MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FIN...

By sassyabhie05

1.2M 13.1K 2.3K

Losing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when s... More

Chapter ONE
Chapter TWO
chapter 3 ...
chapter 4...
chapter 5...
chapter 6...
chapter 7...
chapter 8 ...
chapter 9...
chapter 10...
chapter 11...
chapter 12...[happy motmot marry(mwihtm)]
chapter 13...
chapter 14...
chapter 15...
chapter 16...
chapter 17...
chapter 18 [HAPPY 2nd MOTMOT MARRY (MWIHTM)]
chapter 19...
chapter 20...
chapter 21...
chapter 22...
chapter 23 [PART 1] ....
chapter 23[PART 2]...
chapter 24...
[PART2] chapter 25...
chapter 26...
chapter 27...
chapter 28...
chapter 29 [part 1]
chapter 29[part 2]
chapter 30 [part 1]...
chapter 30[part 2]...
chapter 31...
chapter 32...
Chapter 33...
chapter 34...
Chapter 35...
chapter 36 [PART 1] ...
chapter 37...
chapter 38...
chapter 39...
chapter 40...
chapter 41...
chapter 42...
chapter 43...
chapter 44...
chapter 45... [LAST CHAPTER BUT NOT YET THE ENDING]
EPILOGUE...

chapter 36 [PART 2] ...

20.4K 228 66
By sassyabhie05

EUPHY’S POV...

 

“mahal ko, sobrang namiss kita, pasensya na kung hindi ako nakarating sa Malaysia hah... pasensya na kung hindi ko natupad yung promise ko sayo.. sorry kung umiyak ka ng dahil sa akin.. hindi ko naman sinasadya, ayaw kong malungkot ka, alam mo namang hindi ko kayang Makita na umiiyak ka db? Patawarin mo ko MAHAL KO, sorry talaga..”

 

Sabi niya habang nagpapatakan ang mga luha niya mula sa kanyang mga mata...

Unti-unti na ding nagpapatakan ang mga luha ko.. nakatitig lang ako sa kanya, suddenly, parang gustong sumabog ng puso ko, nanghihina ako, nanghihina ang mga tuhod ko... nawawalan ako ng lakas...

Mahal ko...

 

m-mahal ko....

 

“RYU....”

 

Tama.. si Ryu, siya lang ang tumatawag sa akin ng ganun.. siya lang...

p-pero... b-bakit.. paanong... anong nangyari...?

“Eunice, hindi ko ginusto na iwan ka.. hindi ko gusto na paiyakin ka... kung may magagawa lang ako, binalikan kita noon... kung kaya ko lang, pinuntahan kita noon.. pero mahirap.. mahirap gawin iyon.. dahil... noong mga panahong iyon... hindi kita naaalala.. hindi ko alam kung sino ako.. ninakaw ng aksidenteng iyon ang pagkatao ko... kung maiibalik ko lang yung panahon... sana, hindi na lang ako umattend, sana sinundan na lang kita agad.. kung alam ko lang Eunice.. kung alam ko lang..” sabi niya habang masuyong hinahaplos ang mukha ko at patuloy na umiiyak...

Habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya, lalo akong nanghihina, lalo akong nawawalan ng lakas...

Si Ryu, buhay siya.. buhay si Ryu... at siya si Kurt...

Hindi ako makapaniwala... after all this time, tama pala ako ng hinala... tama pala ako.. kaya pala ganito yung nararamdaman ko sa tuwing nandyan siya, kaya pala unang kita ko plang, magaan na ang loob ko sa kanya.. kaya pala kahit anong tanggi ko sa isip ko na hindi siya si Ryu, hindi ko magawa... dahil tama pala ako... tama ako ! siya... siya si RYU ! ang lalaking unang minahal ko...

Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko, basta, ang gusto ko lang sa ngayon.. ang umiyak.. iiyak ang lahat ng sakit... ang lahat ng pagtitiis.. bakit? Bakit naging ganito ka-unfair ang tadhana? Bakit kailangang mangyari lahat ito? Bakit kung kailan... kung kailan nakamove on na ko... bakit kung kailan may nararamdaman na ako para kay Andrei.. bakit ngayon siya nagpakita?

Bakit ngayon? Bakit ngayon pa?

“all this time, inisip kong wala ka na.. halos ikamatay ko ang pagkawala mo... sa inaraw-araw na nabubuhay ako, para akong mamamatay sa tuwing haharapin ko ang araw ng wala ka.. ikaw lang ang lahat sa akin.. ikaw lang ang siyang dahilan kung bakit Masaya ako... ikaw lang Ryu.. ikaw lang... noong araw na nakita mo ko, nung araw na nilapitan mo ko.. bakit hindi mo sa akin sinabi ang lahat.. bakit itinanggi mo na ikaw si Ryu.. bakit kailangan mo kong saktan ulit, bakit kailangang patayin mo ang pag-asa ko na maaaring buhay ka pa nga.. bakit hinayaan mong isipin ko na wala ka na.. bakit hinayaan mo kong MAHALIN ANG IBA..” sabi ko habang hinahampas ang dibdib niya... hinahayaan niya lang ako sa ginagawa ko... pilit niya lang akong niyayakap...

“dahil.... dahil kay ANDREI.. dahil sa bestfriend ko Eunice..” nang sabihin niya iyon.. automatic na napatigil ako sa ginagawa ko...

Tama ba ang narinig ko? Si ANDREI? BEST FRIEND ni RYU??

Siya ba iyong ikinukwento nito sakin dati? Iyong tanging tao na naging kaibigan niya noong high school? Si.... Drei yon?

Kunot noong tumingala ako sa kanya.. nagtatanung na tingin ang ibinigay ko.. gustong makumpirma ang lahat ng hinala ko.. gusto kong makumpirma lahat...

Kaya ba siya nagparaya? Kaya ba niya ipinilit sa akin noon na kalimutan na siya? Kaya ba.... noong magising ako .. si DREI na ang nasa tabi ko at hindi na siya...

Iyon ba ang dahilan? Iyon ba? Dahil.... BEST FRIEND NIYA... ANG TAONG ITINAKDA KONG MAKASAMA?

“oo Eunice, siya yung kinukwento ko sayo... hindi ko alam, marahil ay nalimutan mo nlang ang pangalan niya, hindi ko rin naman siya madalas banggitin.. dahil kapag kasama natin ang isa’t isa.. ikaw lang at ako ang mahalaga...”

 

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko... nagparaya siya para kay Andrei, samantalang si Andrei naman... nagparaya siya para kay Ryu...

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman, masyadong maraming rebelasyon ang nalalaman ko ngayon...

Pakiramdam ko, nahihilo ako sa lahat ng mga sinasabi niya... ang isipin pa nga lang buhay si Ryu.. buhay siya ay isa ng napakalaking rebelasyon.. idagdag pa ba na best friend niya si Andrei db? Naguguluhan na ako...

“alam kong nagugulat ka sa mga sinasabi ko sayo ngayon... pero, gusto ko na kasing aminin talaga ito sayo.. gusto kong humingi ng kapatawaran mo...” tapos lumuhod siya sa harap ko na siya namang ikinagulat ko... “Eunice Penelophy Maniego, patawarin mo ko sa lahat ng sakit na ibinigay ko sayo.. patawarin mo ko sa lahat ng kalungkutang ipinadama ko sayo... sana mapatawad mo ko, sana maintindihan mo ko Eunice.. hindi ko ito ginusto, alam ng Diyos na hindi kita kayang saktan.. alam niya kung gaano kita kamahal... Eunice, sana... maging Ok na lahat, alam ko, hindi ganoong kadali ang hinihingi ko, alam kong hindi ganoong kadali patawarin ang mga naging kasalanan ko, dahil tinago ko ang totoo sayo, sinaktan kita.. pero, sana maintindihan mo, para sayo din yung ginawa ko... alam ko, kahit papaano, may nararamdaman ka na sa best friend ko, o sabihin na nating mahal mo na talaga siya, hinayaan ko nlang kayong dalawa, ayoko ng umeksena, maayos ka na at alam kong mamahalin ka ni Andrei... mamahalin ka niya ng buong buo, at nakakasigurado akong hindi ka niya sasaktan... Eunice, sana maintindihan mo ko.. para ito sa ikakaayos ng lahat.. engaged ka na, engaged na din ako... palayain na natin ang isa’t isa mula sa nakaraang pareho naman nating hindi ginustong mangyari... sana Eunice, sana mapatawad mo ko...” pagsusumamo niya sa harap ko...

Sa isang banda, parang nababasag ang puso ko, pakiramdam ko, ang sakit-sakit padin.. lahat ng sakit ng nakaraan, lahat ng sakit na naranasan ko.. bumabalik.. lahat sila, nararamdaman ko ulit...

Wala akong magawa, kundi umiyak.. dito lang naman gagaan yung nararamdaman ko ee.. dito lang naman kahit papaano, mababawasan yung bigat sa dibdib ko...

Pero, tama siya.. kailangan na naming kalimutan ang nakaraan.. kailangan kong kalimutan ang lahat.. dahil, kailangan ko ng magsimula... kailangan ko ng makaalis sa anino ng nakaraan ko... sa masamang nakaraan na buong buhay ko, pinagdusahan ko...

Kailangan kong gawin to.. kailangan kong magpaalam ng tuluyan sa kanya.. ng sa ganun... mawala na ang sakit, mawala na ang hapdi.. at pareho naming maituloy ang mga buhay namin ng maayos...

Kailangan ko na siyang patawarin, para makapagsimula na sila ni Sharmie ng walang bigat na nararamdaman, na may pangambang may hinanakit ako sa kanila..

Kailangan ko ng magpatawad.. para sa sarili kong kaligayahan.. para kapag nakaharap ko na si Andrei, sigurado ako.. sigurado ako na siya lang ang mahal ko... na sa kanya ng buong buo ang puso’t isipan ko...

Kung ito lang ang paraan.. handa akong gawin..

Alang alang sa ikakaayos ng lahat..

Alang alang sa ikakagaan ng pakiramdam ko...

*

“EUNICE !! ALAM MONG MINAHAL KITA NG BUONG BUO !! WAG MO NG PAGDUDUDAHAN YON HAH.. MINAHAL TALAGA KITA..” sigaw ni Ryu sa may dagat...

Napagpasyahan naming dalawa, na sa huling pagkakataon... maging si Eunice at Ryu... sa huling pagkakataon, alalahanin yung mga panahon na Masaya kaming dalawa.. dahil pagkatapos nito.. wala na.. haharapin na namin ang susunod na kabanata ng buhay namin.. SIYA, KASAMA SI SHARMIE.. at AKO, PATULOY NA HINIHINTAY SI DREI...

Napangiti ako sa kanya.. sa araw na to.. iisipin naming dalawa na walang nangyari, babalewalain namin ang isang taon.. ang isang taon ng pagdudusa at kalungkutan naming dalawa...

Sa araw na ito.. MAHAL NIYA AKO, MAHAL KO SIYA... SIYA si MAHAL KO, at AKO, ANG MAHAL KO niya...

“ALAM NA ALAM KO YUN RAVEN YAEL UNICO ! ISA IYON SA MGA BAGAY NA HINDING HINDI KO PAGDUDUDAHAN, ISA SA MGA BAGAY NA HINDI KO KAKALIMUTAN.. MAHAL NA MAHAL DIN KITA... SOBRA, KUNG HINDI LANG IKAW.. WAG NA LANG..” kasabay ng mga katagang sinabi ko... ang pagpatak ng mga luha ko... “WAG NA WAG MO YANG KAKALIMUTAN HAH ! MAHAL NA MAHAL KITA ! SOBRA SOBRA.. !” pahina na ng pahina ang tinig ko.. tapos.. napaupo na lang ako.. subsob ang kamay sa mukha..

Hindi ko na kinaya, mahina talaga ako sa ganito.. sabi ko naman sa inyo.. ayoko ng goodbye ! ayoko ng paalamanan... iyon kasi ang pinaka-ayoko.. ang UMALIS at MAIWAN...

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko...

Niyakap niya ako... namiss ko tong ganito, namiss ko lahat to.. miss na miss ko to...

Ang hirap pala ng ganito, sobrang masakit... kahit sabihing may mahal ka ng iba.. masakit padin ee... dahil alam mo... alam mong kahit papaano may nararamdaman ka pa.. kaya masakit padin.. masakit padin talaga...

Hinalikan niya ang ulo ko... tapos, tinapat niya ang bibig niya sa may tainga ko...

“Ikaw lang, sapat na... hindi na ako maghahanap ng iba, hindi ako titingin sa iba... dahil, ikaw lang talaga.. ikaw lang, wala ng iba...” lalo akong napahagulgol...

Mas masakit pa ito kesa sa ineexpect ko kanina.. mas mabigat siya sa pakiramdam.. pero... kaya ko to... kailangan naming magpakatapang... may mahal na siya, may mahal na ako.. mahal namin ang isa’t isa... pero, mas mahal namin sila.. si DREI at SHARMIE...

Iniangat niya ang ulo ko... tiningnan niya ako, mata sa mata...

Nginitian niya ako... hawak niya ang mga pisngi ko...

“Eunice, mahal kita... alam mo yan..” tapos, unti-unting bumaba yung paningin niya sa mga labi ko... hanggang sa unti-unting lumiit ang distansya naming dalawa.. at maabot ang labi ng bawat isa....

Ngayon lang ito...

Pagkatapos nito...

MALAYA NA SIYA...

 

MALAYA NA AKO...

 

*********************************************************************************************

 

AUTHOR’S NOTE...

 

ASHIBURICHICHCICHICHI.... ERR !!

 

Alam niyo yung umiiyak? Ako yun ee, naiiyak ako nung ginagawa ko ito... kasi... kasabay nito, napagdesisyunan kong i’let go yung isang taong gusto ko... ni’let go ko siya para sa ikabubuti ng lahat... bago pa lumala yung feelings ko para sa kanya.. napagpasyahan kong... kalimutan na lang yung nararamdaman ko.. napagpasyahan kong bitiwan na lang yung pag-asa ko...

 

Kahit alam ko, gustong gusto ko talaga siya.. kahit alam ko sa sarili kong nasasaktan ako, kahit ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko tungkol dito... napagpasyahan kong... mag’Let go na lang...

 

Kyaaaaaaaaaaaaah.. kaya naiiyak ako, arte much ba? Sorry naman... ganun talaga si Author..

 

Kaya pagpasensyahan niyo na kung talagang kaiba tong update na to.. kung walang sense at parang ang gulo-gulo..

 

Ganyan kasi takbo ng utak ko ngayon ee...

 

Hahahahahaha.. yae niyo na lang hah...

 

Osya~ ito yung part two na sinasabi ko sa inyo...

 

Pakisipagan ang pagVote at Comment para matuwa naman ako... 50 comments naman jan oh ! saka 50 votes.. pde ba? Hehehe.. kahit bigay lang kayo reaction sa STORY ^O^ Masaya na ko dun.. balato niyo a lang sa akin.. hehehehe

 

Kung hindi kaya ng 50.. eee.. kayanin niyo, naka’5o+ nga kayo sa isang chapter ee, kaya keri niyo yan.. hahahaha

 

Osya~ thanks sa inyong lahat... naglabas lang ako ng stress XDD

 

PS: kung sino ka man na kilala yung tinutukoy ko at yung mga involve.. OK LANG AKO.. tamang inarte lang.. wag ka mag-alala, wala to.. MAS MAHAL KITA KESA SA LALAKING TO XDD –pentium 1-

 

--sassyabhie05 (3/20/12)

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 384 21
A story of an ugly duckling who received an offer to be a model. Thank you @Shei_camille for the simple yet romantic cover for this.
99.6K 5.4K 26
C O M P L E T E D --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng k...
6M 75.4K 102
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- After more than 2 years, may kanya-kanya na silang career. And until now, hindi pa rin na...
415K 7.3K 71
Irish is a girl that tries her best to live a life as a strong, independent woman. One day her whole world became a total "sh*t show" as how she call...