My Kontrabida

By yaelskii

18.9K 282 84

|ONGOING|| |MEDYO SPG| More

My Kontrabida
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Announcement

Kabanata 2

1.5K 37 4
By yaelskii

Kathy's POV

"Helloooo" Bungad ko sa kakasagot lang sa tawag ko na si John.

"Who is this?" Husky ng voice niya. Mukhang kakagising lang ng mahal ko.

"Si Kathy 'to. Hello my prince.." Pagpapacute ko sa tawag. Sounds like malandi ako pero kay JK lang talaga ako lalandi.

Narinig kong huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Paano mo nakuha ang number ko? At tumawag ka ng ganito kaaga. Alam mo bang may taping mamaya?" Galit niyang tanong.

"Sungit naman nito. Nakuha ko number mo dahil kay manager Lord." Kinuha ko kasi agad loob ng manager namin kaya ko nahingi number ni JK. Walang hindi kayang gawin ang isang Kathy.

"Alam kong may taping. At kaeksena kita." Masaya kong sabi.

"Don't start." Sabi niya at biglang binaba na yung call.

Pakipot ka pa, John. Sakin din ang bagsak mo. Mamahalin mo din naman ako.

Naisipan ko ng bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita kong wala si Ghella. Kaya mag isa na naman ako dito sa condo ko. So, Dating gawi, Magluto ng makakain mo, Kathy. 

Habang nagluluto ako ay nagkakabisa ako ng mga linya ko. Mahirap na. Baka mamaya ay mawala ako. Mahirap na at baka masapawan pa ako ng bruhang Jullie na 'yon. Dapat ako ang magmukhang bida sa movie na ito. Hindi ako magpapakabog sa impaktita na iyon. Lalong lalo na sa pagkuha sa puso ni John. 

~

"Hi, Direk!" Bati ko sa director ng movie.

"Ang aga mo naman. Kung ganito lang lahat ng artista dito ay mapapadali tayo." Nakangiting sabi sa'kin 

Siyempre. Kaylangan kong magpaimpress sakanya. Para bigyan niya ako ng magagandang scenes with my John.

Speaking of,

Biglang dumating si John bitbit ng PA niya yung mga damit niya. Bumati muna siya sa direktor.

"Ako na magdadala sa loob niyan." Prisinta ko sa PA niya. Napa angat ang kilay ng babae sa sinabi ko.

"Nako, Ma'am wag na po." Nahihiya niyang sabi.

"Hindi mo ibibigay sakin yan?!" Pasindak na sabi ko sa P.A ni John. "I mean. Okay lang. Parehas naman yung tent namin eh." Nakangiti kong sabi. Kailangan kong mag pakabait dito sa set, mahirap na at baka masipa.

Pumayag nalang yung P.A ni John at pumunta na ako sa tent kasama ng mga damit niya. Mayamaya pa ay dumating na siya sa loob. May divider sa tent kaya parang hati ng dressing room kami. Sinilip ko siya at nakahubad na siya. Magpapalit na sana siya ng damit nung hanapin niya yung susuotin niya sa taping na ito. Agad akong pumasok para ipakita ang hinahanap niya.

"Ito ba hinahanap mo?" Sabi ko.

Nagulat siya sakin at nakita yung damit na susuotin niya.

"What? Damn it! Anong ginagawa mo dito? Give me my clothes!" Sabi ni John at hinahablot ang damit.

"Kiss mo muna ako.." Sabi ko at tinago ang damit niya sa likuran ko at nag pout.

Nakita kong kumunot ang noo niya at dahan dahang lumapit sakin. This is it. Hahalikan niya ba talaga ako? Nagtoothbrush ba ako? Oo yata. Ayan na. Malapit na siya sa'kin.

Akala ko hahawakan niya yung mukha ko. Yun pala ay agad na hinablot yung damit niya sa likuran ko. Pero nahawakn ko ulit 'to kaya naghihilahan kami.

"Stupid! Nagugusot na ang damit!" Sigaw ni John at nanlalaki na yung mata niya.

"Ayoko! Kiss ko muna." Paghahamon ko.

"Tss." Sabi niya.

Ang damot ng isang 'to.

Naghihilahan lang kami sa damit niyang lukot na at nakita kong nagfeflex yung mga muscles niya sa katawan. Bigla akong pinagpawisan doon. Nanghina ako kaya nahila niya ang damit kasama ako kaya napadikit ang katawan ko sakanya. Napatitig ako bigla sa mga mata niyang galit. Nakahawak ang kamay ko sa dibdib niya. Parang bumagal ang ikot ng mundo nang napatitig narin siya sa'kin.

My god!

Parang teleserye lang ito ha? Nangyayari pala ito sa tunay na buhay? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Alam na alam kung sino ang pag aalalayan ng mga tibok nito.

"JOHN!" Biglang may sumigaw na babaeng epal.

"Julie?!" Parehas naming nilingon si Julie.

Agad akong tinulak ni John palayo sakanya kaya napaupo ako sa sahig.

"Shit!" Sabi ko at iniinda yung sakit.

Biglang nag walk out si Jullie at agad naman itong hinabol ni John.

"Julie, Wait!"  Bago makalabas ng tent si John ay tinignan niya muna ako. Akala ko itatayo niya ako iyon pala ay sasabihan niya pala ako ng masakit na salita. "Rot in hell!" Sabi niya sabay takbo paalis.

Kinakagat ko ang labi ko para pangontra sa nagbabagyang luhang tumulo. Ganoon ba kaimportante sakanya yung Jullie na 'yun para itulak ako at masaktan?

Maging okay lang siya sa paningin ni Jullie?

Agad akong tumayo at nilakasan ang loob.

"Balang araw, Siya din ang itutulak mo para sakin. Mapapasakin ka din, John." Bulong ko sa sarili.

Nagpagpag muna ako at nag ayos bago pumunta sa set. Ngumiti ako ng parang walang nangyari. Ang mga kontrabida ay hindi basta basta nagpapaapi.

Sila ang nangaapi. 

~

Ang kwento ng movie ay magka mutual understanding kami ni John na magiging kami na sana pero dumating si Julie sa buhay namin at na-inlove si John sakanya at doon ako mag re-revenge dahil inagaw sa'kin ni Jullie si John na magiging bestfriend ko pa kuno dito sa story na ito. Parang tunay na buhay lang. Pero may mali. Hindi kami ni John at lalong lalo na hindi kami best friend ni Julie. Ang arte niya kaya ayaw ko sakanya. Atsaka inaagaw niya atensyon ni John na dapat ay sakin lang.

"Lights Ready! Camera ready! Action!"

Ang eksena ay sweet kaming namamasyal ni Drake na ginagamapanan ni John at ako si Isha dito. Dito ko na makikilala si Lea ang ginagampanan ni Julie impakta dito. Isa siyang nerd na mababangga ko dahil nagmamadali siyang maglakad kasi binully siya ng ibang tao.

Nung padating na si Jullie ay sinadya kong banggain siya ng malakas.

"Outch!" Sabi ni Jullie at napatumba siya.

"Sorry!" Agad ko siyang sinaluhan doon para kunwari ay hindi ko sinasadya.

"CUT!" Sigaw ni Direk.

"Sorry po. Mukhang napabilis yung lakad ko kaya siguro napalakas din yung bunggo ko kay Kathy." Mahinhing sabi ni Julie.

"Sinadya ko yun." Bulong ko at ngumisi ng nasa likuran ko siyang kinakausap yun direk.

"Okay, Mag ayos ka muna doon.. Quick!" Utos ng direk sakanya.

Agad naman siyang nag paayos doon. Pabait factor pa siyang nalalaman. As if naman na mabait talaga siya. Pa-sweet. Tse! Bigla nalang sumulpot sa harapan ko si John.

"Hi, John.." Bati ko dito.

Hinawakan niya yung braso ko ng mahigpit ng patago. "Alam kong sinadya mong banggain siya ng malakas.." Nanlilisik yung mata niya sakin.

"Nasasaktan ako, John.." Sabi ko at pilit na tinatanggal yung kamay niya.

"Kulang pa 'yan sa pananakit mo sakanya kanina. Ano ba talaga ang problema mo?" Tanong niya.

Agad kong binawi yung kamay ko at hinimas ito sa sakit. Nakita kong namula ito sa pagkahawak niya.

"Nasaktan din naman ako kanina nung tinulak mo ako. Ganti lang 'yun." Sabi ko nang hindi nakatingin sakanya.

"So!?Bakit siya ang ginanatihan mo? Bakit hindi ako?" Tanong niya.

Sasabihin ko na sana na dahil ayaw ko siya yung saktan ko. Kasi mahal ko siya. At alam na niya 'yun dati pa. Pero tinawag na ulit kami ng direktor. Balik na ulit kami sa eksena. Nawalan na ako ng gana para paglaruan si Julie. Nandun na yung eksena na friends na kami ni Jullie doon at nagkakilala na sila ni John.

"Aba gagong mga yun ah? Gusto mo bang upakan natin?" Pagyayabang ni John nung naikwento kunwari ni Julie na binully siya ng mga lalaki.

"Oo nga. Magaling kaya sa karate 'tong si Munchy diba?" Tanong ko kay John at kinurot siya sa pisngi.

Ganito sana ang tunay na buhay. Yung nahahawakan ko siya ng libre. Yung hindi labag sa loob niya. Yung ngumingiti rin siya sa'kin.

"Ang sweet nyo naman. Magboyfriend ba kayo?"  Tanong ni Jullie na ginagampanan niyang si Lea.

"Hindi!" Sagot naming pareho ni John.

"Ah. Hindi pa. Malapit na.." Sabi ko.

Sana nga. Sana nga maging kami talaga.

"Nako, Congrats. 'Tsaka salamat pala at sinaluhan niyo ako." Nakangiting sabi ni Julie.

Hinawakan ni John yung kamay ni Julie. "Nako, Wala naman yun.." Sabi ni John at nagngitian sila.

Kunwari ay magseselos ako. Pero ang totoo naman ay oo. Pinalo ko yung kamay nila. " May langaw." Sabi ko. Kahit wala sa script ay ginawa ko.

Hindi naman nag-react ang direktor kaya okay lang. Ang nagreact ay si John. Huh! So what? Tinignan niya ako ng may banta. Natapos yung buong eksena sa paghatid namin sa bahay nila Jullie sakanya.

"Cut! Good take ! " Sigaw ng director. "Bukas walang taping kaya pahinga muna kayo para sa guesting niyo sa TV shows." Dagdag niya pa.

I'm sure 'di ako kasali. Kasi kontrabida lang ako dito. Well, Hindi ako naaawa sa sarili ko. Naawa ako kay Julie dahil sisiguraduhin kong masasapawan ko siya sa pag arte dito.

Nagtungo na ako sa tent at nagbihis na. Wala pa akong PA kasi baguhan lang ako. Wala kasi yung friend kong si Ghella para mag-assist sakin.

Nung palabas na ako ay hinarang ako ni John.

"Bakit mo ba 'yun ginagawa? What is wrong with you?" Tanong niya sa pagalit na tono.

"Ang alin?" Inusente kong tanong.

"Nag ma-maang-maangan ka pa! Sinasadya mo talagang saktan si Jullie at kitang kita ko 'yon. Sabihin mo nga, Anong problema mo at ginagawa mo sakanya iyon? May ginawa ba siya sa'yo kaya mo siya ginaganoon o sadyang desperada ka lang talaga para sa role na bida?" Mapanakit niyang sabi.

"Dahil inaagaw ka niya sakin!" Sigaw ko.

Wala na gaanong tao kaya walang nakarinig.

"Sakin ka lang, John. Noon pa akin ka lang. Alam mo naman 'yun diba? Mahal na mahal na kita simula pa lang nung highschool. Bakit hindi mo makita 'yun? Hindi mo ba talaga ako makayang mahalin?" Nakayuko kong sabi.

Tumalikod siya bago magsalita. " Unang una wala siyang inaagaw sa'yo. Pangalawa hindi ako sa'yo. At panghuli, Hinding hindi kita mamahalin. Kahit na kaylan.." Sabi niya sabay tuluyan na siyang lumayo sakin.

Kinakagat ko nanaman ang labi ko panglaban sa luhang nagbabadyang tumulo. Alam ko na iyon. Oo. Hindi ka sakin. Pero bakit sabi ng puso ko ay iyon? Tanga ba talaga ako? Desperada? Wala akong pake kung ano man ang sabihin ng iba. Basta mahal ko si John. Yun yung paniniwalaan ko. Hindi ko agad igigive up ang nararamdaman ko para sakanya kahit na paulit ulit naman niya akong saktan ay mamahalin ko parin siya.

Kung hindi ka sakin. Hindi ka rin kay Jullie. Gagawa ako ng paraan para hindi kayo magkatuluyan.

**

Vote and Comment. :)

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...