agad ang microphone sa mga hosts na noon ay aliw na aliw din sa kabaliwan niya sa pagkanta. Airi has never felt this carefree for a very long time na parang wala siyang kahit na anong problema sa buhay. She's finally in a point in her life na kaya niyang maging kung sino man niya gustuhin tapos idagdag mo pa ang di mapantayan na ngiti ni Carson. After all those tears, she's finally happy now, salamat kay Carson.

Tunay na tunay mahal ka sa akin!
_______________
A/N: 90s represent sa kantang yan! Alam niyo ba yung song? Comment below! As promised, eto na yung update ng story ni Airi and Carson. I hope you guys like it!

Sobrang thank you nga pala uli dahil sa patuloy na pagbasa. Nasa #16 ng ChickLit category na tayo my lovelies! Shoutout to everyone who supports Mati, Gray, Carson and Airi. Salamat sa support and love! 😘

🙋🏻: psychedelic26

Continue Reading

You'll Also Like

56.8K 1.2K 62
Si Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ng...
46K 1.1K 39
[COMPLETED] Valorous Lass Series #1 She is in love with her bestfriend. Nahulog sya sa taong dapat kaibigan nya lang. Parati silang magkasama at para...
21.9K 1.7K 35
Creepy Pasta Series no. 2: Unchained Story copyright 2014 by nightly001 Started: 11/30/2014 Ended: 05/15/15
1.9M 87.6K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...