A Love to Report [Fin]

By YGDara

3.6M 63.2K 2.3K

Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano... More

A Love to Report
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen [1]
Sixteen [2]
Sixteen [3]
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
HAPPY
Forty [1]
Forty [2]
Forty [3]
Epilogue

Twelve

75.8K 1.3K 21
By YGDara

Two years ago ..

Malawak ang ngiti ni Adie buong maghapon sa trabaho niya. Marami-rami naring poems at stories ang naisubmit niya sa editor niya. So far, lahat ng mga iyon ay na-approve. Iba talaga ang nagagawa kapag may inspirasyon sa buhay. Nandiyan ang pamilya niya na suportado na ang larangang pinasukan niya lalo na ang mga magulang niya. Ang kuya at ang girlfriend nitong si Ate Alex na kahit kailan ay hindi siya iniwan. At ang pinakaimportante,nandiyan ang isang Kenneth Carpio sa buhay niya.


Nagkakilala sila ni Kenneth noong twentieth birthday niya. Inimbitahan ito ng parents niya dahil kaibigan ng mga ito ang mga magulang ni Kenneth.

-------

"Bakit nag-iisa ang birthday girl? Baka magkasakit ka niyan."


Napalingon si Adie sa kinauupuan kung saan nagsusulat siya ng poems niya. Kumunot ang noo niya ng makilala niya kung sino ang hangal na umistorbo sakanyang pag-iisip. Kenneth Carpio. Pinakilala ito sakanya ng Mommy niya kanina nung nag-iikot sila sa mga bisita. Hindi niya ikakaila na gwapo ito. Kaya lang, may aura itong ikinaiinis niya. Maybe the way he talks, parang ang presko.


Hindi niya namalayan na umupo na pala ito sa tabi niya at kinuha ang notepad niya.


"Ano ba?!" asik niya rito. Pinilit niyang kunin ang notepad niya mula rito pero sa sobrang tangkad nito ay hirap siyang maabot iyon. At tila huminto ang paghinga niya ng biglang lumingon ito sakanya dahilan ng pagtama ng mga tungki ng ilong nila. Sa sandaling iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Adie. Tinitigan niya ang mata ni Kenneth, she could sense amusement and adoration in his eyes. So as she thought..


Nang matauhan siya ay bigla siyang lumayo mula rito at pinilit na kinalma ang sarili sa nangyari sa kanilang dalawa. Tila naulingan nito ang awkwardness na namagitan sakanila kaya naman nagsalita ito.


"Uhm..pwedeng mahiram ang ballpen?" tanong ni Kenneth sakanya. Nang hindi ito nililingon ay iniabot nalang ni Adie ang ballpen rito.

Sa gilid ng kanyang mga mata, ay napansin niyang nagsulat ito saglit sa notepad niya. Kaya naman binalingan niya ito. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay yung pinapakealaman ang gamit niya.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" galit na suway niya rito.


Pero imbis na magsalita ay ngumiti lang ito sakanya at iniabot ang notepad niya. Binasa naman niya ang poem na isinusulat niya kanina habang nakatingin sa kalangitan.

I'm sitting here
Watching what's above
I couldn't help but feel
That I needed love

Like the stars I see
Shining beautifully
I couldn't help but ask
What's wrong with me?


Hanggang doon lang ang isinulat niya pero may nakadugtong pa doon. And she knows that this is what Kenneth wrote. At nang mabasa niya iyon ay hindi niya napigilang mapangiti.


Like the stars above
You are shining bright
I ask myself, "Am I inlove.."?
"..and is it at first sight"?

You wanna know
what is wrong with you
Then I'll tell you
That you're just to good to be true

-----

Simula noon ay nagkamabutihan sila ni Kenneth. Nagsimula sa paglabas labas hanggang sa ayain na siya nito ng date and then it went official. Naging sila rin after few months. And now, they are down in their second anniversary. Adie's feeling excited. Magha-half day lang siya sa trabaho. Nakapagpaalam narin naman siya sa Ate Alex niya. Naiintindihan nito dahil ganito rin ito kapag monthsary or anniversary din nila ng kuya Adrian niya.


Kanina niya pa tinawagan si Kenneth sa cellphone nito pero hindi nito iyon sinasagot. She even tried calling his office pero lagi siyang nadadirect sa voice message. Naisip niya na baka busy lang ito kaya hindi magawang sagutin ang mga tawag niya.


Naisip tuloy ni Adie na sorpresahin nalang ang ito sa opisina nito. Si Kenneth ang vice president ng Media and Publishing Company ng pamilya nito. Ang kuya nito ang president at ang ama parin nito ang acting CEO. Kaya madali silang nagkasundo ni Kenneth ay dahil tulad niya mahilig din itong magsulat. Kaya lang, mas hilig nito ang feature writing.


Kilala naman si Adie ng guard sa building nito kaya walang hirap na nakapasok siya sa loob ng gusali. . Nang makarating siya sa floor kung saan makikita ang office ni Kenneth ay masayang inayos niya ang sarili sa salaming nadaanan niya. Napansin niyang wala sa desk nito si Ana,ang secretary nito na mukhang manang kung manamit. Kaya naman umupo muna siya sa waiting area at baka nagrestroom lang ito o kaya nasa meeting rin.


Habang nakaupo ay naalala niya ang last anniversary nila ni Kenneth. They were at a romantic dinner sa isang restaurant sa hotel. Everything was perfect. Wala nang maihihiling pa si Adie noon pa man. After that dinner, they ended up in a presidential suite na inihanda ni Kenneth para sakanilang dalawa. Muntik na nilang gawin 'iyon' pero buti nalang nakapagpigil siya. Hindi pa niya kayang ibigay iyon kay Kenneth. Lalo na at maaga pa para doon. Nakita niya ang pagkairita sa mukha noon ni Kenneth dahil siguro bitin pero sa huli ay nirespeto nito ang desisyon niya.


And now, it's their second year anniversary napag-isip isip niya na kung darating ulit sila sa ganoong tagpo ay hindi na siya magdadalawang isip na ibigay iyon sa taong pinakamamahal niya. Kenneth have waited long enough, at na-prove narin nito ang respeto at pagmamahal nito sakanya. She smiled at that thought.


Naputol ang pag-iisip niya ng may marinig siyang nabasag mula sa loob ng opisina ni Kenneth. Kinabahan siya Baka kung ano ang nangyari kay Kenneth. Nag-alala siya at natakot kaya naman dali-dali siyang tumayo at pumasok sa loob ng opisina nito.


"SHIT! BABY!" gulat na sabi ni Kenneth.

Kusang nagsituluan ang mga luha ni Adie nang makita niya ang ayos ni Kenneth. Nakaupo ito sa swivel chair nito at gulo-gulo ang buhok. Wala na ang pang-itaas na damit ngunit may pantalon pa. Habang hubo't hubad naman ang babaeng nakakandong rito paharap na ngayon ay nasa sahig na dahil sa pagtulak rito ni Kenneth nang makita siya sa loob.


"Aray naman sir, hindi mo ba nagustuhan ang--aray!"


Walang pakelam si Adie na hubo't hubad ang makating secretary ni Kenneth dahil walang sabing hinila niya ito sa buhok at pinagsasasampal. Walang habas na masasakit na sampal at sabunot ang ibinigay niya kay Ana. She was hurt. Damn hurt! She has every right to do this!


Naramdaman nalang ni Adie na inilayo na siya ni Kenneth kay Ana na nagdugo ang gilid ng labi. Nagulat si Adie ng mapagtantong hindi ito ang Ana na mukhang manang na inakala niya. What was that? A disguise? An act?


"Walang hiya kayo!! ANG BABABOY NIYO!" sigaw niya sa mga ito. Pilit siyang kumakawala sa hawak ni Kenneth pero mas malakas talaga ito. Tumayo si Ana at parang walang pakelam na isinuot ang damit nito.


"It's not my fault that you are a boring girlfriend,Adie." nakangising sabi ni Ana sakanya.


"ANA!" galit na suway ni Kenneth rito.


"What? Sinasabi ko lang naman ang mga hinaing mo Kenneth. That she was being clingy,nosy,childish and most importantly boring." Ana stressed out every word she said.



"ENOUGH!" Kenneth's voice boomed that made Ana stopped.



Adie clenched her jaw. Hindi ito nararapat para sakanya. Buong lakas niyang tinulak si Kenneth at sinampal ng buong lakas na natira sakanya.



"Clingy?Nosy?Childish?Boring?" sa bawat salita ay may kapalit na suntok sa dibdib ang ibinigay ni Adie kay Kenneth. She was goddamn hurt!


"It's over." seryosong sabi niya habang patuloy parin ang luhang umaagos sa pisngi niya.


Mabilis na hinablot niya ang kanyang bag at dali-daling umalis sa opisina nito. Mabilis siyang pumasok sa elevator pero huli na nang sumunod sakanya si Kenneth. Inihinto nito ang elevator at hinarap siya.


"Adie let's talk." seryosong sabi nito.


"No. We are over Kenneth. Bumalik ka na sa secretary mo at gawin mo na ang 'work' niyo." matabang na sabi niya. Habang binabalikan ang nakita niya kanina ay nandidiri siya. The thought that she was willing to give herself to this man!


"I'm sorry baby, I was tempted. 'Wag mo naman itapon lahat ng meron tayo dahil sa isang pagkakamali ko." may pagkainis na sa tono nito na lalo pang nagpainis sakanya.


"Ako pa ngayon?! Kenneth committed tayo! You should know that by yourself! Wala akong pakelam kung tempted ka dahil kung mahal mo ako ay tatanggi at tatanggi ka! Maghintay lang Kenneth, yun lang ang hiniling ko sa'yo. Akala ko naiintindihan mo ako. Pero ano ha?! Dahil diyan sa baluktot mong rason na 'I have needs' ay tinikman mo iyang makating secretary mo! Pwes! Magsama kayo. You can taste every woman in this planet!" mabilis na itinulak niya ito at pinindot ulit ang button sa elevator para bumaba ulit ito.


Akala ni Adie tapos na pero marahas siyang sinandal ni Kenneth sa hamba ng elevator. "I waited long enough Adrienne! Hindi ako papayag na mawawala lang iyon sa isang iglap!" and then he started kissing her lips down to her neck. Siguro kung walang Ana at pagtataksil ay hahayaan ito ni Adie,pero iba ngayon. Nandidiri siya sa ginagawa nito kaya naman tinuhod niya ito ng malakas sa ari nito dahilan upang mapaluhod ito at mamilipit sa sakit.


Saktong pagbukas ng elevator ay nandoon ang Kuya at Papa ni Kenneth na halatang nagulat dahil sa tagpong nakita nila sakanila ng anak at kapatid nito. Taas noong naglakad palabas si Adie.


Ngunit kahit anong gawin niyang pagpapakita na wala siyang pakelam ay hindi talaga niya kaya. She was just cheated by her boyfriend. Muntik pa siya nitong gahasain. Mahal na mahal niya ito pero itinapon lang nito lahat. She was furious! Disgusted of what she saw. That day was her first heartbreak.

----


That was the story behind that poem that Marco found in her trashbin. Inaamin niya, kapag naaalala niya ang pangyayaring iyon sa buhay niya nakakaramdam parin siya ng sakit at galit. Minsan na nga lang siyang mainlove, wawalanghiyain pa.


After what happened, Kenneth tried to contact and talk to her. Buti nalang her Kuya Adrian was always there to get rid of that asshole. She tried dating some guys, pero hirap parin siyang makahanap na magseseryoso talaga. Lahat ata ng nakadate niya ay gusto lang ng fling o yung mga tipong magpapaalis lang ng libog sa katawan. Hindi iyon ang gusto niya. She wants long term. Pero sa panahong ito, bihira na ang mga ganoon.


Hindi na siya muling pumasok sa trabaho. Bahala na si Marco sa buhay niya. Sa totoo lang, pwede niya itong kasuhan dahil sa paggamit nito sa kanyang poem na walang paalam. Pero hinayaan niya nalang ito. Bakit ba niya iniisip si Marco ngayon? Matapos siya nitong husgahan na kala mo close sila at kilalang-kilala siya.


Ginulo ni Adie ang buhok niya sa gulo ng isipan niya. Ayon na eh, mapapalapit na sana siya sa New York dream niya kaya lang biglang naglaho na parang bula! Buwisit kasi si Marco! Kung hindi sana ito nagsalita ng ikaiinis niya ay hindi siya magdadrama at magwo-walk-out ng ganoon. Ngayon, tila nawawalan na siya ng pag-asa para kunan ng interview ito.


"Bakit nakabusangot ang princess ko?" untag sakanya ng Kuya Adrian niya.


Nakalimutan niyang nasa reception pala siya. Ayan ang nagagawa ng sobrang pag-iisip. Sa wakas ay kinasal na ito at ang Ate Alex niya. She was very happy to see the two important people in her life getting wed.


"Nothing,Kuya." nakangiting sabi niya rito at niyakap niya ito.


"Good. Akala ko may bumabagabag nanaman sa iyo. Is it this Marco guy?" nakangising tanong nito sakanya.


Ate Alex.

Kahit kailan talaga ay napakadaldal ng babaeng iyon. Umiling nalang siya sa kuya niya at tinulak na papunta sa asawa nitong hinahanap siya. Nakita niyang nagkatawanan pa ang bagong kasal ng tignan siya ng mga ito. Bumalik si Adie sa upuan niya at tinignan ang mga taong nagsasayawan sa gitna.


"Kailan mo ba susundan ang kuya mo?"


Nakangiting binalingan ni Adie ang mga magulang niya. Nakangiti ang mga ito habang nakatingin sakanya.


"Mommy, twenty-four palang ako. I have many years pa." natatawang sabi niya rito.


"Adrienne Marie, iba parin yung may nag-aalaga sa'yo. Kahit hindi asawa, boyfriend man lang." sabi ulit ng mommy niya.


"Mommy I can take care of myself, tsaka nandiyan naman kayo nina Daddy at Kuya, 'di ba?" inihilig niya ang ulo sa balikat ng mommy niya. Kinurot siya sa singit ng mommy niya dahilan para matawa siya.


"Ikaw talagang bata ka! Kasal na ang kuya mo, kami ng daddy mo ay hindi palaging nandiyan sa tabi mo. Hindi ka na nagka-boyfriend pagkatapos ni Kenneth." ganyan ang mommy niya, sa sobrang pag-aalala sakanya at sa sobrang daldal ay madalas walang preno ang bibig.


"Adelaide." saway ng daddy niya sa mommy niya.


"Sorry anak. Hindi ko naman sinasadya." hinawakan ng mommy niya ang kamay niya.


"Okay lang mommy. Matagal na iyon, besides I go on dates pero wala talagang pumapasa sa standards ko. Ano'ng magagawa ko? Choosy ang prinsesa niyo." natatawang sabi niya sa mga ito.


Napabuntong-hininga nalang ang mommy ni Adie sa sinabi niya. "Hay naku, Mauro. Bakit napaka-weirdo ng anak natin?" naiiling na sabi ng mommy niya.

"Kanino pa ba magmamana,Adelaide?" nakangiting sabi ng daddy niya.

Napangiti si Adie habang pinagmamasdan ang parents niyang naghaharutan sa harap niya. She still finds it sweet. Kahit na matanda na ang mga ito, ay hindi parin nawawala ang pagmamahal sa mga ito. She could still see the admiration on his father's eyes at ganoon din sa mommy niya.

Ganoon.

Ganoong love ang hinahanap niya. Walang panghuhusga, walang pagtataksil, walang what if's at doubts. Kaya kung magmamahal ulit siya ay sisiguraduhin niyang katulad ng sa parents niya.


She just hopes that the man she is bound to love one day will not be like Kenneth.

-------

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 344K 78
She's still holding to their promise that they'll love each other until eternity. Can she keep that promise and stay loyal to him or indulge herself...
4.3K 185 10
Mike Geffen Castillo's story All Rights Reserved. April 2024. Miss Kae @KaeJune
1M 11.3K 15
Usually, a couple gets engaged as they fell in love and bounds to be together for the rest of their lives. The guy goes down to his knees and asks pe...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...