Kabanata 2

1.5K 37 4
                                    

Kathy's POV

"Helloooo" Bungad ko sa kakasagot lang sa tawag ko na si John.

"Who is this?" Husky ng voice niya. Mukhang kakagising lang ng mahal ko.

"Si Kathy 'to. Hello my prince.." Pagpapacute ko sa tawag. Sounds like malandi ako pero kay JK lang talaga ako lalandi.

Narinig kong huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Paano mo nakuha ang number ko? At tumawag ka ng ganito kaaga. Alam mo bang may taping mamaya?" Galit niyang tanong.

"Sungit naman nito. Nakuha ko number mo dahil kay manager Lord." Kinuha ko kasi agad loob ng manager namin kaya ko nahingi number ni JK. Walang hindi kayang gawin ang isang Kathy.

"Alam kong may taping. At kaeksena kita." Masaya kong sabi.

"Don't start." Sabi niya at biglang binaba na yung call.

Pakipot ka pa, John. Sakin din ang bagsak mo. Mamahalin mo din naman ako.

Naisipan ko ng bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita kong wala si Ghella. Kaya mag isa na naman ako dito sa condo ko. So, Dating gawi, Magluto ng makakain mo, Kathy. 

Habang nagluluto ako ay nagkakabisa ako ng mga linya ko. Mahirap na. Baka mamaya ay mawala ako. Mahirap na at baka masapawan pa ako ng bruhang Jullie na 'yon. Dapat ako ang magmukhang bida sa movie na ito. Hindi ako magpapakabog sa impaktita na iyon. Lalong lalo na sa pagkuha sa puso ni John. 

~

"Hi, Direk!" Bati ko sa director ng movie.

"Ang aga mo naman. Kung ganito lang lahat ng artista dito ay mapapadali tayo." Nakangiting sabi sa'kin 

Siyempre. Kaylangan kong magpaimpress sakanya. Para bigyan niya ako ng magagandang scenes with my John.

Speaking of,

Biglang dumating si John bitbit ng PA niya yung mga damit niya. Bumati muna siya sa direktor.

"Ako na magdadala sa loob niyan." Prisinta ko sa PA niya. Napa angat ang kilay ng babae sa sinabi ko.

"Nako, Ma'am wag na po." Nahihiya niyang sabi.

"Hindi mo ibibigay sakin yan?!" Pasindak na sabi ko sa P.A ni John. "I mean. Okay lang. Parehas naman yung tent namin eh." Nakangiti kong sabi. Kailangan kong mag pakabait dito sa set, mahirap na at baka masipa.

Pumayag nalang yung P.A ni John at pumunta na ako sa tent kasama ng mga damit niya. Mayamaya pa ay dumating na siya sa loob. May divider sa tent kaya parang hati ng dressing room kami. Sinilip ko siya at nakahubad na siya. Magpapalit na sana siya ng damit nung hanapin niya yung susuotin niya sa taping na ito. Agad akong pumasok para ipakita ang hinahanap niya.

"Ito ba hinahanap mo?" Sabi ko.

Nagulat siya sakin at nakita yung damit na susuotin niya.

"What? Damn it! Anong ginagawa mo dito? Give me my clothes!" Sabi ni John at hinahablot ang damit.

"Kiss mo muna ako.." Sabi ko at tinago ang damit niya sa likuran ko at nag pout.

Nakita kong kumunot ang noo niya at dahan dahang lumapit sakin. This is it. Hahalikan niya ba talaga ako? Nagtoothbrush ba ako? Oo yata. Ayan na. Malapit na siya sa'kin.

Akala ko hahawakan niya yung mukha ko. Yun pala ay agad na hinablot yung damit niya sa likuran ko. Pero nahawakn ko ulit 'to kaya naghihilahan kami.

"Stupid! Nagugusot na ang damit!" Sigaw ni John at nanlalaki na yung mata niya.

"Ayoko! Kiss ko muna." Paghahamon ko.

My KontrabidaWhere stories live. Discover now