Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

Epilogue

26.2K 616 140
By JoeBeniza

Kier's point of View

Nagmadali ako sa pagbukas ng pinto para makita ang aso ko. Tahol na ng tahol si Pogi na tila excited nang makita ako. Binuksan ko ang gate ng bahay at  tumabad sa akin si Alleiea kasama si Pogi.

"H-Hello, sir Kier! Aso niyo po ito 'di ba?"

"Oh my god! Buddy!" Inabot ni Alleiea sa akin ang aso ko at agad ko naman kinarha si Pogi. "I missed you buddy. Please don't run away from me again."

"Alleiea maraming salamat. Saan mo siya nakita?"

"Doon po malapit sa bahay. Galing ka po ba ng sementeryo kahapon, sir Kier? Malapit kasi ang bahay namin doon kaya nakita ko siyang pagala-gala sa kalye namin."

Speechless ako. I was worried sick about my dog at buti na lang si Alleiea ang nakakita. Dahil sa saya niyakap ko siya. "Thank you, Alleiea."

***

7 months passed. Naging sobrang busy ako sa trabaho. Miss na miss ko na siya. Hangang ngayon nagsisisi pa rin akong pinalampas ko ang pagkakataon na mapasa-akin siya. Kamusta na kaya siya sa Korea? Sila na kaya ni Shane?

Ako ang huling lumabas ng opisina at nauna na ang dalawa naming kasama. Si Alleiea naman ay naka-maternity leave na. Paglabas ko ng building nakatanggap ako ng tawag mula sa isang unregistered number. Sinagot ko naman ito.

"Hello?"

"Kier... Si Shane ito. Magkita tayo ngayon sa airport. There is something you have to do."

Hindi ko na nagawang magtanong kung bakit dahil bigla niyang binaba ang tawag. Pero boses nga iyon ni Shane. Ano kayang ibig niyang sabihin? Damn! Baka si Valerie.

Nagmadali akong sumakay sa kotse ko at mabilis na nagmaneho papunta sa airport. Pagdating ko doon pumunta ako sa waiting area ng arrivals. Ilang saglit pa, natanaw ko si Shane na naka-sunglasses, at black cap. Kinawayan ko siya at nang makita niya ako nilapitan niya ako agad.

"Shane bakit ka nandito? Ano 'yong sinasabi mo'ng kailangan kong gawin?"

Lumingon si Shane sa likod niya at nakita ko si Valerie na nakatayo sa 'di kalayuan.

"I tried to make her happy. But it seems that the only one who can make her happier is you. I' letting her go and I don't want you to messed it up this time, okay?" sambit ni Shane.

Tila huminto ang mundo ko, hindi ako makapaniwala na nandito siya at bumalik. Para sa akin ba? Dahan dahan ako'ng lumakad palapit sa kanya habang tinititigan ko siya. Ano'ng sasabihin ko? Bakit parang naduduwag ako.

Biglang tumunog ang phone ko kaya't nasira ang moment na dapat paglapit ko kay Valerie. Hindi ko dapat ito papansinin pero ring ng ring kaya sinagot ko na.

"H-Hello sino ito?"

"Sir Kier, si Alleiea po. Please help me manganganak na po ako!"

It's a matter of emergency kaya't nagaalala ako agad, "Alleiea nasaan ka? Can you hold on?"

Tumalikod ako kay Valerie at akma na sanang aalis pero pinigilan ako ni Shane.

"Kakasabi ko na lang na don't messed it up. Where do you think you're going?"

"It's an emergency Shane. A friend of mine is about to deliver her baby," sagot ko.

"Give me that!" Kinuha ni Shane ang phone ko. "Ako na ang tutulong sa kaibigan mo. Go get her."

Pagtingin ko kay Valerie nakatalikod na siya at naglalakad papasok ulit ng arrival area.

"Shane ikaw na ang bahala. This time hindi ko na palalampasin ang pagkakataon," tumakbo ako para habulin si Valerie at nang malapit na ako tinawag ko siya.

"Valeng wait! Please... Listen to me first. Valeng I am really sorry. Patawarin mo sana ako sa lahat ng hirap na dinanas mo ng dahil sa akin. Sa lahat ng sakit na naidulot ko sa'yo. Huwag kang umalis please. You were always there for me. Hindi mo ako iniwan, through my sorrows and sadness you were there. Ikaw ang tumulong sa akin sumaya ulit. Ikaw ang dahilan kung bakit may dahilan pa rin ang buhay ko. Kung mawawala ka ng tuluyan ay 'di ko na kakayanin. Ikaw ang nag-iisang dahilan ng kasiyahan ko. Hindi ako kumpleto kapag wala ka. I love you Valerie and this time, I really knew that I'll do. I'll cherish every moment with you. I uh... I can't live without you."

Hinintay ko ang isasagot niya. Tahimik lang siya na nakatalikod sa akin. Ilang saglit pa ay humarap siya sa akin at muli akong niyakap.

"Akala ko magiging masaya ako sa pag-alis ko. Yun pala maiiwan lang ang puso ko. Ngayon bumabalik ako para sa'yo. Lalo na ngayong alam ko na na mahal mo rin ako," sagot niya.

"Mahal na mahal," dagdag ko.

Tinitigan ko siya sa mata at gano'n din siya sa akin.

"Am I dreaming?" Tanong ko, dahil talaga ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko.

"Shut up," sambit niya at bigla niya akong hinalikan. Nagtama ang aming mga labi na tila ito ay para sa isa't isa.

We kissed like there's no tomorrow. We kissed like we don't want to lose each other again. We kissed as we feel the love from each other. We kissed like we own the world. We kissed like this is the start of a new beginning.


***

Alleiea's point of View

Lalabas na ang baby ko at ang masama pa dito... bakit kasi ang layo ng hospital dito sa amin? Tapos ang ambulance sobrang tagal pa. Wala pa si Mama at Papa. Hindi dumating si sir Kier nang makiusap ako pero dumating naman ang pogi niyang friend, si sir Shane. Nakasakay ako sa kotse niya at nagmamadali siyang nagmamaneho para maitakbo ako sa hospital.

Ang swerte ko, sikat na artista pa ang nagtatakbo sa akin ngayon. Kahit masakit ang puson ko kinikilig ako ng very very light. 

"Hold on. Malapit na tayo," sambit niya sa akin. Ang pogi niya kahit mukha ng nagaalala.

Nakarating kami ng hospital at agad siyang bumaba ng sasakyan. Tapos binuksan niya ang pinto sa upuan ko at kinarga niya ako palabas. Oh my god talaga ng very very hard! Baby huwag ka muna lalabas, karga pa si Mommy ng prince charming niya. 

Inihiga ako ni Shane sa tulong ng mga nurse sa isang stretcher at madaling madali nila akong dinala sa delivery room. 

"Oh my God! Please hurry lalabas na siya!" Sigaw ko. Dahil may kung ano na akong tubig na naramdaman na parang pumutok sa baba ko.

"Relax ka lang. We'll be at the room soon." Sinamahan ako ni Shane at hawak hawak niya ang kamay ko habang dinadala ako sa delivery room. Nang makarating naiwan siya sa labas at nagsimula na ang panganganak ko.

Matapos ang isang oras, nailabas ko rin si baby. Grabe sobrang hirap at nakakapanghina pero napawi lahat ng iyon ng makita ko ang mukha niya. Kamukhang kamukha ko siya.

"It's a baby boy. Anong ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ng doctor at ipinakarga niya sa aking ang baby ko.

Marami na akong naisip na pangalan pero para ba'ng nawala lahat sa isip ko lahat ng iyon after ko manganak. Ang nasa isip ko lang masaya ako dahil malusog siya at maingay.

"Hindi makasagot si Misis. Mabuti pa tawagin niyo 'yong daddy sa labas," sambit ni Doc. Hala mukhang napagkamalan pa nila si Shane na Daddy ng baby ko.

Pagpasok ni Shane nakita niya ang baby ko at napangiti siya. Siguro mahilig lang talaga siya sa mga baby. 

"Kamusta kayo? Okay ba kayo?" Tanong niya habang nakangiti.

"Sir Shane... Uhm pwede ko ba'ng ipangalan sa inyo ang anak ko?"

Lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Shane at tumango siya, "Oo naman."

"Salamat, sir Shane." Tumingin ako kay baby at kinausap siya, "Mula ngayon baby, ikaw na si Shane Bier. Dapat maging kasing gwapo ka ng pinagkuhaan natin ng pangalan a."

Muli akong bumaling kay Shane, "Maraming salamat, sir Shane. You saved us both."


***


Valerie's point of View

Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng ginawa ko ang pinaka tamang desisyon sa buhay ko. Kasama ko sa araw araw ang taong mahal ko. Ang taong dati kinaiinisan ko lang at gustong gusto ko lang pag tripan. Pero ngayon, ang taong 'yon ay siyang nag bibigay dahilan para mabuhay.

Nasa airport kami ngayon para sunduin daw ang client niya para sa isang kaso.

"Naaalala mo pa ba ang lugar na ito baby?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? What do you mean?" Pabalik na tanong ni Kier sa akin.

"Nakakainis 'to! Dito tayo nag kakilala!"

"Ay dito ba 'yon? Sorry 'di ko naalala eh." Sambit niya habang kumakamot pa sa ulo.

Nakakainis! 'Di ba dapat memorable 'tong lugar na ito para sa amin? Bahala siya. Hindi ko siya kakausapin.

Ilang saglit pa ay napansin niyang hindi ko siya kinakausap.

"Baby? Bakit tahimik ka yata?" Tanong niya.

"Wala!"

"Baby naman. Ano'ng problema? Gutom ka na ba? Naiinip ka na ba? Don't worry parating na 'yon." Sambit niya ng nakangiti.

Aba! Nakangiti ka pa ah. Naiinis na talaga ako!

"Okay." Sambit ko at binigyan ko siya ng fake smile.

Tinawanan niya ko habang naka titig sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Anong problema mo?" Sinungitan ko siya.

"Ang cute mo magalit eh. Tsaka ang ganda mo talaga." Sagot niya habang nakangiti.

"Eh 'di wow! Hindi ako maganda!"

"Galit ka na?" Tanong niya sa akin. Nakakaasar 'yong tanong niya sabay nakangiti. Kainis! Iiwan ko talaga 'to dito eh.

Hindi ko nalang siya pinansin at 'di ko siya tinignan. Pero nakatitig pa din siya sa akin habang nakangiti. Pang asar talaga!

"Tsk!" Tinakpan ko ang mukha niya ng kamay ko dahil medyo natitinag na ang inis ko sa kanya sa titig niyang nakaka kilig.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ba ako tinitignan ng ganyan?" Tanong ko.

"Wala masaya lang ako sa naging desisyon ko na mahalin ka habang buhay." Sagot niya.

"So parang nag decide ka lang na mahal mo ako hindi 'yong bigla mo lang naramdaman?" Tanong ko.

"Ofcourse not. Baby love is not just a feeling its a decision. Ang feelings nawawala, paano kapag one day wala ka nang feelings sa akin ano ang gagawin mo?" Tanong niya.

"Hindi mangyayari 'yon!" Giit ko.

"How if it happens?"

"Eh 'di ibabalik ko agad. Lagi kong ibabalik dahil..." Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang hinawakan ang aking pisngi.

"Because you decided to love me for life, isn't that right?"

Tumango ako sa sinabi niya. Nakatitig siya sa mga mata ko at siryosong siryoso. Hindi namin alintana ang mga tao sa paligid. Kapag kasama ko siya, nawawala lahat at kami lang natitira.

"See... Love is a decision not just a feeling. Now I've decided..." Sambit niya at bigla siyang lumuhod sa harap ko. Napahawak ako sa aking bibig para pigilan ang kilig na nadarama.

"Maria Valerie Magtalas. Mahal kita kahit dragon ka. Mahal kita kahit hindi ka masarap magluto or kahit hindi ka marunong maglinis ng bahay, I need a wife not a maid. Mahal kita maging ano or sino ka pa. Mahal kita kahit K-Pop ka. I love your flaws and everything about you. I can't live without you anymore..."

Lalo akong kinilig na parang gusto ko nang tumili at tumalon sa saya nang bigla niyang ilabas ang isang diamond ring.

"Valeng Dragon ng buhay ko. Will you marry me?"

Tumulo ang luha sa aking mga mata sa katanongan na kanyang sinambit. Naiiyak ako sa tuwa at sobra akong na-touch sa kanya.

"Yes. Yes I will marry you Kier puppy ng buhay ko!" Sagot ko. Dahil hindi na dapat palampasin ang pag kakataon.

Isinuot niya sa aking daliri ang singsing, tumayo siya at hinalikan ako. Nag palakpakan naman ang mga tao sa paligid at binati kami.

Niyakap niya ako ng mahigpit at muling hinalikan.

"Wala talaga tayong hinihintay dito, gusto ko lang mag propose kung saan tayo unang nag kita. Dito sa lugar na 'to may nawala sa buhay ko, pero dito din pala sa lugar na ito darating ang magbibigay kahulugan sa buhay ko." Sambit niya.

Kinikilig talaga ako. Akala ko nakalimutan niya talaga ang lugar na ito. Excited na akong maging Mrs. de Leon.

"Kailan tayo mag papakasal?" Tanong ko. Excited na talaga eh.

"Now!"

"Huh? What do you mean?"

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at lumabas kami ng airport. Pag labas namin ay may isang puting kotse na may mga bulaklak sa harap nito ang naghihintay sa amin.

Bumukas ang bintana at nakita ko si Papa na nasa driver seat.

"Hello anak! Ready ka na ba ikasal ngayon?" Tanong ni Papa.

Tumingin sa akin si Kier na tila nag hihintay ng sagot.

"I'm not ready but I don't care. Let's get married baby!" Sambit ko kay Kier.

Sumakay kami ng kotse at hinatid kami ni Papa sa isang park.

"Dito tayo ikakasal?" Tanong ko.

"Yap!" Bumaba kami ni Kier ng kotse at sinalubong kami ng mga kaibigan namin.

Nandito si Mingay, si Mama Evang na kaka-kasal lang kay Papa a year and a half ago, si Karlo na mukhang single pa din, si Rex at si Cheska na mag ka holding hands, mukhang sila na. Nandito din ang mga dati kong ka grupo, si ate Candice, Angel, Keila, pati ang manager namin na si Ms. Ange. Nandito din ang stuff and crew ni Ma'am CJ, mukhang sila ang maghahanda para sa reception. Nandito din ang mga malapit na kamag anak namin ni Kier.

Nagulat talaga ako. Wala akong kaalam alam na may naka setup na ganito si Kier.

Sinalubong din ako ng parents ni Kier na siyempre hindi mawawala sa araw na ito. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari.

"Bes!!" Tumitiling sigaw ni Mingay "Kasal mo na!"

Abot tenga ang aking ngiti sa lahat ng nakikita ko ngayon.

"Oo nga eh. Grabe wala akong kaalam alam na ngayon na ako ikakasal. Kita mo naman suot ko bes. T-Shirt at Jeans lang." Sambit ko kay Mingay.

"Huwag ka mag alala bes. Naayos na baga ni Kier lahat. May portable room kami dito para makapag palit ka. May gown kana din sa loob."

Tama nga si Mingay may mga portable rooms nga sa paligid. Ang lahat ay nakabihis na para sa kasal namin. Ako nalang at si Kier ang hindi pa.

"Baby, excited na akong maging asawa mo kaya punta muna ako sa room ko para mag bihis ah. Bihis ka na din. See ya later my soon to be wife." Sambit ni Kier, nginitian niya ako at kinindatan pa ako. Pumunta siya sa kanyang room para mag bihis.

Hinatak din ako ni Mama Evang at ni Mingay papasok ng room ko para makapag bihis. Sila ang nag ayos sa akin. Pagkatapos ay tumugtog na ang theme song namin ni Kier sa paligid. Ikaw by Yeng Constantino.

(Now Playing: Ikaw by Yeng Constantino )

Mukhang ako na lang ang hinihintay, lumabas ako ng kwarto at ang lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Ginawan nila ang park ng tila isang simbahan na nasa labas. May mga upuan na mahahaba para sa lahat at punong puno ito nga mga bulalak. Sa gitna ay may pulang carpet kung saan kami mag lalakad at sa may dulo ay isang altar para sa amin ni Kier na napapalibutan din ng mga bulaklak. Mukhang naubos pa ang tinda ni Mama Evang dito ah.

Suot ang aking simpleng gown pang kasal, dahan dahan akong naglakad papunta kay Kier na nag hihintay sa akin sa altar.

Kasama ko si Papa at si Mama Evang papunta doon.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero naiyak ako habang nag lalakad papunta kay Kier, sa haba ng pinag daanan namin at sa mga problema na aming hinarap, hindi ko lubos akalain na sa bandang huli kami pa rin.

Habang papalapit ako kay Kier, nakita ko sa kanyang mga mukha na tumulo ang kanyang luha. Niyakap siya ni Papa at ni Mama Evang. Niyakap din ako ni Papa Joe at ni Mama Tina na sobrang ganda. Naiiyak pa si Mama Tina.

"Ikaw na bahala sa baby boy namin ah. Masaya kami na ikaw ang nakatuluyan niya." Naiiyak na sambit ni Mama Tina.

"Huwag po kayong mag alala Mama, mamahalin ko po siya habang buhay." Sagot ko.

Nagharap kami ni Kier at inialok niya ang braso niya para kapitan ko. Humawak ako sa braso niya at dahan dahan kaming humarap sa Pari at sa altar na sinetup nila dito sa park.

"Baby why are you crying?" Tanong ko kay Kier.

"I just can't believe na magagawa ko lahat ng ito. I just can't believe na matutupad na ang pangarap ko. Ang pangarap ko na makasama ka habang buhay."

Nginitian ko siya at pinunasan ang luha niya. "I love you baby. Nasurpresa mo ako ng sobra. Hindi ko alam na mangyayari ito."

"I love you too. Ako ang nasupresa mo ng dumating ka sa buhay ko."

At siyempre nag umpisa na ang wedding ceremony namin. Mahaba pero nakakatuwa. We exchanged our vows and put our wedding rings.

"You may now kiss the bride." Sambit ng Pari na nag kasal sa amin.

"Paano ba 'yan kiss daw." Sambit ni Kier sa akin habang nakangiti at nakatitig sa akin.

Ngumiti ako at sobrang kinikilig sa loob loob ko. Ang gwapo gwapo ng asawa ko.

Hinalikan namin ang isa't isa. Halik na tanda na kami ay iisa na.

"Congratulations Mr. Kier and Mrs. Valerie de Leon!"

Nagdiwang ang mga tao. Kanya kanya ng bati sa amin ni Kier. Sobrang saya ko hindi lang ngayon kung 'di mag pa habang buhay dahil asawa ko na ang poging Puppy na si Kier de Leon.

Unexpected, pero ika nga ng paborito kong author sa wattpad. "Good things happened when you are least expecting it."


***


Kier's Point of View

I still can't believe na we end up together after all the struggles and drama. With her by my side wala na akong mahihiling pa.

Natangap naman ni Shane ang nangyari at ipinagpatuloy niya ang kanyang mga pangarap sa dito sa Pilipinas. Apparently, nagkamabutihan sila ni Alleiea as time goes by siya na ang tumayong daddy ni baby Shane. Ang sabi niya mas importante kung saan magiging masaya si Valerie. Ngayon ang minahal niya ay may dagdag na mamahalin rin niya. So sabi niya mas panalo daw siya. He's actually now my best friend too.

8 years later

Bumisita kami sa puntod ni Jana. Kasama ang pamilya ko at ang mga aso namin.

"Hi Jana. Happy birthday. Sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. Siguro ikaw nag guide kay Pogi para maging kupido ko eh. Maraming maraming salamat. You will never be forgotten." Sambit ko sa puntod ni Jana.

Biglang yumakap sa likod ko si Valerie. "Daddy gutom na daw sila. Grabe ang likot ng mga anak natin napagod ako."

"Sige mag pray lang tayo saglit then we will eat. Tawagin mo na ang kambal natin, Mommy." Sagot ko.

"Janno! Janna! Babies come here. Mag p-pray na tayo for Tita Jana then we will eat!"

"Yes Mom! Coming!"

Kay sarap sa pakiramdam. Alam mo 'yong akala mo tapos na ang kwento ng buhay mo ng mamatayan ka ng isang taong sobrang importante sayo? Pero hindi pa pala dahil sabi nga nila, kapag may umalis may dumarating. Minsan sobra sobra pa ang darating sayo.

Ako si Kier de Leon at dito nag tatapos ang kwento ng Puppy at ng Dragon.

Last part of Jana's letter

...

Remember me my love, I will always be in your heart.

P.s.

I know this goodbye is the hardest thing that you can accept. But I know for sure that someday you will move on. I want you to love again. Once you met her don't ever let her go. Actually, I think you already met her and I am happy for you. I know for a fact that she can love you like I did or even better. I know you will be happy with her. Goodbye and may God always guide your way.

- Jana

-The End-

Author's Request:

Congrats! Natapos mo ang story ko. Maraming salamat sa pagbabasa. Kung nagustuhan mo ito, baka naman! Pa-kape naman diyan, lods. Any amount will do to my GCash 09457883800 (Crisostomo B.) If you have any requests, don't forget to include a message when you send a "Pang-Kape." Thank you!



Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 452 8
| STONEHEARTS #10| Torie Maylalaine Gosingtian grew up with a silver spoon in her mouth. Being the youngest of the two daughters of a business magnat...
32K 904 23
"Dont ever tried to call her, beg her because if you did, She cause a lot."
997K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...